webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 1

Adohira's POV

"Piliin mo Ang lalaking hawak ay libro hindi Ang alak at sigarilgo."

Mga letrang palaging tumatakbo sa utak ko at mga salitang Hindi maalis sa isip ko. Iyan ang paalala sa akin ng madre bago ako kunin ng taong aampon sa akin. Dahil Hindi na Niya ako masusubaybayan sa aking pagdadalaga.

Habang tumatanda ang tao ay unti unti nating nakikilala ang mga bagay na gusto nating takasan ngunit sa ating pagtakas ay mas lalo tayo nitong hihilain kasama niya pababa, ayon sa kanya. Totoo nga naman, ang mga sakit, hirap, pag suko at Ang mga bagay na Hindi natin nakamit ay iyan Ang mga bagay na Hindi natin matatakasan.

Bata pa lang ay ulila na ako, parehong patay na aking mga magulang. Kinupkop ako ni tita pero ginawa nila akong katulong at itinuring na parang Hindi pamilya kaya napagpasyahan Kong maglayas. Noong una ay palaboy laboy Lang ako, nanglilimos Gaya ng ginagawa ng iba.

Sa pag gising sa araw araw ay bumabungad sa akin Ang mga basura na nagkalat at ang iba ay nangangamoy at bulok, mga taong grasa at mga batang palaboy laboy na katulad ko. Hindi ako mayaman kaya Hindi dapat ako maging tamad. Bumangon ako at tinupi ang higaang gawa sa karton.

Isang hapon habang nanghihingi Ng barya sa mga taong dumadaan ay may lumapit sa aking Madre, tinanung Niya Kung bakit daw ako namamalimos at syempre sinabi ko ang totoo. Naawa siguro siya sa akin kaya inaya niya akong sumama sa kanya.

"Saan niyo po ako dadalhin?" Tanong ko.

"Sa lugar na Kung saan magiging ligtas ka" nagtiwala ako sa kanya.

Dinala Niya ako sa bahay ampunan, binigyan ng damit kahit na Hindi iyon kagandahan ay Hindi ako nagreklamo. Pinakain nila ako kaya bilang kapalit ay tumutulong ako sa paglilinis.

May mga naging kaibigan Naman ako tulad ni Ashia pero sa murang edad ay Hindi sa paglalaro Ang takbo Ng aking isipan. Pinapanuod ko Lang silang madumihan Ang kanilang balat at mga damit na may ngiti sa labi at kahit Alam nilang mapapagalitan sila mamaya ay parang Wala silang pakialam Basta makapag laro lang sila.

"Bakit Hindi ka sumali sa kanila Hira?" Tanong sa akin ng madre.

Naka upo ako sa upuang gawa sa kahoy Bakit nga ba Hindi ako sumali sa kanila? Masaya Ang maglaro.

"Mamaya na po" ani ko sa maliit na boses. Hinaplos Niya Ang aking buhok bago umalis.

Sa sumunod na araw "Hira!" Tawag sa akin ni Ashia "halika maglaro tayo" Aya Niya sa akin habang hawak ang dalawang manika.

Umiling ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagwawalis. Sumimangot siya at umupo sa sahig. "Tumayo ka diyan, kakatapos ko lang walisan Yan eh" reklamo ko sa kanya.

" Kahit galit ka Ang lambing pa din ng boses mo, sana ganyan din Ang boses ko" napa ngiti na Lang ako sa sinabi Niya.

"maganda din naman Ang boses mo, diba nga Sabi mo paglaki mo gusto mo maging reporter kaya huwag mainggit sa akin." Malakas kasi ang boses Niya kaya minsan akala ng iba galit siya.

Isang Gabi habang sinusuklay ko ang mahabang buhok sa harap ng salamin ay may kumatok sa pinto Ng aking kwarto.

"Hira! Hira! Buksan mo ang pinto!" Boses ni Ashia kaya binuksan ko ang pinto " Narinig ko ang usapan sa kwarto nila mother na may aampon daw sayo" kunot noo ko siyang pinagmasdan, kulang na Lang ay tumalon siya sa tuwa kahit ako ang aamponin.

Kinaumagahan ay ipinakilala ako ng mga Madre sa mga aampon sa akin at binati niya ako na may ngiti sa kaniyang labi. Akala ko mag asawa kaya nagtaka ako Kung bakit mag isa Lang siya. Mukha naman siyang mabait. Hindi daw sila nagka anak ng namayapa niyang kabiyak kaya nagdesisyon siyang mag ampon na Lang.

"Hello" hinawakan Niya ang kamay ko "simula ngayon ako na Ang bago mong mommy, gusto mo ba yon?" Sa malapitan ay maamo ang kanyang mukha at may luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Sa murang edad ay ayaw Kong nakakakita Ng mga taong umiiyak. Nang tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha ay pinunasan ko Ang mga ito na naghatid ng ngiti sa kaniyang labi.

" Adohira Ang pangalan mo, tama?" Tanong Niya.

" Hira na Lang po"

September 6 Ang araw na nagkaroon ako ng pangalawang magulang at dahil Hindi ko maalala ang aking kaarawan ay ginawa ding September 6 na din ang naging kaarawan ko.

Hinayaan Niya akong kunin Ang mga mahahalagang gamit ko bago kami umalis at bago ko sila iwan pero pangako babalik ako.

"Ang swerte mo naman Hira may bago ka Ng magulang" naka upo siya sa Kama ko habang bagsak Ang mga balikat. Kung gaano siya kasaya kagabi ay kabaliktaran ngayon.

Mas matagal siya sa akin dito sa bahay amponan pero hanggang ngayon ay Hindi pa din siya napipili.

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang kanyang munting paghikbi "bakit ka umiiyak?" Nag aalala ako sa kanya.

"Kasi Wala na akong kaibigan na maganda kung aalis ka" mas lalong lumakas Ang pag iyak Niya.

Niyakap ko siya "hindi Naman ako mawawala, bibisitahin Naman kita kaya huwag ka ng umiyak" hinahaplos ko ang likod Niya at unti unti ay tumigil na siya sa pag iyak.

"Pangako yan Hira ah?"

"Pangako, Ashia" Bago ako lumabas sa kwarto ay nilingon ko siya at ngumiti.

Huminto ang taxi sa tapat ng magandang bahay at may malaking gate. Pagpasok namin ay may mga halaman sa bawat gilid, nakaramdam ako ng tuwa dahil simula ngayon ay ito na Ang magiging tirahan ko. Binuksan Niya ang pinto at pina upo Niya ako sa malambot na upuan.

"Nagustuhan mo ba ang bahay natin anak?"

"Opo"

Sunod na pinuntahan namin ay ang kwartong pambabae, puro kulay pink ang nakikita ko. Ang Kama, Ang dingding, Ang malaking panglagyan ng damit at may malaking salamin din.

"Ito Naman ang kwarto mo"

"Talaga po?"

"Nagustuhan mo ba?"

" Syempre naman po" Humiga ako sa Kama at dinama ang lambot nito.

Sa bawat buwan na lumilipas ay nasasanay ako sa bagong mundo na ginagalawan ko, may katulong kaya Hindi ko na kailangan maglinis pa. Masasarap na mga pagkain at magagandang mga damit at mga sapatos na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas.

Nalaman ko din Kung anong trabaho ni mommy, ang Sabi Niya Isa daw siyang painter at writer. Noong una ay Hindi ko maintindihan pero ipinakita Niya sa akin ang mga gawa niya, painting daw Ang tawag at Ang mga libro na nakasulat doon ang kaniyang pangalan.

Bago na din pala akong pangalan, Sabi ni mommy inayos na Niya Ang birth certificate ko para iisa na lang daw ang apelyido namin.

Adohira R. Minette

Iniisip ko na ako na ang pinaka swerteng bata sa buong mundo dahil may umampon sa aking sobrang bait na mommy. Papa aralin niya ako sa elementary pero bago iyon ay isinama niya akong bumili ng mga school supplies, iyong mga kailangan ko daw sa school tulad ng lapis, papel, krayola at ang bag na ako mismo ang pumili.

"Excited ka ba para bukas?" tanong sa akin ni mommy habang kumakain kami ng hapunan.

" Opo" 10 years old na ako kaya grade 5 na ako sa pasukan at bukas na ako papasok.

"Ubusin mo na iyang pagkain mo at matulog na para maaga Kang magising bukas" Pagkatapos kumain ay agad akong tumakbo papasok sa banyo para magsipilyo.

Nakaharap ako sa salamin habang nakatingin sa repleksyon ko, nakapatong ako sa maliit na upuan para maabot ko ang lababo. Isang taon na ang lumipas at Hindi pa din ako lumalaki. Mas lalong humaba ang buhok ko na palaging inaayos ni mommy gaya ngayon na naka braid at ang cute ng pinangtali niya dito na nakaribbon.

Bigla Kong naalala si Ashia, nangako ako sa kanya na bibisita ako pero hindi ko nagawa sa loob ng isang taon, sigurado akong nagtatampo na siya. Nagmumog na ako at lumabas.

Pumasok ako sa kwarto ni mommy "Mommy..." tawag ko sa kanya.

"Ano yon? May kailangan ka?"

"Pwedi po ba nating bisitahin si Ashia?" Pina upo Niya ako sa kama niya at naramdaman Kong tinatanggal niya ang Tali sa buhok ko.

" Pwedi pero sa weekend kasi may pasok ka hanggang Friday" sinusuklay niya ang buhok ko kaya naalis ang pagkaka braid nito.

" Sige po"

"Sobrang haba na ng buhok mo, bakit ayaw mong gupitan natin Ito?"

" Sabi po kasi ni Ashia maganda daw po ang babae kapag mahaba ang buhok"

"Sobrang ganda mo nga, paglaki mo maraming binata ang maghahabol sayo"

" Ayaw ko po ng ganoon"

" Bakit Naman?"

" Ayaw ko po sa mga lalaki kasi Sabi ni Ashia bad daw po sila."

" Hindi Naman lahat ng boys ay bad, meron ding mga mababait na lalaki at may makikilala kang lalaki na makakasama mo habang buhay at mamahalin ka"

" Kailan ko po siya makikilala?"

" Kapag handa na kayo pareho. Sige na bumalik ka na sa room mo at matulog, okay?"

" Good night, mommy"

" Good night, Hira" niyakap Niya ako at hinalikan sa noo.

Pagpasok sa aking kwarto ay nilapitan ko ang laruang doll house, malaki Ito at maganda pero gusto kong kasama maglaro si Ashia. Sobrang excited na akong pumasok bukas kaya Hindi ako mapakali sa Kama. Mababait kaya ang magiging kaklase ko? Ayaw Kong mabully at saktan. Kung nandito Lang Sana si Ashia pwedi ko siyang makasama sa school. Sabi Niya sa akin dati pangarap daw niyang makapag aral kaya palagi siyang nagdadasal na may umampon sa kanya. Pero mukhang hindi sang ayon sa kanya ang tadhana.

__________________________________

There will always be rocks in the road ahead of us. They will be stumbling blocks or stepping stones, it all depends on how you use them.