webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
126 Chs

MSP

May mga nagsasabi na ang kapalaran ng mga tao ay nakasulat na sa libro nila pagkasilang palang nila. Kung nasa kamay ko lang ang akin, malamang puno na ng erasures 'yon para masabi kong perfect nga ako katulad ng gusto kong maging sa mata ng mga tao. Wala na siguro akong mahihiling pa.

Hanggang sa nakilala ko siya, at sa unang pagkakataon, pinangarap ko na maging ordinaryo. Para maging malaya rin ako katulad niya. - Miracle Samantha Perez