webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 2

Adohira's POV

Nagising ako ng maaga, napanaginipan ko pa nga ang sarili ko na umiiyak sa school kasi may umaaway daw sa akin. Kumain ako ng breakfast at naligo, isinuot ko na din ang uniform ko na binili ni mommy noong isang araw. Itinali ni mommy ang buhok na ang tawag daw ay pigtail. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na.

"Ang cute Naman ng anak ko, teka picture ka muna kasi unang araw mo ito" itinutok sa akin ni mommy ang camera.

" smile, Hira" ngumiti naman ako.

"Hindi Kita maihahatid sa school mo kasi may work si mommy pero nilagay ko sa bag mo ang baon mo at mag ingat ah" paalala Niya sa akin.

Isinakay niya ako sa kotse at kasama ko ang driver ngayon. Hinalikan Niya muna ako bago isinara ang pinto ng kotse "aba! Sino itong cute na batang Ito?" Hindi na nagbago.

"Manong niloloko niyo na Naman po ako eh" palagi siyang ganyan tuwing nakikita Niya ako, laging sinasabi na cute daw ako Kung naman ay ang ganda ko daw.

Tumawa siya habang nagmamaneho "para kang ano, iyong hayop na ano..." Hindi pa siya tapos magsalita ay tumawa na naman. Paano Niya matatapos ang sasabihin Kong tawa siya Ng tawa "para kang pusa na mabalahibo, iyong cute na masarap tirisin" sinamangutan ko siya, kahit Kailan puro pang aasar ang sinasabi.

"Hindi ka ba excited na papasok ka na sa school Hira?"

"Paano po kapag ayaw nila sa akin tapos aawayin nila ako?"

" Hindi iyon mangyayari kasi Ang tulad mong cute tinitiris" tumawa na naman siya.

Huminto ang kotse na tapat ng gate, mukhang dito na "baba na cute bago pa Kita matiris. Mag iingat ka ah, babalik ako dito mamayang hapon para sunduin ka"

" Huwag niyo po akong tawaging cute"

" Cute"

" Itigil niyo po Sabi!"

" Mas cute ka kapag naiinis ka"

" Nakakainis po kayo!"

" Alam mo bagay kayo ng anak ko"

" Alam ko po..."

" Iyon Naman pala, magkakasundo Tayo niyan."

" Alam ko po na may gusto kayo kay mommy"

" Aba't!" Mabilis akong lumabas sa kotse bago pa Niya ako tuluyang matiris.

Sinabi sa akin ni mommy Kung saan ang classroom ko, nasa 3rd floor daw tapos pangalawang room. Maganda naman itong school eh, puro puno kaya ang presko lalo na kapag humangin. Mula kinder hanggang grade 6 lang daw ang school na ito kaya kapag high school na ako ay lilipat ako sa ibang school.

Pagdating sa mismong classroom ko ay bumungad sa akin ang maraming mga bata at ang iba sa kanila ay nakapabilog na nag uusap. May kumakain sa gilid na matabang lalaki, may natutulog habang tumutulo ang laway Niya.

Pinagmamasdan ko lang sila habang nakatayo sa labas ng room "Kung Wala Kang balak pumasok huwag kang humarang sa pintuan" nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

Gumilid ako para makadaan siya "sorry" yumuko ako.

Napaigtad naman ako dahil may humawak sa balikat ko "bago ka Lang ba dito?" Tanong ng isang lalaki.

"Oo"

"Nahanap mo na ba classroom mo?"

"Oo"

"Saan?"

"Dito" itinuro ko ang room.

"Iyon naman pala, halika na pumasok na tayo" hinawakan niya ang kamay ko.

" Hoy Saki! Bakit mo hawak kamay niya?" Sigaw ng isang pang lalaki.

"Classmate natin siya" hinila Niya ako papasok sa room.

"makinig kayo sa akin!" Dahil sa pagsigaw niya ay napunta sa Amin ang atensyon nilang lahat.

"may bago tayong classmate, ang pangalan Niya ay..." Tumingin siya sa akin.

" Hira"

" Ang pangalan niya ay Hira, palakpak naman diyan!" Nagpalakpakan silang lahat at ang ibang lalaki ay sumisigaw maliban sa isang lalaki na nasa pinakalikod naka upo.

Hinila niya ulit ako at pina upo sa bakanteng upuan. Sa likod ko ay ang lalaking masungit kanina. Dumating ang guro namin na agad namang nagsimula na magturo. Todo ako sa pagkopya sa lahag ng sinusulat Niya sa pisara. Pagkatapos niyang magturo ay pumasok ulit ang pangalawang guro para sa panibagong subject ngayong Umaga at may dalawang subject ulit mamayang hapon.

"Ouch!" napasigaw ako dahil sa pagtayo ko ay nahila ang ulo ko pabalik sa upuan. Nakita ko ang buhok ko na nakatali sa upuan ko at sa unang pagkakataon ay umiyak ako.

Hindi ko mapigilang Hindi umiyak dahil sa sakit at kahihiyan. Ang ibang babae ay lumapit sa akin para alisin Ang buhok ko sa pagkakatali at pinapatahan nila ako. Rinig ko naman ang halakhak ng isang lalaki sa likod ko.

"Putcha! Umiyak!"

" Mion wag ka ngang bully!" Sigaw sa kanya ng babaeng kaklase ko.

" Bakit papalag ka Vera!?"

"Huwag mo na lang siyang pansinin, ganyan talaga kapag kulang sa aruga" bulong Niya sa akin.

" Narinig kita!" Sigaw niya.

"Wala Kang paki!" Sigaw din sa kanya ni Vera.

Pagkatapos nilang matanggal Ang buhok ko sa upuan ay nagpasalamat ako. Buti na lang tapos na ang klase at nasa labas na Ang iba para kumain ng tanghalian.

Hinarap ko ang dahilan ng pag iyak ko "hindi ka ba magso-sorry?" Ipinunta niya ang dalawang palad sa likod ng kanyang ulo.

" Alam mo ba na Mali Ang ginawa mo?" Umiling siya.

" Mali iyon kaya mag sorry ka" nakatitig Lang siya sa akin na walang imik kaya mas lalo akong naiiyak.

"Iyakin" Sabi Niya bago lumabas kasama ang dalawang lalaki.

Ang sama Niya, pinunasan ko na lang Ang mga luha ko at kinuha ang baon ko para kainin. Hindi na ako lalabas ng room kasi pwedi namang kumain dito.

Sa mga sumunod na araw ay palala ng palala Ang pambubully sa akin ni Mion, iyan Ang pangalan niya kasi iyan Naman Ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin. Palagi niya akong pinapaiyak, hinahagisan niya ako ng bulate kapag may activity kami sa labas ng room, lalagyan Niya Ng caterpillar Ang loob ng bag ko eh takot ako sa mga insekto kaya iiyak na naman ako.

"Ah!" Habang nakikinig ako sa mga itinuturo ng guro ay bigla na Lang niyang hinila Ang buhok ko.

Napatingin sa akin si teacher "ano iyon Hira?"

"Wala po" nakakainis na siya.

Sa bahay kapag tinatanung ako ni mommy Kung kumusta school ko ay palagi Kong sinasabi na ayos lang kahit na gusto ko ng magsumbong sa kanya.

Habang nagsusulat ay may biglang humila sa notebook ko, Wala Ng iba Kung Hindi si Mion.

"Akin na yang notebook ko" malumanay kong sabi.

"paano Kung ayaw ko? Iiyak ka na Naman?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Mion, Tara na. Tigilan mo na yang si Hira" Sabi ni Saki, siya Ang pinaka mabait sa kanilang tatlo.

" Una na kayo"

" Palagi mo na Lang pinapaiyak si cute" siya si Von, ang loko loko sa kanilang tatlo.

"Hindi kasi nabubuo araw ko kapag Hindi ko siya nakikitang umiyak" at syempre Hindi nawawala Ang demonyo sa magkaka ibigan. Si Mion ang pinaka masama sa kanilang tatlo, ubod ng sama at sobrang sama.

Pagdating ko ng Grade 6 ay akala ko magbabago na Ang buhay ko pero akala ko Lang pala iyon dahil kaklase ko pa din si Mion. Hindi na kasi nila iniba ang Bawat section dahil pampatagal daw iyon. Gusto kong mawala si Mion sa paningin ko pero mukhang isang taon ko na Naman siyang titiisin at isang taon na Naman Niya akong paiiyakin.

"Anak! Hira anong oras na Hindi ka pa din tapos? Mahuhuli ka niyan sa klase" kanina pa ako tinatawag ni mommy.

Habang naliligo ako kanina ay biglang sumakit ang tiyan ko pero Hindi Naman ako natatae. Natagalan pa akong suklayin ang mahaba Kong buhok. Nanghihina Kong kinuha ang bag ko at nagpaalam Kay mommy.

"Bye mommy!"

"Bye,ingat anak!"

Pagpasok sa kotse ay mukha agad ni manong ang nakita ko dahilan para mainis na Naman ako.

"Oh! Bakit nakasimangot si cute?" Hindi ko siya pinansin at mas lalong inilubog Ang katawan ko sa car seat "Ang aga aga nagsusungit ka, sige ka papangit ka niyan" nagsimula na siyang magmaneho.

Pagdating sa classroom ay Wala ng bago "good morning Hira" bati ni Saki.

"Good morning"

"Good morning cute" bati ni loko loko.

" Good morning Von"

Napatigil ako sa pag upo dahil nabasa ko ang mga nakasulat sa mesa ko. Tiningnan ko agad ang taong gumawa nito.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Maangas na tanong Niya.

" Ikaw ba ang nagsulat ng mga Ito?" Tukoy ko sa mga bastos na nakasulat sa mesa ko.

" Kita mong naka upo Lang ako dito at oh..." Ininat niya ang braso niya na para bang inaabot ang mesa ko " kita mo, Hindi ko abot" pilosopo niyang saad

" bakit iiyak ka na Naman?" Tinalikuran ko na Lang siya dahil Wala siyang kwentang kausap.

Nagulat ako sa paghila Niya sa akin palabas ng classroom "teka! Saan mo ako dadalhin?" Hindi siya kumibo "magsisimula na ang klase kaya bumalik na Tayo sa room" pababa na kasi kami.

Huminto kami sa harap ng CR na pambabae " bakit mo ako dinala dito?" Lubos akong nagtataka.

Nakita ko ang paglunok niya "may..." Tumikhim siya "dumi yang palda mo" dahil sa sinabi niya ay tumakbo ako papasok sa CR.

Tiningnan ko sa salamin ang dumi na sinasabi pero nanlaki ang mata ko nang rumihistro sa akin Kung anong klaseng dumi ang nasa palda ko. Ito ang tinatawag nilang regla. Anong gagawin ko?

May kumatok sa pinto "uhm... May kailangan ka ba?" Hindi pa din siya umaalis?

Nahihiya akong buksan ang pinto kaya kakausapin ko na lang siya sa pagitan ng pinto "pwedi ka bang pumunta sa clinic?" Please sabihin mo oo.

Dinikit ko ang tenga sa pinto para marinig ng mabuti ang sasabihin Niya "Anong kailangan Kong kunin doon?" Nakahinga ako ng maluwag.

" Paki Sabi emergency para sa mga babae" Sabi ko.

"Ano!? Hindi ko marinig!" Galit na siya kasi sumisigaw na eh.

" Napkin! Sabihin mo kailangan ko ng napkin!" Nilakasan ko Ang boses ko para marinig Niya.

Habang naghihintay sa kaniya ay nilabhan ko ang palda ko pero iyong may tagos lang. May kumatok ulit sa pinto, binuksan ko Ito pero maliit lang. Inilusot naman Niya Ang kamay niya na may hawak na napkin na agad Kong kinuha.

Pagkatapos Kong mag ayos ay nakayuko akong hinarap siya "salamat Mion" pinaglalaruan ko Ang mga daliri ko habang hinihintay ang sasabihin Niya. Pero walang salitang iniwan Niya ako.

__________________________________

Never blame anyone in life. The good people give you happiness. The worst people give you a lesson. The best people give you memories.