webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
Not enough ratings
50 Chs

Kuya ‘wag po

NAGPAALAM na rin kami kay Kyle paglubog ng araw. Hindi na ako sumabay kela Bryan at Ethan sa sasakyan nila dahil off the way ang bahay ko. Kahit nag-insist silang ihahatid ako ay tumangi pa rin ako. Masyado ko na silang naabala at ayoko nang maka-hassle pa. Sayang din ang gas.

Mag-isa akong naglalakad papuntang sakayan kung saan dumadaan ang mga bus. Para akong tanga na ngumingiti mag-isa. Malapit na ata akong maging miyembro ng "Sisa Club." Kinikilig kasi ako ng bongang-bonga habang naaalala ang mga pinag-usapan namin ni Kyle kanina. Feeling ko naglalakad ako sa clouds. I feel like I'm flying!

Nasa gitna ako nang pagmumuni-muni nang bigla na lang may humigit sa braso ko. Pagmulat ko ng mata nasa isang madilim na eskinita na ako at nakasandal sa pader. Nakatayo ang isang lalaki sa harapan ko habang nakakulong ako sa dalawang braso nito.

Mabilis na binalot nang takot ang dibdib ko. Madilim ang eskinita at mukhang hindi dinadaanan ng mga tao. Juice ko Lord! Nagsisisi na ako na hindi ako nagpahatid kela Bryan. Naramdaman kong dumikit ang mukha ng lalaki sa akin.

"Hubad..."

Nanlaki ang mga mata ko. Shit na malagkit! Rapist pa 'tong kaharap ko. Napailing ako sa labis na takot. Hindi pwede! Hindi pwedeng ang gagong rapist na 'to ang makakakuha ng virginity ko! Hindi ako papayag!

"Please kuya 'wag po, maawa ka," nanginginig na ang boses ko.

"Maghuhubad ka, o huhubaran kita?"

Someone please help me! Levi nasaan ka na ba?

"Kuya please..."

Dahan-dahang binaba ni Mr. Rapist ang mukha niya sa'kin. Kinikilibutan ako sa init ng hininga niya sa tenga ko. Napakapit ako nang mahigpit sa sling ng bag ko.

"Kuya 'wag po…" nag-isip ako ng mga pwedeng dahilan para hindi niya ako pagsamantalaan. Think Apple, think…. think… think…

Ting!

"Kuya… H-hindi pa po ako… nag… nag… naghuhugas kaya mabaho ito, amoy bulok na itlog kaya mandidiri ka lang."

Maiiyak na ako sa sobrang takot sana umepek ang dahilan ko. Sana choosy si Kuya. Sana ayaw niya ng amoy itlog. Please Lord, spare me!

"Pffffft!"

Napatigil ako.

"BWAHAHAHA!"

Teka kilala ko ang tawa na 'yan ah!

Umatras siya at tumapat sa maliit na liwanag mula sa isang poste 'di kalayuan at laking gulat ko nang makilala kung sino ang kaharap.

"Levi!" singhal ko sa demonyo.

"Hayop ka talagang demonyo ka! Tinakot mo ako! Akala ko rapist na talaga!" sa labis na inis ay pinagpapalo ko siya ng dalang bag.

Mas lumakas ang tawa nito habang sinasanga ang bawat hampas ko sa kanya.

"BWAHAHAHA! Amoy bulok na itlog! What the fuck Apple!"

"Bwisit ka talaga! Hindi nakakatuwa yung biro mo!" hinampas ko pa siya ulit.

Nakakagigil talaga itong demonyo na ito! Halos atakihin na ako sa puso sa sobrang takot, siya lang pala!

"Sige, bukas na bukas ibibili kita ng one year supply ng PH Care!"

"Gago! Tarantado! Hayup! Mamatay ka na!" pinagsusuntok ko siya sa balikat at sa ulo, "Syempre palusot ko lang yun para mandiri sa'kin ang rapist! Naghuhugas ako at nagpapalit ng panty thrice a day, excuse me!"

"Talaga? Paamoy nga!" biglang lumuhod si Levi.

"Hoy! Anung ginagawa mo?! Ang manyak mo talaga! Sasapakin kita!" Tinulak ko siya sabay inipit ang dalawa kong biti. Umuusok na talaga ang ilong ko sa sobrang inis.

Sa bwisit ko ay nagdadabog akong tumakbo palabas ng eskinita. Humabol naman sa likuran ko si Levi na 'di pa rin mawala-wala ang nakakabwiset niyang ngiti. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hey, Apple, hey!" hinigit niya ang braso ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

Naniningkit ang mga mata niya tapos biglang sumeryoso, "Bakit hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta?"

Napatunganga ako sa narinig. What the hell? Is he serious? At kailan pa nangyari na kailangan kong mag-report sa kanya kung saan ako pupunta? This demon is unbelievable!

"May sakit si Kyle, wala naman sigurong masama kung dalawin ko sya. Nag-alala lang naman ako dahil ilang araw na siyang 'di pumapasok."

Biglang dumilim ang mukha ni Levi.

"At saka teka nga, hindi na ba ako pwedeng umalis ng sarili ko?"

"Ang gusto ko lang magpapaalam ka," anito habang nagsasalubong ang kilay.

Napairap ako sa hangin. Why do he have to act like an annoying father?

Levi, tarantado u!

AnjGeecreators' thoughts