webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 30

Adohira's POV

Napaaga ang pagpasok ko ngayong umaga ng huwebes. Kaharap ko ngayon ang locker ko para ilabas ang mga gamit ko dito at ilagay sa dala kong paper bag. Sabi kasi ng prof ay kunin na daw namin ang aming mga gamit dahil sa susunod na taon ay iba na ang magmamay ari ng room na ito. Wala pa ang anim kaya ang ingay ko lamang ang bumabasag sa katahimikan likha ng paglilinis ko sa loob ng locker.

Napatingin ako sa katabing locker, ang locker ni Mion. Iniisip ko kung kukunin ko din ba ang mga gamit niya at ihatid na lang sa kanya. Hindi kasi namin nilagyan ng kandado ang mga locker namin dahil wala namang mananakaw dito, maliban na lang kung pintor ang magnanakaw.

"Good morning" napukaw ang isip ko dahil sa malambot na bagay ang dumikit sa pisngi ko at ang mga brasong nagkulong sa akin. Ramdam ko din ang init ng katawan niya sa aking likuran.

"Good morning" nakangiting saad ko, "ang aga mo naman ata ngayon." Ito ata ang unang beses na pumasok siya ng maaga.

"Maagang nambulabog ang alaga ni Shivani." Pinatong niya ang kanyang baba sa ulo ko.

" Si Cheshire? 'yung grumpy cat?" Tanong ko saka humarap sa kanya.

Nagbaba siya ng tingin sa akin, "Hindi. Ibang pusa mas malaki." Kumunot ang noo ko na ikinatawa niya.

" May ibang pusa pa si Shivani?" Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Meron, mas nakakatakot." Nakita ko ang paglunok niya.

"Gusto mo din ba ng pusa?" Ngumisi siya habang nakatitig sa labi ko.

"Kailan ka ulit pupunta sa bahay?" Tanong niya.

Naglakbay ang mga palad niya papunta sa likod ko. Alam ko kung anong gusto niya. Tumingkayad ako at hinalakan siya sa labi na agad naman niyang tinugon. Mas lalo na akong nilapit sa kanya habang naglalaro ang aming dila. Hindi ito pweding gawin sa school pero ngayon lang ako lalabag sa batas. Pareho kaming hinihingal nang maghiwalay ang aming mga labi.

"Punta ka mamaya sa bahay." Tanging pagtango lang ang naisagot ko.

Bumalik sa isipan ko ang dapat kong gawin. Malapit na akong matapos linisin ang locker ko. "Kunin mo na ang mga gamit mo sa locker." Sabi ko sa kanya.

" Tinatamad ako." Naghila siya ng upuan saka umupo paharap sa akin.

Wala akong magagawa kaya pagkatapos ko sa locker ko ay sa kanya naman ang nilinis ko. Napaawang labi ko nang makita ko ang nakaguhit sa sketch pad. Kinuha ko ito at pinakita sa kanya.

"Ito ba 'yung ilalagay natin sa exhibit bukas?"

"Oo"

" Bakit mukha ko?"

" Bakit hindi?"

" Ang ganda. Ang galing mo talaga."

" May bayad 'yan."

" Pag usapan natin mamaya sa bahay." Kahit hindi niya sabihin ay may ideya na ako kung ano ang ibibigay kong pambayad.

"Hawakan mo muna para hindi madumihan." Kinuha niya ito at pinatong sa hita niya. Ang mga gamit niya ay isinama ko sa paper bag dahil kunti na lang naman ang mga ito. May mga bote ng acrylic paint na walang laman kaya itinapon ko.

"Adohira" bigkas niya sa pangalan ko.

"Ano?" Hindi ko na siya nilingon dahil abala ako sa paglilinis sa locker niya.

" Salamat"

" Salamat saan? "

"Hindi ko alam... Salamat kasi tinanggap mo ako." Napaharap ako sa kanya.

"Ang weird mo ngayon. Hindi ka naman nagpapasalamat sa akin... na naiintindihan ko. Ayos ka lang, Mion?"

" Oo naman. Nga pala, huwag mo munang lapitan at kausapin si Shivani kapag pumunta ka sa bahay."

" Bakit?"

" Basta"

" Bakit nga?" Gusto kong malaman ang rason.

" Kasi sinabi ko!" Napansin niya ang pagkabigla ko. Inabot niya ang kamay, " sorry, nasigawan kita. I'm sorry, Hira." Binawi ko ang kamay ko.

"Ayos lang." Itinuloy ko na ang paglilinis, " akin na 'yang drawing mo. " Tumayo siya at siya na mismo ang naglagay nito sa locker na kakatapos ko lang linisin. Pagsara niya ng locker ay niyakap niya ako na siyang kinabigla ko.

"Mion, ayos lang..." Hinagod ko ang likod niya.

" Mahal na mahal kita, Hira." Kahit na puno ako ng pagtataka dahil iba ang kinkilos niya ay pinili ko na lang damhin ang init ng yakap niya.

"Ganoon din ako, Mion."

Bumukas ang pinto at iniluwa ang bruhang si Kharen, "Love is an open door!" Sigaw niya.

"Open door lang, walang love." Sunod sa kanya ay si Alexa.

Napatingin sa amin si Kharen at bumungisngis, " Pero kina Mion at Hira love lang, walang open door." Naglakad sila paatras saka sinara ang pinto. Mga siraulo.

Bago kami pina uwi ay pinatapos muna sa amin ang pag aayos sa auditorium kaya nagabihan na kami. Ang huli naming ginawa bago kami pinayagang maka uwi ay nilagay ang mga drawing namin at painting. Nag commute kami papunta sa bahay nila. Nakakatulog siya sa byahe kaya ginigising ko na lang kapag malapit na kami. Siya na din ang nagpamasahe sa akin. Sa gilid ng bahay nila ay nakaparada ang kotse ni Shivani. Pagpasok ko sa pintuan ay sinalubong ako ni Cheshire. Kiniskis niya ang katawan niya paikot sa isa kong binti. Akala ko ba suplada ito pero bakit ang lambing lambing sa akin.

"Nauuhaw ako." Sabi ko kay Mion.

"Tara sa kusina." Binuhat ko si Cheshire at sumunod sa kanya.

"Meow..."

"Oo, friend na tayo." Narinig siguro ako ni Mion dahil tumawa siya.

Pagpasok namin sa kusina ay biglang tumalon si Cheshire mula sa braso ko papunta sa mesa. Si Mion ay tinungo ang refrigerator nila.

"Cheshire—" napahinto ako dahil may kasamang naka upo si Shivani.

"Hi, Hira!" Kumaway sa akin si Shivani kaya kumaway din ako.

Nabaling ang paningin ko sa katabi niya na sumusubo ng sabaw. Ang puti ng katabi niya na parang kulay ng canvas at sobrang itim na mahabang buhok na tulad sa kulay ng paint na paborito ko. Mas payat ang lalaki sa akin at ang liit niya kumpara kay Shivani kaya naman halos sakopin na siya ng suot niyang damit. Nag angat siya ng tingin sa akin saka tumingin kay Shivani. Ang pula ng mga labi nito, matangos na ilong at ang mga mata niya ay hindi biro sa pagkakulay itim.

"Si Hira, kaibigan ko. " Sabi ni Shivani sa lalaki. Nagulat ako nang bigla niyang hinagis ang kutsara sa mesa at patakbong umakyat.

"Putangina!" Hinampas niya ang mesa. Naalala ko ang sinabi ni Mion kanina na huwag ko daw kausapin si Shivani.

Umalis din si Shivani sa kusina. Hindi maalis ang tingin ko sa kutsarang nasa sahig. Napasigaw ako nang may malamig ang dumikit sa pisngi ko. Halakhak naman ni Mion ang narinig kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ininom ko ang binigay niyang tubig at nagpasalamat.

"Oras na para sa bayad." Wika niya pagpasok namin sa kwarto niya at nakita ko ang pagpihit niya sa lock ng pinto. Mahaba-habang gabi ito.

Dumating ang araw ng biyernes. Kailangan daw naming agahan para makapag handa kami pero nandito pa din ako sa apartment, nagbibihis. Nauna na si Vera sa akin dahil hindi naman kami parehas ng schedule. Tumingin ako sa orasan habang pinapatuyo ang buhok ko. Ilang minuto na lang at late na ako. Tinanggal ko sa saksakan ng blower at kinuha ang bag ko saka tumakbo pababa ng hagdan. Mabuti na lang at tapat lang ng apartment ang school kaya bawas sa paghihirap ko ngayong umaga.

Hindi lang ang oras ang hinahabol ko dahil pati ang paghinga. Nakarating ako sa auditorium na hindi pa sila nagsisimula pero papunta pa lang daw ang mga guests. Naka upo na sila at tanging sa gitna ni Alexa at Mion ang upuan na bakante. Pagkaupo ko ay saktong dumating ang prof namin. Ramdam ko ang braso ng katabi ko na pinatong niya sa sandalan ng upuan ko.

"Ang tagal mo." Bulong niya.

Siya ang may kasalanan kung bakit ako nahuli. Hinatid niya ako kagabi— ay hindi dahil madaling araw na 'yon at dahil tulog na ang mga tao sa ganoong oras ay binalak kong akyatin ang gate pero laking gulat ko nang bumukas ang gate at dumungaw ang ulo ni Vera.

Kinurot ko ang hita niya na ikinatuwa niya "Kailan mo pa naging kasabwat si Vera?" White long sleeve ang suot niya at denim pants.

"Binigay ko sa kanya ang cellphone number ni Shivani." Prente niyang bigkas.

" Wow! Nag uusap pala kayo nang hindi ko nalalaman."

" Selos ka?"

" Sira! Kaibigan ko si Vera kaya bakit ako magseselos?"

" Good morning artè's." Dumating ang prof namin, "dumating na ang mga artist na inimbitahan ko. Ngayon, tumayo kayo sa tapat ng mga drawing niyo at magsabi kayo ng brief explanation about sa crafts niyo. Dapat maganda at kaakit akit, naintindihan? " may dala pa siyang pamaypay.

" Yes, sir! " Tugon namin.

Kumilos na kami at tumayo sa pwesto namin. Nang dumating ang mga guests ay agad silang kinausap ni prof at habang papalapit sila ay bumibilis din ang tibok ng puso ko. Bawat hakbang nila ay nag iisip ako ng ideya kung paano ko nga ipapaliwanag ang gawa namin. Hindi ako tumulong sa pag gawa kaya kahit dito ay makabawi ako. Tatlo sila at purong mga lalaki na hindi masyadong katandaan.

"Good morning po!" Bati ko sa kanila. Ang gawa namin kasi ni Mion ang nasa bungad.

" You two drew this magnificent drawing?" Tanong ng nasa gitna. Mukhang siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlo.

" Yes, sir! " Sabay na sagot namin ni Mion. "We call it, a face of tomorrow." Sumulyap ako sa kanya. Paano niya naisip 'yon?

" A face of tomorrow. Bakit naman iyon ang maitatawag dito?" Tanong ng lalaking kumikintab ang bunbunan.

"Dahil ang inspirasyon sa likod ng larawan na ito ay ang aking pag asa para harapin ang bagong umaga." Yumuko ako para itago ang tumatakas na ngiti ko.

" Mukhang in love ang student niyo sir, ah?" Nagtawanan sila,

" pero impressive! ". Sunod naman ay sa kanila Jade at Kharen.

" Good morning mga sir! " Pagbati nila.

"Ano naman ang inyo?" Tanong sa kanila ng lalaking kumikintab ang bunbunan.

" Ang tawag po dito ay ang karagatan ng luha." Sagot ni Kharen.

Sunod na nagsalita ay si Jade,

" ang karagatan ng luha dahil may nabasa kami na kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng matinding kalungkutan, ang una niyang gagawin ay umiyak, umiyak nang umiyak hanggang sa wala na siyang maluha kaya naisipan namin ng partner ko na kung iiponin namin ang mga malulungkot na luha ay makakabuo kami ng malawak na katubigan." Hindi ko inaasahan na ganyan ang paliwanag nila.

"Magaling" tumatango tango pa ang ikatlong lalaki. Tumungo sila sa panghuli, sina Tala at Alexa.

"Kakaiba ang inyo. Ano 'to?"

"Nakuha po namin ito sa isa sa mga zodiac sign. Ang tawag po dito ay Gemini dahil ang isa tao ay mayroon lamang isang mukha ngunit nakapaloob sa taong ito ang napakaraming ugali. Minsan nalilito tayo kung ano ba talaga totoong ugali ng isang tao dahil nga pabago bago ang ugali ng tao sa bawat nakakausap nito."

" Malawak ang iyong kaisipan." Sabi ng lalaking nagtanong sa kanila kay Tala. Nasa gilid niya lang si Alexa na hindi maitago ang kaba dahil todo punas siya sa kamay niyang pinagpapawisan. Ganyan si Alexa kapag kinakabahan, namamawis ang mga palad at paa.

Kinilatis din nila ang mga painting namin pero hindi na sila nagtanong pa, "Sir, pwedi ba tayong mag usap sa office niyo?" Tanong ng lalaking kumikintab ang bunbunan sa prof namin.

"Sige po." Habang paalis sila ay sinenyasan kami ni prof na bumalik sa upuan namin.

" Aray! Sino 'yon?" Reklamo ni Alexa.

"May kalbo!" Binatukan lang naman ni Kharen si Alexa. Napailing na lang ako sa kalokohan nila.

Nilingon ko ang katabi ko, "saan mo napulot 'yung sinabi mo kanina?" Umakbay siya sa akin.

" Matagal ko ng naisip 'yon. Simula noong umakyat ako sa bintana mo."

"Ako lang ba ang pag asa mo? Baka marami kami?" Natawa naman siya.

" Ikaw lang ang pag asa at lakas ko para lumaban sa buhay, Hira." Hinaplos ko ang pisngi niya at ginawaran siya ng halik.

"Hindi niyo kailangang isampal sa mukha namin na single kami!"

"Single ka, Alexa?"

" Sino 'yung sumusundo sayo sa may kanto? "

" Bakit ikaw Kharen, single ka? "

" Bakit? "

" Sino 'yung palagi mong katawag? "

" Bakit kasi? "

" Bakit ka nakikisingit, Jade? Hindi ka naman single! "

" Oo nga! Sino 'yung nagbibigay sayo minsan ng Jollibee? Luh! "

Nakapatong ang noo ko sa balikat ni Mion habang tumatawa. Panira talaga sila kahit kailan. Ramdam ko din ang pagyugyog ng balikat ni Mion.

"Ang sarap nilang ibitin sa bubong ng auditorium." Wika niya.

__________________________________

Your personal growth is the only thing that matters. You own and write your story; no one else does. Believe in your unique steps up the mountain.