webnovel

Chapter 15 (ENDING)

''Mary anak, nasaan na ang ate mo?'' Nag-aalalang tanong ko sa bunsong kambal. Kanina ko pa kasi hinahanap si Mikai pero wala ito sa loob ng bahay.

''Garden.'' maikli niyang sagot.

Busy siya sa kakatype ng kung ano sa kanyang cellphone. Hays, nako. Kasalanan ito ng daddy nila kung bakit bata pa lamang ang mga anak namin ay napaka-techy na sa lahat ng bagay.

''Sino ba 'yang ka chat mo, anak?'' I asked curiously.

''A demon.''

''Huh?''Naguguluhang tanong ko.

''Mom, I'm going out.'' Seryosong paalam niya at agad ng lumabas ng aming bahay. Bakit kaya ang moody ng batang iyon ngayon?

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Ten years old pa lamang ang mga anak namin ni Crayon pero pansin ko na parang mature na sila kung kumilos.

Si Mary ay seryoso pero makulit din naman paminsan-minsan. Si Mikai ang medyo sakit sa aking ulo dahil parang walang sineseryoso na bagay ang batang iyon pero siya ang pinakamasayahan sa kanilang dalawa.

Marahan akong naglakad patungo sa aming hardin at nakita ko nga si Mikai na may kinukulit na batang lalaki.

''Clay, gusto ko ikasal tayo paglaki natin, ha.''

Anu daw? Iyon ang aking narinig habang papalapit.

''Patawa ka. Asan na ang notebook ko?'' Halatang asar sa aking anak ang kaharap.

''Say yes, first.''

''No!''

''Okay, itatapon ko notebook mo, then. Bye!''

Iyon ang naabutan ko dahil nakita ko na ang notebook ng batang lalaki na nakalutang sa aming fountain.

''Mikai!'' sabay naming sigaw sa pangalan ng aking anak.

''Bakit mo ginawa iyon?'' Galit kong tanong sa anak. Napatayo naman sa galit ang batang kaharap niya at mukhang naiiyak sa ginawa ng aking panganay.

''Hi mom!'' Kahit galit ang mukha ko ay masaya pa rin akong binati ng anak. Tila hindi man lang siya nagulat sa aking pagsigaw sa kanya.

''Anak, what did you do?''

Nilapitan ko na ang dalawa. Nakakuyom ang kamao ng batang lalaki. Animo'y anumang oras ay susugurin ang aking kalmado at nakakibit-balikat lamang na anak.

''I'm teaching him a lesson, mom. Hard to get kasi, eh.''

''Tita. I'm Clay Riveral. Kaklase ko po si Mikai, I am your neighbor po. Pumunta ako rito para kunin ang notebook ko na kinuha niya mula sa aking bag kahapon.'' Magalang na pakilala sa akin ng bata sa kanyang sarili.

Inirapan lamang ito ni Mikai.

''Tsk. Eh di langoyin mo. I'm out.'' malditang aniya na parang balewala lamang ang ginawa.

Syempre hindi ko hahayaan na ganito lamang ang ugali ng aking anak. I do not want to spoil her.

''Get his notebook, Mikai then apologize.'' I said firmly.

''Mom..I might get drown.''

I rolled my eyes.

Hindi naman ganun ka lalim ang fountain hanggang beywang lang yata ng anak ko ang tubig.

''Ako na lang po, tita.'' ani ng batang nagngangalang Clay. Tinalon niya ang fountain at kinuha ang basang-basa niyang notebook.

''Sorry.'' Nakasimangot na saad ni Mikai at halatang pilit lamang ang boses na humingi ng tawad sa ginawa.

''Mikai.''

''I'm sorry, Clay.''

Nagulat ako sa ginawa ng aking anak ng niyakap niya si Clay at hinalikan pa sa labi!

''What the hell?!'' Boses iyon ni Crayon sa aking likuran.

Tila hindi pa rin nakahuma si Clay at nakatulala lamang sa ginawa ng aking anak na ngayon ay nakangiti na. Habang ang daddy niya ay galit na papalapit din sa amin.

''Ano yung nakita ko, Mikai?''

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Gusto kong magalit sa akto ng aking anak pero parang natatawa rin ako sa mukha ni Crayon dahil sa pinaghalong gulat at inis niya sa nakita.

Oh my goodness! Ang bata pa ng anak namin.

''Chill, dad. I just saw it in the movie.''

Parang naging estatwa naman ang isang bata habang nakatingin lamang sa amin.

''Uuwi na po ako.'' aniya ng makahuma at mabilis na tumakbo at lumabas na sa aming gate.

''Bakla.'' Ngisi ni Mikai at hinawakan pa ang kamay ng daddy niya.

''Dad, don't be so angry. Papakasalan naman ako nun paglaki namin. eh.'' Kumpyansang sabi ng aking anak at mabilis na pumasok sa aming bahay.

Naiwan kami ni Crayon na nakatulala sa kawalan.

''I smell trouble.'' ani ko.

''Mine...ang sakit pala sa ulo ng panganay natin.''

Natawa ako sa sinabi ng aking asawa.

''Ngayon alam mo na kung kanino nagmana ang isang yun.'' Nakalabi kong saad at nilambing na lamang ang aking asawa.

''Oo na. Manang-mana nga sa akin. Pero naman oh, ang babata pa nila.'' Nakasimangot na pahayag ni Crayon at hinapit ako sa beywang. Nai-imagine na namin ang mangyayari sa hinaharap.

Napayakap na lamang ako sa aking asawa. I want to make him feel that everything will be fine especially in the future.

Lord. Sana nga ay hindi magiging sakit sa ulo ang aming mga anak.

Anyways, malaki pa rin ang aking pasasalamat dahil kahit anuman ang mangyari ay nandito lamang sa aking tabi ang taong pinakamamahal ko. Ang aking asawa na mahal na mahal din ako. Si Crayon Cruz. Kaya laban lang sa buhay.

----The End----

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

drose31creators' thoughts