webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 20

Adohira's POV

Inabot ko ang mukha niya at magaan na pinadaan ang aking daliri sa mga pasa at sugat niya. Napabuga ako ng hangin. Ano bang pinag-gagawa ng lalaking 'to sa buhay niya?

"Saan ka galing?" Mahinahon kong tanong.

Kinuha niya ang kamay ko. "Napaaway lang ako." Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at malalim na huminga.

"Paulit ulit na lang bang ganito? Palagi mo na lang ba akong sasalubungin ng mukha mong puno ng sugat?" Ayaw kong magalit hangga't maari. Ang gusto ko lang ay malaman niya ang nararamdaman ko, na ayaw ko siyang makitang ganito.

Gamit ang kaniyang hinlalaki ay pinahid niya ang dugo sa ibabang labi. "Hindi ko rin naman gusto 'to eh." Namumungay ang kanyang mga mata.

"Kung mo gusto, umiwas ka."

"Hindi ko kayang iwasan dahil gulo na ang kusang lumalapit sa akin." Binuksan niya ang kaniyang bag at naglabas ng kahon ng sigarilyo. Isinubo niya ito at kumuha ng lighter sa bulsa ng pantalon niya saka niya sinindihan ang dulo ng sigarilyo.

Ibinuka ko ang aking bibig para pagsabihan siya pero nawalan ako ng boses kaya tinikom ko na lang ang aking bibig. Naglabas siya ng usok sa bibig niya at patungo ito sa akin kaya ipinaypay ko ang palad ko para hindi ko malanghap ang usok.

"Mion!" Nakakuyom ang aking mga palad na nakapatong sa hita ko. "Bawal 'yan dito, gusto mo bang ma-suspende!?" Sumusop siya ulit at nilaglag sa sahig ang abo nito.

Tumitig ako sa kanya kasi hindi naman siya nakikinig pero patuloy pa rin siya sa paglalabas ng mahabong usok. Kailanman ay hindi ayos sa akin ang taong naninigarilyo. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya kinuha ko sa kanya ang sigarilyo at itinapon sa trash can. Wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ko.

Pero hindi nagtagal ay kumuha ulit siya ng sigarilyo sa kahon na dala niya at sinindihan. Napasapo ako ng mukha dahil sa ikinikilos niya, hindi ako natutuwa. Alam niya talaga kung paano painitin ang dugo ko.

"Itigil mo 'yan."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Anong kapalit para itigil ko 'to?" Nanuot sa aking ilong ang hininga niya na amoy sigarilyo at alak.

"Alam mong bawal 'yang gawin dito sa campus." Naduduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Itutulak ko sana siya pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Masarap gawin ang bawal, Hira." Kakaiba ang himig ng boses niya dahil siguro sa alak.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin sa labi ko. Dahan dahan niyang pinagdikit ang mga labi at dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakagalaw. Ang lambot ng kaniyang labi na sinakop ang akin. Pinisil niya ang kamay ko dahilan para bumuka ang aking bibig at agad niyang pinahintulutan ang sarili na pumasok.

Ipinikit ko ang aking mata nang ang kanyang kamay ay unti-unting naglalakbay pataas sa aking braso hanggang sa mahaplos niya ang aking pisngi. Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking likod na kasing-init ng pagsasayawan ng aming mga labi na nagiging kasing lalim ng karagatan.

"Halla! Porn!" Agad akong humiwalay sa kanya at mahinang sinampal ang aking sarili.

"Kayo ah!" Pagtingin ko ay si Vera lang pala at may kasama na naman siya. "Sorry, naistorbo ko ba kayo? Pwedi naman akong lumabas para maituloy niyo." Nagtaas-baba ang kaniyang kilay na ang sarap ahitin.

Hindi man lang umalis sa posisyon si Mion. Nakaharap siya sa akin habang nakangisi. Kinurot ko ang tagiliran niya pero mas lalo lang siyang natawa. Pinalo ko ang braso niya para patigilin siya dahil halata sa mukha ni Vera iba na ang takbo ng utak niya. Pansin ko ang galit sa mukha ni Ashia, nakita niya ba ang ginagawa namin kanina?

"Bakit ka pumunta dito?" Tukoy ko kay Vera.

"Wala kasi akong magawa." Umupo siya sa mesa na nasa harapan namin. "Wala rin kaming klase." Sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay.

Binigyan ko siya ng tingin na 'bakit kasama mo si Ashia?' at nagkibit balikat siya saka bumigkas na walang tunog 'sumama lang'. Inirapan ko siya.

"Ashia!" Tawag ko sa kanya nasa labas pa rin kasi siya ng room namin.

"What?" Sumulyap siya kay Mion.

"Bakit hindi ka pumasok?" Iniiwasan niya na dumapo ang tingin sa akin.

"Dumaan lang ako." Dahilan niya pero naglakad siya papasok.

"May kailangan ka ba?" Sinusundan ko siya ng tingin para mahuli ko ang emosyon niya.

" Nothing" tumabi siya kay Vera.

Namayani ang katahimikan. Umakbay sa akin si Mion at sinandal ang ulo sa balikat ko. Napatingin sila sa kanya at dumapo ang paningin ko kay Ashia. Nakapako ang mata niya sa braso ni Mion na nasa balikat ko at kita ko sa mga mata niya ang...galit?

Tumunog ang tiyan ni Vera "ooopppsss..." Napatakip siya ng bibig at saka bumungisngis. "Hindi pa ako kumakain!" Depensa niya.

"Ako din." Hinimas ko pa tiyan ko. "Kain tayo?" Aya ko sa kanila.

" Tara!" Tumayo si Vera at sumunod si Ashia.

"Mion" hinila ko siya patayo. Ang bigat ng loko.

"Chowking o Jollibee?" Tanong ni Vera.

"Jollibee" sagot ni Mion at Umakbay sa akin "gusto kong kumain ng legs—"

"Anong klaseng legs yan?" Sarap niyang ipasagasa sa malaking truck.

" Legs ng manok. Utak mo may mantika." Natatawang wika ni Mion.

"Tubol!" Tinawanan ko lang siya.

Pagdating namin sa Jollibee ay naghanap muna kami ng bakanteng upuan para may pag iwanan kami ng bag kapag o-order na kami. Ukupado lahat sa unang palapag kaya umakyat kami sa pangalawang palapag. May nahanap kaming bakanteng upuan sa tapat ng air-con.

Nilapag ko ang aking sa tabi ni Mion pero napatigil ako dahil inilapag din dito ni Ashia ang bag niya. Nagkatinginan kami ni Vera. Si Mion nakaupo lang at walang alam sa nangyayari.

"Ashia, dito ka na lang sa tabi ko." Hindi na ako nagsalita at hinintay ko na lang siyang makaalis para makaupo ako.

"Akin na pambayad niyo. Ako na o-order ng pagkain."

Nilabas ko ang wallet ko sa bag at ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi pa pala ako nakapaglabas ng pera. Kagat labing iniabit ko ang credit card ko kay Vera.

"Hindi mo kailangang isampal sa akin na mayaman ka."

" Nakalimutan ko mag dala ng pera." Inirapan ko siya.

"Dalawa na kami dito." Nilapag ni Mion ang buong isang libo sa harap ni Vera.

"Keep the change?" Itinaas ni Mion ang gitnang daliri. "Damot mo. Samahan mo ako, Ashia." Tumayo si Ashia na naka-krus ang mga braso sa dibdib.

Pagsulyap ko kay Mion ay pinaglalaruan niya ang kaniyang labi. Ramdam niya ata na nakatingin ako sa kanya tumingin siya sa akin at ngumisi. Dahil may ilang tao dito ay sinipa ko na lang siya sa paa para hindi agaw atensyon.

Ilang minuto ang nakalipas nang dumating sila Vera at Ashia na bitbit sa dalawang kamay ang order namin. Inilapag nila ito sa mesa at kanya-kanya kaming kuha ng amin.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay bigla akong naiihi. Inilapag ko ang kutsara't tinidor at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Vera.

"CR lang ako." Mabuti at malapit lang ang CR nila dito sa Jollibee. Bandang kanan ko lang.

Pagpasok ko ay may naglilinis sa pangatlong cubicle. Tiningnan ko ang bawat pinto dahil kung may kulay berde ay ibig sabihin na may tao sa loob at kulay pula naman kung wala. Sa unang cubicle ako pumasok dahil ito lang ang may kulay pula.

Paglabas ko ng cubicle ay nadatnan ko si Ashia na nakaharap sa salamin habang naglalagay ng lip gloss. Lumapit ako sa lababo na may distansya sa kanya para maghugas ng kamay at tingnan ang sarili sa salamin.

"Akala ko ba magkaibigan lang kayo?" Rinig kong saad niya habang umaagos ang tubig sa faucet.

"Walang magkaibigan na naghahalikan unless your body want something else." Tiningnan ko siya gamit ang salamin. Patuloy lang siya sa pag aayos sa mukha niya.

"Alam mo na gusto ko si Mion dahil sinabi ko sayo pero anong ginagawa mo ngayon?" Sinalubong niya ang tingin ko.

" Sino ka ba?" Pinatay ko ang faucet at itinapat ko ang aking mga palad sa hand dryer.

"Akin si Mion!" Hinagis niya ang hawak na lip gloss sa lababo dahilan para matapon ang laman nito. "Gusto ko siya kaya pwedi huwag mo siyang agawin sa akin!?" Nag-ngingitngit ang kanyang mga ngipin.

Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan na may ngiti sa labi. "Inaagaw?" Natawa ako. "Una sa lahat wala akong inaagaw sayo. Pangalawa, ako ang nauna." Binunggo ko ang balikat niya nang daanan ko siya. Hawak ko ang door knob nang magsalita ulit siya.

"Walang akong pakialam kung ikaw ang nauna. Bakit ano bang mayroon sayo para hindi ka niya iwan? Wala! Mas maganda na ako sayo ngayon Hira at sikat ako sa campus. Kaya ko siyang kunin sayo ng hindi mo namamalayan. Baka paggising mo bukas hindi na ikaw ang gusto niya."

Hinarap ko siya " Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Ashia. Hindi na tayo bata para mag agawan pa at kung ano ang akin, akin lang. Ikaw ang nagsabi na anino lang kita noong bata pa tayo." Nanunubig na ang kaniyang mga mata.

" Kaya kitang ibalik sa sitwasyon na 'yon kung hindi ka titigil sa pagpapakita ng basura mong ugali. Gusto mo ba 'yon? Ang maging...anino...ulit." mabilis siyang lumapit sa akin at akmang sasampalin ako ngunit napigilan ko siya.

"Umaasa ako na babalik ang dating Ashia na kaibigan ko pero mukhang malabo na 'yon mangyari."

" Huwag kang umasa na babalik ang dating Ashia na palaging nasa likuran mo at hindi nakukuha ang mga nais."

"Kung magpapatuloy ka na agawin sa akin si Mion, tratratuhin kitang estranghero at hindi mo 'yon magugustuhan." Mabigat sa loob ko na sabihin ang mga salitang nabitawan ko lalo na dahil umiiyak si Ashia.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto dahil nasa likuran ko lang ito. "Ang tagal niyo naman! Ano ba ihi niyo? Sinulid? Bakit ka umiiyak, Ashia?" Boses ni Vera ang nangibabaw. Tumalikod naman si Ashia para punasan ang luha niya. Lumabas ako na walang salita.

Pag upo ko sa tabi ni Mion ay napatingin ako sa plato niya dahil parang wala pa itong bawas. "Hinihintay kita para sabay tayong kumain." Sumunod na bumalik ay si Vera na hila hila si Ashia.

Tahimik naming tinapos ang pagkain at sa pabalik namin ay nauna sila Vera dahil alam niya ang nangyari kanina, ang awkward daw sabi niya kung magkakasama pa kami. Hindi naman nagsalita si Mion. Hindi ko alam kung may ideya ba siya o sadyang wala siyang pakialam.

Napagpasyahan naming tumambay sa art room. Gusto daw niyang magpinta. Kaya ako nakaupo sa tabi niya at nakaharap sa canvas na kinukulayan niya. May inabot siya sa aking brush.

"Aanhin ko 'to?"

"Gawin natin 'to."

"Hindi ko naman alam kung anong gagawin mo."

" Basta sumabay ka lang."

Sa hawak niyang palette ay sumawsaw ako ng kulay at hinayaan ko lang gumalaw ang aking kamay kung anong hitsura ang kakalabasan.

"Tanggap mo na ba ako?" Napahinto ang kamay ko sa ere.

"Bigyan mo ako ng panahon."

__________________________________

memories brings some past that dealt with the pain and yet we choose to embrace it as if we have a lot to gain.