webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 19

Adohira's POV

"Ano bang meron sa inyo ni Ashia? Kasi kanina ang awkward ng mga sinasabi niyo." Dinig kong sabi niya habang tinatanggal ang mga butones sa suot niyang damit.

Naka uwi na kami sa apartment at nagbibihis na ng damit pambahay. Pareho naman kaming babae kaya hindi malaking bagay na magkaharap kaming magbihis.

"May gusto siya kay Mion." Walang ganang wika ko.

"Talaga?" Walang bakas ng pagka-sorpresa ang boses niya.

"Oo, sinabi niya sa akin."

" Eh paano ka?" Tapos na siyang magbihis at umupo sa kama niya paharap sa akin.

" Anong paano ako? Bakit?" Umupo din ako sa kama ko.

" Akala ko may namamagitan sa inyo ni Mion?"

Mahal Kita...

Hindi ako makalagap ng isasagot.

" Oh, bakit hindi ka na makapagsalita diyan?"

"Hindi ko alam." Sabi ko " hindi ko alam kung...ano...ewan!" Tumayo ako at pumunta sa kusina. Maski ang utak ko ay hindi makahanap ng dahilan kung ano nga ba.

Hindi kasi ako nagkwento sa kanya tungkol sa nakaraan ko. Ang alam niya lang ay magkaklase kami nila Mion noong elementary, hanggang doon lang ang alam niya. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan pero hindi ko kayang sabihin kung anong nangyari sa nakalipas na panahon. Dapat ko bang sabihin na magkaibigan kami ni Ashia noong bata kami?

"Umaapaw na." Napabalik ang isip ko sa kasalukuyan at agad na pinatay ang faucet. "Nasaan utak mo babae?" Hinuhugasan ko kasi ang bigas para maisalang na sa rice cooker.

"Ako na maghuhugas ng pinggan mamaya." Ani niya habang sinasaksak ko ang rice cooker at bumalik sa kwarto. Ramdam kong sumunod siya sa akin.

"Bakit nararamdaman ko na parang may hindi ka sinasabi sa akin?" Pinanliitan niya ako ng mata.

" Natatakot ako." Nagbaba ako ng tingin.

"Saan?" Tinabihan niya ako.

"Sinabi ni Mion na mahal niya daw ako."

"Ano sabi mo?"

"Sinabi ko na hindi kami pareho ng nararamdaman-aray!" Pinalo niya ako sa balikat. Ang bigat pa naman ng palad niya. "Anong malay ko kung nagsasabi siya ng totoo." Nakangusong saad ko.

" Gaga ka ba o sadyang tanga ka lang?" Tumaas ang kilay ko sa mga salita niya. "Hira, sa tingin mo may taong didikit sayo ng ilang taon kung hindi ka naman mahalaga para sa kanila?" Napa isip ako.

"Hindi ba't normal lang 'yun-aray naman!" pinalo niya ulit ako. "Bakit ka ba namamalo!? Ang sakit kaya!"

" Maniwala ka sa mga salita ni Mion dahil saksi ako kung paano siya tumingin sayo dati. Kung hindi ka naniniwala bigyan mo siya ng pagkakataon na patunayan iyon, hindi naman 'yun ikakasira ng pagkatao mo."

" Pero natatakot ako na baka masaktan ko siya."

" Parte ng buhay ang masaktan, Hira. Hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan."

" Ang pagkaka ibigan namin ayaw kong masira. Hindi ba't mas mabuting manatili na lang kaming magkaibigan kasi kung papasukin namin ang mundo ng pakikipagrelasyon at sa huli ay hindi rin pala kami ang magkakatuluyan ay baka hindi na maibabalik pa ang dating pagkakaibigan namin." Tumitig lang sa akin si Vera pero kita ko ang pagbwelo ng kamay niya. "Aray!" Naiinis na ako kaya gumanti ako ng hampas sa kanya.

"Ang sakit ng palo, Hira. Bwesit ka!" Hinihimas niya ang braso niya.

"bakit masarap ba hampas mo? Naka tatlo ka na nga sa akin."

"Pero seryoso may mga taong papasok sa pinto ng buhay mo at hindi mo sila mapipigilan na lumabas. Sa bawat taong 'yun ay may iiwan silang leksyon sa pintuan mo bilang regalo." Isinara niya ang kanyang bibig nang tumunog ang doorbell sa apartment namin.

Nagtaka ako at pinuntahan niya ito. Sumilip muna si Vera sa peephole bago binuksan ang pinto, isang delivery guy. May iniabot siyang kahon na kulay lila kay Vera at umalis na.

"Ano 'yan?" Hinagis niya ito sa upuan.

"Bigay ng isa sa manliligaw ko." Nag flip hair pa siya.

" Ang kapal, isa sa manliligaw, bakit ilan ba manliligaw mo?"

" Marami" natawa ako sa sagot niya.

" Bakit hindi mo buksan? Ayaw mo bang malaman ko ang laman niyan?" Pinulot niya ito sa upuan at naupo siya. Inalis niya ang tape na nakapalibot sa kahon at nang mabuksan na niya ay tumambad sa amin ang mga purong tsokolate.

"Diabetes is real." Sabi niya habang tinitingnan isa isa ang mga tsokolate.

"May balak ka bang sagutin isa sa mga manliligaw mo?"

"May isa, binabalak ko pero parang, medyo hindi okay." Umupo din ako.

" Bakit medyo hindi okay?" Nagiging interesado ako sa love life ng babaeng ito.

Itinabi niya ang hawak na kahon "Tinanung ko siya kung bakit niya ako gusto tapos alam mo kung ano ang sagot niya?"

" Ano?"

" Kasi maganda at maputi daw ako. Paano kung hindi ako maganda at maputi edi hindi niya ako liligawan, at kahit siguro tingnan ay hindi niya magawa. Maganda at maputi, walang kwenta." Sumandal siya at kinuha ulit ang mga tsokolate.

"Tingnan ko lang 'yung sinaing" hindi ko na siya aabalahin sa kilatis niya sa mga tsokolate.

"Luto na!" Inilabas ko sa refrigerator ang natira naming ulam.

Pumunta na din siya dito sa kusina at siya ang naglapag ng mga pinggan, baso, kutsara at tinidor namin.

Pagkatapos naming kumain ay tulad ng sabi siya ang naghugas ng aming pinagkainan. Naghanda naman ako ng damit ko bago naligo. Humiga na ako pero si Vera ay may inaayos pa sa study table niya.

Kinabukasan ay natanghalian ako ng gising at naghihikab pa habang naglalakad. Hindi ako makatulog kagabi sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip ko. Pumasok muna ako sa room namin para tinggnan kung kompleto na sila. Nandito na nga sila pero nadismaya ako nang tumingin ako sa upuan ko at wala siya doon sa tabi.

"Kung wala kang balak pumasok huwag kang humarang sa pintuan"

(Flashback)

Pinagmamasdan ko lang sila habang nakatayo sa labas ng room "Kung Wala Kang balak pumasok huwag kang humarang sa pintuan" nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

Gumilid ako para makadaan siya "sorry" yumuko ako.

(End)

"Mion..." Humarap ako sa kanya na nakangiti pero nang makita ko na kung sino ang nagsalita ay may gumapang na inis papunta sa palad ko para ihulog siya sa building.

"Biro lang" tumawa siya kahit ang sama na ng tingin ko sa kanya.

"Sino ka?" May pait sa boses ko. Akala ko kasi si Mion pero isang lalaking sarap durugin.

"May ibibigay lang ako kay Alexa. Pakitawag nga siya." Kita ko nga na may bitbit siyang supot ng Jollibee. Binuksan ko ang pinto at naunang pumasok.

"Alexa!" Nakikipag tsismisan pa. "may naghahanap sayo sa labas." Padabog kong nilapag ang bag ko.

"Sino?" Hindi pa siya tumayo at puntahan para malaman kung sino.

"Ewan. Hindi ko kilala."

"Bakit nakabusangot ka, Hira?" Tanong ni Kharen.

"Oo nga, umagang umaga nakabusangot ka." Dagdag ni Tala.

Wala akong gana na magsalita at kausapin sila. Nakapalumbaba akong naghihintay kay Mion pero unti unting bumabagsak ang ulo ko sa mesa hanggang sa makatulog ako.

Nagising lang ako nang may tumatapik sa mukha ko at pagyugyog ng mesa ko. Hindi ba sila marunong manggising ng mapayapa?

"Gumising ka na, Hira. Kakain na tayo." Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Tanghali na, tatlong oras ako nakatulog. Bakante pa din ang upuan sa tabi ko.

"Wala akong ganang kumain. Kayo na lang."

"Paano ka?"

"Tapat lang ng school ang apartment ko, sira kayo." Natatawang saad ko.

"sige, tara na Jade, mag spin ka na."

"Ano ba yan! Wala na akong pera." Usapan nila habang palabas ng room.

"Oh! Mion!" Napatayo ako nang marinig ko ang pangalan niya.

Hindi niya pinansin sila Alexa na sana harapan niya at deritso siyang pumasok na parang may pumipigil sa paa na humakbang. Binagsak niya ang sarili sa upuan at huminga ng malalim saka kinuyom ang mga palad.

Nagsalubong ang aking kilay at umawang ang labi ko dahil puno ng pasa ang mukha niya. Ang tuktok ng kanyang ilong ay may sugat pati na rin ang labi niya. Kung gaano kagulo ang kanyang buhok ay siya ring gusot ng sout na damit.

Itinuon ko sa iba ang paningin ko dahil may namumuong init sa dibdib ko na hindi ko mailabas dahil hindi ito tamang gawin at wala akong karapatan.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo. Hindi nakawala sa mata ko ang sugat sa kamao niya. Walang salitang sinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko at nanatili kaming magkahawak kamay. Dapat ko ba siyang bigyan ng pagkakataon?

Rinig ko ang malalim niyang paghinga. Sa oras na ito ay pinili ko na lang manahimik kahit na halos sasabog ang utak ko sa dami kong gustong itanong.

"Adohira..." pabulong niyang bigkas.

Napangiti ako dahil siya lang ang tanging tao na tumatawag sa akin ng ganiyan. Pakiramdam ko tuloy espesyal ako.

"Mahal kita..." Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Mahal na mahal kita..." nablangko ang utak ko na ang tanging salita niya lang ang sumasayaw sa aking isipan.

Umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko at tumitig sa akin. "Papasukin mo ako sa mundo mo kahit hindi man buo basta maramdaman ko lang na naging akin ka kahit sa sandaling panahon. Alam kong hindi naniniwala pero bigyan ako ng pagkakataon na patunayan ko sayo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko." May tumakas na butil ng luha sa aking mata pero agad ko naman pinunasan gamit ang likod ng aking palad.

__________________________________

As much as they were right for each other, time wasn't right for them.