webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Teen
Not enough ratings
35 Chs

KABANATA 16

Adohira's POV

Nandirito kami sa art room para e-finalize ang painting namin dahil malapit na ang deadline. Itong art room ay nagsisilbing pangalawang bahay namin dahil halos dito na namin nauubos ang oras. Kakatapos ko lang ayusin ang akin kanina at nagpapahinga na lang ako. Nasa tabi ko si Mion na naglalagay ng mga alitaptap sa canvas niya. May mga bundok sa likod nito at may isang puno sa gilid kung saan naglalabasan ang mga alitaptap, iyan ang hitsura ng painting niya.

"Bakit alitaptap ang ginawa mo?" Kanina ko pa gustong itanong sa kanya yan. Masyado kasi siyang focus kaya hindi ko maka usap.

"May napanuod akong anime nung kailan. Nagustuhan ko."

"Anong title? "

" The grave of fireflies"

" Paalala mo sa akin mamaya, papanuorin ko yan mamayang gabi." Sabi ko.

" Hindi mo magugustuhan." May bahid ng pang aasar ang boses niya.

" Paano kapag nagustuhan ko?" Hamon ko sa kanya.

" Edi gusto mo" hinampas ko siya sa braso.

"oh teka! Matapon itong pintura, ipapadila ko sayo." Sinipa ko siya ng mahina sa hita niya kaya sumama ang timpla ng mukha niya. Napanguso ako at tumigil na din.

"Tama na yan. Valedictorian ka na." Rinig kong sabi ni Kharen kaya napatingin ako sa kanila.

"Okisabam! Manahimik ka nga. Hindi ko na nga makuha ang tamang kulay dito manggugulo ka pa." Sabi ni Alexa habang naghahalo ng pintura sa palette niya.

"Hindi ko nga din makuha ang hitsura ng painting mo. Nagreklamo ba ako?" Pang aasar sa kanya ni Kharen.

" Oy Jade!" Tawag niya sa taong nananahimik.

" Tingnan mo" naghanap pa talaga ng kakampi. Inusog niya ang anggulo ng easels para makita ni Jade ang painting ni Alexa.

"Ano 'yan? Gawa mo?" Tanong ni Jade.

"Hindi. Kay Alexa" sagot ni Kharen saka tumawa ng pang aasar at bilang isang mabuting kaibigan ay tumawa rin si Jade.

Inagaw sa kanya ni Alexa ang easels " 'yung iyo nga ang harapin mo. Doon ka, shoo!" Pag alis ni Kharen ay pumwesto na si Alexa para matapos na niya ang kanya.

Napansin ko si Tala na nasa gilid. Ayaw Niya kasing maistorbo kaya doon siya umupo. Ganyan talaga siya kapag may ginagawa, lumalayo siya sa mga bagay na makaka istorbo sa kanya. Hindi ko pa nga nakita ang gawa niya dahil palagi niya itong iniiwas sa amin.

"Guys, kung kaninong painting ang magustuhan ni sir o ang may pinakamataas na grade, manlilibre ah." Sabi ni Kharen.

" Etong Kharen mukhang libre" sabat ni Alexa.

" Papangitin ko nga itong akin" wika ni Jade at natawa sa sariling sinabi.

" Happy ka na, Jade?" Pang aasar ni Kharen saka tumawa.

" Bwesit ka" saad ni Jade at ipinagpatuloy ang ginagawa.

" Oh Alexa, seryoso ka na diyan?" Si Alexa na naman ang nakita niya.

" Tumigil ka nga Kharen. Tapos ka na?"

"Oo"

" Gusto mong may magawa?"

" Oo"

" Bigti ka na"

" Saan?"

" Sa bewang"

" May kiliti ako sa bewang" tumatawang Sabi niya.

" Talon ka na, una buhok" sabi ni Alexa.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na naging kaibigan ko sila dahil tumayo si Kharen at hinawakan niya ang dulo ng buhok saka tumalon. Sa pagtalon niya ay dinikit niya ang dulo ng kanyang buhok sa sahig tapos ay tumawa.

"Bwesit ka, Alexa" napuno ng kanilang tawanan ang room.

"Ako na lang talaga ang matino dito."

"Ano iyon, Mion? May sinasabi ka?" Akala ko ako lang ang nakarinig.

" Ang tino ng painting mo Alexa, sabi ko." Hindi ko gustong tumawa pero natawa ako kaya tumalikod ako sa kanila.

" Hira, tapos ka na niyan?"

"Bakit?"

"Hala, Alexa tinatawanan ni Hira 'yung painting mo."

"Oy, hindi ah!"

Nagpatuloy ang asaran nila hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Kaya ngayon ay nagrereklamo na sila.

"Gutom na ako."

"Saan tayo kakain?"

"Oy, saan daw Tayo kakain?"

" Magdesisyon na kayo."

" Okay ako kahit saan"

" Ako din."

" Ano ba yan!"

" Mag spin na lang tayo." Singit ni Jade.

" May dinownload akong app para iyon na lang ang magdedesisyon kung saan tayo kakain."

" Game!" Nag umpukan kami sa gilid ng hallway.

" Magbigay kayo ng pangalan ng kainan."

"Jollibee"

" Mang inasal"

" Chowking"

" Karinderya" napatingin kami sa nagsabi.

"Seryoso, Tala?"

" Gipit na gipit?"

"Ano ba! Bilisan niyo!" Reklamo ni Jade dahil sa iba napupunta ang usapan.

" 'yung kainan sa gilid ng kalsada" Sabi ni Alexa.

"Anong name ?"

" Ewan."

" Buset ka"

" 'yung kainan sa may lechon manok banda" Sabi ulit ni Alexa.

" Wala kang kwenta"

" Mang inasal"

"Greenwich"

" Tama na, tama na" Sabi ni Jade.

Nakasulat ang mga pangalan ng kainan sa parang spin the wheel. May pinindot si Jade at umikot ito.

"Excuse me, art students. Bakit kayo nagkukumpulan diyan sa gilid?" Lumayo kami sa isa't isa nang marinig namin ang pamilyar na boses.

"Good afternoon po, ma'am" bati namin sa vice principal ng university.

" May ginagawa lang po kami." Sabi ko at walang sabing nilagpasan niya kami.

"Sa jollibee tayo kakain. Doon huminto." Saad ni Jade.

Bumaba na kami ng building na parang lantang gulay dahil kanina inaaya ko silang kumain na eh mas pinili pang mag asaran. Nasa tabi ko lang si Mion na hindi nagsasalita.

"Sila Saki at Von, saan sila nag aaral?" Napataas ang dalawang kilay niya sa tanong ko.

" Nag med school si Saki at iyon na din ang pinili ni Von. "

"Saan nag aaral si Saki?"

"Sa Canada" may itatanong pa sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Binigyan si Saki ng scholarship ng papa ni Von kaya pinilit ni Von na sumama sa kanya si Saki sa Canada. Ang utak ng gago." Umubo ako ng peke.

" sorry, para gago lang eh " sapilitang Sabi Niya. Natawa ako ng mahina at kumapit sa braso niya.

" Adohira" napatingala ako sa kanya. Binigkas niya ang buong pangalan ko, hindi niya ako tinawag sa palayaw ko.

"Gusto ko na manatili kang blankong canvas"

"Pinagsasabi mo?"

" Ako lang dapat ang magpinta ng mga kulay sayo."

" Oy! Oy! Oy!" Naglalakad ng patalikod si Kharen habang nakangiti na parang baliw.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong pinag uusapan niyong dalawa diyan sa likod?"

" Ikaw" Sabi ni Mion.

" Oh, tapos?-aray!" Natumba si Kharen.

Saglit kaming natahimik at sabay sabay kaming natawa. Pati siya na natumba ay natawa sa sariling katangahan. Tinulungan siyang tumayo ni Alexa na namumula ang mukha.

"Aray" naiiyak na sabi ni Kharen habang hawak hawak ang pwetan.

"Nawala gutom ko sayo Kharen" halos hindi makahingang bigkas ni Jade.

"Edi 'wag ka ng kumain mamaya."

"Hira!" Tumatakbo si Vera papalapit sa amin at may kasama siyang babae.

"Kakain pa lang kayo?" Tanong niya sa amin.

"Oo" sagot ko.

" Makikisabay kami."

" Sino siya?" Tanong ni Tala.

" Ah, kasama ko sa sinalihan kong bagong club. Pakilala ka."

" Hi, My name is Ashia or Iya or whatever you like to name me."

Ngumiti siya sa amin habang ako ay napatulala sa kanya. May nag iba man sa kanya ay sigurado akong siya pa rin si Ashia. Nagtama ang paningin namin kaya napahigpit ang hawak ko sa braso ni Mion.

"Hello, Hira" ang casual niyang magsalita samantalang ako ay hindi ko na maibuka ang bibig ko.

"It's nice to see you...again" pag ngiti lang ang nagawa ko.

Bumaling siya kay Mion " hi" napayuko ako. Hindi ko alam basta na lang bumaba ang ulo ko.

Hindi ko narinig na may sinabi si Mion pero ramdam ko ang paggalaw niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ang paghawak ko na lang Kay Mion ang suporta ko para makalakad ako ng maayos.

Nakarating kami sa jollibee na nakadikit lang ako kay Mion kasi hindi ko alam ang ikikilos ko samantalang sila ay masaya silang nakikipag usap kay Ashia. Naghanap kami ng upuan bago umorder ng pagkain. Sina Jade at Kharen ang nag order. Binigay namin sa kanila ang bayad namin bago sila umalis. Wala akong magawa kaya pinaglalaruan ko na lang ang mga tissue.

Nakita kong pinagitnaan siya nila Alexa at Tala "Saan ka nag aral dati, Ashia?" Tanong ni Alexa.

Bukas ang tenga ko sa pinag uusapan nila. "I studied at Norway. That's what my mom want me to do and just imagine you go to a country not knowing what to do. It's was a hella nightmare." Ibig sabihin may umampon sa kanya. Hindi naman kaya ng mga madre na maggastos ng malaking pera.

"Bakit ka Naman sa university namin nag aral? Ay-wait, nakakaintindi ka ng tagalog?" Hindi nakikisali si Vera sa usapan. Nasa gilid ko siya at may kung anong sinusulat sa notebook.

" Of course" mahina siyang natawa " but I'm more comfortable in english than in tagalog but I can understand well so if you're planning something..." Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil sa halakhak ni Alexa.

"Ayos ka lang?" Bulong ni Mion.

"Oo" mahinang bigkas ko.

" tama na yan" hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nauubos ko na pala ang tissue.

"Bakit communication arts pinili mong course?" Tanong ni Tala.

" Well..." Hinihintay kong sabihin niya na iyon ang pangarap niya.

" It's my dream and when I become a reporter I'm gonna stick to my principles." pansin kong nag iba na ang boses niya. Hindi na katulad noong bata pa kami na aakalain mong palaging sumisigaw. Ngayon ay mas mahina na at mahinhin.

"How about you? Why did you took fine arts?" Tanong niya sa dalawa.

" Well..." Si Tala ang unang sumagot at kunwari ay nag iisip.

"it's my dream" Sabi niya at nagtawanan na naman sila.

"Hindi, biro lang, sabay kasi ng pinsan kong nag entrance exam at pareho kaming nakapasa pero sa kalagitnaan ng semester ay iniwan niya ako. Pero ayos lang kaunting kembot na lang ay graduate na kami." Nakikinig ako kay Tala pero ang mata ko na kay Ashia.

Kinagat ko ang ibabang labi at hiniling na maibalik ang dating kami. Hindi kami nasira, walang nasira ngunit bakit may pader sa pagitan namin? Ramdam ko ang braso ni Mion sa sandalan ng upuan ko kaya tumingin ako sa kanya. Dumating na sila Jade at Kharen kasama ang dalawang server na bitbit ang tatlong tray ng order namin.

"May nakita kaming gwapo sa kabilang linya kanina"

"Ayna Kharen, umupo ka muna bago ka mag chismis" sabi ni Alexa at inikutan siya ng mata ni Kharen.

Si Mion ang naglapag ng pagkain sa akin at inumin. Tahimik kaming kumain, palagi naman. Paminsan minsan ay nag uusap sila. Kahit gaano pa ka ingay ang isang tao ay nagiging tahimik talaga kapag pagkain na ang kaharap.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa university pero sila Jade, Alexa at Kharen ay dumaan muna sa mall. Hindi naman sila bibili, magpapalamig lang sa air-con ang gagawin.

"Hira" tawag sa akin ni Vera.

"deritso na kami sa teritoryo namin. See you later!" Kumaway ako sa kanya. Hinila niya Ashia dahil hindi ito gumagalaw paalis.

Pumunta na din kami ni Mion sa art room " Kilala mo 'yung babae?" Tanong niya sa akin pagka upo namin.

" Oo, bakit? Type mo?" Tumawa ako.

"Natahimik ka kasi nung dumating siya." Hindi ko siya pinansin at inayos ko ulit ang easels ko.

"natatakot ako" nagkasalubong ang mga mata namin.

"Natatakot ako" ulit niya.

"Bakit?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

" Sa patuloy mong pagbabago. Minsan hindi ko na alam kung paano kita kakausapin."

" Ano na namang pinagsasabi mo? Ayaw mo ba akong magbago? Ayaw mo ba akong makitang maging masaya?" Nakatitig lang siya sa akin.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? May ideya ka ba kung bakit mas pinipili ko na lang manahimik minsan?"

" Mion, please... Ayaw ko ng pag usapan yan."

" Alam mo ba ang pakiramdam na sa araw araw mong pakikipag usap mo sa akin ay parang iba't ibang tao ang kumakausap sa akin."

" Anong gusto mong gawin ko? Ang bumalik sa dating nakakaawang Hira?"

Ginulo niya ang buhok niya

" Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang ay itigil mo na ang pagpapanggap. Ako ito...hindi ako ibang tao kaya ipakita mo ang totoong ikaw."

" Saan papatungo ang usapan na ito, Mion?" Hindi siya nakasagot

" alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin mo?" Bumuka ang bibig niya pero isinara na rin

" ang gusto ko lang ay palakpakan mo ako sa tuwing nagtatagumpay ako at yakapin mo ako kapag nalulungkot ako." Inabot ko ang kamay niya

" ikaw ang dahilan kung bakit ako nakatungtong dito. Kaya wala kang dapat ikatakot." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero umiling lang siya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya.

"Tumawag pala si Saki kagabi. Kinukumusta ka Sabi ko ayos ka lang."

" Kailan ba sila uuwi dito?"

" Hindi ko alam."

" Galit ka ba?"

" Hindi" may kinuha siya sa bulsa niya at ipinagulong sa sahig. Dalawang dice at huminto sa 2 at 6. Pinulot niya ito at binalik sa bulsa ng pantalon niya.

"Ano 'yan?" Umiling lang siya.

__________________________________

One must give value to their existence by behaving as if ones very existence were a work of art.