webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
Not enough ratings
50 Chs

Movie date

"GOOD AFTERNOON po," agad nagmanong si Kyle kay Mama, Papa at Lolo Carlos nang pumasok siya sa loob ng sala namin.

Mapanuring pinagmasdan ni Papa at Lolo si Kyle mula ulo hanggang paa, habang hindi naman maalis ang ngiti ni Mama. Si Kuya Bobby na nakaupo sa sofa habang abala sa paglalaro ng mobile legends ay pasimpleng tumitingin din.

"Si Kyle pala, schoolmate ko," pinakilala ko siya sa buong pamilya ko.

"Anung oras mo ihahatid ang anak ko?" tanong ni Papa na seryoso ang mukha at 'di man lang ngumingiti. May pagka-istrikto kasi ito at batas ang salita niya sa bahay.

"Before 10pm po," sagot ni Kyle.

"10pm? Masyado ng late iyon. Bring her back before 9pm," mariing utos nito na tila isang general.

Napalunok ako at alanganing tumingin kay Kyle na bahagyang pinagpapawisan sa harapan ng tatay ko, "S-sige po, before 9pm, ihahatid ko na po si Apple."

"Mag-aantay ako."

"Pa, tinatakot mo naman itong si Kyle. Hayaan lang natin mag-enjoy ang mga bata, weekends naman at walang pasok bukas," sabi ni Mama sa tabi sabay kumindat pa sa akin.

Gusto kong yakapin si Mama sa pagiging supportive niya.

Nag-isip sandali si Papa at maiging nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Kyle, "Okay, 9:30pm. That's final."

Nagpaalam na kami ni Kyle kela mama at papa. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa back seat ng itim na Fortuner. Napaka-gentleman talaga niya. Lahat ng maliliit niyang gestures ay kinikilig ako.

May personal driver si Kyle na si Manong Peng. Mahigit thirty minutes din ang byahe namin patungong SM Aura sa BGC, Taguig 6:15pm ang oras ng movie.

"Ako na ang bibili ng popcorn, anung gusto mong flavor?"tanong ko kay Kyle dahil siya na ang bumili ng ticket namin.

"No, it's on me."

"Naku! Nakakahiya naman sa'yo, ako na lang ang bibili, may dala naman akong pera," binuksan ko ang sling bag para kunin ang pitaka pero pinigilan niya agad ang kamay ko.

"Let me pay everything Apple, ako ang nag-aya, so it's on me."

Natigilan ako at napatitig sa napakagwapo niyang mukha. Pero higit na kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil nararamdaman ko ang init ng palad niya sa ibabaw ng kamay ko.

Ilang segundo kaming ganoon bago na-realize ni Kyle na hinahawakan niya na pala ang kamay ko. Agad siyang bumitaw at napatingin sa kabilang direksyon habang tinakpan naman ang bibig ng likod ng kamay niya.

"S-sorry."

"O-okay lang… t-tara? Bili na tayo?"

Tumungo si Kyle at sabay na kaming naglakad papuntang bilihan ng snacks. Nauna siya habang nakasunod ako sa likuran. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nito.

Tug.tug! Tug.tug! Tug.tug!

Juice ko lord, mukhang nasosobrahan na ako sa pag-inom ng kape at kailangan ko nang bawasan dahil ang lakas kong mag-palpitate.

Habang nakapila kami ni Kyle natanaw ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng poste malapit sa comfort room. Nakasilip siya sa amin ni Kyle at nakasuot ng sumbrero. Pero sa blonde nitong buhok parang may hinala na ako kung sino siya.

"Levi?" bulong ko sa sarili.

"Hey, anong gusto mong flavor?" napatingin ako kay Kyle nang magsalita siya, "Ah, sour cream na lang."

"Okay," ngumiti siya at sinabi ang order namin sa cashier. Pagtingin ko naman pabalik sa kinaroroonan ng poste, nawala na ang lalaki.

Namamalikmata lang ba ako? Pero parang si Levi talaga. Anu ang ginagawa niya dito? Hindi ako mapakali kaya nagpaalam ako kay Kyle na magsi-CR lang.

Papunta na ko ng CR nang may biglang humigit sa akin at sinandal ako sa pader sa gilid, "Levi? Ano'ng ginagawa mo dito?"

Seryoso ang mukha niya. Kinabahan ako bigla sa mga titig niya sa akin. Bakit tila hindi maganda ang mood niya?

Pero nawala din agad iyon nang mag-smirked siya sa akin, "So nakikipag-date ka na ngayon nang 'di mo sinasabi sa akin."

"Eh, paano ko naman sasabihin sa'yo hindi ka nga nagpapakita sa akin."

Naningkit ang mga mata niya. Ano ba talaga ang problema ng demonyong ito? Eh siya nga itong nagtutulak sa akin kay Kyle nung una diba?

"Ano na naman ba ang problema mo Levi? Bakit ganyan ka na naman makatingin sa akin? Di ka ba masaya for me? Maganda ang progress namin ni Kyle. Ito naman ang pinag-usapan natin diba? Tutulungan mo akong maakit siya?"

Natahimik si Levi at bahagyang lumikot ang mata niya. Bumuntong hininga siya saka unti-unting tumungo.

"Yeah, you're right."

Nakahinga ako ng maluwag, "Di mo na ako aawayin?"

Napangisi siya, "Depende kung pasaway kang estudyante. Hindi ka sumusunod sa sex teacher mo."

Napanguso ako sabay umirap, "Whatever. Anyway, tutal nandito ka na, so ano ang gagawin ko? First time kong manuod ng movie na kasama ang lalaki. Kinakabahan ako."

Humalukipkip si Levi at tumuwid ng tayo, "Movie for the first date, hmp, iba din ang moves niyan si Kyle ah."

Napakunot ang noo ko, "Bakit naman?"

"He could have asked you for a coffee or lunch. Pero movie ang una niyang inaya sa'yo. It means he have plans to make a move. Isipin mo, madilim sa loob ng cinema, magkatabi pa kayo, pwede niyang hawakan ang kamay mo o kaya aakbay siya sa'yo. He might even attemp to kiss you."

Nanlaki ang mata ko at biglang pinagpawisan ng malamig, yung kaba ko mas dumoble, "H-holding hands? A-akbay? K-kiss?"

Tumungo-tungo si Levi, "Well, if he does that, then it's a good sign. Doon naman nagsisimula ang lahat, sa konting haplos, konting dikit, konting tsansing."

Uminit ang buong mukha ko nang maisip ko ang mga bagay na sinasabi ni Levi, "A-ano ang gagawin ko?"

"Nothing, just watch a movie, if he hold your hand, let him be, if he wrap his arms around your shoulder let him be, if he kiss you…"

Natigilan si Levi sandali tapos gumalaw ang adams apple niya saka nag-iwas ng tingin.

Nakagat ko ang daliri ko at hindi napigilan mapangiti nang maisip ko na hahalikan ako ni Kyle. Oh my gosh! Buti na lang at nagbaon ako ng 'swish' breath spray. Para fresh ang aking hininga. I'm looking forward sa 'moment' na yun.

Pagtingin ko kay Levi nakakunot na ang mukha niya at madilim ang mga mata.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Umismid siya sabay umirap, "If I were him I won't kiss you."

"What?!" sumama ang tingin ko sa kanya. So anu sinasabi niya? Hindi ako kahalik-halik?

Tumaas ang kilay ni Levi at may panunudyo sa mata nito, "You're a lousy kisser, ma-di-dissapoint lang siya at ma-tu-turn off na 'di ka marunong humalik."

Aray! Bastusan ah! Sakit nun! Tagos sa bones!

Napaisip ako nang husto sa sinabi ni Levi. Sabagay, wala naman talaga akong kahit anong experience. Haaay… Paano kung ma-turn off nga sa akin si Kyle dahil hindi ako marunong mag-kiss? Nakakahiya! Ayokong masira ang impression niya sa akin.

"Hindi pa hinog ang skills mo sa kissing kaya no first base! Understood? Wag kang magpapahalik," dinuro niya pa ako na parang kuya ko na pinagbabawalan akong lumandi.

Ngumuso ako, "Okay."

Ang laki ng ngisi ni Levi saka ginulo ang ibabaw ng buhok ko, "Good girl."

Asus, palusot mo Levi! HAHAH!

AnjGeecreators' thoughts