webnovel

Taking Risk

A 16-year-old Sofie Jade got herself a boyfriend in just one night. Isn't it surprising? Yes it is. But what more surprise her is that her so-called-boyfriend is nowhere to be found the other day. Not until after five years, her boyfriend came back totally destroying her build wall for not engaging in a relationship. Jade thought it must be her chance to continue their uncompleted relationship. So, she's taking all the risk to make him her's again.

PenNameError · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Chapter One

Unang tingin pa lang sa pinagdadausan ng party ay napa-usal na si Jade ng dasal.

Na sana'y huwag siyang mabagot at masiraan ng bait sa pakikisalamuha sa mga tao duon.

Ngunit wala pa man sa kalagitnaan ng party ay nakaramdam na siya ng pagkabagot.

Halos matatanda kasi at mga kasosyo ng magulang sa negosyo ang kasalo nila sa table na naka-reserved para sa kanila.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

Hindi yata umepekto ang dasal niya.

Iyon ang unang beses na sumama siya sa lakad ng mga magulang sa ganuong okasyon kaya hindi niya napaghandaan ang pangyayari.

Nasa aktong magpapakawala na naman siya ng malalim na buntong-hininga nang sulyapan siya ng kanyang ina.

Katabi lang niya ito samantalang ang kanyang ama naman ay hindi na niya mahagilap sa dami ng tao duon.

Nagtatanong ang matang tinitigan siya nito.

"Jade honey, are you okay?" may pag-aalalang tanong nito habang nakahagod ang kamay sa kanyang likuran.

Dahil sa tanong ng ina ay hindi na nagsayang ng pagkakataon si Jade at nagpaalam ditong lalabas na muna upang ikutin ang buong lugar.

Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Ang magdahilan sa ina upang takasan ang nakakabagot na pangyayari.

Nang mapapayag niya ito ay agad siyang tumayo at nilisan ang kanilang table at inikot nga ang buong lugar.

Napakalaki at magara rin ang mansyong pinangyarihan ng nagaganap na party kaya hindi na nagtaka si Jade kung bakit napakaganda rin ng fountain na nasa gitna ng hardin.

Namangha si Jade lalo na nang mapagmasdan niya ang naggagandahang bulaklak na nakapaikot sa fountain.

Ang mas lalong kumuha sa kanyang atensyon ay ang mga mapupulang rosas na nakahilera sa gilid ng daan papuntang gate ng naturang mansyon.

Natural ang pagkahilig niya sa bulaklak lalong-lalo na ang rosas kaya hindi nakatimping nilapitan niya ang mga ito at sinamyo ang amoy ng bulaklak.

Pinuno niya ng amoy niyon ang kanyang dibdib at muling nag-ikot sa hardin.

Nang makakita ng bench ay agad siyang naupo duon at pinagmasdan ang mga taong nagkakasiyahan sa bukana ng malaking mansyon.

Tahimik ang pwestong kinaruruonan niya at presko rin ang hangin na nalalanghap duon.

Nagtagal siya duon ng ilang minuto bago napag-desisyunang bumalik na sa table ng mga magulang.

Habang naglalakad sa hallway papuntang bukana ng mansyon kung saan ang pinagdadausan ng party ay hindi niya napansin ang bultong sumalubong sa kanya.

Nagkabungguan sila nito at halos tumilapon siya sa lakas ng impact ng pagbabangga nila.

"Ouch!" Daing niya habang dinaramdam ang sakit na idinulot ng pagbagsak niya.

"Hey! I'm sorry Miss. I'm not watching my step." anang boses lalaki.

Tumapat sa harap niya at tinakpan siya ng anino ng lalaki nang lapitan siya nito at inalaalayan sa pagtayo.

Nang mag-angat ng paningin si Jade ay bahagyang tumapat sa kanya ang malakas na silaw ng ilaw sa may poste.

Napatakip siya ng mata at sandaling ipinikit iyon bago iminulat.

"Are you okay?" tanong ulit sa kanya ng lalaki sa kanyang harapan.

"Yeah, I'm okay. Medyo napalakas lang ang bagsak ko." aniya habang pilit inaaninag ang mukha ng kaharap.

"I'm sorry again. By the way, I'm Isahn."

I'm Isahn

I'm Isahn

I'm Isahn

Paulit-ulit at parang sirang plaka na nagre-replay sa utak niya ang narinig.

And just like a light bulb. Tila may biglang umilaw sa utak niya.

She remembered hearing those word from a person in the past.

A memory she can't forget.

"Isahn..."

Kusang dumulas ang salitang iyon sa bibig niya.

Isa nga pala iyong pangalan.

Pangalan ng taong kay tagal niyang hinanap.

Pangalan ng nag-iisang taong kay tagal niyang hinintay na magbalik.

"Yeah, how about you? What's your name?"

"I'm Sofie Jade. Don't you remember me?" Nakangiti ngunit kinakabahan na tanong niya.

Ewan niya bakit bigla siyang kinabahan?

Pakiramdam niya ay para siyang sinisilaban ng apoy sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa kanya si Isahn.

The feeling she felt before, bumabalik iyon sa pakiramdam niya at parang kahapon lang ng mangyari iyon.

And it's been five years.

Five years ago had passed.

Pero naduon parin yung pakiramdam.

Yung pakiramdam na tila ba may paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan.

Yung pakiramdam na tila ba may malamig na bagay na dumampi sa dibdib niya.

Those feeling is the same feeling when she admitted to herself that she love that person.

That person who's making her heart flutters.

"I don't think I've met you before," tila nagugulahan na sagot nito sa kanya.

Her smile fade away instantly.

Hindi ba siya nito maalala?

But, it's just five years. Siya nga ay naaalala pa ito.

"Anyway, it's nice to meet you Sofie Jade. I should go now, baka hinahanap na ako nila Mom and Dad." Paalam nito sa kanya at ginawaran siya ng ngiti.

Stretching his thin lips, showing those deep dimples he has.

Those smile.

She missed it.

She wants more of it.

"Wait!" maagap na pigil niya dito nang tumalikod ito sa kanya.

Hawak-hawak niya ang braso nito at hindi niya alam kung nararamdaman nito ang panginginig ng kamay niya ngunit tinatagan niya ang sarili.

Kailangan may masabi siya dito habang hindi gumagaragal ang tinig.

"Can't you stay here with me?"

It's not a question.

Rather it's not a command.

She sounded like she's pleading someone to stay with her.

Gulat at puno ng pagtataka na nilingon siya ni Isahn.

"Why?"

"I'm bored and I don't want to go back there." She reasoned out.

Pero ang totoo, gusto lang niyang makasama pa ng matagal si Isahn.

"Okay." sang-ayon nito na ikinatuwa niya.

Kung hindi lang ito magtataka ay kanina pa siya nagtatalon sa tuwa.

Bumalik siya sa pagkakaupo ulit sa bench at sumunod naman sa kanya si Isahn.

Tahimik lang na umupo sila duon habang nakatingala sa kalangitan.

Punong-puno ng bituwin ang kalawakan ngayong gabi at maliwanag din ang tanglaw ng buwan.

Nang magbaba ng paningin si Jade ay malayang pinagmasdan niya ang lalaking nasa harapan.

Hindi parin siya makapaniwalang nakikita niya ito at masasabi niyang napakalaki ng ipinagbago nito mula sa binatilyong pilyo na nakilala niya nuon.

"So, Isahn. What are you doing here?" Panimula niya. Ayaw niyang sayangin ang oras na nakakasama niya ito.

"A-hm actually it's my parents Wedding Anniversary today kaya ako nandito." sagot nito sa kanya at binalingan siya ng tingin.

"Talaga?!" Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Jade sa naging sagot ni Isahn.

Mabagal na tumango ang lalaki.

"Oh! So you were the unico hijo of Mr. and Mrs. Gonzales who owned this big mansion?" she asked, amusement is visible in her eyes.

"Yeah, sort of." nahihiyang pag-amin nito habang napapakamot na lamang sa batok.

"Wow! How come I didn't know you when our family is a business partner. Kunsabagay minsan lang akong makialam sa business ng mga magulang ko and I never meet you in any acquaintances together with your parents. Were you away?"

"Yeah, I lived in America for last five years."

"Ah! Kaya pala hindi na kita nakita ulit." Bulong niya sa sarili.

Nagtaka siya noon kung bakit hindi na niya ito nakita ulit kasama ang mga barkada nito na madalas pumunta sa kanilang lugar?

Ang totoo ay hinanap niya ito noon kinabukasan nang magkakilala sila pero nahiya siyang magtanong sa mga kabarkada nito dahil kahit buong pangalan ng lalaki ay hindi niya alam.

Kahit ang pinsan nitong si Kristoff ay hindi narin niya mahagilap pagkatapos ng gabing pagkikita nila.

Isahn lang ang tanging pangalang ipinakilala nito sa kanya kaya hindi niya rin alam na ito pala ang nag-iisang anak ng kasosyo ng kanyang mga magulang sa negosyo.