webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 23

Adohira's POV

"Sino si Thana?" Lakas loob kong tanong.

"Best friend ko 'yon! Dikit kami." Pagmamalaki ni Shivani. " At ang babaeng minahal ni boss pero iniwan siya. Wala, matagal na 'yon. Ang importante ay ang kasalukuyan." Hindi na umimik si Oizys.

Pagkatapos naming kumain ay papalubog na ang araw. Nakaupo ako sa likod ng bahay daw nila habang pinapanuod ko si Mion na nililinis ang sapatos namin. Nakalislis ang pantalon niya at pinapawisan na din siya. Ang sabi ko tutulungan ko siya pero ayaw niya, umupo na lang daw ako. Sa kabilang banda ay si Shivani na walang suot pang itaas at kaharap ang mga hugasin.

Natatawa nga ako kasi ipapabilog niya ang kanyang mga daliri at hihipan niya para makabuo ng bula. Hindi mo makikita sa katawan niya ang kanyang pag-uugali. Ang lalaki naman kanina na si Oizys ay umakyat sa pangalawang palapag habang halos dumikit na ang libro sa mukha niya.

"Aray!" Binato ni Mion si Shivani ng tabo na tumama sa likod ng ulo niya. "Gago ka!?Gago ka!?" Inaano ka!?" Hindi naman siya pinansin ni Mion. Nalagyan pa ng bula ng sabon ang ulo niya dahil napahawak siya dito kanina.

"Sumbong kita kay Lefu para bugbugin ka niya ulit!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Sakto naman na napatingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Joke lang!" Ngiting aso siyang tumalikod sa akin at pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

Bumaling ako kay Mion na masamang nakatingin sa akin. "Problema mo?" Tanong ko.

"Sakit ng katawan ko."

"Sabi ko naman kasi kanina na tutulungan kita. Kailangan mo ba ng gamot?"

" Hindi, mawawala din 'to." Sinampay niya ang sapatos namin at tumabi sa akin. "Dito ka na matulog. Gabi na." Maga pa din ang ilang parte ng mukha niya.

"Paano tayo papasok bukas? Wala akong damit at hindi pa gumagaling 'yang mukha mo."

" Edi 'wag na tayong pumasok."

" Makikiraan po!" Agaw eksena ni Shivani. Dala niya ang mga nahugasang pinggan.

" Pasok na rin tayo." Nauna akong tumayo at pumasok sa kwarto niya.

"Pwedi mo naman suotin ang mga damit ko." Nanlalagkit na din ako sa suot ko. "Pili ka lang diyan." Binuksan ko ang cabinet niya at kumuha ng black shirt at white sweat pants.

Tumingin ako sa kanya para manghingi ng tuwalya. " May towel na sa banyo." Nabasa niya ang aking isipan.

Ang banyo niya ay katabi ng salamin na nakadikit sa pader. Bago ko maisara ng tuluyan ang pinto ay kita ko pa ang pag-ngisi niya. Nilapag ko sa lababo ang mga damit dahil tuyo naman ito.

Hinawi ko ang kurtina at ibinalik para matakpan ako dito. Kulay puti ang pader at ganoon din ang shower niya.

Naghubad na ako ng damit at pantalon saka nilagay sa lababo, tabi ng malinis na damit niya. Binuksan ko ang shower at agad na dumampi sa aking balat ang lamig ng tubig, nakakaginhawa sa pakiramdam. Nang mabasa na ang buhok ko ay naglagay na ako ng shampoo at sinimulang sabunin ang katawan ko.

Nagulat ako nang may maramdaman akong tao sa aking likuran. Umikot ako sa aking likuran at bumungad sa akin ang dibdib niya. Napasinghap ako na ikinatuwa niya kaya hinampas ko ang dibdib niya.

Napatakip ako ng katawan nang rumehistro sa aking isipan ang sitwasyon namin sa oras na ito. Nakahubad ako at nakahubad din siya. Pumikit ako at tinalikuran ko siya dahil may makikita ako na ayaw kong makita. Sabi na eh, ngisi iyon na may binabalak.

"Bakit hindi ka humarap sa akin?" Hindi ba niya ramdam ang pagka-ilang ko? Dinikit niya ang kaniyang dibdib sa likuran ko "Gusto lang kitang makasabay maligo." Kinuha niya ang sabon sa akin at napapikit ako nang padaanin niya ang kaniyang kamay pababa sa aking likod.

"Tulungan na kita." Bulong niya sa akin. Siya ang nagsabon sa likod ko at pigilan ko ang pagsigaw dahil lantad sa kanya ang pwetan ko. Kung alam ko lang na gagawin niya ito ay sana nagtira ako ng saplot sa katawan.

Tinulak niya ako pabalik sa shower para makapagbanlaw. Ang kanyang kamay naglakbay pababa sa aking likod papunta sa aking hita. Natuod ako nang maramdam ko ang mainit niyang hininga sa likod ng aking hita. May nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Bago lang sa akin ang ganitong klase ng pakiramdam.

Hindi ako ganoon ka-inosente para hindi malaman ang nangyayari. Kahit na malamig ang tubig ay nakaramdam ako ng init sa katawan at mas lalo pang nadagdagan ang init dahil sa mga haplos niya. Naisandal ko ang aking palad sa pader nang halikan niya ang aking hita pataas hanggang sa aking likod. Parang may gumapang na kuryente sa aking likod.

"Mion..." pinaharap niya ako sa kanya at hinalakan niya ako sa baba ng tumutulong tubig. Napasabunot ako sa buhok niya at pumikit, bahala na.

Hindi ako makapaniwala na ibibigay ko sa kanya ang aking sarili at gagawin namin ang bagay na 'yon dito sa banyo. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap bukas.

Tanghali na kami parehong nagising. Suot ko ang damit ko kahapon dahil hindi ko alam na nilabhan niya pala ito. Ihahatid niya ako ngayon sa apartment. Naalala ko si Vera, sigurado akong papaulanan niya ako ng tanong. Aayusin ko lang ang sarili ko sa apartment at papasok din ako para makibalita kung may gagawin ba. Si Mion ay hindi pa pweding pumasok dahil sa hitsura niya. Nagmamakaawa nga kanina dahil gusto niya akong makasama sa school pero nagmatigas ako, para din namang sa kanya 'yon. Nasa loob pa siya dahil may kukunin lang daw sandali pero kanina pa ako naghihintay dito.

"Aalis ka na, Hira?" Tumingin ako sa itaas dahil doon nanggagaling ang boses. Nakasilip siya sa balkonahe ng pangalawang palapag. "Teka! Hintayin mo ako, bababa lang ako." Mabilis siyang nawala sa paningin ko.

"Good afternoon pero Good morning para sayo." Naglalakad siya papalapit sa akin. "Kumusta ang gabi mo? Ako kasi hindi ako nakatulog ng maayos dahil may kakaibang ingay akong narinig." Umiwas ako ng tingin. Namumula ba kaya ang mukha ko? Sana hindi.

"Oh p're!" May kinawayan siya sa likuran ko.

"Tangina mo!" Malapit lang sa amin ang boses ng taong 'yon kaya lumingon ako. Napaatras ako kasi si Lefu pala.

" 'Wag mo naman takutin ang bisita ko." Sabi ni Shivani.

" Pangalan mo?" Sa bawat pagbuka ng bibig niya ay lumalabas ang usok ng sigarilyo. "Pipe ka?" Nananadya ba 'to?

"Gago." Natatawang bigkas ni Shivani.

"Kuya!" May tumatakbong babae papalapit sa amin na may malawak na ngiti.

" Lefu?" Humarap ang babae sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa trabaho ka?"

" Patay ka ngayon." Bulong ni Shivani.

"Ah...ano—" ang nakakatakot na si Lefu ay biglang naging tuta.

"At ano 'yan? Bakit ka nagsisigarilyo?" Sino ba itong babaeng 'to?

Agad namang tinapon ni Lefu ang sigarilyo "pinahawak lang sa akin ni Shivani." Napaawang ang labi ko. Takot ang nakikita ko sa mukha ni Lefu.

" Tarantado ka! Huwag mo akong idamay. Ulol!" Itinaas lang ni Lefu ang gitnang daliri niya kay Shivani at nakatikim siya ng kurot galing sa babae. "Buti nga sayo. Sige lang sis balatan mo ng buhay 'yang gunggung na 'yan!" Hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

Pumasok sa loob ang babae at sumunod si Lefu. "Kambal ko 'yon, si Khalida." Kambal? Sino pa ba ang may kakambal dito? Baka pati si Mion, isang araw may ipapakila siyang kakambal niya sa akin.

"Dito din ba siya nakatira?" Tanong ko.

"Oo, tabi sila ng kwarto ni Oizys sa pangalawang palapag at nakahiwalay ang kwarto ko sa kanila." Kung gayon magkasama sila Lefu at Mion sa iisang bubong.

"Hindi ba magka-away si Lefu at Mion?"

"Kapag nagkita ang 'yong dalawa asahan mo na magkakaroon ng giyera. Simula pa lang hindi na sila magkasundo kaya minsan ay ako na ang gumagawa ng paraan para hindi magtagpo ang landas nila kahit impossible dahil nakatira sila sa iisang bahay."

"Paano ba sila naging...ganyan? Anong dahilan?"

"Curious ka 'no? Hindi ko 'yan masasagot. Tanungin mo si Mion o si Lefu tungkol diyan, mas mabuti kasi kung sa bibig nila manggaling."

" Bakit nasa baba ang kwarto ni Mion?"

" Gusto niya lang mapag-isa at..." Tinitigan niya ako at ngumiti ng nakakatakot "...sabi niya tahimik daw ang babae niya pero sigurado siyang mapapasigaw niya ito. Tama naman siya." Sinong babae ang tinutukoy niya? Huwag niyang sabihin na ako.

"Oh, andito na si Mion." Nakasuot siya ng itim na jacket at nakasukbit sa balikat niya ang kanyang bag. Paglapit niya sa amin ay tinapik niya ang balikat ni Shivani.

"Ayos ka lang ?" Tanong ni Shivani. Itinaas ni Mion ang gitna niyang daliri. " Baka kasi pagod ka pa dahil baka matrabaho ang ginawa niyo kagabi." Ang sarap kalbuhin ng kilay na nagtaas baba.

"Hanap ka ng sayo." Saad ni Mion saka ako inakbayan. "Halika na." Sabi niya sa akin at hinalakan ang ulo ko.

"Naka-ayos ka, may pupuntahan ka?" Hindi niya ako sinagot at tuloy tuloy lang kami sa lakad.

Dumaan kami sa dati pero ngayon ay hindi na maputik. Sumakay kami ng bus at siya ulit ang nagbayad. Bago kami pumunta sa apartment ay sinamahan niya akong maglabas ng pera. Mga ₱60,000 ang kinuha ko para sa isang buwan na budget.

Pagdating namin sa harap ng apartment ay nagmamadali siyang umalis. Ang paalam niya ay may importante siyang pupuntahan. Pumasok na din ako.

"Eherm..." Isang simbolo na nandito ang landlady ng apartment namin. Siya lang kasi ang umuubo ng ganyan.

"Good afternoon po" bati ko sa kanya at ngumiti ako.

"Ang bayad mo ngayong buwan, asan na?" Oo nga pala. Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng dalawang libo. "Kung lahat ng tennant ko ay kagawa mo wala magiging problema." Hindi ko pala nasabi na pera ang dumadaloy sa ugat niya imbes na dugo.

Paalis na sana ako ng pigilan niya ako "sino 'yung gwapo sa labas kanina?" Tsismiosa din siya, medyo, depende sa topic.

"Boyfriend ko po." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Alam mo sayang ka. Mukha ka pa namang matinong babae tapos papatol sa lalaking 'yun." Medyo na-offend ako ah.

" Bakit po?"

" Sa mukha pa lang ng lalaking 'yun eh wala kang makukuha at mag-ingat ka dahil tumataas ang kaso ng mga batang ina." Ibinulsa niya ang pera at umalis.

Naiwan akong tulala. Hindi kami gumamit ng proteksyon pero sigurado ako na nilabas na iyon. May tiwala ako kay Mion, hindi gagawa ng isang bagay na alam niyang pagsisisihan ko, namin.

__________________________________

Anyone who is in love is making love the whole time. When two bodies meet, it is just the cup overflowing. They can stay together for hours, even days. They begin the dance one day and finish it the next, or--such is the pleasure they experience--they may never finish it. No eleven minutes for them."