1 Chapter 1; He is the Badass

Deep breath. Tingin sa salamin at chineck ang aking buong katawan. Hair okay, face okay, uniform okay. Next is . . . tingin sa relo at kinuha ko ang aking bag na nakalapag sa may higaan. Sinara ko ang nakabukas na bintana, pinatay ang ilaw at lumabas ng bahay. Ni lock ang pinto.

"Good morning Keemy." Bati sakin ng mga taong nakakasalubong ko sa daan.

"Good morning din po." Sagot ko naman sa kanila ng nakangiti.

Kahit isa lang akong ordinaryong nilalang, kilala at kilala pa rin ako ng mga taong nandito. ^_^ Mabait kasi ako kaya madami akong ka close. Matulongin pa, matalino? Ahmm. . . seguro? Hahahaa oh diba ang ganda ko talaga.

Mag-isa na lang kasi ako, not totally mag-isa sa mundo o walang pamilya. Nasa province ang aking mga parents at ako lang ang nandito sa City, total matanda na din naman daw ako at kelangan daw na mag-isa lang akong pupunta dito. Ayoko namang maging pabigat sa kanila kaya ginagawa ko ang aking buong makakaya para magkapera at matustosan ko ang aking mga pangagailangan araw-araw. Well sa totoo lang talaga . . ., hindi sa pagmamayabang pero kahit laking probinsya ako isa sa mga pinakamayaang pamilya ang pamilya ko. Oops, secret lang po natin to ah ^_-.

Scholar naman ako sa University kaya walang problema pagdating dun. Isa pa, nag-aaral din ako ng mabuti. Tepong aral muna bago landi ganern. Syempre mas uunahin mo muna talaga ang pag-aaral mo bago ka lumandi sa iba. Hindi ko sinabing bawal magka-krass hah, hahahaha.

Bukod sa isang masipag na studyante, masayahin din po akong nilalang. Tepong go with the flow sa agos ng problema at tatawanan na lang kapag hirap na hirap na talaga.

I take Bachelor of Science in Computer Science Major in Programming. Kahit wala naman talaga akong background pagdating sa program. As in Zero background. Yap, hindi po madaling mag program mga kabayan lalo na kapag hindi nag run yung program taz punemas na semicolon lang pala ang kulang . . sighs, mahirap po 'yun. Anyways . . .

Nasa harap na ako nitong napakalaking gate ng University namin. Kahit nandito na ako nung unang semester, until now napapa-amaze pa rin ako sa sarili ko. Akalain mo 'yun nakapasa pa pala talaga ang isang kagaya ko dito. Grabe, seguro super lucky ko lang talaga ng mga araw na 'yun kaya ganern.

"Oh em gee." dinig kong sabi ni ate girl kaya naman napatingin din ako sa kung saan siya nakatingin. "Ampogi niya bes." dugtong pa niya. Oh pogi naman talaga 'yan ehh.

Ahh right, talaga namang pogi siya. Crush ko nga dati ang nilalang na 'yan ihh. Ganyan din po kasi ako nung una kong nakita ang sinasabi nilang POGI ng campus. Mala celebrity lang ampeg no?

He is Haeward Fuji, half-tao half-hayop, charoot. Half Japanese po siya, laking Hapon rin at ang alam ko sa pinas na nag-aral simula high school kaya fluent din sa tagalog yan. Kaso masyado siyang maarte at pabibo kaya miminsan mo lang talagang maririnig na magtagalog, more like englisero lang ampeg ganern, kala niya seguro dagdag pogi points sa kanya yun kahit ahem . . . totoo naman.

Gwapo, hindi ko naman alam kung matalino. Mayaman? Yap, malamang di ka makakapasok sa paaralan na ito kung di ka mayaman, pwera na lang kung pinanganak kang genius like me. -_^

Gaya nga ng sabi ko, naging crush ko po siya dati, yap dati lang yun. Yung mga kapanahonang bulag din ako sa katotohanan na ang akala ko pogi siya. Sabihin na nating ganun na nga, -_- panget naman ng ugali niya.

Napairap na lang ako nun at di na ko nakigulo pa. Hindi naman niya ako fan kaya la ko pakialam sa kanya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at tinungo ko na ang aking magiging unang room.

Wala pa yung professor nang dumating ako. Unang subject for today is tada, pre-calculus. Napakasaya noh? Well, di sa nagmamayabang pero dito lang ata ako magaling ihh, the rest waley na. Masigla kong nilabas ang aking mga notes. First day of second sem, excited na kong makipag meet and greet kay Calculus 1. Yah, If yah hate math, well frennies hindi tayo magkakaintindihan niyan. Charoot langsss.

Habang nilalabas ko yung mga gamit ko, napansin ko na naman na nagkakagulo yung labas ng room. Sinong celebrity na naman ba ang dumaan? Kahit alam ko naman talaga kung sino.

"OH MO!" sigaw ng mga malalandi kong kaklase nung pumasok sa room namin si Haeward.

Oh madapaker. Napa face palm na lang ako nun.

Nanlaki ang mata ko nung makita ko ang mukha niya, sheet ang pogi pa rin niya in fairness. I mean , jusko sa lahat ba naman ng section kuya bakit dito pa? Huhuhuhu.

"Kyahhh, ampogi niya talaga, mygawd! Buti na lang at dito ako nag-enroll ng calculus." Aww 'teh swerte ko rin naman . . . I mean pucha ang malas ko!

"Jusko! Kung kaklase ko ba naman ang pogi ng campus malamang sa malamang ma-iinspired akong pumasok." -_- inspired mo mukha mo.

"Waah pogi niya talaga grabe." yah yah yah, kaya tumigil na kayo please lang, kaurat na kasi sa tenga yung pabalik-balik na sinasabi nilang pogi ang nilalang na ito.

Dumating na yung professor, umupo naman sa may vacant seat yung Haeward na yun. As usual, yung looks niya na bored at awrang ayaw magpalapit ng kahit na sino.

"Good morning class." Bati ni sir, napatingin naman siya sa bandang upoan ni Haeward. ". . . Ahem." -_- kelangan may pag pause sir? "So, since today is your first day of second semester, so ahm. . . " pabalik-balik pa yung tingin niya sa lalakeng celeb daw "before discussing the topic. Can we have a recap test about the pre-calculus in your first semester." nung sinabi ni sir bigla na lang sumigla ang buhay ko habang todo reklamo naman itong mga panggap kong classmate. tsk.

"Sir naman, baka naman po." Yung mga kaklase kong ayaw sa test.

"oo nga naman sir, kay aga-aga badtrip ka."

Eh di sana di niyo na kinuha itong subject no?

So ayun na nga, nagkakagulo na sila, todo reklamo. Magkabilaan pa. Ang ingay na rin po nila, grabe.

*BANG*

Relax walang putok ng baril na nangyare. Sinipa lang kasi ni mokong yung upoan niya.

Nagulat kaming lahat kaya tumahimik sila. Tumaob ba naman yung upoan, sinong di magugulat nun? Tumayo si Haeward at lumabas ng room na para bang wala lang. oops, clap clap minna-san galing-galing ni kuya parang nasa isang story book lang.

Napabuntong-hininga na lang ako nun. Mygawd, kaya ayokong nakakasama sa iisang room ang kagaya niya ihh. Pogi points lang kasi meron siya.

"Ayan, umalis tuloy si Haeward." Malandi one.

"Sir kasi, aga-aga badtrip." Malandi two.

"Haissssst."

"Kung ayaw niyong magklase, pwede namang magdrop na lang." bulong ko sa sarili ko at pasimpleng nag-roll ng eye sa mga stupidents na mga to.

Tsk dahil din sa lokong Haeward na yun kaya di tuloy magkaklase ngayon.

At dahil hindi na nga nagklase di ko na tuloy alam kung san ako pupunta ng ganitong oras, dalawang oras kasi yung calculus taz 30 mins, lang nung nasa harap namin si sir. Wala naman yung bessywap ko may pasok pa sila at three hours din. Goodness, sana naman iniintindi nila na may mga taong kagaya ko na gusto talagang matuto kahit pakunyare lang.

Tatayo na sana ako nung nafeel kong nag vibrate ang aking mahiwagang phone. Yap, mahiwaga po ito kung alam niyo lang. Kukunin ko pa lang sa bulsa ng suot kong jeans ay kinakabahan na ako sa kung sinuman ang nilalang na nagtext sakin.

'Come here within 10 minutes.' Yan yung nakasulat sa message.

"Mukha ba akong aso para sundin ka? Hah! Ang kapal naman ata ng mukha mo." Reklamo ko sabay off sa phone.

Hindi ko naman siya boss, wala akong paki sa kanya. Bahala siya sa buhay niya noh! Hindi niya ako alalay at wala rin akong balak na sundin siya!

.

.

.

.

.

After 10 minutes . . .

Hinihingal pa akong huminto sa harapan niya. Punyeta pipili na nga lang ng meeting place itong hinayupak na taong to sa kadulo-dulohan pa ng mundo. Akala niya seguro nakakatuwang tumakbo mula 8th floor ng building 3 papuntang last building at aakyat ulit ng rooftop dito sa lumang building na to.

Halos maubosan ako ng hangin sa super bilis ng takbo ko. Hingal ng malalim Keemy, kaya mo yan. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hinayupak talaga tong mokong na to nakakainis bweset!

"You are 15 minutes late." Dinig kong sabi niya.

Umayos naman ako ng tayo at nakapameywang na hinarap siya.

"Ikaw kaya tumakbo mula 8th floor papunta dito." Sagot ko naman na halos di masabi ng diretso.

He raised his right eyebrow. Langyang bakla to kala niya seguro nakakatuwa.

"The freak, bakla na nga panget pa." bulong ko sa sarili ko.

"I can hear you." Sabi pa niya. -_- eh di ikaw na may malakas na pandinig. Grabe around of applause.

"Wala po, Mr. Fuji Haeward." Sabi ko ulit.

Yap, hindi po kayo nagkamali ng binasa. Ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay walang iba kundi ang lalakeng pinakaayoko sa lahat. Ang super duper hot guy ng campus. This badass, Haeward Fuji.

Tumayo naman siya nun at lumapit sakin, medyo umiwas ako sa kanya. Oops, kahit pogi ka di pa rin kita type kaya wag mo kong malapit-lapitan.

"You have something on your hair." Sabi pa niya saka tinanggal yun. Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pfft, stupid." -////- grrr ampogi mo kaya kapag tumatawa langya wag mo kong tawanan hinayupak ka. "Change into this outfit." Sabay abot niya sakin ng isang paper bag "You'll come with me tonight." Tonight? Anong meron mamayang gabi?

"Huh? Bakit? Anong meron?" tanong ko ulit sa kanya.

"Trying to ask question at a time like this? Are you that stupid?" -_- magtatanong ba ako kung alam ko?

"Fyi, nagtatanong ako kasi hindi ko alam. Trying to be stupid at a time like this, too?" pabalik na sabi ko naman sa kanya tapos naka kunot yung noo niyang tinignan ako. Oops, sabi ko nga isasara ko na yung bibig ko.

Ay wait ang alam ko ganto din yung sinabi niya sakin.

**let's do a fast flashback**

"Here's your choice. Jump, or make a deal. Reply?" tanong niya sakin.

Jump? Kapag tumalon ako mamatay ako malamang! Pero kung deal, anong deal naman yun? Hindi kaya ibebenta nila ang katawan ko? Uwaaahhh!!

"A-anong deal?" tanong ko pa rin para makasegurado ako.

He saw the guy smirk.

"Trying to ask question in a situation like this huh." This time nakita na niya ang mukha ng lalakeng nagtatanong sa kanya. Medyo nagulat siya nung makita niya ito, kung sa matatandaan niya ito ang lalakeng hindi niya sinadyang mabangga kanina pagpasok ng elevator. The worst is, mukhang kilala niya kung sino ang taong ito.

She gulp. Kahit alam niyang pogi ang nilalang na ito, sa hitsura pa lang malalaman na isa itong mayaman.

"You will become my girl for the rest of your life."

Lumapit sa kanya ang lalake at hinawakan ang pisngi niya. Tama nga siya sa taong ito. Kilala niya ito at talagang ayaw niya dito. He is, Haeward Fuji, the world Badass, for her.

"Ready?" tanong ulit ng lalakeng ito sa kanya. Ready? Ready for what?

**end of flashback**

Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayareng yun. Goodness ang tanga ko naman kasi masyado.

Sighs, sabihin niyo nang swerte ako, swerte nga ba? Feel ko kasi hindi ehh Y_Y. kakaiyak.

"Hey girl, I'll leave you here." Sabi pa niya sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. I have a name at hindi kung hey girl. For freaking sake bakit ba ako pumayag, I mean at the first place hindi pala ako pumayag sa deal niya. Seguro naman makakahanap din siya ng taong magugustohan niya at syempre magiging malaya na ako pagdating ng panahon na yun.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, pano kaya kung malaman ng mga kababaihang nandito na ang lalakeng kinababaliwan nila ay mayroong JOWA na hindi ko alam kung jowa ba talaga o sadyang alalay lang talaga. Tsk.

Padabog akong sumunod sa kanya at sinara ang pinto. Nasa likuran lang niya ako. Tsk pwede naman niyang ibigay sakin itong nasa paper bag mamaya pag-uwian na. Ang hilig lang talaga nitong patakbohin ako mula sulok hanggang sulok ng school campus na to.

"Ahh, bakit pala nasa class kita? Diba matalino ka naman sa calculus." Tanong ko out of nowhere.

"Are you really that stupid." Sagot lang niya sa tanong ko.

Nakailang stupid na ba to ngayong oras lang. Grabe ang sama talaga nito sakin.

"Nagtatanong lang stupid na agad." Sabi ko naman sa mahinang boses.

"Then, think. I'll wait for you later. Don't be late or I'll kill you."

"-_- opo." Sagot ko na lang sa sinabi niya.

Nung nakalabas na kami sa lumang building hindi ko na siya sinundan. Alangan namang susunod pa ako sa kanya diba? Pano na lang kung may makakita samin diba? Eh di nayare pa ako sa mga fans niyang panget and ilusyunada diba.

Hindi ko alam kung bakit pero nakasunod lang ang mata ko sa kanya habang naglalakad siya papalayo. Now thinking about it. It's been a week already since nung dineclare niya sakin na magiging girl raw ako niya for the rest of my life. I close my eyes.

Kung hindi lang sana ako chismosa at nakichismis sa kwento ng iba eh di sana di ako hahantong sa ganito. Masyado rin kasi akong papansin kaya nagkaganito. But, oh well. I owe him my life.

Seguro kung wala siya that night baka namatay na ako, baka lang naman. Besides I never knew that he is that kind of a guy. So different from my normal world. Yah, simula pa naman talaga kakaiba na siya sa sa isang normal na kagaya ko. So, hindi na bago yun.

avataravatar