webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 34

Adohira's POV

September 6

Natapos ko ang kursong Bachelor of fine Arts major in painting. Nang mahawakan ko ang aking diploma ay nakaramdam ako ng kakulangan. Sabay dapat kaming makakapagtapos pero kinuha na siya sa akin.

Wala na.... Patay na siya...

Sariwa pa sa aking isipan ang nangyari. Sa sobrang sakit hindi ako maka iyak. Sa paulit ulit na sakit namanhid ako, wala na akong maramdaman. Simula ng gabi na iyon nawalan na ako ng pakiramdam. Sanay na akong tingalain ka Mion, tulad ng sinabi ko dati pero hindi mo sinabi na mas marami pa sa mga butuin ang mailuluha ko. Ngayon ang araw ng aking kaarawan. Wala na akong pamilya, wala na si Mion at wala din dito ang mga kaibigan ko kaya mag isa akong ipagdidiwang ang aking kaarawan.

Palagi kong iniisip kung paano nga ba nakakagawa ng isang masterpiece ang mga pintor. Saan o paano sila nagsisimula? Sino o ano ang kanilang inspirasyon? Ilang araw, linggo, buwan at taon ang ginugugol nila para lang matapos nila ito. Ilang beses na pagdampi ng brush sa blangkong canvas para malikha nila ang nasa kanilang isipan. Lubos akong humahanga sa taong katulad nila dahil sa simpleng pagiging malikhain ay nabibigyan nila ng buhay ang mga bagay, maliit man ito o malaki.

Pinakawalan ko ang hininga na kanina ko pa pinipigilan. Ano nga bang ginagawa ko dito? Inilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng silid, napatingin ako sa batang babae na nakatingala sa isang painting. Kulay lila ang suot niyang bestida, pares sa kanyang doll shoes na may maliit na ribbon sa bawat gilid at nakatali sa magkabilang gilid Ang kanyang buhok. Tumaas ang sulok ng aking labi dahil kung makatingin ang batang babae sa painting ay parang naiintindihan niya ito.

Nandito ako ngayon sa art museum, sa araw ng aking pahinga na mula sa sakit ng nakaraan ay dito ako dinala ng aking isipan. Ito ang regalo ko sa aking sarili. Suot Ang komportableng damit at itim na converse. Maraming painting na nakasabit sa puting pader, may malaki at maliit. Sa liwanag ng mga ilaw ay makikita mo ang mga detalye sa painting. Naipanganak kaya silang marunong na at maging malikhain o nakamit nila ito sa pagtitiis at pasensya mula sa kanilang pag aaral? Dahil hindi ito madaling gawin, ang paghahalo halo ng mga pintura para maging tama ang kalalabasang kulay.

Inihakbang ko ang aking mga paa para makasimulang libutin ang kabuuan nito. Hindi ako nadismaya sa mga nakikita ko, kabaliktaran nito dahil mas lalo akong humahanga at mas lalong lumalaki ang respeto ko sa kanila. Ang iba sa mga painting ay tungkol sa mundo at ang iba ay may malalim na kahulugan pero sa mata ng iba ay mukha itong hindi inayos at magulo na gawa. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit mas gusto ko ang mga painting na mahirap intindihin kumpara sa mga painting na sa unang tingin pa lang ay alam ko na kung ano ang mensahe nito.

Napako ang paningin ko sa isang painting na hindi malaki at hindi maliit, sakto Lang, lumapit ako dito dahil parang may humihila sa akin na lapitan ko ito. Bawal hawakan ang mga painting kasi may likido ang ating kamay na pweding ikasira ng mga kulay. Hindi man ito komplikado tulad ng sa iba pero pakiramdam ko napaka espesyal nito. Nakaguhit dito ang mukha ng isang babae, may itim na buhok na nakaayos na parang alon sa dagat. Ang kulay ng balat ay tulad ng kalangitan kapag natatakpan ito ng mga puting ulap. Mga matang makikita mo sa kagubatan kapag ang araw ay papalubog. Ang ilong na katulad sa bundok at ang labi na hindi man kasing pula ng mansanas pero kasing ganda nito ang palaso ni kupido.

Isang tao lang ang kilala kong kayang gumuhit ng ganito. Bumalik sa aking alaala Ang nakaraang pilit kong kinakalimutan. Ang yakap niya kung saan pakiramdam ko ligtas ako at sa mga salitang binitawan niya na labis kong ikinasaya. Tuwing titingin ako sa kalangitan kapag gabi na puno ng mga nagkikislapang mga bituin ay naaalala ko ang kanyang mga mata na kasing dilim nito pero walang mga bituin. Wika niya ay ako lang ang nakakapagbigay ng kislap sa kanyang mga mata at liwanag sa kanyang daraanan.

Katulad siya ng mga taong hinahangaan ko, magaling siyang magpinta. Isang gabi tinuruan niya akong magpinta, hawak ang aking kamay ay hinayaan ko lang siya. Ang gabing iyon hindi lang ang pagpinta ang itinuro niya sa akin, may iba pa at iyon ang bagay na hindi ko pinagsisisihan ngunit patuloy akong nasasaktan. Habang nakatingin sa painting ay para lang akong nananalamin dahil nakikita ko ang aking sariling mukha. Hindi ko ito kamukha dahil siya at ako ay iisa.

Nang makita ko nang malapitan ang penmanship ng pintor ay pigilan ko ang aking sarili na huwag itong hawakan. Alam ko kung sino ang nagpinta nito. Alam ko ang nagmamay ari ng penmanship na ito dahil kaming dalawa lamang ang nakakaalam ng penmanship ng isa't isa. Dati kasi ay sa likod ng aming notebook ay doon kami nag eensayo kung paano ang aming penmanship sa aming mga gawa. Sabi ng aming prof na ang penmanship sa isang gawa ay nangangahulugang pag aari mo ito.

Hindi man tayo hanggang sa huli ay nangangako akong sa susunod nating buhay ay magkakaroon tayo ng masayang wakas. Sa ngayon, hindi ako mapapagod na tingalain ka. Tuluyan ng nagsara ang puso ko para sa iba. Alam kong ito ang iyong obra maestra. Hinaplos ko ang maliit na umbok sa aking tiyan, alam kong lalaki kang kahanga hanga tulad ng iyong ama. Hindi ka masisilayan ng iyong anak pero huwag mag alala dahil araw araw kitang ipapakilala sa kanya. Salamat sa iniwan mong regalo, Mion.

__________________________________

I love him, and that's the beginning and end of everything.