webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 31

Adohira's POV

"Like what I expected, kakaiba talaga ang mga art students ng university na ito. They put their soul into their crafts to make it alive. Kaninong painting 'yung number 1 and 6? May potential, somewhat futuristic. Kung kanino man iyon pwedi nilang mabago ang ikot ng mundo ng sining. Nakuha talaga ng painting na 'yon ang atensyon ko." Bigkas ng lalaking pinakamatanda at tumango tango lang ang dalawa sa kanya.

Nandito kami sa loob ng opisina ng prof namin. Naka upo kaming anim sa pahabang sofa at kaharap namin ang tatlong guests at nasa pang isahan na upuan naman si prof. Dahil hindi kami mag kasya sa upuan ay naupo na lang ang dalawa sa sandalan ng sofa, sina Alexa at Kharen. Hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso ko. Mas lalo lang atang bumilis nang banggitin nila ang number ng painting ko na number 1 at kay Mion na number 6.

"Kanino 'yung number 1 at 6?" Tanong ni prof habang nakatingin sa amin.

"Sa akin po 'yung number 1 at kay Mion 'yung number 6, sir." Dinilaan ko ang aking labi matapos magsalita. Ang katabi ko naman ay tamad na tamad sa buhay. Nakasandal lang siya na parang nasa bahay lang.

"May gaganaping art display sa Talenthera, isang isla na pagmamay ari ko. Isa rin iyong dahilan para pumunta ako dito, para hikatayin ang mga piling estudyante na ipakilala ang kanilang likha." Paliwanag ng lalaking pinakamatanda sa kanila.

"May napili na po ba kayo?" Tanong ng katabi kong si Jade.

"Sa totoo lang magagaling kayong lahat pero dalawa lang ang kukunin namin." Nagpapalit palit ang tingin nila sa amin ni Mion.

" Pwedi po kaming sumama? " malaking ngiti na bigkas ni Alexa.

"Of course!" Humalaklak ang makintab ang bunbunan.

" Libre po?" Ngayon ay tatlo na silang humalaklak.

"Sige sige, libre na kayong lahat." Mukhang malakas ang charm ngayon ni Alexa.

"Ano pong sasakyan namin?" Tanong ni Tala na kanina pa tahimik.

"May susundo sa inyong van papunta sa daungan ng barko—"

"Sa barko po kami sasakay? " singit ni Jade.

" Oo hija, Yamata no Orochi ang pangalan ng barko, pag aari ko din iyon. Bago ko makalimutan ang theme ng painting na isasali namin sa display ay ocean at gaganapin iyon bandang gabi ng sabado—Oh! Bukas na pala." Nanlaki ang mata ko.

Matapos ang usapan na may halong tawanan ay hinatid sila ni prof pabalas. Naiwan kaming anim na hindi gumagalaw sa pwesto namin dahil sa gulo ng isip ko at hindi ko alam ang emosyon nila. Tumingin ako kay Mion at wala man lang bakas ng kaba o takot ang hitsura niya.

"Narinig niyo 'yon? Bukas na daw." Sabi ni prof pagkabalik niya, " may klase pa pala ako." Kumukuha siya ng mga libro at inayos ang gamit sa mesa niya.

" Wait lang po, kung bukas na iyon ibig sabihin dapat ngayong araw ay dapat tapos na ang painting namin?" Kulang kami sa oras. Paano kami makakatapos ng magandang painting sa mabilisang paraan?

"Wala naman na kayong gagawin kaya idi-dismiss ko na kayo. Alam ko namang kaya niyo, kayo pa? Tandaan niyo Hira at Mion, pangalan ng university natin ang nakataya." Binuksan niya ang pinto at tuluyan na siyang nawala sa paningin namin.

"Kinakabahan ako kahit sasama lang ako." Pinapaypay pa ni Alexa ang kanyang palad sa sarili habang naglalakad papalapit kay Kharen. Naiinitan siya sa lagay ng opisina ni prof na parang nasa Alaska sa lamig.

" Kapal mo Alexa, nakalibre!" Saad ni Tala.

" Pasalamat nga kayo at makakasama tayo ng walang bayad." Buti pa kayo sasama lang, walang iisipin. Halos lamunin na ako ng sariling nyerbos.

Naramdaman ko ang init ng palad ni Mion sa aking likod, "nanginginig ka." Bulong niya habang paikot ang kanyang paghagod kasabay ng pagkalma ko sa aking sarili.

"Diba sabi ni prof ay pwedi na tayong umuwi?" Tanong ni Alexa.

" May sinabi siya?—Aray naman Kharen!"

" Alexa, lutang!"

Paglabas namin sa opisina ay dumeritso kami sa room para kunin ang mga bag namin. Pagpasok ko ay tiningnan ko ang locker namin na walang laman at inalis na din nila ang mga pinagdidikit nila dito. Sa susunod na magmamay ari ng aming locker ay sana magtagumpay kayo sa buhay. Mahirap lakbayin ang daan ng buhay dahil kahit ang canvas ay bako bako.

Sabay sabay kaming bumaba pero ako ay tumungo sa art room at sila ay lumabas na para makapaghanda saka makabili ng mga kakailanganin nila sa byahe. Hindi ko inakala na nakasunod lang pala sa akin si Mion.

"May ideya ka na ba para sa painting natin?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang canvas sa easel ko.

"Maraming ideya ang tumatakbo sa utak kaya minsan ay hindi ako makatulog, kabilang na doon ang mga ipipinta ko sa hinaharap." Tumabi siya sa akin at nilapag ang bag niya sa tabi ng aking bag sa mesa.

" Paano kung ganito, magpipinta ako ng akin at ganoon din sayo tapos pipili sila kung ano ang mas maganda, ano? " suhestiyon ko.

" Pwedi rin naman...sumasang ayon naman ako sa lahat ng sinasabi mo." Pinalo ko siya ng brush na basta ko na lang kinuha." Aray! Bakit kailan ba ako sumalungat sayo?" Sa sunod na palo ko sa kanya ay umilag siya.

" wala ka bang balak na kontrahin ako?" Naglalagay na ako ng pintura sa palette.

"Baka isang araw, may masasabi at magagawa akong hindi naayon sa kagustuhan ko. Kapag ang araw na iyon ay dumating, pipigilan mo ba ako? " napatigil ako sa pagpisil sa maliit na lalagyan ng pintura.

"Ano bang pinagsasabi mo, Mion?" Nakakatusok ang tingin ko sa kanya.

" Hypothetical question" tumayo siya at sa kanyang pagbalik ay may dala na siyang canvas.

"Simulan na natin?" Nag inat pa siya ng kamay. "Baka gabihin na tayo, doon ka ulit sa bahay matulog." Wika niya habang pumipili ng kulay.

" Mion bukas na ito." Tumingin siya sa akin.

"Alam ko." Napa irap ako sa sagot niya. " Magdala ka na lang ng damit mo na susuotin mo kinabukasan para sabay na tayong pumunta dito." Ipinahid na niya ang brush na may kulay sa canvas.

Napag usapan din kasi kanina na ala sais ng umaga ay dapat nandito na kami sa school para mas madali ang pagsundo sa amin ng van.

"Isang maleta na lang dalhin natin. Hindi naman marami ang dala ko." Sabi niya.

" Sige"

Inasahan na namin na gagabihin na kami pero ang katokin kami ng gwardiya ay hindi namin naisip. Nakalimutan namin ang mabilis na pagtakbo ng oras dahil sa pagiging totuk sa ginagawa. Binitbit ko ang aking canvas dahil naisip namin na pagkatapos nito ay saka lang namin ipapakita sa isa't isa. Pumunta ako sa apartment para lumuha ng damit ko at naiwan sa labas si Mion dahil bawal siyang pumasok dito. Sa paglabas ko ng gate ay may bumusinang kotse na agad namang nilapitan ni Mion kaya sumunod na lang ako.

"Putangina niyo! Ginawa niyo pa akong driver niyo!" Salubong sa akin nang makapasok ako sa kotse.

"Pasensya na, Shivani." Pansin kong naapektuhan siya sa tono ng boses ko.

"Huwag mong pansinin 'yan." Saad ni Mion.

"Hira naman, para nagbibiro lang eh. Ayos lang basta ikaw." Dahil sa salamin ay nakita ko ang pagkindat niya sa akin. Nagkatinginan sila ni Mion pero itinaas lang ni Shivani ang kanyang gitnang daliri.

Nang makarating kami sa bahay nila ay wala akong sinayang na oras para tapusin ang painting ko. Buti na lang may easel si Mion dito sa kwarto niya kaya makakapagpinta ako ng komportable. Nasa canvas ang mata ko pero sakop ng aking paningin ang paghubad ni Mion para makapagbihis.

"Mion, hindi ka ba kinakabahan para bukas?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. Sinagot niya lamang ako ng ngisi. "Kanina pa ako kabado tapos ikaw pa easy easy lang." Pinulot niya ang marumi niyang damit at nilagay na basket at nahiga sa kama.

Huminga ako ng malalim dahil nakailang ulit na ako ng paghahalo ng mga kulay ay hindi ko makuha nang tama. Nasa isip ko 'yung kulay pero hindi nakikisama ng kamay ko. Bago pa ako mabanas ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan ko pa si Shivani na kumukuha ng malamig na tubig sa refrigerator. Kumuha ako ng baso habang hinihintay siyang matapos ngunit umikot siya paharap sa akin habang umiinom.

"Tubig?" Alok niya sa akin kaya tumango ako at siya pa ang nagsalin ng tubig sa baso ko.

"Salamat..." Sabi ko bago uminom.

"Parang iba ang vibes mo ngayon ah. Mukha kang...stress" umupo ako.

" Hindi ko kasi magawa nang tama 'yong painting. Kailangan pa naman din iyon bukas."

" Sumuko ka na lang..." Alam kong biro ang salitang iyon para sa kanya pero sa akin ay iba.

"Bakit ako susuko kung may ibang tao na gustong mapunta sa sitwasyon ko? Mga taong hiniling na makahawak sila ng brush at palette. Mga taong hiniling na makalikha sila ng isang sining mula sa sariling pagsisikap at pawis." Naghila siya ng upuan sa harapan ko at naupo dito.

" Kung ganyan lang magsalita si Mion, aasenso 'yung bugok na iyon." Nagbaba ako ng tingin, "alam mo kahit kagago gago ang pagmumukha ni Mion ay gago talaga siya." Aniya saka tumawa. Nakakadala ang pagtawa niya kaya kahit ayaw ko ay natawa ako.

"Balik na ako." Hinugasan ko ang basong ginamit ko at bumalik sa kwarto ni Mion.

Nakapikit na ang mga mata niya at nakapatong ang isang kamay sa tiyan niya. Kahit anong sabihin ng ibang tao tungkol sayo ay alam ko balang araw titingalain ka nila. Susuportahan kita sa lahat ng bagay, Mion. Ang pagmamahal ko sayo ay laging nakaabang sa bawat paghakbang mo sa baitang ng buhay. Hinarap ko ang painting ko at bumuga ng hangin. Naglagay ako ng panibagong pintura sa palette at kinalma ang sarili. Magagawa ko ito at matatapos ngayong gabi at sana ay matulungan ako ng katahimikan.

Malaking ngiti ang naka guhit sa aking mukha habang binabagsak ang katawan sa kama sa tabi ni Mion. Nasa gilid ang painting niya at patalikod ang ayos para maitago ang gawa niya. Hindi na ako makapag hintay na ipakita sa kanya ang natapos ko.

"Tapos ka na?" Bigkas niya habang nakapikit.

"Oo" dumapa ako sa kama at pinatong ang aking baba sa kamao ko, "pakita na ng sayo—sabay na lang pala tayong magpakita!" Bumangon siya at kinuha ang kanya. Tumayo na din ako at kinuha sa easel ang gawa ko.

"Sabay tayo o ikaw na mauna?" Tanong ko.

"Sabay"

"Sige, isa..." sinimulan kong magbilang.

"Dalawa..."

"Tatlo!" Inikot ko paharap sa kanya ang gawa ko at nang makita ko ang painting niya ay napasinghap ako dahil parang hinarap ko lang sa salamin ang painting ko. Magkatulad ang painting namin, magkaiba lang sa paraan ng paglagay ng mga kulay.

"Dahil parehas ang atin, pagandahan na lang." Nagagalak kong wika.

" Maganda 'yang gawa mo, Hira." Umiling ako.

"Pakita natin kay Shivani at sa kambal para patas ang laban." Sabi ko kasi kung kaming dalawa lang ang magdedesisyon ay walang patutunguhan.

Siya ang nasa harapan ko habang paakyat kami sa hagdan. Madaling araw na pero kailangan naming bulabugin ang pagtulog nila, sana lang hindi sila magalit. Una naming pinuntahan ay kwarto ni Lefu. Maraming katok ang ginawa ni Mion bago ito nagbukas ng pinto. Ulo lang niya ang inilabas pero nasilip ko ang katawan niya.

"Punyeta!" Kinukusot niya ang kanyang mata at tanging underwear lang ang suot niya, "anong kailangan niyo!?" Hindi ata magandang desisyon ito.

__________________________________

Only in the agony of parting do we look into depths of love.