webnovel

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A STORY OF CHOICE. WHAT WILL YOU DO IF FATE MADE YOU CHOOSE BETWEEN THE PERSON YOU LOVED (mahal mo) and THE PERSON WHO LOVED YOU THE MOST (mas mahal ka)? Who will you choose? A STORY OF DRAMA. WHAT WILL YOU DO IF THE PERSON YOU GAVE YOUR TRUST IS THE ONE WHO REALLY WANTED TO KILL YOU? A STORY OF ACTION. IF YOU LEARN TO FIGHT, WILL YOU ALSO BE ABLE TO FIGHT FOR YOUR LOVE? OR WOULD JUST LET GO? A STORY OF LOVE. Isang pagmamahal na walang hinihinging katumbas. Isang pagmamahal na handang maghintay. Isang pagmamahal na handang magsakripisyo. WARNING: Still on edit but I'll try my best to finish this up in order for me to make this story better :)

MissKc_21 · Teen
Not enough ratings
127 Chs

A LITTLE TREAT FROM HIM

After ng ilang minutong katahimikan, ipinark na nya ang kanyang sasakyan.

"Richline Mall?"

"I know" him tapos nagsuot na siya ng sunglasses nya.

Pinanood ko lang siyang naglalakad papalayo hanggang sa napansin niyang di ako sumusunod sa kanya. Bumalik siya nang walang imik.

Then.

He just gently held my hand and we started to walk. Nung mga moment na iyon, parang part of me felt nervous. I don't know why. Maybe because there are too many people looking at us habang nilalakad namin ang loob ng mall.

Hindi niya binitawan ang kamay ko until we reached our destination.

(CLOTHING SECTION)

"So, ano namang naisipan mo at dinala mo ako dito?" me habang inililibot ko ang aking paningin sa mga Celine clothes na nakabalandra dito sa loob.

"Pumili ka nang susuotin mo bukas"

"what?"

"its my simple treat bilang pagtanggap mo sa alok ko sa iyo. And I wanted you to wear that sa coffee shop bukas, I have a plan"

"shocks, no need na okay? marami naman akong damit sa bahay"

"hay, kung ayaw mong mamili, ako ang mamimili ng para sa iyo" nagsimula na siyang maglibot-libot with the assistance of the sales lady na halata namang nagpapacute sa kanya.

Tss. Kunwari lang rin ang kumag na ito eh, gusto lang ata n'yang gumawa ng way para makausap ang sales lady na iyon.

Bahala nga siya dyan.

Lumabas na ako ng clothing section at umupo sa may bench malapit doon.

"hi miss" nagulat ako nang may biglang tumabi sa aking college student na guy. Nakauniform rin kasi siya with a university logo sa left side ng white polo niya.

"gusto mo nang milk tea?" nakangiting offer niya.

Magkakilala ba kami?

"ah, sorry...nagkita na ba tayo?" ask ko.

"oo.....ngayon." then he smiled.

Bah, loko rin to ah.

"okay Kuya, pwede ka nang bumalik sa school nyo, kasi...mukhang malelate ka na eh" me after I looked at my watch.

"okay lang namang malate basta a woman like you ang makasama ko ngayon"

Shocks! ang kulit din nitong si Kuya eh.

"ano Miss, milktea?" inoffer niya sa akin ang dala niya.

Tatanggapin ko ba o hindi? Kasi kapag hindi ko tinaggap, baka mas lalo niya lang akong kulitin. But, kapag tinaggap ko naman, baka mas lalo ring di nya ako tantanan. Hay, pinipilit ko pa namang kumalma ngayon. I just wanted to prove myself na kaya ko rin namang icontrol ang temper ko.

Nagsigh na lang ako sa harapan ni Kuya.

Well, gwapo naman siya kaso may pagkamanyak lang ang itsura.

"Babe, may problema ba? ginugulo ka ba ng isang ito?"

Napalingon ako sa likod. Si Spade pala dala yung mga binili nya.

"ah...bro, pasensya na." daling tumayo yung guy at nagmadaling umalis.

Tss. Mas matangkad kasi si Spade kay kuya kaya natakot ata.

"minsan, may pakinabang din pala yang pagiging maangas mo" I jokingly said.

"You're welcome" with a blank expression on his face then, nagsimula na siyang maglakad.

"anong welcome? hindi ako nagpapasalamat sa iyo noh" me. Feeling naman nya.

"whatever."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad then sumakay kami ng elevator..tapos sa bandang dulo ng third floor, may isang salon doon na hindi familiar sa akin ang name.

Pumasok kami doon.

"Mr. Rico?" Spade tapos inilagay niya sa couch ang mga pinamili niya. Shocks! ang dami naman niyan. Pag hindi ko talaga nagustuhan yung mga binili niya, ibibigay ko talaga iyon kay Manang.

"Mr Rico?" ulit na banggit ni Spade sa name na iyon.

Then....

May isang guy na nakablack t-shirt, may pagkamoreno, color red ang hair and with the same height as mine ang lumingon. Siya ata si Mr. Rico.

"where's Mr. Rico?" ask ni Spade, so mali ako. Hindi pala siya ang hinahanap ni Spade.

Tapos may lumabas na isang guy na kasing tangkad lang ni Spade with tattoo on his left arm. He smiled on us at pinaupo kami. Siya na ata si Mr. Rico.

"Kuya Jerpz, asaan po si Mr. Rico?" ask ulit ni Spade.

Bwiset.

Saang lupalop ba napadpad ang Mr. Rico na iyan at kanina pa ata nawawala.

"tatawagin ko lang" pumasok sa isang room yung guy na may tattoo and after a minute, may babaeng lumabas. Nasa 40's na ang age niya pero may fashion sense din. Akala ko ba si Mr. Rico ang hinahanap niya, bakit babae ang lumabas?

"Mr. Rico, there you are" Nakangiting sabi ni Spade. Shocks, babae pala si Mr. Rico?

"Oh my pamangkin! buti at andito ka" niyakap siya nito't hinalikan sa pisngi.

"Gusto ko lang kasing ienhance mo ang beauty ng kasama ko" Spade.

Napatingin sa akin si Mr. Rico.

"owh, girlfriend mo?" ask niya.

"kaibigan lang po" agad kong react. Baka ano pa kasing kasinungalingan na naman ang sabihin ng isang ito eh.

"ah...I see. Sayang naman. By the way, I am Miss T or you can call me tita Terico or just tita na lang, whatever you like." her tapos pinaupo niya ako sa swiveling chair

"well, kalma ka lang muna dyan" nagmadali siyang bumalik sa room niya, may kinuha lang ata saglit.

Lumingon ako kay Spade na nakaupo na sa couch while nagbabasa ng magazine.

"psst" me.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang magazine at tumingin sa akin.

"do I really need to do this, ganon na ba talaga ako kapangit?" ask ko.

Tumango lang siya at nagbasa na ulit.

Bastos to ah. Umagree agad eh.

"okay ija, just sit and relax, isang oras lang naman ang magugugol for your great transformation, I'm sure magugulat ang lahat sa gagawin ko sa iyo, especially him" iniharap niya ako kay Spade kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Don't worry pamangkin, I'll make her more pretty. Be sure not to fall inlove with her after ng transformation niya." her tapos nakita kong nagwink siya sa akin after saying it.

Iniharap na niya ako sa salamin at tumakbo ang oras na sobrang mangha ko sa mga pinagagawa niya sa akin. I mean, ibang-iba siya sa mga stylist ko. She can do make ups and hairstyling better than my make up artists and hairstylists.

Para lang siyang naglalaro habang ginagawa niya iyon sa akin. Feeling ko, her hands are everywhere kasi after niyang ayusin ang hair ko saglit, inaatupag naman niya ang eyebrows ko, eyelashes then etc. hanggang sa mauna niyang tapusin ang new hairstyle ko.

Shocks! Feeling ko, bumagay talaga sa shape ng face ko ang new hairstyle ko ngayon. Dati kasi, straight lang ang buhok kaya kapag may occasion saka lang pinapacurl but this time, slightly wave perm lang ang ginawa niya tapos nilagyan niya ako ng see through bangs para daw mas lalong mahighlight ang cuteness ko. Okay, thanks to her! For appreciating my beauty, hindi katulad ng isa dyan...napakacold-hearted at weird na tao. Hmp!

"do you want to have a new hair color?" ask ni Miss T.

"ah....ahm" me while thinking.

"pero mas maganda kapag may pagkabrown ombre ang kulay ng hair mo" her.

Okay, she doesn't need my decision.

Yun na nga, after ng hair coloring. Sa face ko na siya nagfocus. Hindi ko alam kung ano ang mga pinaglalagay niya sa mukha ko kasi hindi naman talaga ako mahilig magmake up. Pumapasok nga ako minsan ng school na hindi nagsusuklay eh.

Siguro, after ng 1 hour and 13 minutes, natapos din ang transformation na sinasabi niya.

"Like it?" her nang tingnan niya ang face ko sa malaking mirror.

"of course, well, very impressive" sabi ko.

Honestly, napatanong ako sa aking self if ako ba talaga ito. I mean, para akong celebrity sa ayos ko ngayon. Ano bang meron?

"I'm so excited sa reaction niya" iniharap niya ako kay Spade na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang magazine.

"Spade, my pamangkin, look at her.....she's very gorgeous now...." Miss T in an excited tone.

Dahan-dahan namang ibinaba ni Spade ang hawak niya't tumingin sa akin.