webnovel

Chapter 2

''Gusto mo raw akong kausapin?'' ani ng lalaking kinamumuhian ko. As usual, nandiyan na naman ang ngisi niyang nakakagago.

I gritted my teeth.

Isang pabor ang hiningi ko kay Kim at iyon ay ang makausap ang lalaking ito ng pribado. I don't know if this strategy will work out but I want to try it.

''Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. I want to be your girlfriend.'' Lakas-loob kong sabi ng walang kakurap-kurap.

Nasa hardin kami ng mga Cruz. Malaki at tila malapalasyo ang bahay nila ngunit pakiramdam ko ang liit lamang ng espasyo kapag kaharap ko ang lalaking ito.

''Are you crazy?!'' Nakakunot-noong bulalas niya. Pansamantalang nawala ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.

''Bakit parang gulat na gulat ka?'' Puno ng sarkasmong tugon ko.

''You hate me, remember?''

So aware siya. Tama nga ako. He is definitely guilty!

''I do.'' Balewala kong sagot.

''So? What's the point, Trisha?'' aniya. Animo'y nanunuot sa aking katawan ang kanyang tingin.

''I want to know how and why my twin fell in love with you so much to the point of distraction. Gusto kong bigyan ng justice ang pagkawala niya. I want to know more about you. Kung ano at sino ka bang talaga. So, in that way, I can justify your innocence sa kanyang pagkawala. My point is, gusto kong mapatunayan mo na hindi mo nga kasalanan ang lahat ng iyon.''

Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari pagkatapos ng aking mahabang paliwanag sa kanya. Napansin ko ang sunod-sunod na paglunok ni Crayon at ang madalas na pagtitig niya sa aking mga labi.

''So what's your answer?'' Ayokong nakakaramdam ng ganito. Parang may mali sa desisyon ko. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kaharap. Tahimik pa rin siyang nakasandal sa gilid ng inuupuan kong swing. Aba! Parang pinag-iisipan niya talaga ng mabuti ang deal ko. Ganoon ba kahirap para sa kanya ang offer ko? I know I am not his type of girl but the proposal is just a part of our truce. Hindi naman yata siya ganoon kabobo para hindi niya ako maiintindihan sa point ko.

10 minutes later. Hindi pa rin niya ako kinikibo. Bobo ba siya? Napataas ang kilay ko sa aking naisip. Talaga lang Crayon, ha. Napahigpit tuloy ang pagkapit ko sa metal ng swing, at the same time, hindi ko rin mapigilan na makaramdam ng lungkot. Ito nga pala ang paboritong swing ni Kisha Kate dati. Dito kami madalas na naglalaro sa hardin ng mga Cruz noon.

Narinig ko ang mahina niyang pagtikhim bago nagsalita. ''If I understand you correctly, gusto mo lang ako na maging boyfriend to prove my innocence sa pagkamatay ni Kisha, right?'' Sa wakas ay nagsalita na rin siya.

''Correct.''tipid kong sagot.

''Then the answer is ''no''.'' Madilim ang anyo niyang sabi bago humakbang patalikod sa akin.

''So, guilty ka nga!'' Puno ng pag-aakusang sigaw ko sa kanya.

''Isipin mo na ang gusto mong isipin. I'm out.'' Ramdam ko ang galit sa kanyang boses.

''Then, you should be in jail! How dare you kill my sister?'' giit ko. Napatayo ako sa inis at pilit na pinapaharap siya sa pamamagitan ng malakas na pagsigaw ko sa kanya.

Indeed, he then turned around.

''It was an accident, Trish. Bakit 'di mo matanggap na wala akong kinalaman sa buong pangyayari? Kisha died because she was as stubborn as an ox. She does not want to listen to anyone. Not even to you, and you know that, don't you?'' Mahabang paliwanag niya sa akin. Nakita ko ang tila hindi makapaniwalang tingin niya sa mukha ko.

Shit! He's totally right.

''Kasalanan mo pa rin kung bakit ganun ang nangyari, Crayon!'' I insisted. Hindi ko mapigilang mapaluha sa aking biglang naalala.

(Flashback)---

''Saan ka pupunta, ses?'' Nagtataka na ako sa ikinikilos ni Kisha. Parang hindi siya mapakali.

''Sa Mall lang ako, ses. May date kami ni Crayon.'' aniya sa siguradong tono pero ramdam ko na parang may itinatago siya sa akin.

''Really?'' kulit ko pa sa kanya bago nagpatuloy. ''Sa pagkakaalam ko hindi nakikipag date ang playboy na Crayon na yun kahit kanino man.'' I got it from my bestfriend. Playboy ang kuya niya. Dating someone is just too corny for him to do. He is that womanizer na kahit walang date-date ay nakukuha na niya ang mga babaeng may gusto sa kanya.

''That's true, but you can make me as an exception.'' Confident niyang sagot.

''Kisha, we are only 13, hindi pa tayo pwede sa mga ganyang bagay. Remember, we made a promise kina mom at dad before they died, na kailangan hindi tayo magboboyfriend not unless we reach the right age.'' Pinapaalala ko pa ang naging promise namin kina mommy at daddy noon sa ospital bago sila tuluyang bawian ng buhay ng dahil sa isang car accident. Iyon ay isang gabi lamang bago ang aming 13th birthday.

''Ses, stop overthinking.'' pagsita niya sa akin na parang hindi big deal ang buong nangyari sa parents namin at lalo na ang ipinangako namin sa mga ito.

Napasimangot ako sa sagot niyang iyon at matiim siyang tinitigan sa mukha. Why so heartless, Kish? Gusto ko iyong itanong sa kanya but I stopped myself from doing so. Sa halip ay tahimik ko na lamang siyang pinagmamasdan. Maganda si Kisha at mas maputi pa kaysa sa akin. Kahit identical twins kami ay mas nagagandahan pa ako sa kanya. Medyo morena kasi ang kutis ko kumpara sa skintone niya. Ang tanging pagkakatulad lang yata namin ay ang aming payat na pangangatawan. Yun lang at wala ng iba pa.

"Sana hindi ko na lang pinagupitan ng ganito kaiksi ang buhok ko, noh?'' aniya habang sinusuklay ang hanggang leeg niyang buhok. Napahawak ako sa buhok kong hanggang hita ko na sa haba.

''Why a sudden change of mind, Kish?'' Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kanya. Ang weird niya na kasi talaga lately. Pabago-bago siya ng desisyon. Naalala ko pa kung gaano siya ka-excited dati na pagupitan ang buhok niya.

''Basta. Parang mas gusto kong maging ikaw, alam mo yon, diba. You are so perfect, ses.'' Ayokong aminin ito pero parang nararamdaman ko na may halong inggit sa tono ng boses niya.

''May problema ka ba, Kish? Share it to me, please.'' concern kong tanong.

I do not want my own sister to feel insecure.

''Nothing. Feeling ko lang na dahil mas matalino at mas maganda ka sa akin kaya gusto ka ng lahat. Sina mom at dad, ikaw ang pinakapaborito sa ating dalawa. At pati si Cray---. Nevermind.'' Biglaang pagputol niya sa sinasabi.

''Hind 'yan totoo.'' mahinahon ngunit malungkot kong sabi sa kanya. Humakbang ako papalapit, trying to hug her but she stepped back.

''Sshh. It's okay. I am definitely fine with it.'' She smiled sweetly before closing the door and immediately left. Hindi ko lubos akalain na iyon na pala ang huling pag-uusap namin. Nabalitaan ko na lamang kasi kinabukasan na nasagasaan siya noong gabing iyon. Ito ay dahil sa kanyang kagustuhan na makipagkita kay Crayon Cruz!

(Present)---

''Think about it all over again, Trisha.'' Ang tinig ni Crayon ang nagpagising sa aking mapait na alaala mula sa nakaraan.

Hindi ko alam kung paano siya naging ganito kalapit ngunit naramdaman ko na lamang ang marahang pagyakap niya sa akin. He's making me feel so safe and secured. I hated this feeling! I hated him!

Malakas ko siyang tinulak at sinampal.

''I hate you---'' hindi ko na natuloy ang ibig kong sabihin nang marahas at walang sabi-sabing hinalikan niya ako sa mga labi. Trying to stop me from hurting him physically.

F*ck! How dare him steal my first kiss?!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

drose31creators' thoughts