webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 27

Adohira's POV

"Hira!" Nandito pa din ako sa labas ng gate para hintayin si Vera na tumatakbo papalapit sa akin.

Mukhang ngayon pa lang masisira ang araw ko dahil kasama na naman niya si Ashia. Nagtataka ako kung hindi ba siya busy dahil ang dami niyang oras na magpapansin kay Mion.

(Flashback)

Nandito kami sa Jollibee para kumain ng lunch. Wala ang apat dahil tinatapos ang drawings nila kaya si Mion, Vera at Ashia ang kasabay ko ngayon.

"Punyemas, ang daming pakulo ng mga 1st year habang kaming mga 4th year kabado dahil baka hindi kami maka graduate." Pinapaypay ni Vera ang hawak niyang magazine ng school. Sa magazine kasi nakasulat ang mga event na nagaganap sa school every year.

"We're starting pa lang kasi kaya medyo pa-easy easy muna kami. By the way, graduating ka naman na, pwedi mo bang ibigay mo na lang sa akin 'yung mga notes mo for free or I'll pay you."

" Aba! Syempre may bayad 'yun. Nanigas kaya ang mga daliri ko habang sinusulat ang mga 'yun." Saad ni Vera habang iniinat ang mga daliri.

"Kinukulang na ako sa time para sa study kasi this week na 'yung event. " May event ang kabilang department? Wala kasi akong naririnig na may event din ang mga junior sa department namin.

"Event? 'yung ganito?" Itinaas ni Vera ang isang kamay niya at ginagalaw tulad ng mga tao sa isang club.

"Yes! Party party!" Sumang ayon sa kanya si Ashia. "Oh, I remember..." tumingin siya kay Mion, "Will you be my date?" Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko.

"Date?" Pagtataka ni Vera. "Kami noon wala kaming ka-date." Oo nga naman. Tanda ko pa noon, hindi ako pumunta kaya hindi rin pumunta si Mion.

"Yeah, I know naman na hindi required ang ka-date sa college night pero some dudes kasi na niyayaya ako makipag date sa kanila at para tigilan nila ako ay kailangan kong ipakita na may special someone na ako and—"

" 1st year ka pa lang Ashia, 4th year na si Mion, pwedi ba 'yun?" Singit ni Vera.

" Oo, pwedi!" May bahid ng inis ang boses niya.

" Bakit sa amin dati hindi pwedi?" Wika ni Vera saka uminom ng coke float.

"Hindi ako ang tamang tao para maging ka-date mo." Sabi ni Mion.

" Why? Wala namang nagbabawal sayo, ah. Wala ka namang girlfriend—"

" Si Hira, girlfriend ko." Umakbay sa akin si Mion. Nasabi ko sa kanya ang tungkol kay Ashia kaya alam niya na ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

" Akala ko fling lang kayo." Dinaanan niya ako ng tingin. "Hindi ka na pweding tumanggi kasi nasulat ko na ang name mo sa mga list ng guest. Nakabili na din ako ng susuotin ko para sa event na 'yon."

" Nakabili ka na ng susuotin mo? Kailan nga 'yon ulit?" Tanong ko sa kanya.

" Sa Friday na, this week. Actually balak ko pang bumili ng ibang design na damit para may pagpipilian ako at—"

"Marami ka pang time, bakit hindi ka muna bumili ng delikadesa? Mas kailangan mo kasi 'yun." Nasamid ng coke float si Vera at patuloy na inuubo kaya si Mion na ang nag abot ng tubig sa kanya.

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ni Ashia habang nakatitig lang ako sa kanya. Matagal ko na siyang tinuring na estranghero simula nang maubos niya ang pasensya ko kaya pasensya na lang talaga kapag may masabi akong hindi maganda sa kanya.

"What's wrong, Hira? Takot ka ba na pumayag siyang maging ka-date ko?"

" hindi." Alam ko namang hindi ka niya papatulan. Bago pa bumuka ang bibig niya ay ipinatong ko ang mga siko ko sa mesa at umurong papalapit sa kanya. " Huwag mong hintaying isampal ko sayo 'yang kinakain mong beef stakes." Hinila ako ni Mion pabalik at pinanlakihan ako ng mata ni Vera.

" excuse me" tumayo siya at pumunta sa CR.

" Bakit mo siya ba laging sinasama kahit saan ka magpunta?" Tanong ko kay Vera. Nakakabanas na kasi.

" Para sabihin ko sayo, bumubuntot 'yan lagi sa akin. Kung ako lang prof niya, pasado na siya." Maingay na ang pagsipsip niya dahil ice na lang ang natira sa Coke float.

" At ikaw!" Tukoy ko kay Mion, "umayos ka." Hinawakan niya ang palad ko at dinala sa labi niya. Ngumisi siya pero nag iwas agad ako ng tingin.

"Ilang beses na akong kumakain sa Jollibee pero walang humahalik sa kamay ko." Tinawanan siya ni Mion.

Nang makalabas ng CR si Ashia ay tapos na rin kaming kumain kaya naglakad na kami pabalik sa school. Nakahawak ako sa braso ni Mion habang siya naman ay nakapasok sa bulsa niya ang kanyang mga kamay.

Nasa tabi ko din si Vera at sunod sa kanya ay si Ashia. Sana sa susunod ay hindi ka lumagpas sa linya mo Ashia.

(End)

"Dito ka lang, Ashia. Kukunin ko lang sa loob." Bilin niya kay Ashia bago kami pumasok sa apartment. Bawal kasi magpapasok ng hindi tenant dito.

"Bakit kasama mo na naman siya?" Pa akyat na kami ng hagdan.

"Bibilhin niya 'yung mga libro ko, yayamanin. Hindi ko pa kasi kayang bitawan ang mga notes ko para sa board exam." Pagpasok namin ay hindi na siya nagbihis at pinili ang mga librong hindi na niya kailangan.

"Samahan mo ako." Hindi na ako nakatanggi dahil tinangay na niya ako pababa.

"Oh ito." Binigay niya lahat kay Ashia. "2,500 pesos lang 'yan." Nahirapan namang kunin ni Ashia ang wallet niya dahil mabigat ang mga libro kaya pinatong niya sa baba.

"Here" buong 3 thousand ang binigay niya kay Vera. "I don't have 500 pesos. Iyo na lang ang sobra." Mabilis na kinuha ni Vera ang pera at nagpasalamat. Pinulot naman ni Ashia ang mga libro.

"Ashia!" May tumawag sa kanyang lalaki na kakalabas lamang sa gate. Anim silang lalaki, mukhang magkaklase. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila kaya hula ko na sa ibang department sila.

"Ikaw si Ashia, diba? 'Yung 1st year sa com art?" Tanong ng lalaking nasa gitna.

"Yes, that's me. Why?" Kita ko kung paano nila tingnan si Ashia. May dinilaan pa nga ang labi.

"So, ikaw talaga ito?" Pinakita niya kay Ashia ang screen ng cellphone niya. "Could you give me head also?" Nagtawanan naman sila.

" Mukhang expert ka, ah?" Hindi namin makita ang nasa cellphone dahil medyo malayo kami ni Vera sa kanila.

Napasinghap si Ashia, "Saan mo nakuha 'yan? Hindi ako 'yan!" Nanginginig ang boses niya.

" Sikat ka na baka naman pwedi mo kaming patikim. Magkano?"

"Shit 'tol!"

"Ang bilis nga eh." Sabi ng isa sa kanila at humalakhak sila.

"Mga com art student talaga magaling sa bunganga. Ashia dapat pakitaan mo kami nang galing ng bunganga mo."

"Sa galing mo siguradong kaya mo kaming anim" ano bang pinagsasabi nila? Nakayuko lang si Ashia at biglang tumakbo palayo.

Dahil gusto ko ding malaman ang laman ng video ay kinuha ko ito sa lalaki at tumabi naman sa akin si Vera. Kita namin ang dalawang tao, ang isa ay lalaki base sa suot niya na naka upo sa swivel chair at babaeng nakaluhod sa harapan niya, pareho silang nakagilid sa camera.

Malinaw sa video kung ano ang nangyayari. Nasa talampakan ng lalaki ang pantalon niya at nakasabunot ang kamay niya sa buhok ng babaeng nakaluhod sa harapan niya habang ang ulo nito ay nagtaas baba. Nang tingnan ko ang nasa itaas ay naka upload ang video sa isang pornographic site.

"Si Ashia..."

" Si Sir..." Nagtinginan kami ni Vera.

"Tama na 'yan. Nawiwili naman kayo." Inagaw sa amin ng lalaki ang cellphone niya at umalis na sila.

" Tama ang hinala ko na si Sir. Mart 'yon. Alam ko kung anong hitsura ng office niya dahil ilang beses na akong nakapasok doon." Hindi mabura sa utak ko ang napanood ko.

"Anong ginagawa niyo diyan sa labas? May hinihintay kayo?" Nabigla pa ako sa boses ng landlady. May hair curler pa siya at pulang lipstick.

"Wala po." Si Vera ang sumagot dahil hindi ko na halos maibuka ang bibig ko.

"Sino 'yung mga lalaki kanina?"

"School mate po namin."

" School lang? Narinig ko ang mga sinabi nila, ang babastos ng bibig." Umiiling siyang tumalikod at pumasok.

" Ayos ka lang? Natahimik ka? First time mo lang makapanood ng porn?"

"Hoy! Ano ka ba!" Pinalo ko siya sa braso niya. " May makarinig." Grabe, paano nila iyon nagagawa?

"Hira!" Papasok na sana kami pero may tumawag sa pangalan ko. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse niya.

"Shivani!?" Sigaw ko sa pangalan niya nang makababa na siya at tumakbo ako papalapit sa kanya. Sinalubong niya din ako ng yakap. Ang tagal naming hindi nagkita. Ang bilis kong napalapit sa kanya kahit na araw lang ang pinagsamahan namin.

"Pinuntahan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya saka bumitaw sa yakap. "At may kotse ka pala." Wala kasi akong nakitang kotse tuwing pupunta ako sa bahay nila.

"Ay ang kapal ng girlfriend ni Mion." Ngumuso siya kaya natawa ako.

"May pinapahatid si Mion, heto." Binigay niya sa akin ang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Aba ewan ko. Hindi ko naman binuksan para malamang brush ng pintura ang laman niyan."

" Hindi mo talaga binuksan?"

" Hindi nga!"

" Saan nga pala si Mion?"

" Natutulog" napagod siguro siyang mag drawing. "Kailangan ko na ding umalis."

"Saan ka pupunta?"

" Secret, see you later, painter!" Kumaway ako sa kanya at sumakay siya sa kotse niya.

May umubo ng peke sa likuran ko, "Sino 'yon?" Tanong niya.

.

"Si Shivani"

"Ang gwapo. Single?" Nagkibit balikat lang ako kasi hindi ko naman alam.

"Ilang taon na siya? May number ka niya?" Nakapasok na kami sa kwarto at hindi niya pa rin ako tinitigilan.

"Type mo 'yung pangit na 'yun? Hindi siya masarap magluto." Basag ko sa kanya. Naalala ko pa 'yung cupcakes na pinakain niya sa akin.

" Marunong akong magluto." Nilapag ko sa kama ang kahon at nagbihis ng damit pambahay.

" Ano 'yan? " Nginuso niya pa ang kahon. "Nakita ko na binigay 'yan sayo ni gwapo kanina." May taga hanga na si Shivani.

Pagkatapos kong mag ayos ay hinarap ko ang kahon. Nang buksan ko ito ay may nakabalot ng cream paper sa loob. Kinuha ko ito at pinunit ang balot, nahulog sa kama ko ang maraming brush at magkakapareho silang kulay white tapos ang mga letrang naka ukit ay kulay ginto. Hindi nga talaga binuksan ni Shivani.

"Wow! Iba talaga kayong mga painter. Ang iba bulaklak o kaya chocolate 'yung binibigay tapos siya paint brush." Hindi mabura ang ngiti ko. Dahil sa kanya ay panandalian kong nakalimutan ang napanood ko kanina.

Salamat sa lahat, Mion.

__________________________________

A wonderful gift may not be wrapped as you expect.