webnovel

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A STORY OF CHOICE. WHAT WILL YOU DO IF FATE MADE YOU CHOOSE BETWEEN THE PERSON YOU LOVED (mahal mo) and THE PERSON WHO LOVED YOU THE MOST (mas mahal ka)? Who will you choose? A STORY OF DRAMA. WHAT WILL YOU DO IF THE PERSON YOU GAVE YOUR TRUST IS THE ONE WHO REALLY WANTED TO KILL YOU? A STORY OF ACTION. IF YOU LEARN TO FIGHT, WILL YOU ALSO BE ABLE TO FIGHT FOR YOUR LOVE? OR WOULD JUST LET GO? A STORY OF LOVE. Isang pagmamahal na walang hinihinging katumbas. Isang pagmamahal na handang maghintay. Isang pagmamahal na handang magsakripisyo. WARNING: Still on edit but I'll try my best to finish this up in order for me to make this story better :)

MissKc_21 · Teen
Not enough ratings
127 Chs

HAPPY Birthday

AIKKA's POV

Napakaganda sana ng kanta kaso naiirita ako dito sa katabi ko.

"tara na" matapos ni Nathan magc.r.

"agad?, di mo muna tatapusin 'yang pinapanood mo?"

"yes"

Nauna na akong tumayo. Nakakainis kasi eh. Akala mo naman close kami nung lalaki eh kapag nasa school naman kami, lagi n'ya akong binubully. Nambabato na lang kung anu-ano.

"alis na po tayo ma'am?" tanong ni Manong Mike.

Tumango lang ako. Pumasok na ako ng kotse at sumunod na rin sila.

"so saan mo gustong pumunta ngayon Aikka?" mahinahong tanong ni Nathan.

Buti na nga lang at andito siya. I need to calm down.

"Di ba, gusto mong sa Planet Games tayo? Let's go there" sabi ko since yun ang first choice niya.

Napatingin naman si Nathan sa akin. Pati na rin sila Kuya Edmundo and Manong Mike.

Well, hindi naman talaga ako mahilig sa mga arcade games na iyan eh but gusto ko rin naman siyang pagbigyan since napilitan naman siyang itreat ako sa aking birthday.

Maganda na ito pangpalipas oras para pagdating ko sa bahay eh matutulog na lang ako.

Ilang oras ang lumipas, since malayu-layo ang lugar na sinasabi ni Nathan, nakarating rin kami.

Umakyat kami ng second floor. Pinagbuksan ako ng pinto ni Nathan. Talagang napakagentleman niya but I know na hindi lang niya sa akin ito ginagawa since marami namang nagkakagusto sa kanya at maybe, marami na rin siyang babaeng naa-aya ng ganito.

"eto na ba iyon?" me.

"yes!" excited niyang sabi.

Pumasok na kami at nagulat ako kasi maraming taga SA ang nakikita kong naglalaro.

"I changed my mind, sa iba na lang tayo pumunta" sabi ko.

Although wala naman akong kaklase sa kanila, ayoko pa ring magkaroon ng issue at madamay pa ang pangalan ni Nathan.

"Huh? eh andito na tayo. Huwag kang mag-alala, tuturuan kitang maglaro, dito tayo" Shocks! hinawakan niya ang kamay ko then, dinala niya ako sa may arcade machine.

"umupo ka" sabi niya in a sweet voice.

Uwu. Masaya na ulit tuloy ako.

(Naku Nathan, pag ako talaga hindi nakapagpigil, hindi ko na bibitawan yang kamay mo.)

(Haha, landi ako girl.)

"Tekken?" tanong ko. Napapanood ko lang iyan noon ah.

"hindi mo alam na may laro na ring ganito dito?"

"Its because I've never been in a place like this" honest na answer ko naman since hindi nga ako mahilig sa mga ganito.

"eh di maganda ngang idea na dinala kita dito. Madali lang naman eh, pipindutin mo lang itong tatlong button para sa atake niya at itong parang joystick niya para sa galaw naman."

Tinuturuan niya ba akong maging lalaki? Hindi nga ako naglalaro ng mga ganito kasi its for the boys eh.

"Ready ka na?" sabi niya after maghulog ng token

"Pumili ka na nang character na gagamitin mo"

Nagulat ako sa kanya nang bahagyang lumingon ako kasi napakalapit na pala ng mukha niya sa mukha ko.

"ah...eh" napalunok ako bigla.

(Blush.)

Hindi ko naman iyon sinadya pero sadya lang itinadhanang mangyari. Ano kaya ang susunod?

( Bwahaha. Nababaliw na ako.)

Tapos marami siyang mga sinabi na hindi ko na maintindihan kasi hindi na ako mapakali. It's so hard pala talagang mag-act as if wala lang ito.

Natapos ang arcade game na talo ako. Pindot lang kasi ako ng pindot eh. Pero natawa naman siya sa pinagagawa ko. Ang cute ko daw.

Ehe. I'm so flattered.

"doon tayo sa isa pang arcade game"

Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Peacock, ang lambot pala ng kamay niya.

And napapansin ko rin na maraming nagtitinginan sa amin. Lalo na 'yung mga babae.

Iniirapan ko lang sila. Titingin pa sa iba eh may jowa na naman sila.

Siguro halos lahat ng arcade games, ipinalaro na sa akin ni Nathan. Sila Kuya Edmundo at Manong Mike nga eh lumabas na lang kasi nabored ata.

"Gusto mong pumunta sa keychain store?" biglang tanong niya nang papalabas na kami ng PG.

"bakit?"

"marami kasing keychain na cute doon, baka lang may magustuhan ka"

"okay" sabi ko.

"tara"

Dinala niya ako sa keychain store. Ang daming magagandang keychains. Meroong anime designs, local-products inspired din, may mga animals.

Peacock! May puppy na super duper cute. Kamukha ni Cotton.

"gusto mo iyan?" nakangiting sabi niya.

Tumango ako.

"Sige, Maglibot pa tayo, baka may magustuhan ka pa."

Siguro mga isang oras rin kami nagstay sa loob ng keychain store. Andami nga kasing cute at magaganda. Napagod na nga ang paa ko sa kalalakad eh.

Pero in the end 'yung puppy na kahawig ni Cotton ang pinili ko. Bumili rin siya ng kanya.

Parehas kami ng keychain.

Para tuloy kaming matching couples.

"akin na" him

"ang alin?"

"'yung keychain"

I don't know why pero I gave it to him.

"Dito natin ilagay."

Ikinabit niya iyon sa sling bag ko.

"di ba ang cute?" ngumiti siya.

"yes" me. Ngumiti rin ako. Siyempre, ang saya ko ngayon. Gawin ba naman niya iyon for me.

"Ma'am, di pa po ba tayo kakain?" ask ni Kuya Edmundo. Tsk.

Panira moment rin eh.

"ah, saan tayo maglalunch?" him, asking me.

"Ikaw ang bahala, di ba libre mo ito?" me.

"sige, sa Fantastic Podium tayo" sabi niya.

"Iyan! kanina ko pa gustong pumunta d'yan, Siguro naman, tuloy na tayo doon. " sabi ni Kuya Edmundo.

"Sigurado ka?" me.

Tumango naman siya.

Shocks naman kasi si Kuya Edmundo eh.

"Malapit lang naman, lakarin na lang natin" sabi ni Nathan.

"Walang problema, basta't nakakabusog" sabi ni Manong Mike.

"ano? habulan tayo? paunahan makarating roon?" hamon ni Kuya Edmundo kay Manong Mike.

"bah, baka nakakalimutan mo. Sanay ako sa ganyan. Bodyguard kaya ako ng mga Montero"

proud namang sabi ni Manong Mike.

"kung ganon, unahan mo ako" bigla nang tumakbo si Kuya Edmundo.

"hoy, ang daya mo!" hinabol naman niya si Kuya Edmundo.

"parang mga bata" natatawang sabi ko.

"Mas bagay sa iyo ang nakangiti" sabi ni Nathan habang nakatingin sa akin.

Blush.

"thanks" sabi ko.

Peacock, ano ba?

Naiihi na naman ako.

"siya nga pala, gusto kitang kantahan"

"nang alin?"

Tanong ko. Siyempre, nageexpect akong haharanahin niya ako ngayon. Haba ng hair!

"ahem. Happy birthday to you.,happy birthday to you..happy birthday happy birthday...happy birthday to you..."

Me. Abot langit ang ngiti. Sana ganito lagi.

"thank you Nathan" sabi ko in a sincere voice.

"you're welcome, oh, andito na tayo"

Fantastic Podium.

Okay ito na nga iyon. May ganito din kasi malapit sa bahay eh kaya mas sanay ako doon. Anyways, same lang naman na service and food kaya okay na rin.

Umupo na kami sa bandang gitna since yun na lang ang available for dinning in.

Nagorder na rin kami ng food and drinks.

"wow, ang ganda naman nung nagpapiano" sabi ni Kuya Edmundo.

Napatingin kami sa kinaroroonan ng pianist habang hinihintay namin 'yung aming inorder.

"She looks familiar" sabi ni Nathan.

She's white, may pagkawavy ang hair. She has a good body and nice eyes. Oo nga, si Ms. Alvarez ba iyan?

"I think she's my classmate" me.

"tama, siya yung transferee" him.

Ang galing naman niyang magtugtog. Habang pinagmamasdan ko kasi siya, parang nilalaro lang niya ang piano keys. Kung saan-saan umaabot ang mga daliri niya habang tinutugtog ang isang nakakaantig na tugtugin.

Marerelax ka talaga habang kumakain.

"here's your order ma'am...sir, enjoy!"

"okay salamat. Kain na tayo" sabi ni Nathan.

"Yes! salamat ijo huh? Sa uulitin" sabi ni Manong.

Then, we started to eat. Ilang minutes ng katahimikan, nagsalit si Kuya Edmundo.

"siya nga pala, matanong ko lang,..paano mo nalaman ang address ni ma'am Aikka, brad?"

"ah, hiningi ko kay Vice Gov. kasi gusto ko sanang pag-usapan yung about sa inassign niya sa amin. Sakto namang birthday pala ni Aikka"

Buti na nga lang at dumating ka eh. Kasi kung hindi, malungkot na naman ang birthday ko. I'm so happy na you let me experience this kind of feeling.

I'm so happy na nakilala kita.