webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 29

Adohira's POV

"Kakain na!"

"What's on the menu?" Umupo si Oizys sa lagi niyang inuupuan at nakahawak ulit ng libro. Hindi pa rin tapos basahin ang Wuthering heights.

"Adobo" Sagot ni Shivani habang nilalapag sa mesa ang kanin at ulam. Kung hindi lang siya lalaki, siguro may napa ibig na siyang lalaki gamit ang pagluluto niya.

"Asan kambal mo, p're?" Tanong niya kay Oizys.

"Andito ako, bakit?" Ang maangas na boses na nanggagaling sa aking likuran.

"Andyan ka pala, kupal ka." Sabi ni Shivani sa umuupong Lefu. Napansin kong wala na siyang sugat at pasa sa mukha at ganoon din si Mion.

"Tangina mo!" Gusto ko sanang sabihin na huwag magmura sa hapag pero pinigilan ko ang bibig ko dahil bisita lang ako dito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may marinig kaming kalabog sa taas, isa sa kwarto ng tatlo. Huminga ng malalim si Shivani saka tumayo at tumungo sa hagdaan pataas.

"Ano 'yon?" Puno ako ng kuryosidad.

"Wala, pusa lang ni Shivani." Si Oizys ang sumagot.

"Ang lakas naman ng kalabog kung pusa lang iyon" Sabi ko.

"Kumain ka lang, Adohira. " Mahinang saad ni Mion. Si Lefu naman ay natatawa habang ngumunguya.

"Pasensya na, medyo pasaway lang ang pusa ko." Sabi ni Shivani nang makabalik na siya.

" May pusa ka? Bakit hindi ko nakikita?" Ilang beses na akong nagpapabalik balik dito pero kahit anino ng pusa niya ay hindi ko nakita.

"Mamaya papakita ko sayo" uminom ako ng tubig para maitulak ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay hindi na tulad ng dati ang ganap. Dahil kami ni Shivani ang nagligpit sa mesa pero ang kambal ang naghugas ng pinggan. May napansin pa ako sa braso ni Shivani na mga kalmot. Hindi ba friendly ang pusa niya at pati siya ay kinakalmot?

"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang si Cheshire." Umakyat na siya at naupo lang ako dito sa kusina.

Hindi naman nagtagal ay nakita ko siyang pababa at yakap ang isang puting na pusa na mukhang inistorbo niya ang pagtulog nito. Pinatayo niya ito sa mesa at tumitigtig sa akin. Dahan dahan kong nilapit ang daliri ko sa tuktok ng ulo nito.

"Ingat, suplada 'yan." Nanatiling nakapako ang mga kayumanggi niyang mata sa akin at hindi siya gumagalaw. "Pakibantayan nga muna siya. May gagawin lang kami ni Mion." Tumango ako at umalis na siya.

Hindi naman ito tumutol nang hinaplos ko ang ulo niya bagkus ay ipinikit lang nito ang mga mata, "meow..." Nagustuhan niya ang ginagawa ko kaya pati ang katawan niya ay hinaplos ko.

"Meow..." Nagmulat ito ng mata saka tumalon pababa sa mesa at tumakbo papunta sa hagdan. Nang nasa gitna na siya ng hagdan ay tumingin ito sa akin at nagpatuloy sa pag akyat.

Sinundan ko siya sa taas. Hindi ko alam kung pwedi ba akong umakyat dito na walang paalam sa kanila. Pag apak ng paa ko sa pangalawang palapag ay naka abang sa akin si Cheshire, ang pangalan ng pusa. Tumakbo ito ulit papunta sa isang pinto na may nakadikit na makapal na puting papel at nakasulat ang pangalang Shivani. Sa kabila naman ay ganoon din ang pinto ngunit may nakasulat din na pangalan ng kambal.

"Meow..." Napabalik ang tingin ko sa pusa. Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto ni Shivani.

"Gusto mong pumasok?" Lumapit ako sa kanya.

"Meow..." Naintindihan niya ako? Wala namang masama kung bubuksan ko ng kaunti ang pinto para makapasok ang pusa, hindi ba?

Naging makulit ang pusa. Kinikiskis niya sa pinto ang kanyang mga kuko. Sige, binuksan ko ang pinto at agad na tumakbo papasok ang pusa. Isasara ko na sana ang pinto nang may narinig akong boses ng tao sa loob. Paos ang boses habang tinatawag ang pangalan ni Shivani at boses lalaki. Kagat labi kong sinara ang pinto at halos takbuhin ko na ang hagdan pababa.

"On Wednesday we wear pink." Maarteng wika ni Alexa na nakatayo sa harapan naming lima.

"Mean girls?" Mabilis na sagot ni Jade.

"Tama!" Umupo si Alexa.

"Yes! Next!" Pumunta si Jade sa harap.

"Just keep swimming!"

Napahampas sa mesa niya si Tala "'Yung isda 'yan eh! "

"Finding nemo!" Sigaw ni Kharen.

"Correct!"

"Ano ba 'yan ang dali." Tumayo na siya at pumalit kay Jade sa harap.

"There's no place like home." Inakto niya kung paano talaga iyon sinabi sa movie.

Alam ko ang sagot, "The wizard of Oz!" Sabi ko.

"Tama!" Pumapalakpak na bumalik si Kharen sa upuan niya.

Ako naman ang nasa harapan nila, "Hasta la vista, baby!" Madali na ang akin.

" Refrigerator!" Agad na sigaw ni Kharen at bumulwak ng tawanan. " Ano ba 'yon!?"

"Calculator!" Pagbibiro ni Tala.

"Tanga, alligator 'yon!" Sabi naman ni Jade.

"Terminator!" Nasagot ng tama ni Tala.

"Tama!" Sabi ko at bumalik sa upuan.

"Eto", tinanggal niya ang kanyang singsing at tiningnan niya ito ng nanlalaking mga mata," My precious" pati ang boses ay ginaya niya din na naging sanhi ng pagtawa namin.

"The lord of the rings" bulong ni Mion, ang katabi ko. Kanina pa siya hindi nagsasalita pero nakikitawa naman.

Naglalaro kami kung saan may isang tao sa harap na magsasalita o aakto ng mga sikat na movie lines at kailangan naming mahulaan ng tama. Kung sino ang makakakuha ng tamang sagot ay siya ang susunod na pupunta sa harap.

"The lord of the rings!" Sagot ko.

"Excuse me!" May kumatok sa pinto kaya napatingin kami dito, "Art students pinapatawag kayo sa auditorium." Iyon lang ang sinabi niya saka umalis din kaagad.

"Bakit kaya?" Kinuha ni Mion ang bag namin at binigay sa akin ang aking bag. Sabay sabay kaming bumaba.

May nakasalubong kaming mga lalaki na taga ibang department. Sa pagdaan niya sa apat na bruha ay hindi na sila magkanda-ugaga na magbulungan.

"Ang bango nila, gagi." Kinikilig na sabi ni Kharen.

"Akin 'yung naka black sa kanila." Wika ni Jade at sabay sabay nilang sinulyapan ang mga lalaki.

"Mine, naka white—ay gray pala." Wika ni Alexa.

"wala akong type. " Saad ni Tala.

" Wow! Taas ng standard—aray!" Dahil hindi sila nakatingin sa kanilang dinadaanan ay nabangga ni Kharen ang lalaking nakatayo. Nanahimik ang tao eh.

Tiningnan siya ng lalaki, "sorry po" nakayukong wika ni Kharen at malalaking hakbang ang ginawa palayo. Nagtawanan naman sina Tala, Alexa, at Jade.

"Pahiya tuloy!" Wala silang tigil sa pang aasar kay Kharen habang pababa kami ng hagdan.

"Ang init naman, sayang glutathione." Reklamo ni Kharen.

" Ang init, nasusunog ako! " sabi ni Alexa.

" Ganyan talaga ang demonyo, nasusunog. " Bara ni Tala sa kanya.

" Religious ako! Kasama kayo sa dasal ko! "

May dala kaming payong pero dahil tamad kami maglabas ay tiis tiis na lang. Kung may sisipagin maglabas ng payong sa amin ay doon sila magsisiksikan at sa huli ay mag aaway sila dahil hindi siya kasya. Ganyan na sila simula 1st year. Makukulit parang sa mga kaklase ko noong High school.

" Katamad" tiningnan ko si Mion. Magulo ang kanyang buhok pero hindi dugyot tingnan. Salubong ang kilay dahil sa init ng araw. Dahil mas matangkad siya sa akin ay salo niya lahat ng sinag ng araw at nakasilong lang ako sa kanya. Humikab siya at tumingin din sa akin.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo, ikaw ba?" Umakbay siya sa akin at pinagpantay ang aming mga ulo saka ako ninakawan ng halik. Napatingin ako sa paligid dahil baka may nakakita sa ginawa niya at hindi nga ako nagkamali dahil may isang lalaki ang nakatingin sa amin.

Pagdating namin sa auditorium ay sinalubong kami ng utos ni Prof. Tama nga ang kutob ko may gagawin kami. Maglalagay kami ng design at aayusin ang mga table para panglagyan ng mga drawing namin pero sabi ni Prof ay pati daw ang mga natapos naming painting ay ilalagay rin ito. Habang inaayos ko ang mga tela ay napapatingin ako Mion dahil maya't maya ang paghikab niya.

"Hira–ya!" Tawag sa akin ni Vera at nakasabit sa kanyang leeg ang camera, "alam mo ba?" Inupuan niya ang bakanteng upuan sa harap ko na kung saan nakalagay ang isang tela.

"Hindi ko alam."

"Hindi pumasok si Ashia kaya wala akong buntot ngayon at rinig ko na huli siyang nakita na lumabas sa office ni sir. Mart habang umiiyak."

" Alam mo ba kung anong nangyari sa loob ng opisina ni Sir. Mart?"

" Malay natin baka nagkaroon ng goodbye celebration sa kanilang dalawa." Kinukulikot niya ang camera saka tinutok sa akin at narinig ko ang pag click bago ako naka iwas.

" Vera" hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

" Hindi ko alam. Hindi naman ako tsismosa."

" Reporter ka. " napahawak siya bigla sa dibdib niya.

" Aray ha! "

"Napanood din ni Mion—"

"Ano sabi niya?"

"Alam niya daw na mangyayari iyon. "

" Tahimik lang 'yang boyfriend mo pero may laman. " Tinuro niya ang sintido niya. " Swerte mo. Nambabae na ba siya? " Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin may Mion. Alam kong hindi na magagawa 'yung bagay na 'yon.

"Biro lang. Malakas sa akin 'yung tropa niya. Shivani, tama?"

"Hindi ka niya type"

" Bakit? May future naman ako, ah" future ibig sabihin ang kanyang dibdib,"at daig ko pa ang aso sa pagiging loyal." Natawa na lang ako.

" Vera, tawag ka sa taas! " napakamot siya ng ulo.

" Ano ba 'yan. Hindi nila kayang mabuhay kapag hindi nila nakikita ang kagandahan ko." Naiwang bakante ang upuan ngunit may naupo din dito.

" Alam ko kung anong sinabi sayo ni Vera. "

" Sir. Mart... "

" Nag transferred out ang kaibigan mo. Ang reason ay lilipat daw siya ng school dahil iyon ang utos sa kanya ng parents niya." Nangngati ang dila ko na sabihing hindi ko siya kaibigan. "Syempre i-napproved ko—"

"Ano pong kapalit?" Buti nalang nakatago sa hawak kong tela ang nakakuyom na kamao ko.

"I'm a single man, art student. I need a little fun sometimes. She kneeled again and again. Unang araw pa lang ng kaibigan mo dito ay lumuhod na siya sa akin. Now, if you can't keep your mouth shut, iyang com art mong kaibigan naman ang susunod na luluhod. Hawak ko ang isang subject niya at malapit na ang graduation niyo..." Iyon ang huling bigkas niya bago umalis.

Napabuga ako ng hangin at napaupo. Ayaw kong madamay si Hira sa kababuyan niya kaya kahit may tinik sa dibdib ko ay ititikom ko na lamang ang aking bibig. Maluwag na ulit ang hawak ko sa tela. Lumapit sa akin si Mion na madilim ang mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Hindi kaya!" Hinila niya ako patayo at tumalikod siya para hindi kami masyadong mapansin. Sinubsob ko sa dibdib niya ang mukha ko para maitago ang paghagulgol ko.

"Hira..." Hinaplos niya ang likod ko, "wala akong panyo" kinulong niya ako sa mga bisig niya at hinalakan ang ulo ko.

"Hoy! Anong ginagawa niyo? Hoy!" Hindi ko alam kung sino 'yon pero alam kong hindi siya teacher.

"Umiiyak ba si Hira?"

"Halla! Pinaiyak ni Mion."

"Umiyak din ako pero bakit walang yumakap sa akin!"

" Kasi nga mapapaso sila."

" Hira... " Unti unti ay lumuluwag ang dibdib ko. Nakakahinga na ako ng maayos.

"Palagi na lang ba akong iiyak?" Ginawa ko na namang pamunas ang damit niya.

" Ito na ang huli mong pag iyak."

__________________________________

All paradises, all utopias are designed by who is not there, by the people who are not allowed in.