webnovel

Tales of Phoenix

..

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 5: Hacienda Sandoval

Nakababa na sina Clara at Ada sa pampasaherong dyip. Dito lamang sila bumaba hindi kalayuan mula sa tapat ng hacienda Sandoval.

Tanaw ng dalagang si Clara ang mataas na pader at ang malaking gate papasok sa mansyon ng mga Sandoval. Sa mismong lupain ng Hacienda Sandoval matatagpuan ang malaking mansyon ng pamilya Sandoval. Sa rangya ba naman ni Don Antonio Sandoval ay siguradong hindi din basta-basta ang bahay na pinamamalagihan nito sa San Nicolas.

"Clara, bakit dito pa tayo bumaba, bakit hindi sa mismong tapat ng Hacienda Sandoval?!" Tanong ni Ada na halatang labis itong nagtataka.

"Hay naku Ada, wala ng raming tanong. Kung nakikita mo lang kung gaano karangya at ka-gara ang mga sinasakyan ng mga bisita ng mga Sandoval ay siguradong manliliit ka talaga. Ako nga na may mata ay halos malula sa sobrang gara ng mga auto ng mga bisita plus mo pa ang damit nilang sobrang ang gaganda. Pero wag kang mag-alala suot mo ang magarang dress ko tsaka ang akin naman ay halos kasing-gara din sa'yo." Confident naman na sambit ni Clara habang makikita parin na may pagka-maarte ito kung magsalita.

Hindi alam ni Ada kung matutuwa siya sa inaasta ni Clara ngunit napagaan naman nito ang kaba sa dibdib niya. Akala niya talaga ay magmumukha silang dugyot dito sa dadaluhan nilang special event daw ng Pamilya Sandoval.

"Sana Clara ay yung damit ko nalang ang isinuot ko. Naabala pa kita tuloy." Malungkot na sa saad ng dalagang bulag na si Ada. Aaminin niyang may pagbruhilda din tong si Clara ngunit hindi naman kaila sa kaniya na may class ito kumpara sa bunso nitong kapatid na si Delia.

"Ano ka ba Ada, wag kang OA diyan ha. Ano'ng akala mo basta-basta na lamang magpapasok ang pamilya Sandoval kapag yung dress mong sobrang luma na pinaglumaan na ng panahon ang isusuot mo. Haharangin ka talaga ng bantay sa labas. Dalawa pa namang naglalakihang lalaki na mukhang bouncer ito sa mga bar." Seryosong wika naman ni Clara sa bulag na dalagang si Ada. Talaga nga namang hindi siya nagbibiro. Indeed, this party is really an important event para sa Pamilya Sandoval.

Mistulang natakot naman si Ada sa sinabi ni Clara.

"Huwag mo naman akong takutin Clara sa sinasabi mo. Sabi ni Mariposa ay katakot talaga ang pangangatawan ng mga bouncer." Medo nanginginig pang turan ni Ada habang napakapit ito kay Clara.

"Kaya umayos-ayos ka Ada ha. Medyo pambawi ko na lamang ito dahil konti lang ang nabili kong kakanin kahapon. Mag wantusawa ka kumain mamaya total yun naman ang ipinunta mo rito." Maarteng saad ni Clara habang makikitang alam na alam nito ang likaw ng bituka ni Ada este likaw ng bulate ni Ada sa tiyan. Ewan ba niya kung saan napupunta kinakain nito dahil hindi naman ito tumataba. Sakto lang rin ang pangangatawan nito katulad niya in short sexy sila pareho.

Napatango naman ang bulag na si Ada na parang bata. Talagang mahilig itong kwentuhan ni Mariposa na kaya raw ito hindi pumupunta sa mga lugar katulad ng party o di kaya ay mga bar ay dahil sa mga bouncer. Hindi na rin nagtataka si Clara kung bakit ganito na lamang ang takot ni Ada dahil pambansang basagulera talaga ang bestfriend ni Ada na si Mariposa. Ito lang din ang katapat ni Delia kung inaaway nito si Clara. Nanggigisa din kasi si Mariposa that even her, didn't like the attitude of Mariposa na kala mo ay palaging naghahanap ng gulo.

"Isuot mo na yang maskara mo dahil masquerade party ang tema ng special event na ito." Wika ni Clara habang inilabas na nito ang magandang maskarang halos half part ng mukha nito ang natatabunan. Pangit naman kung sa pampasaherong dyip pa lamang ay nakamask na sila, pagkamalan pa sila ng masama o di kaya ay idiretao sila sa tapat ng Hacienda Sandoval. Sobrang nakakahiya yun pag nagkataon. Alam pa rin nito ang salitang may class at kahihiyan pag nangyari iyon.

Napatango ulit si Ada at isinuot na nito ang maskarang ibinili ni Clara para sa kaniya. Halos kalahating mukha rin nito ang natatakpan. Both of their mask ay magkaiba ng disenyo but both are stunning mask.

Hindi alam ni Ada kung ano'ng pakulo itong masquerade party na ito pero atleast may baging experience na naman siya sa pagpunta niya sa special event na ito.

Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad patungo sa gate kung saan nagsisilbing daan papasok sa malaking mansyon ng Pamilya Sandoval.

Clara really amaze how rich Sandoval Family is. Magkabilaan kasi ang gate ng Hacienda Sandoval at sa kabilang gate ay doon papasok sa mga gawaing bukid at lilitaw ang nasabing mukha ng hacienda. Doon din pumupunta ang ina nitong si Elena to work. Trabahador din ang ina nito but hindi ito naka-assign na magtrabaho sa mga palayan kundi nag-iinspeksyon lamang ito ng mga ani nila sa hacienda lalo na kung tag-ani ay abala talaga ito at pagod sa trabaho. Pati ang mga ginagawa ng mga trabahador ay parte din ng trabaho nito. Yun lang ang alam niya at wala siyang planong magtrabaho rito. Para sa kaniya ay napaka-boring nito.

Speaking of mansyon, talagang masasabi niyang mas gumanda pa ito kumpara noong huling punta niya rito lalo na ngayon at may mga nakasabit na mga lights sa daan papasok maging ang buong mansyon ay sobrang makulay at maliwanag. Hindi naman siguro matatawag na party ito pag sobrang dilim dito.

Sinama niya si Ada it's because ito lang naman ang takbuhan niya pag nangangailangan siya ng tulong lalo na sa pagpapalusot niya, makagala lamang kasama ang barkada niya. Minsan ay tumatalab din ang kabaitan sa sistema niya or she must say na ayaw niyang nagkakautang siya ng loob kahit kanino. Marunong naman siyang sumunod sa usapan noh.

Ayaw niya ring gumastos pa para ipangkain ni Ada, sigurado naman siyang sa party na dadaluhan niya ay maraming handang pagkain, doon na lamang siguro pakakakainin ni Ada ang mga bulate nito sa loob ng tiyan nito.

Haharang pa sana ang mga bantay upang hindi sila papapasukin ng ipinakita ni Clara ang isang pulang envelope na naglalaman ng invitation letter. Kung paano niya ito nakuha ang invitation letter ay dahil isa siyang certified party-goer, himalang makatakas sa isang katulad niya ang patungkol sa special event ng pamilya Sandoval na sobrang maugong ito sa bayan nila sa San Nicolas maging sa kabilang mga bayan. Sa koneksyon pa lamang ng mga barkada niya ay himala naman sigurong hindi siya makakakuha ng kahit isang invitation letter.

Malaya naman silang pinapasok ng mga bantay sa malaking Gate ng Pamilya Sandoval. As usual ay hindi pa rin bumibitaw ng kapit si Ada at wala din itong makita kundi puro dilim. Ang importante lang kay Ada ay makikikain dito, as in pure pagkain lang talaga ang ipinunta niya rito. Pasalamat pa rin siya dahil sobrang bait ni Clara ngayon at hindi ito nagmamaldita ng sobra. Kasalanan din kasi nito kung bakit siya kapit na kapit dito at wala siyang dala-dalang stick.

May sense of direction naman si Ada kaya natatandaan niya ang mga dinaraanan nito. Wag lang siya ililigaw ni Clara dahil baka saan-saan na siya magpupupunta.

Narinig naman ni Ada ang tila malamyos na tunog ng background music habang humahakbang sila.

Nakita naman ni Clara si Ada na medyo kumakapit ap ito sa kaniya ng mahigpit. She just roll her eyes, ayaw na niyang magsalita o dumaldal pa.

Nakita ni Clara kung gaano kaganda ang buong lugar at kaliwat-kanan ang mga palamuti na nakikita niya. Napakaraming mga taong may magagarang kasuotan mapababae man o lalaki ang naririto. Nag-uumpisa na rin ang party ng mga tao at namamayani ang tunog ng mga wine glass dito habang busy ang lahat sa pag-uusap sa mga kapwa nila.

She rolled her eyes again, wala na ring bago para sa kaniya ang ganito at talagang masasabi niyang sanay na siya sa ganitong klaseng senaryo. Wala siyang interes sa ganitong klaseng usapan. If she knows, puro negosyo lamang ang mga topic ng mga ito at halos alam na rin niya ang mga motibo ng mga taong dumalo rito. This is how people and business minded people go here with different purposes.

Ang mga halos kaedaran niyang mga babae ay panay upo ang mga ito sa tabi, if she knows ay halos karamihan sa mga ito ay mga hitad din ang mga ito at nagpapapansin lamang sa mga kalalakihang dumaraan. May pa-revealing pa ng legs ang iba dahil may slits ang mga dress na sinusuot ng mga ito, meron ding sobrang nipis ng tela ng suot na halos kita na ang kaluluwa habang ang iba ay mahinhin pa ngunit para kay Clara ay nasa loob din ang kulo ng mga ito. Siya pa ba? Sa tagal niya ng pumupunta sa mga party ay hindi na siya nagtataka sa mga ito.

Nakita rin niyang may ilang mga kalalakihang nakatumpok sa iisang lugar ay panay tingin sa mga iilang mga kababaihang naririto lalo na sa mga kababaihang nakikita nitang mga hitad din ang mga ito. Mas malala talaga para sa kaniya ang mga kalalakihan dahil para sa kaniya ay nakakababa naman ito ng moral upang patulan ang mga babaeng di na nahiya sa okasyong ito.

Isinawalang-bahala na lamang ito ni Clara. Total ay wala rin siyang pakialam sa mga ito kung ano man ang gagawin ng mga ito. Pero ang ikinainit ng ulo niya ay ang tumitingin-tingin sa kanilang gawi lalo na sa kaniya especially sa katawan niya. Napaismid na lamang siya.

Yung kay Ada na suot kasi is parang dress na medyo bumubukol-bukol ang labas ng tela nito which hides her figure. Ini-emphasize lang nito ang shoulder part nito. Classy naman ito tingnan pero kumpara sa suot niya ay masyado ding fit itong suot niyang dress sa katawan niya.

Yung suot kasi ni Ada is pinili talaga niyang hindi masyadong revealing at conservative type na damit pero nay class sa loob ng malaking cabinet niya. Ayaw naman niyang ipahamak si Ada, pinsang buo niya pa rin ito at kadugo niya. Maging si Delia ay ayaw niya ring pasuotin ng revealing ngunit may pagka-impaktita din kasi ang kapatid niya kaya ayon, di din ito nagpakabog at nagsuot ng masyadong revealing na dress na kulay dilaw.

Hindi siya mapanlait ngunit halata namang hindi bagay ang damit ni Delia sa skin color nito. Kung maputi sila ni Ada ay morena naman si Delia na namana nito siguro ang balat ng kaniyang ina habang siya ay sumunod sa balat ng ama nila maging sa mukha. While Delia is kahawig ng ina niya ngunit medyo kinulang sa ganda ang kapatid niyang si Delia. Idagdag pang mapanlait ito sa kapwa kahit sa kaniya na ate nito ay walang preno ang bunganga nitong manlait kaya siguro lalong pumapangit. Kaya ayaw niyang sumama si Delia sa kaniya, except sa pag-uugali nito ay siguradong gigisahin lamang ito ng mga barkada niya at baka pagkamalan pang alalay niya. Ayaw niya namang magkagulo at magkasiraan sila ni Delia at mga barkada niya noh na mahilig ding pumarty-party. Speaking of her little sister, alam niyang andito din ang mga ito kasama ang ina nila. As usual nagpi-feeling prinsesa naman ang nagmamagaling niyang kapatid na puno rin ng kaplastikan.

Agad na tinungo ni Clara ang parte ng mansyon kung saan naroroon ang mga pagkain. Ito lang din naman ang kasiyahan ni Ada na nabalitaan nitong inaway na naman ito ng kapatid nito pagkawui niya kanina.

Talagang nagawa pa nitong idamay siya sa kalokohan nito na nangungupit ito sa ina nila. Siyempre ayaw naman niyang palakihin pa ang gulo at pinili na lamang niyang tumahimik. Maluho din ang kapatid niyang iyon na feeling super rich sa paaralan nito lalong-lalo na sa mga sosyalerang friends nito na nakita nito once. Masasabi niyang ang iilan sa mga ito ay trying hard at social climber lang talaga pero hindi na niya pinakialaman ang bruhilda niyang kapatid na si Delia. Ayaw niyang marinig ang kakaputak nito at pagpuputakte nito sa kaniya.

"Dito ka lang Ada ah. Kumain ka ng marami dito dahil mukhang iilan lamang ang piniling kumain dito. Hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko, mamaya na ko babalik." Simpleng saad ni Clara habang pinapaalalahanan si Ada na dumito lamang at kumain hangga't gusto nito. Yun lang din naman ang purpose kung bakit ito sumama rito kasama niya.

Ngunit napangiwi siya nang humarap siya sa gawi ni Ada dahil nakasandok na ito ng mga pagkain habang mabilis itong subo-subo pa nito ang isang hamburger.

"S-Swige C-Clara. Mag-iingat ka ha. S----!" Sambit ni Ada habang marami pang laman ang bibig nito ngunit pinigil na ni Clara itong magsalita pa.

"Ada, wag ka ng magsalita dahil mukhang pagkain ata ang makakapatay sa'yo niyan. Okay na, save your words aalis na ako." Wika ni Clara habang pinipigilan na nitong magsalita pa si Ada dahil baka siya itong magmumukhang inaabala ito. Napa-roll eyes pa siya at mabilis ng umalis sa lugar na ito dahil baka ma-stress lamang siya kay Ada.