webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 32

Adohira's POV

"Alin ang mas maganda?" Sinenyasan ko siya na ang akin ang piliin niya.

"Ito" tinuro niya ang kay Mion.

"Salamat, may kwenta din pala ang paggising ko sayo." Sabi ni Mion at tinapik pa sa balikat si Lefu.

" Ang gago ng trip niyo, nanggigising ng madaling araw. " Saad niya bago sinampal ang pinto sa mukha namin.

Ngayon naman ay papunta kami sa kwarto ni Oizys, pangalan niya kasi ang nakalagay sa pinto.

Nabitin sa ere ang kamay ni Mion dahil biglang bumukas ang pinto. Kita kong nagulat si Oizys pero umakto siyang hindi at inayos ang suot na salamin sa mata. Madilim ang kwarto niya pero may nakikita akong maliit na liwanag.

"Bakit?" Tanong niya sa amin.

"Lalabas ka?" Balik na tanong ko.

" Pupunta lang ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Bakit kayo nandito?" Lumabas siya kaya umatras ako para mabigyan siya ng espasyo.

"Alin ang mas maganda?"

"Parehong magandang pero mas umaangat ito." Napanguso ako nang piliin niya din ang kay Mion. Agad din siyang umalis kaya pumunta na kami sa kwarto ni Shivani.

"Tulog!" Sigaw niya nang matapos kumatok si Mion.

"Kapag hindi mo 'to buksan papasok kami!" Wala pang isang segundo ay bumukas ang pinto at lumabas siya saka sinara ang pinto sa likod niya.

"Akala ko ba tulog ka?" Asar ko sa kanya, " at bakit basa ka?" Nakapantalon siya at puting damit kaya bakas ang basa dito.

"Naglalaba ako." Pansin ko din ang paghingal niya.

" Naglalaba ka sa kwarto mo?" May washing machine naman sa baba.

"Pumili ka." Hindi na niya pinasagot si Shivani.

"Wala akong alam sa ganyan ganyan!" Nagsalubong pa ang kilay niya sa pagreklamo.

" Pumili ka lang! " Naiinip na wika ni Mion.

" Ito! Putangina!" Tumingin sa akin si Mion kaya dinilaan ko siya.

"Pwedi na ba akong pumasok?" Tanong niya habang binubuksan ang pinto.

"Papasok ka na nga, tatanong mo pa." Nang mawala si Shivani ay tiningnan ko ang painting ko para maghanap ng dahilan kung bakit hindi nila ito pinipili.

"Pasalamat ka at bumalik sa dating ayos ang utak niya." Sabi sa akin ni Mion saka naglakad paalis.

"Anong sabi mo?" Tanong ko nang makahabol ako sa kanya pero hindi na siya nagsalita.

Tinuonan ko na lang ng pansin ang painting ko. Muntik pa akong matapilok sa hagdan dahil nahaharangan nito ang paningin ko sa dindaanan ko. Pagkababa ko ay may itatanong sana ako kay Mion pero wala siya sa tabi ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid pero nasa taas pa din siya ng hagdan.

"Bakit ka pa andyan sa taas? Bumaba ka na nga, hindi ako sanay na tingalain ka, nakakangawit." Gamit ang kamay ay sumenyas ako ng pababa.

"Masanay ka." Saad niya saka humakbang pababa.

"Hindi dahil matangkad ka ay papahirapan mo na ako." Nang makalapit siya sa akin ay kinurot ko ang tagiliran niya.

"Impake na tayo?" Wika ko pagkapasok natin sa kwarto niya.

"Hindi ka ba galit?" Tanong niya sa akin at naupo sa kama.

"Galit saan?" Nilagay ko sa gilid ang painting ko at kinuha ang kanya para ilagay sa easel. "Kung tungkol sa painting ang tinutukoy mo ay hindi ako galit. Matagal ko ng tanggap na isang mahusay ang mahal ko. Hindi man ang gawa ko ang ilalagay sa art display ay hindi iyon malaking kakulangan sa akin. Sapat na sa akin na ang iyo ang ipapakita sa maraming tao." Tinabihan ko siya sa kama at sumandal sa dibdib niya.

"Magpinta tayo ulit." Sabi niya.

"Kulang na tayo sa oras, Mion."

" May extra pa akong canvas. Dalawa tayong magpipinta doon." Inilayo niya ako sa kanyang dibdib at kumuha ng canvas. Inayos niya ang easel, pinataas niya ito saka nilagay ang canvas.

"Anong ipipinta natin diyan?" Lumapit ako sa kanya.

" 'Yung ginawa natin parang paghahaloin natin 'yung style mo at style ko." Nag aalangan ako pero tiwala lang.

Naglagay siya ng panibagong pintura sa palette saka binigay sa akin. Pumulot siya ng dalawang brush at ang isa ay binigay sa akin. Ang lagay namin ay hawak ko sa kaliwang kamay ang palette at sa kanan ang brush ko. Si Mion ay nasa likuran ko na halos yumakap na sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa palette at pinaghalo ang dalawang kulay saka pinahid sa canvas. Siya ang nagsimula dahil hindi ko alam kung paano ba ito.

Habang nagpipinta kami ay nagiging malikot ang mapaglaro niyang kamay. Hinahapos niya ang tiyan ko at hindi nagtatagal ay pababa na ang galaw ng kamay niya papunta sa hita ko saka niya bibigyang pisil ang aking hita na parang nanggigigil. Sinimulan niyang halikan ang aking leeg at tainga na parang pagpahid namin ng brush sa canvas.

"Mion, marami pa tayong gagawin." Kailangan kong pigilan ang balak niya hangga't kaya ko pa dahil malapit ko ng hilingin na sana kasing tibay ng paa ng easel ang aking mga tuhod

"Sorry..." Bulong niya sa tainga ko at ginawaran ako ng halik sa pisngi ko.

Ilang oras na lang ang natitira para lumitaw ang araw. Ang sabi ni Mion ay huwag magmadali para maayos namin ito. Nang matapos nga namin ang painting ay wala sa isip ko ang magpahinga dahil pinakuha ko kay Mion ang maleta niya para makapag impake na. Matapos kong ilagay ang mga damit ko ay kinuhaan ko siya ng kanya dahil nakahilata na siya sa kama. Matapos kong mag impake ay tinabi ko ang maleta at kinumutan siya bago Tumungo sa banyo para makaligo dahil sa panglalagkit ko sa pawis.

Ilang oras na lang ang hihintayin namin bago mag six o'clock. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng damit ko na isusuot ko para mamaya sa byahe at nagsuklay ng buhok. Niligpit ko ang mga nagamit namin, tinakpan ang dapat takpan at pinunasan ang mga nagkalat na kulay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sinipag.

Sunod ay lumabas ako at tinungo ang kusina para magluto ng agahan namin mamaya. Habang papalapit ako sa kusina ay may naamoy akong pagkain na niluluto. Bumungad sa akin ang hubad na likod ni Shivani habang may kung ano siyang niluluto. Sumisipol pa siya, mukhang maganda ang gising niya.

"Good morning!" Bati ko sa kanya.

"Oh! Hira, good morning din sayo. Ang aga mo namang nagising?"

"Hindi ako nakatulog." Sakto naman na humikab ako.

"Kayo ah!" Tinawanan ko lang siya. "Bakit ka pala nandito? Kakain ka?" Tanong niya.

"Magluluto ako ng almusal namin ni Mion." Sagot ko.

" Sakto nagluluto ako ng sunny side up. Gusto mo 'to kasi gusto ni Mion ng ganito." Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng apat na itlog. Pinupok niya ito gamit ang sandok at hinulog ang laman sa kawali.

"Gusto ko din niyan." Umupo ako.

"Anong oras kayo kakain?"

"Mamaya kapag gising na si Mion. Bakit?"

" Hindi ako makakasabay sa inyo sa pagkain."

" Ayos lang."

Pagkatapos niyang magluto ay nilapag niya sa mesa ang pinggan na puno ng itlog at kumuha siya ng isang malinis na pinggan. Nagsandok din siya ng kanin sa rice cooker saka kumuha ng tatlong itlog at umakyat sa kwarto niya. Naiwan akong nakatingin sa pritong itlog habang pinag iisipan kung gigisingin ko na ba si Mion o hihintayin ko na lamang na siya ay magising. Pero kapag hindi ko siya ginising ay baka hindi kami umabot sa oras.

Hindi pa ako tapos makipagtalo sa sariling isip ay iniluwa na siya ng pintuan. Tumingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Umupo siya sa tabi ko at sinuklay ang kanyang magulong buhok gamit ang aking daliri. Niyakap niya ako sa bewang at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Nagising akong wala ka sa tabi ko." Antok pa ang boses niya. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Kumain na tayo, malapit na mag ala sais." Humiwalay siya sa akin at sumandal. Kumuha ako ng pinggan namin at nagsandok ng kanin. Kumuha ako sa itlog na niluto ni Shivani at nilagyan ko rin ang pinggan niya.

"Gusto ko pang matulog." Reklamo niya.

"Kumain ka na, Mion." Sabi ko bago sumubo ng pagkain.

Nagsimula na rin siyang kumain pero andun pa rin sa mukha niya ang antok. Hinugas ko ang pinagkainan namin pagkatapos naming kumain habang siya ay bumalik sa kwarto upang maligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya ng kwarto na dala ang canvas at hila hila ang maleta. Tinawag niya si Shivani para ihatid kami sa school.

"Ganda ng ngiti mo p're, ah?" Wika ni Mion kay Shivani na papalapit sa amin na may matamis na ngiti sa labi.

"Syempre" iniikot pa niya ang susi sa kanyang daliri.

Tahimik ang biyahe maliban kay Shivani na may pakanta kanta at hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura ang ngiti niya. Pagkarating namin sa school ay naabutan ko si Alexa na nakaupo at nakababa ang ulo sa kanyang tuhod.

"Salamat, Shivani!" Sabi ko saka kumaway, "Alexa!" Tumabi ako sa kanya. Nag angat siya ng mukha pero nakapikit pa ang mga mata.

" Hindi ako nakatulog..." Tamad na bigkas niya at pinatong ulit sa tuhod ang mukha niya.

" Asan ang iba?" Nagkibit balikat lang siya. Kulang din ako sa tulog pero bakit may lakas pa din ako. Nilingon ko si Mion na nakatayo sa likuran namin. Nakasandal siya sa gate at pumipikit pikit ang mga mata.

Ilang sandali ay dumating si Kharen, sunod ay si Tala at huli si Jade. Halata sa mukha nila kung gaabo sila kagalak sa mangyayari. Masyado atang malaki ang maleta nila para sa dalawang araw at isang gabi. Sigurado akong may dala silang mga pinamili nila na wala sa akin. Hindi naman nagtagal ay dumating ang van na pagsasakyan namin at nasa passenger seat na si prof.

"Good morning, artè's" bati sa amin ni prof. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang salitang artè's. Binati rin namin siya at nilagay sa likod ang mga maleta namin bago kami sumakay.

"Wait, parang may nakalimutan ako." Biglang nagsalita si Jade nang makalayo na kami sa school.

"Halla! Ako rin. Teka." Umakto pang nag iisip si Alexa, "ay wala. Dala ko lahat."

"Sa laki ng eye bags mo Alexa may makakalimutan ka?" Saad ni Tala na ikinatuwa naman namin.

Pagkarating namin sa daungan ng barko ay sinalubong kami ng kanilang kapitan. Hinatid kami sa aming cabin na walang bintana at may apat na double deck na higaan kaya medyo masikip pero nakakakilos naman kami ng maayos. Iniwan kami ng kapitan ng barko matapos niyang ipaliwanag ang mga bawal gawin habang nasa byahe kami. Nag ayos na kami ng mga gamit at pumili kung saan namin gustong mahiga. Pinili ko ang nasa ibaba at si Mion ang nasa taas ko. Si Kharen ang nasa at si Jade ang nasa itaas niya. Si Alexa ang nasa baba tapos si Tala ang nasa taas.

Nakahiga ako habang ang iba ay nakatulog nang tawagin kami para kumain ng tanghalian.

"Mamaya picture tayo." Sabi ni Jade habang pababa kami. Inaatake na ako ng antok, nalalanta na ako at bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko pero gutom ako kaya kain muna bago tulog.

"Hulaan niyo kung anong ihahanda nilang pagkain." Wika ni Kharen.

"Seafood malamang!" Sagot ni Tala.

"Ang sakit ng katawan ko, hindi ko alam kung bakit. Ang sakit pa ang ulo ko at feeling ko malapit na akong magkaroon ng seasickness." Hindi lang ikaw Alexa.

__________________________________

Goodbye is the hardest thing to say to someone who means the world to you, especially when goodbye isn't what you want.