webnovel

CHAPTER 1

CHAPTER 1

S.Y. 1999-2000

"Look at her!" Rinig kong utos ng kapwa ko mag-aaral sa kanyang kasama.

"Oh my! Pfft!"

Palibhasa'y hindi ako nakatingin sa kanila ay gano'n na lang nila ako pagtawanan sa aking likuran. Kunwari'y hindi ko sila naririnig at nakatuon lang ang paningin ko sa mapa na nakadikit sa bulletin board.

"Nakalimutan niya ata, hindi palengke ang pinasukan niya!"

"Her hair is so gross! Eww!"

"She smells too! Big eww."

Ang aarte talaga ng mga anak mayaman tulad nila. Palihim akong napangisi sa sarili ko ng makita ko ang aking repleksyon sa salamin. Maski ako ay nandidiri sa itsura ko ngayon. Pero ganito ang gusto kong gawin.

"Excuse me," inosente, matamis na ngiti akong lumapit sa mga babaeng kanina pa ako pinag uusapan.

Sabay-sabay silang umatras at binigyan ako ng nandidiring tingin. "What?"

Lalo akong ngumiti. "Transferee kasi ako, alam niyo ba kung nasaan ang faculty room 3?"

Bakit ba naman kasi may limang faculty room sa paaralang 'to? Kahit anong gawin kong tuon sa mapa ay hindi ko pa rin makabisado ang tutunguhing daan.

Hindi siguradong tumuro ang isang babae, nakangiwi sa aking itsura. "Go there, walk straight then turn left and turn right then go upstairs.. at the 3rd floor."

Napakamot ako sa ulo. "Ahehe.. sige, salamat!"

Lalo yata silang nandiri at rinig ko pang bumulong ang isa. "May kuto kaya siya?"

Hindi ko na sila inabala at nagsimulang tahakin ang path way. Habang naglalakad ako ay panay ang pagtingin ko sa kabuuan ng lugar. Napakagandang school at napakalawak!

Pinalibutan ko pa ang aking mga mata at nang hindi makuntento ay halos paikot-ikot akong naglakad. Narito na ako sa Campbell Academy na noo'y napagmamasdan ko lang sa larawan. Tatlong paikot na building ang nagtataasan na napapalibutan ng mga puno kaya gano'n kapresko ang panahon kahit patirik na ang araw.

"Pfft! Look at the girl!"

"She look.. like a witch."

"OMG, her hair! Pfft!"

"Shh! She can hear us! Let's go!"

Ngiting-ngiti akong lumiko ng daan. Kada may nadadaanan akong mga estudyante ay gano'n na lang ang gulat at pandidiri nila sa aking itsura. Iwas na iwas sila agad na para bang madudumihan ko sila.

Kay aarte!

Subalit sa kabilang banda ay bigla na lamang akong natawa. Totoo namang kakadiri ang itsura ko.. at sinadya ko ito.

"Paumanhin! Pwede magtanong?" Kinalabit ko ang lalaking estudyante mula sa likuran.

Humarap siya sa akin at bigla na lamang napailag sa gulat. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya nang matitigan ako. Ako man ay natigilan sa inakto niya pero napagtanto kong nagulat lang siya dahil sa aking itsura.

"You look.." tumaas ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin. "Is that.. what are you?"

Bumulalas ako ng tawa na lalo niyang kinagulat. "Haha! Magtatanong lang ako, saan ba rito sa 3rd floor 'yung faculty room 3?"

Tumuro siya sa ibaba. "Sa 2nd floor."

Napakamot ako sa aking buhok at napatawa. "Sabi nung babae kanina, dito raw sa 3rd floor. Niloko lang pala ako. Ang hirap kayang umakyat ng hagdan! Haha!"

Tumaas ang isa niyang kilay at napailing. "Sa itsura mo na 'yan, maloloko ka talaga, miss."

Humalakhak ako na kinagulat niya pa. "Hahahaha! Ang sama ng ugali mo! Hahahaha!"

Napalunok siya sa akin at kusang napaatras. "Mukhang mali yata ang pinasukan mo, ang mental hospital ay doon. Wala rito."

Pinigilan ko ang aking tawa. "Nagtanong lang ako, nanlait ka na."

Lalo siyang napaatras at awtomatiko akong tinalikuran. "Crazy!"

Pinanood ko siyang maglakad papalayo. Palibhasa ay disenteng-disente ang itsura niya at plantsado ang huniporme. Napailing ako at bumalik sa aking pagkatino saka nagsimulang bumaba sa 2nd floor. Ang mga loko-lokong babae kanina ay naloko ako. Sarap bawian, psh! Mabuti at tanda ko pa ang mga mukha nila.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang matagpuan ko rin ang faculty room na kanina pa hinahanap. Sinalubong ako ng aking guro at magiliw na ngumiti sa akin.

"Ikaw ang transfer student! Tama ba ako?" Ngiti niyang tanong sa akin.

Ngumiti ako ng matamis. "Ako nga ho."

"Oh! What's your name again?"

"I'm Nana." Lumaki ang matamis kong ngiti. "Nana Zie Dela Vega."

"Great! Call me Miss An, I'll be your homeroom teacher." Unti-unting nawala ang ngiti niya nang matitigan ako ng husto. "But.. bakit ganyan ang itsura mo?"

"Ho? May mali po ba sa itsura ko?" Inosente kong tanong.

Dismayado siyang nagpakawala ng hininga. "It's okay, Nana. I understand since you're just a scholar student here."

Palihim akong ngumiwi. Binigay niya sa akin ang schedule ng klase at binigyan din ako ng sariling handbook. Kahapon ang first day ng school ngunit ngayon lang ako nakapasok. Batid kong late na rin ako dahil break time na ang naabutan ko.

Maraming nagpakalat-kalat na estudyante sa campus. Bagama't hindi pa nagsisimula ang klase ay hindi muna ako pumasok sa classroom na kinabibilangan ko. Sa halip ay nilibot ko ang campus at natutuwang magmasid sa paligid. Gaya kanina ay naaagaw ko ang atensyon ng mga kapwa mag aaral.

"Oh my god! Are you seeing that girl?"

"I think she's lost! There's no way she's studying here with that look!"

Daig ko pa yata ang preso na nakatakas sa kulungan kung pagtinginan at pag usapan nila. Ang mga nakakasalubong ko ay mabilis na lumiliko, ngunit may iba naman na sadyang walang pakialam sa presensya ko. Tuwing may mahuhuli akong nakatingin sa akin ay mabilis akong kumakaway sa kanila nang may malaking ngiti sa labi. Agad din naman silang mag iiwas ng tingin at tatalikod na parang walang nakita.

Natatawa ako sa kanilang mga nagiging reaskyon. Hindi ko iyon napigilan kaya't nagmumukha akong tanga kakatawa habang naglalakad. Mas lalo tuloy akong napagtitinginan.

Subalit natigil lamang iyon nang may nakaagaw sa atensyon naming lahat. Naririnig ko ang pagsinghap ng hangin ng karamihan at ang iba'y ipit na napapatili.

"Oh no! He's here!"

"Kyaaah! Are they gonna fight again?!"

"Call the teacher!!"

"Aahh!! Ryker is so cool!"

"No! He's a danger!"

Taka at kuryoso akong naglakad sa mga estudyanteng nagkumpulan sa gitna ng quadrangle. Ang ingay nila at panay ang sigawan, kung ano-ano ang lumalabas sa mga bibig. Tumingkayad ako nang harangan ako ng matatangkad na mga lalaki. Panay sila mura at bakas sa mukha ang excitement habang nanonood sa gitna. Napanguso ako at umiba ng pwesto saka inalam din kung ano ang mayroon doon.

"Go get me some food." Dinig kong malalim na tinig ng lalaki.

"No. Why would I?" Isa pang boses ang nangibabaw.

"Because you're a lackey."

Napakamot ako sa aking ulo nang hindi makita ng klaro ang dalawang lalaking nag uusap sa gitna. Ang nakikita ko lang ay ang mga kasuotan nila. Ang isa'y nakasuot ng huniporme habang ang isa'y nakasuot ng itim na leather jacket.

"Go get it yourself. Leave me alone." Akmang gagalaw sa pwesto ang nakahunipormeng lalaki nang bigla na lamang siyang tumilapon sa sahig!

Bahagya akong nainis nang hindi nakita ng buo ang nangyari. Batid kong may sapakan na base sa reaksyon ng mga tao rito. Kinalabit ko ang babae sa aking kaharapan.

Nang makahanap ng maayos na pwesto ay doon ko lang din klarong nakita ang nangyayari. Bahagyang namilog ang labi ko nang makita ang itsura ng lalaking nakahuniporme at kasalukuyang nasa sahig. Iyong ang lalaking pinagtanungan ko kanina! Walang emosyon siyang tumayo.

Pinakatitigan ko naman ang likod ng lalaking naka suot ng leather jacket. Mula sa likuran ay nagniningning ang maitim niyang buhok na hinahaluan ng kulay tsokolate. Magulo iyon pero hindi kasing gulo ng buhok ko. Sa kanya ay nagmumukha iyong desenyo habang sa akin ay nagmumukhang gusgusin.

"Ryker, napakasama talaga ng ugali mo." Awtomatiko akong napatingin sa babaeng katabi ko na siyang nagsalita.

Taka akong nagtanong sa kanya. "Sinong Ryker?"

Hindi niya ako binalingan ng tingin. "Damon Ryker, anak ng may-ari ng school. Masama ugali niyan."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at natigilan. No way! "May anak si Flencher Campbell?!"

Nagulat siya sa pagsigaw ko at napatingin sa akin. "B-Bakit ka naninigaw?"

Hindi humupa ang gulat na naramdaman ko pero pilit akong bunalik sa wisyo. "M-May anak si Flencher Campbell?"

Nangunot ang noo niya. "Hindi ko kilala ang tinutukoy mo. Ang alam ko lang, si Ryker ay anak ng may-ari ng school na 'to at masama ang ugali niya."

Napalunok ako at pilit kinalma ang puso ko. "I-Ibig sabihin.. ang Ryker na sinasabi mo ay isang Campbell?"

Ngunot-noo siyang tumango-tango. "Bago ka lang siguro dito ano?" Tinuro niya ang lalaking naka leather jacket. "Siya si Damon Ryker Campbell. Mag ingat ka diyan."

Nagulat kaming dalawa nang malakas na nagsigawan ang mga estudyante. Nang mapatingin kami sa gitna ay sunod-sunod na pinagsasapak ng Ryker na iyon ang lalaking nakahuniporme sa sahig!

"Fight! Fight! Fight! Fight! Fight!"

"No! Somebody stop them!"

"Call the guidance counselor!"

Ngunit ang buo kong atensyon ay naagaw sa aking pag iisip. Sa pagkakaalam ko ay walang anak si Flencher Campbell.. at.. ang lalaking ito.. kung hindi siya ang anak. Maaaring siya si..

Nanuyo ang lalamunan ko. "D-Duziell?"

Muli kong pinakatitigan ang nasabing Ryker at nakitang hingal na hingal na siyang tumayo. Ngayon ay nakaharap na siya at kitang-kita ko ng buo ang mukha niya! Domoble ang kaba ko nang aksidenteng magtama ang paningin naming dalawa!

Para akong dinala ng hangin at kusang humakbang ang mga binti ko papalapit sa gitna na kinaroroonan niya! Hindi nawawala ang paningin niya sa akin. Gano'n na lang ang pagsalubong ng makakapal niyang kilay.

"Duziell.." Nadatnan ko ang aking sarili na halos katapat na niya sa gitna ng quadrangle.

"Look at the girl! OMG!"

"What is she trying to do?!"

"Hey! Get out of there!!"

Halos hindi ko na maintindihan ang sigawan ng mga estudyante. Ang paningin ko lang ay nasa lalaking kaharap ko na gano'n na lang din ako titigan ng matalim!

Bumilis ang paghinga ko at kusang napahinto sa paghakbang papalapit sa kanya. Hindi! Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon! Hindi ako sigurado na siya nga ang kapatid ko!

Lumalim ang titigan naming dalawa. Kung siya si Duziell, dapat may itim na balat siya sa kanyang dibdib! Ang birthmark niyang 'yon ay hindi ko malilimutan!

"Who are you? Why are you staring at me like that?" Ang lalim ng boses niya, mahinahon ngunit nakakatakot.

Napalunok ako at naniningkit ang aking mga mata. Muli kong hinakbang ang mga paa ko at hindi na tumigil sa paglapit sa kanya. Gano'n na lang kasama ang titig niya sa akin nang tuluyan akong mapunta sa kanyang harapan. Ang tangkad niya kaya't tiningala ko siya habang napayuko naman siya sa akin.

"Kung ikaw ang kapatid ko, dapat ay may birthmark ka sa dibdib." Seryoso kong sabi sa kanya.

Bumakas ang taka niya subalit napalitan iyon ng gulat nang hawakan ko ng mahigpit ang itim na damit sa loob ng kanyang leather jacket.

"Did you just touch---ah!"

Nanlaki ang mga mata niya at napadaing nang malakas kong punitin ang damit niyang iyon gamit lamang ang isa kong kamay.

"OMG! RYKER!"

"Kyaah! What did she do?!"

"Did she just ripped his shirt?!"

"The girl is crazy!!!"

"Kanina pa siya!!"

"Who the heck is she?!"

Napaawang ang labi ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang dibdib ng lalaki..

Unti-unti ring bumaba ang paningin niya sa kanyang dibdib at gulat na gulat akong tinitigan.

Nanginig ang mga kamay ko habang kapit ang tela ng damit niyang pinunit ko.. Ang dibdib niya..

Kusa na lamang akong napaatras..