webnovel

Chapter 2

(JASMINE)

We are back here again at the bench. Construction worker are focusing on their work. We just finished eating our lunch so I get my book and started to read, The last time we say goodbye by Cynthia Hand. I like the story, it is about a girl who has a brother that commit suicide and that change her life temporarily.

"Maganda to pare, malaki daw pasahod dito"

Nagulat ako sa boses sa tabi ng bench namin at nakita ko yung apat na young workers (I don't know what to call them so yan nalang)

"Buti nga nasali pa ko eh, akala ko puno na ang byahe, hahah"

"At ang maganda pa, maraming chics kasi nasa School area!" sumigaw yung may maraming tatoo na lalaki na nakakuha ng attention sa mga kaibigan ko which they all stop talking. Gross, ang dumi niya.

Tumingin yung mga lalaki sa side namin and all my friends are staring to them too.

"Hi miss!" bati nung lalaking kumindat sakin kahapon. Nagulat ako kaya tumingin ako sa mga kaibigan ko and Ella has an 'ewe' look on her face while looking at that guy.

"Hi miss sa nakahawak ng libro!" He said it again and I know he means me kasi ako lang naman ang may hawak na libro.

"Hey! Are you hitting on her?!" sinigawan siya ni Ella so I also look at him with pride.

You thought I can be defeated young man? Hell, No.

"Maganda siya eh... Maganda naman kayo lahat pero siya ang kumuha ng attention ko" ngumiti siya samin habang sinasabi yun.

What? I DON'T WANT HIS ATTENTION.

"Excuse me?" si ella again. Go ella. I'm counting on you, hihih

"Sabi ko gusto ko yang may hawak na libro. Miss ano pangalan mo? Pwede ba kitang kamustahin?" My jaw drop out of my mouth while he asked me with his jerky smile.

Oh my god.

"What I mean is, look at you? And look at Jasmine? Hahah You're insane." I know what ella means. And if she will say it, it might hurt him.

"Stop it Ella" Kit warned her.

"Uyyyy Sunggiiittt!!!" sigaw ng mga kasama nung lalaki at nagsitawanan sila. It piss me off and I know it piss ella so much too. Ayaw namin na binibiro at paglaruan ng kung sino-sinong low human being lang. As what ella said, we are not what they take lightly.

And I feel humiliated.

"Sungit niyo... Hahah. Jasmine pala pangalan mo? Ganda ah parang yung sa aladdin na pelikula. Ganda mo" sabi niya habang nakatingin sa akin with a creepy smile.

"What?" yan nalang ang nasabi ko. I don't know what to say lol.

"Excuse me again, You know what, you are all below us, aren't you embarrassed about that? So Back off!" Ella said while laughing. I know she doesn't want to be mad coz it makes her lose.

Natahimik silang lahat, and I saw him frowned. Is he pissed?

"Alis na tayo dito. Sungit ng mga tao dito." sabi niya sa mga kasama niya.

"Miss... O Jasmine pala. Kukunin ko number mo bukas ah." nakangiti niyang sabi habang paalis. Like What the hell. He's so creepy, I got goose bumps all over my me.

"Gross, they're all so dirty and that one is hitting on jasmine? Haha L.O.L" tiana said while laughing.

"Ako babe, di ba ko dirty?" hirit ni Naveen kay Tiana.

"Of course not babe... You're the cleanliest in my eyes."

Then they are flirting with each other again.

(ALI)

Umalis kami dun sa upuan malapit dun sa pitong estudyante. Ang sungit nung babaeng may pink ang buhok.

Palagi ata silang tumatambay dun kasi napansin ko din sila kahapon.

Nahagilap ng tingin ko kahapon yung babaeng maliit, na kulot ang buhok at may bangs. Siya lang yung maliit sa grupo nila. At siya lang din ang may hawak na libro na hawak niya rin ngayon. Natuunan ko siya ng pansin dahil siya lang yung nakatingin sa school ground habang yung mga kasama niya naguusap-usap. Ang ganda niya. Maputi yung balat niya, matangos ang ilong, maliit ang kanyang mga mata at labi at ang mukha niya ay maliit rin. Perpekto sa kaliitan ng katawan niya. Maliit siya pero hindi siya mataba. Kinindatan ko nga siya kahapon eh at ngayon sinubukan kong kausapin siya na parang playboy style para hindi nakakahiya, yung parang dala lang sa biro, ganun. Pero sinungitan nga kami nung kasama nilang may kulay pink ang buhok, tatawagin ko nalang siyang Miss pink, sinungitan niya kami lalong-lalo na ako at sinabi pa niyang,

'You know what, you are all below us, aren't you embarrassed about that?'

Huy, wag nila akong ina underestimate, Tumigil ako ng pag-aaral nung grade 8 kaya makakaintindi ako ng English, Mahilig din ako sa quotes nuh kahit keypad lang cp ko. Nag search parin ako ng mga quotes, hahah.

Alam naming below kami sa kanila at bat naman namin ikahihiya yun, Loko yung babaeng yun. Pasalamat siya hindi ako pumapatol, lalaki man o babae kasi hindi ako maabusong tao, wala sakin yan.

Pero dahil dun kay Miss pink, nalaman ko ang pangalan ng babaeng napansin ko, JASMINE. Sobrang ganda niya para sakin ngunit hindi siya para sakin. Natawa ako sa naisip ko at siniko ako ng kumpare ko. Si Carlo. Ang pinaka malapit ko dito sa tatlong katrabaho ko.

"Iniisip mo yung jasmine no?" tanong niya sakin.

"Hindi ba pwede?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nako pare, lumalablayp kana ah." biro niya sakin.

Nandoon parin sa upuan yung Jasmine at ang mga barkada niya. Para sakin siya lang yung nagniningning sa grupo nila.

"Pare... In love na ako." bigla ko nalang nasabi sa mga kasama ko habang nakatitig kay Jasmine.

Pero parang may kulang sa kanya...

Si Jasmine...

Parang Siya ang pinaka malungkot na taong nakita ko.

a/n: Spread LOVE and PEACE💚💜