1 Chapter 1

Jacey

Bumaba ako ng kotse at tinignan ang oras sa relo ko '9:28 A.M' inayos ko muna ang dalawang sleeve ng hoodie ko bago maglakad at pumasok sa isang coffee shop. Agad hinanap ng mata ko ang Pogi ko DAW na pinsan tssh..

"What took you so long Jacey the lazy head?" tanong nito kasabay ng pagbuklat nya ng dyaryo.

"I can't sleep last night, and I wasted my time seeking for this fvckin Bonet" sabi ko ng may pagkamatamlay at siya naman ay napatingin sa BAGONG bonet ko sabay napatawa siya.

"Burara ka kasi kung saan saan mo nilalagay mga gamit mo, maski yata daga mahihirapan sa paghahanap eh tsk, maupo ka muna" binigyan ko naman siya ng boring na tingin at prenteng umupo na.

"So why do I also have to waste my time here, Primo?" said still with a bored face.

Primo (pinsang lalaki)

"Don't you miss me prima? Your oh-so-handsome primo? Ngayon na nga lang uli tayo nakapagbonding eh" tsk taas ng confidence tssh.. tinaasan ko nalang siya ng kilay.

Prima(pinsang babae)

"Tsk, you're creepy primo wag kang magbiro baka lumindol, and you call this a bonding? tsk, I could've just locked myself in my room for the whole day" inirapan ko nalang siya

"yeah yeah, lock yourself and then ano magmumukmok ka iiyak hanggang sa mamaga ng mamaga yang mata mo, oh come on prima, loose yourself ok make yourself happy naman" sambit niya kasabay ng pag iling niya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Binaling ko muna ang tingin ko sa may labas saka bumuntong hininga. Dito kasi ang pwesto namin sa pangalawa sa kaliwa katabi ng glass window.

"We met.. last night" napalingon naman siya sa akin at inilapag ang hawak na dyaryo.

"So its her, the reason why you can't sleep last night huh? tss marupok ka padin talaga tsk" tinapunan ko naman siya ng malamig na tingin.

"Fine prima, I know puyat ka lang kaya ka ganyan peace na tayo hehe Ang cute cute mo pa naman pag nagagalit ka" sabi niya habang kamot kamot ang batok. Binalik ko nalang ang tingin ko sa labas at nakita ko ang dalawang bata na nakatayo sa tabi ng poste.

"So what do the two of you did last night?" nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsandal niya sa upuan.

"Nothing.. she just texted me.. gusto niya mag milk tea kagabi so lumabas kami" sabi ko nang di padin siya binabalingan ng tingin.

"Hmmp I guess, Libre mo noh? tsk pambihira siya ang nag aya tapos ikaw din magbabayad tsk ayos ah" saad niya at bumuntong hininga nalang ako

"Maliit na halaga lang naman yun" katwiran ko.

"So ano pumapayag kang pag gastusan yung babaeng yun kahit wala naman ng kayo, Why do you still hoping ba na babalik siya sayo eh mukha namang pera lang ang habol niya sayo, you're just her kind of genie na tutupad ng kung anumang wishes niya at ikaw naman si tanga bigay lang ng bigay" I just gave him a death glare and look him in the eyes directly.

"Hey I'm just stating the truth ok, I'm just trying to save you there, look at yourself prima, you're totally messed up. I know dati pa lang ganyan kana Cold, mainitin ang ulo, suplada, but you're too different from what you are noon, lalo ka lang lumala." Binaba ko ang tingin sa table habang nakakunot padin ang noo ko

"She's not worth for you prima, you dont deserve her, you dont deserve that kind of woman para sa mga efforts mo. You're too smart para magpakatanga lang sa maling tao. You're just wasting your time running and chasing her for so many times tas anong napala mo wala naman diba, tsk" may bahid ng inis ang pagsasalita niya. Huminga nalang ako ng malalim at sumulyap uli sa labas.

"She just wants us to be friends again, kahit sa ganung bagay nalang.. maparating ko yung pagmamahal ko sakanya. I know its impossible but.. I can't help it primo.. My heart wants only her, chasing her for a thousand times. I don't know primo is there something wrong with me? bakit hindi ko kayang maging sapat para sakanya." tinatatagan ko ang loob ko at pilit na wag tumulo ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

"No prima, walang mali sayo, you're too perfect, I witnessed all kung paano ka maging girlfriend sakanya, kung paano mo ipinaramdam yung totoong pagmamahal sakanya ng walang kapalit. Sa totoo lang wala na siyang dapat pang hanapin sayo, you gave all your best to her, ni hindi nga niya nagawang masuklian lahat ng ginawa mo and now here you are, suffering, crying all night, screaming her name for a thousand times. Its so unfair prima, Nagbigay ka ng kasiyahan pero sakit at kalungkutan lang ang bumalik sayo, kelan mo ba marerealize yun." kusang tumulo na ang luha sa mata ko sa mga sinabi niya tsk akala ko ba naman naubos na lahat ng luha ko tsk agad naman niya akong inabutan ng tissue.

"I hate you primo, you made me cry too tssh, I thought naubos kona lahat to meron parin pala tsk." napailing nalang siya sa sinabi ko.

"Fix yourself prima, you look like a crying baby, but you're so adorable when you do that haha" agad kong ibinato ang crampled tissue sakanya.

"Fck you! tsk you're such an annoying asshole sometimes" I said sabay irap sakanya.

"And you're such an adorable baby sometimes Haha" sabi niya ng natatawa pa kaya tinaasan ko nalang siya ng kilay habang nakasimangot padin sakanya.

"Madami naman iba jan prima, wag mong sayangin ang kagwapuhan NATIN lalo pa ang daming naghahabol sayo tsk." tsk talagang pinagdiinan pa yung salitang natin tssh yabang talaga neto kahit kelan.

"I don't know the word HANDSOME when it comes to you primo, cause it doesn't even existing on you" sarkastiko kong sabi sakanya at binigyan lang niya ako masamang tingin

"What did you say?!" galit na sabi niya

"Tsk, one more thing bingi ka din pala tssh, kung ako nililigawan mo matuturn off na ako tsk" inilingan ko lang siya at sya naman ay mas lalong kumunot ang noo at magsasalita na sana siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay na parang sinasabing subukan-mong-kumontra-pa look at siya naman ay napalunok nalang, tsk taob parin sakin ang isang toh napailing nalang ako sa isip ko.

"Fine, but gaya ng sinabi ko prima, madaming naghahabol sayo why don't give your attention to them tsk sinasayang mo lang. There are lots of Hot and Gorgeous girls out there chasing for you Prima." paliwanag niya na may halong pagtawa.

"Ang sabihin mo naiinggit ka dahil mas habulin ako kesa sayo. Sabi ko naman kasi sayo hindi nageexist ang salitang Gwapo sayo, tsk" binigyan ko siya ng mapangasar na ngisi.

"Aba't sum--sabi ko nga mas gwapo ka sakin eh" napangiwi naman siya ng tapunan ko uli siya ng masamang tingin.

"At mas malaki ang alaga kes—" pahabol niya pa, na ikinagalit ko lalo.

"WUTDAHEL PRIMO!" agad naman siyang nagtaas ng kamay tanda ng pagsuko.

"Okay prima enough with that, ang totoo talaga niyan kaya kita pinapunta dito eh may favor sana ako sayo" tssh sabi ko na nga ba may kailangan sakin to.

"Get me something to eat first before my fist lands to that stinky face of yours" napapout naman siya pero agad naman siyang tumayo at di na nagsalita pa, alam din naman niya kung ano ang gusto ko, gosh ampangit niya mukha siyang nalantang pato tsk.

Napatingin ako sa labas at nandun pa din yung dalawang bata na naka tambay sa gilid ng poste. Nilingon ko muna yung unggoy kong pinsan bago umalis, mukhang matatagalan ang isang yun dahil busy pa sa pagpapacute sa counter tsk. Tinanggal ko muna ang kulay Dark Green bonet sa ulo ko at sinuklay ang buhok gamit ang isang kamay ko, maikli lang ang buhok ko at nakaundercut mas presko kasi kapag ganito.

May nararamdaman akong nakatingin sakin kaya nilibot ko ang paningin ko sa kanan at nahagip ng mata ko ang tatlong babae sa di kalayuan na panay ang sulyap sa akin na ikinakunot ng noo ko pero hindi ko nalang pinansin at nilagay nalang ang bonet pabalik sa ulo ko. Hindi kona tinalian dahil tinamad na ako kanina, bagay naman sakin dahil hanggang baba lang ng balikat ang buhok ko.

Maya maya ay may narinig akong pagclick ng camera sa gilid ko, nilingon ko ito at nakita nanaman ang tatlong babae na panay ang tingin sakin na akala mo kinikiliti sa singit habang nakatingin sa baba at nagsisikuan pa, alam ko yung nasa gitna nila ang kumuha ng picture ko kanina tssh, huminga nalang ako ng malalim at iniwasang mabadtrip kaya dali dali kong kinuha ang cp ko at nagmadali nang umalis.

Hindi maikakaila na mukha talaga akong boyish dahil na din sa suot ko na Gray hoodie jacket na pinarter ko sa black jogger pants at puting Nike Airmax shoes, well bukod na din sa may alaga ako sa loob Haha.. tssh funny. Bakit pa kasi ako nagka katawan ng babae kung pwede namang sa lalaki nalang tsk.

Dumaan ako sa kabilang convenient store para bumili ng pagkain at bottled water. Pagkatapos ay agad kong pinuntahan ang dalawang bata para ibigay ang binili ko.

"Mga bata kumain na ba kayo?" umupo ako para pantayan sila.

"Hindi pa po eh" agad kong inabot ang binili ko.

"oh eto kumain muna kayong dalawa" bigla naman silang natuwa at agad kinain ang mga pagkain. Halatang gutom na gutom sila dahil nagmamadali sila sa pag kain.

"Dahan dahan baka mabulunan kayo, Ano bang pangalan niyo?" agad naman silang tumigil sa pagkain at pinunasan ang bunganga nila bago nagsalita.

"Ako po si Tantan at siya naman po si Denden" turo ng batang lalaki na sa tingin ko ay pitong taon sa batang babae na mas bata sakanya tingin ko nasa limang taon lang ito. medyo mahiyain si denden kaya nginitian lang niya ako.

"Magkapatid ba kayong dalawa? Nasan ang mga magulang niyo?" inabutan ko naman sila ng tubig at ininom nila agad.

"Opo ate ganda, nasa kabilang kanto po sila nanay eh inutusan lang po kami mamalimos dito" nginitian muna ako ni tantan bago muling kumain

"Ganun ba.. O eto ipambili niyo ng pagkain yan at ibigay niyo sa nanay niyo ha. Umuwi na kayo pagkatapos niyo jan dahil delikado dito sa labas baka masagasaan pa kayo." inabot ko kay tantan ang isang libo nung una nahihiya pa siya at nakipagtitigan pa kay denden.

"Sige na tanggapin niyo na wag na kayo mahiya." nakita ko ang bulsa ni Denden kaya dun ko nalang ito nilagay saka ko sila nginitian.

"Ate ganda te-tenkyu po, dami niyo na po abigay tamin" sabi niya na nahihiya pa na ikinangiti ko kasi ang cute niya kasi magsalita medyo bulol pa.

"Walang anuman denden, o sige na tantan maiwan kona kayo ha magiingat kayo pag uwi" Ngumiti ako ng tipid at hinaplos muna ang buhok nilang dalawa saka bumalik na sa coffee shop.

Natanaw ko naman si Marcus (Primo) na naghihintay na sa pwesto namin. Buti naman natapos nang makipaglandian to tsk. Narinig ko pang nagbulungan yung tatlong haliparot pagpasok ko tsk bubulong nalang yung dinig pa tssh.

"Oh my god, there she is!" pabulong na sabi nung isang haliparot na dahilan ng pagtingin ko sa gawi nila.

"Oh gosh, she's looking at me." sabi naman nung mukhang alagad ni pennywise sa sobrang kakapalan ng make up tssh agad kong binawi ang tingin at umupo nalang.

"Hey there Prima, it seems those 3 angels there are interested on you. Look para silang bulateng hindi mapakali pag tumitingin sila sayo tsk tsk" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko, agad ko naman siyang inirapan. Angels? wtf baka Marcus's Angels kamo tssh as if I care..

"Whatever Primo tssh" while giving him a bored look.

"Bakit ang tagal mo? Akala ko aampunin mo na yung dalawang bata eh pwede ka namang gumawa haha" sabay abot sakin ng inorder niya while raising my eyebrow to him.

"Buti naman you're done promoting that fuckin' face of yours. Akala ko nakabiktima kana naman ng pangsscam mo eh." sabi ko sabay hablot ng favorite frappe ko.

"Maka scam ka naman prima, tawag dun Pagpapapogi ok." katwiran niya sabay lapag ng isang siko sa table habang hawak ang iniinom sa kabilang kamay.

"Well look at her naman kasi prima, she's hot and pretty—oh yeah, she's looking at me" agad naman siyang tumuwid ng upo habang di pa din maalis ang mapanlokong ngiti nito.

"Sabi na nga may gusto sakin ang isang to." pagmamayabang niya at nagpaskil naman ng ngisi sa labi niya sabay kaway sa tinutukoy niya.

Nilingon ko naman ang sinasabi niya at nagtaas lang ako ng kilay dahil nahuli ko itong nakatitig saken. tssh looking at me pala ha tsk mukhang ako ata manok ng isang to tssh kawawang primo, napangisi nalang ako sa isip ko at binalik ang tingin sa unggoy na nasa harap ko.

"You know what primo, hindi mo na kailangan magpapogi pa" sabay sipsip sa iniinom ko.

"Alam ko na yan, dahil pogi na ako diba" sabi niya nang may pag wiggle pa ng kanang kilay tssk mukha talagang unggoy.

"Very wrong primo" napakunot naman ang noo niya.

"Kasi wala nang magbabago sa mukha mo, hindi na talaga mageexist ang salitang gwapo sayo" dugtong ko sabay ngisi sakanya na ikinakamot naman ng batok niya. Haha walang palag tssh. Well gwapo naman si Marcus sadyang trip ko lang lagi siyang basagin tssh.

"Panira ka nalang lagi prima, porket ikaw ang type ng isang yun tsk, sayang naman paglapit ko, ikaw ang nasa malayo pero ikaw pa ang napansin tsk". napailing nalang ako sabay bitaw ng frappe at sumandal uli sa upuan ko sabay baling uli ng tingin sa babaeng malagkit na ang tingin sakin tssh disgusting shit. 

"Yeah, she's pretty.. gorgeous.." napataas ang kilay ko nang kagatin nito ang labi niya tssk gross, mamaga sana yan tssh.

"and seductive" pagpapatuloy ko sabay tilt ng ulo ko sa kanan paharap kay marcus na prenteng sumusubo ng blueberry cheesecake niya.

"But, I don't care, I'm not interested" sabi ko sabay inom at siya namang pagsandal niya sa upuan at nagbato ng tinging di makapaniwala.

"Oh come on Prima, Move on and try some new things, God you're so boring". sabay kuha niya ng frappe at prenteng ininom ito.

"It does'nt mean na hindi ako interesado ay dahil kay kaycee, It's not about her.. I just don't want to flirt with anybody else coz, I'm just.. I don't really have an interest at all" matamlay kong paliwanag sakanya.

"Oh talaga lang ha, well thanks for trying to convince me but nah, Hindi ako naniniwala sayo tsk. You can loosen up naman eh, enjoy, have fun gaya ng dati, yung mga panahon na wala pang kaycee na dunadating sa buhay mo." katwiran niya sakin, tsk hindi talaga niya ko titigilan tssh. Binigyan ko nalang siya ng I-dont-care-look saka humigop ng frappe.

"Whatever primo, whatever" at tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagkain at pinagpatuloy nalang ang naudlot na usapan namin kanina.

avataravatar
Next chapter