webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 33

Adohira's POV

Nagpaunahan sina Jade at Kharen na makarating sa taas, "Perfect ang lighting dito. Dali na picture tayo!" naka sabit sa leeg ni Kharen ang dala niyang camera.

"Nahihilo na ako! Ang galaw ng barko!" Kanina pa nakahawak si Alexa sa ulo niya habang paakyat kami.

"Malamang may alon. Saan ka nakakita ng dagat na parang tiles!?" Sabat ni Tala. Ang magaling pagdating sa pambabara at siya din ang naka ubos ng mga seafoods kanina.

"Picture niyo ako dito! Gusto ko candid ah!" Kakatapos lang naming kumain ay nagmadali na silang umakyat papunta dito.

"Gawin niyo 'yung parang sa titanic!" Sabi ni Kharen kila Tala at Alexa na agad naman nilang sinunod.

"Jack, I'm flying!" Wika ni Tala na nakatalikod kay Alexa bilang si Rose.

" Mion at Hira!" Magkatabi kaming naka upo ni Mion sa isang rattan chair, " Halika kayo dito! Picture din kayo para may remembrance!" Nasa pangatlong deck kami ng barko dahil maganda daw dito para kumuha ng litrato.

" Tara" aya ko sa kanya. Dapat na naming sulitin ito dahil bukas wala ng ganito.

Pumwesto kami sa railing ng deck habang nakaakbay sa akin si Mion at ginilid ko ang ulo ko papalapit sa kanya. Nang magbilang si Kharen ay ngumiti ako. Bumalik na din kami sa pagkakaupo dahil tatanawin pa namin ang paglubog ng araw.

"Kharen, ako na muna!" Naka ayos na si Alexa.

"Huwag Kharen! Ako dapat!" Nasa isang gilid si Tala kung saan naka derikta sa kanya ang sinag ng araw.

"Ako Kharen, magka height lang tayo!" Ang nasa gitna na si Jade na nakaipit sa loob ng pantalon ang kanyang damit.

"Hoy! Isa isa lang naman. Buti sana kung kaya ko kayong pagsabayin. Wala pa nga akong picture dito sa camera ko!" Wala kasing katapusan ang pagpapakuha nila ng litrato sa kanya. Hindi naman siya makatanggi kaya hindi niya maisingit ang sarili.

"Kukuhanan kita mamaya! Dali na, picturan mo na ako!" Hindi pa din umaalis sa pwesto niya si Tala kahit ginagamit na ang kamay pangharang sa init ng araw.

"Hintayin na lang natin 'yung sunset." Umupo si Jade at pinanuod ang alon sa dagat.

Gumalaw ang katabi ko at dumukot sa bulsa niya. Nilabas niya ang dalawang dice at pinaglalaruan tapos ay pinagulong niya sa maliit na mesa sa harap namin. Huminto sa parehong number six ang dalawang dice na pinagulong ni Mion. Ilang beses na niyang ginagawa iyan sa harap ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung para saan 'yan at kung bakit niya ito ginagawa. Pinulot niya ang dalawang dice sa mesa saka tinapon sa dagat.

"Para saan 'yon?" Sumandal siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Pahinga ko" napataas ang kilay ko.

"Paano mo naging pahinga ang pagpapagulong ng dice?" Kung alam na nakakatanggal ng pagod 'yon ay matagal ko na ding ginawa.

" "yung mga dice kasi ang magdedesisyon kung kailan ako pweding magpahinga."

" Huh?" Mas lalong hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.

"Ikaw" sinalubong niya ang titig ko, "gusto mo bang magpahinga kasama ko?"

"Anong bang sinasabi mo? Nagpapahinga na tayo ah. Bakit pagod ka? Saan ka napagod?" Ngiti lang ang isinagot niya.

Pagdating ng hapon ay nakatayo kami sa deck para subaybayan ang paglubog ng araw. Nakahanda na rin ang camera ni Kharen. Inipon ko ang aking buhok sa palad ko para hindi magulo dahil sa lakas ng hangin. Ilang minuto ang nakalipas at tanging tunog ng pagpindot ni Kharen sa camera niya ang gumagawa ng ingay. Walang nagsalita sa amin, pinapanuod lang ang pamamaalam ni haring araw.

Napaisip ako, bakit tinawag na sunrise kapag ang araw ay tumataas sa umaga tapos sunset naman ang paglubog ng araw? Ang araw sa kalawakan ay nasa iisang lugar lamang at hindi lumilipat ng pwesto kaya paano ito tataas at bababa na tinatawag nating sunrise at sunset? Kasi umiikot ang mundo natin, ito ang dahilan kung bakit naglalaho ang araw kasi sa bawat pag ikot ng mundo ay tinatalikuran nito ang araw dahilan upang mawala ang liwanag nito.

"Mahal na mahal kita, Hira." Bulong ni Mion kasabay ng tuluyang pagkawala ng liwanag ng araw. Nagkaroon pa kami ng kaunting kulitan bago kami bumalik sa cabin.

Kinagabihan ay nagising kami dahil sa pagsasalita ng kapitan. May speaker kasi dito sa cabin para kung may mensahe mang gustong ipaalam sa amin ang mga nasa labas ay masasabi kaagad nila. Ang sabi ng kapitan ay huwag daw kaming masyadong gagalaw at manatili lamang sa higaan. Mas lalong lumala ang pagsakit ng ulo ko at parang may kakaiba sa barko. Biglang tumakbo papunta sa CR si Alexa at rinig namin ang pagduwal niya. Napakapit ako ng mahigpit nang maramdaman kong tumagilid ang higaan namin. Sobrang lakas siguro ng alon kaya ganito ang galaw ng barko. Bumaba si Mion at tumabi sa akin.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Kharen na nasa tabi na ni Jade sa higaan.

"Guys, may lumalabas na tubig sa lababo—" napasigaw sila nang biglang nadulas si Alexa sa sahig.

"Katangahan, Alexa." Saad ni Jade.

Nagsalita ulit ang kapitan ng barko at inulit niya lang ang sinabi niya kanina. Walang bintana ang cabin namin kaya hindi namin alam kung anong nangyayari sa labas. Impit akong napasigaw nang malakas kaming bumangga sa pader dahil sa likot ng barko. Pagdilat ko ng mata ay ang pintuan na ang naging kisame namin.

"Lulubog ba ang barko?" Hindi ko na kayang itago ang namumuong takot sa dibdib ko.

"Huwag naman sana!" Halos yakapin na ni Jade ang haligi ng higaan habang nakayakap din sa kanya si Kharen.

"Ang dami ko pang hindi napapanuod na anime." Dahan dahang bumaba si Tala na kanina pa nasa taas na kama.

" Ayaw kong mamatay ng ganito. May tigyawat pa ako sa pisngi!" Sabi ni Alexa habang iniinda ang sakit ng pagkakadulas niya kanina.

Ang sakit ng likod dahil nauna itong tumama sa pader. Bigla kaming natahimik, walang kumilos at halos pigil hininga naming pinanuod ang pagdaloy ng tubig papasok sa cabin namin. Dumaloy ang tubig hanggang sa paanan namin at doon lang kami nagising. Nagsimula na silang umiyak.

"Lumabas tayo!" Umiiyak na bigkas ni Jade.

"Hindi natin kakayanin. Hindi natin abot ang pinto!" Sabi ni Mion.

"Anong gagawin natin?" Dumadami na ang naiipon na tubig sa cabin namin.

"Asan na 'yung kapitan ng barko? Dapat nilikas na nila tayo kanina pa!" Tanging hagulgol na lamang nila ang naririnig ko.

Sinubukang tumayo ni Mion at kumapit sa pweding pagkapitan sa pader para maabot ang pinto ngunit nadulas siya at nauna ang kanyang braso. Gumapang ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Mabilis na tumaas ang tubig kaya ang ibang gamit namin ay nakalutang na.

"May naisip akong paraan!" Napatingin kaming lahat kay Mion, "hintayin nating tumaas ang tubig saka tayo lumangoy pataas papunta sa pinto." Hinaplos ko ang nasaktang braso niya.

Nakatayo na kami dahil nasa bewang na namin ang tubig. Nagpupunas ng luha sina Kharen at Tala. Si Alexa naman ay nanginginig na sa lamig at si Jade ay nakahawak kay Kharen. Simula kanina ay wala na kaming natanggap na balita mula sa kapitan. May narinig kaming tunog na nanggagaling sa labas kaya nagkaroon kami ng pag asa.

Nang sakto na ang tubig upang maabot namin ang pinto ay nagkumpulan kami sa likod ni Mion dahil siya ang magbubukas. Pagbukas niya ay isang malakas na pwersa ng tubig ang pumasok sa cabin dahilan para maghiwa-hiwalay kami. Napailalim ako at nakainom pa ako ng tubig dagat habang lumalangoy ako paitaas.

"Hira!" Napasukan ng tubig ang tenga ko dahil parang nasa ilalim ako ng balon nang marinig ko ang pagtawag nila sa aking pangalan.

Hindi ito ang tamang oras para mapanghinaan ng loob kaya kahit na nanginginig ay pinilit kong lumangoy papalapit sa kanila. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Mion habang naglalakad kami sa dating pader na ngayon ay ito na lang ang tanging daanan para makalabas. Mabuti na lang at hanggang tuhod pa lang ang tubig dito at sa cabin namin ay napuno na. Hindi ako marunong lumangoy, kung nasa kamatayan ka na talaga ay may nagagawa kang hindi mo inaasahan na kaya mo pala.

"May tao pa dito!" Nasilaw kami sa liwanag ng flashlight niya, "anim na tao!" Kung sino ka man ay sana matulungan mo kami. Hindi pa rin niya inaalis ang pagtutok ng flashlight sa amin hanggang sa may dumating pang kasama niya.

"Bilisan niyo!" Halos hilain na nila kami palabas ng barko. Sa labas ay may nakaabang na mga lalaking nakasuot ng life jacket at may mga malalaking floaters na kulay orange.

"Wala na bang natira?" Tanong ng isang lalaki sa kasama niya.

"Wala na, sila lang nakita kong lumabas." Pinasuot niya kami ng life jacket. "May kasama pa ba kayong naiwan?" Tanong niya.

"Wala na po..." Tumikhim ako at napalunok ng laway. Sinakay nila kami sa kanilang bangka.

"Balong, bilisan mo na, sakay na!" Naiwan si Mion sa barko.

Tumingin siya sa akin, "May nakalimutan ako." Sabi niya at tumakbo papasok sa barko.

"Mion!" May tumulong basa sa pisngi ko.

"Hay, lintik na bata!" Akmang susundan siya ng lalaking nagligtas sa amin nang biglang mas lumubog ang kalahati ng barko. Bababa sana ako pero hinawakan ako ng isang rescuer, nabasa ko na nakasulat sa suot nila. Unti unting lumiliit ang bahagi ng barko na nakalutang.

Lumipas ang ilang minuto nang umahon ang katawan ni Mion at kumapit siya sa bahagi ng barko. Inabot niya sa akin ang canvas pero ang kamay niya ang hinawakan ko. Tanging ang gilid na lamang ng barko ang nakalutang.

"Mion... Halika na..." Inalis niya ang kamay ko sa nakahawak sa kanya at pinalit ang canvas.

"Ikaw lang ang babaeng nakitaan ko ng ngiti sa asul na mundo. Mahal na mahal kita, Hira." Inaabot ko siya ngunit mas lalo lamang siyang lumalayo.

"Mion..."

"Tumuloy ka sa Art display at ipakita mo sa mga tao ang gawa natin." Nakalubog na ang paa niya at anumang oras ay bibigay na ang barko.

"Mion... Umakyat ka na dito sa barko!"

"Sabi ng dice kanina ay ngayon na ang oras ng pahinga ko. Hindi ito isang paalam ngunit hindi na tayo magkikita pa." Nanigas sa ere ang kamay kong pilit siyang inaabot. Tumalon siya sa malalakas na hampas ng alon.

"Mion!" Bumaling ako sa mga rescuer, " Tulungan niyo po siya!" Halos sigawan ko na sila dahil hindi sila gumagawa ng paraan para maligtas si Mion.

"Lumalakas ang current ng tubig kaya hindi kami pweding bumaba." Sagot ng isang lalaki.

"Mamatay siya!" Pinunasa ko ang aking luha.

"Mamatay muna kami bago namin siya maililigtas." Mahinahon niyang bigkas.

"Sundan niyo po siya!" Kumuha ng flashlight ang isang lalaki at kinausap niya ang kasama niya.

"Divers na ang bahala sa kaibigan niyo." May dalawang lalaki na may oxygen tank sa kanilang likod ang tumalon sa dagat.

Rinig ko ulit ang pag iyak nila at kita ko ang takot sa kanilang mga mata. Hindi ko alam kung anong hitsura ko sa gabing ito. Halos mangawit na ako sa pagkakatayo pero hindi pa din sila nakakabalik. Lumitaw ang isang divers at sumakay sa bangka.

"Hindi namin mahanap 'yung lalaki." Ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking basang pisngi. "Papahinga lang ako tapos balik din ako. Masyadong malakas ang hatak ng tubig sa baba kaya hindi na namin kayang sumisid pa sa mas malalim." Binalik ko ang tingin sa dagat.

Sunod na umahon ay kasama niyang diver na may hinihilang bagay habang mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib. Nang lumutang ang hinihila niya ay tuluyan na akong nanghina. Nakatakip ang aking sa palad sa bibig ko habang inaakyat nila ang katawan ni Mion sa bangka.

"Mion..." Lumuhod ako nang makalapit ako sa katawan niya. Halos wala ng kulay ang kanyang labi.

"Hindi na siya humihinga at wala na rin siyang pulso." Sabi ng lalaking tumingin sa kanya.

Yakap ko ang canvas habang nakatulala sa mukha ni Mion. Anong ibig sabihin nila sa wala na siyang pulso? Hindi siya pweding mamatay. Hindi niya ako pweding iwan. Pinatungan nila ng tuwalya ang katawan ni Mion at pinaandar ang bangka. Hinawakan ko ang kamay niya at pinakawalan ang sakit sa aking puso. Tumingala ako at pumikit para pigilan ang pagtulo ng aking luha ngunit mas lalo lamang akong nawasak ang natitira kong lakas nang yakapin ako ng Alexa.

"Patay na 'yung lalaki, Sir!" Namanhid ang katawan ko nang marinig ko ang binalita ng lalaki. Natigil ako sa pag iyak ngunit patuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha. Nawalan ako ng pakiramdam.

"Hira!"

"Hira!" Nablanko ang aking isipan.

"Ano pong nangyayari sa kanya? Bakit hindi po siya gumagalaw?" Ramdam ko ang pagtapik nila sa pisngi ko at kanilang walang katapusang sigawan.

" Hira!"

__________________________________

Goodbyes are not forever, are not the end; it simply means I'll miss you until we meet again.