webnovel

Take me back to 1900's

Camorenotan · History
Not enough ratings
8 Chs

Kabanata 8: Cashmael Willace Montemayor

Nagmistulang dejavu ang pangyayari parang nangaling na siya dito biglang tumulo ang kaniyang luha.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya nagkakaganoon.

Nang ipikit niya ang kaniyang mata ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

Mayroong lalaki na pumasok sa kwarto gustuhin man niyang magsalita ay walang lumabas sa kaniyang bibig.

Kasama nito ang isang babae na nakaitim nakita niyang gaya ng ginawa niya ay bigla itong napaluhod.

"Margareth bakit?" Nasasaktang saad nito.

Nagulat siya ng mamukhaan ang lalaki sa kaniyang gilid.

Kamukhang-kamukha niya ito ngunit kakaiba nga lang ang pananamit.

Namutla siya sa pagkabiglang makita ang sarili napansin niyang may ibinigay ang babae.

Isa iyong lumang papel at mayroong kwentas na susi.

"Ito ang huling habilin ni Margareth bago niya kinitil ang kaniyang buhay. Hindi alam ng heneral na nasa akin ang naturang susi ikaw na ang bahala sa lahat." Saad nito.

Biglang napatingin ang babae sa kaniyang direksyon na ikinakaba niya.

Parang nahulog sa kung saan si Willace ng minulat niya ang kaniyang mata. Naroon parin siya sa naturang kwarto ngunit wala ng mga tao doon.

Nagtaka siya kung bakit siya ay nakahiga sa sahig. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakapansin siya ng isang singsing.

Nabitawan niya iyon ng marinig ang isang sigaw.

"Parang pamilyar ang boses na iyon." Saad niya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Hinanap niya kung saan nangagaling ang boses ngunit wala ito sa loob ng bahay.

Nagtataka man ay sinubukan niyang lumabas at sinuyod ang buong bahay.

Hanggang sa mayroon siyang napansin na bintana sa gilid ng pader.

"Anong-" Agad niyang kinapa ang haligi na napapaligiran ng halaman.

At ng makapa niya ang pinto agad syang umatras at sinipa ito.

Mahirap malaman na mayroon palang bodega doon sapagkat mapagkakamalan itong pader.

Pagkabukas niya ay doon niya narinig ng mabuti ang tinig ni Marga na humihingi ng tulong.

Inilawan niya ang buong lugar at unang nakakuha sa kaniyang pansin ay ang isang kahon.

"Marga?!" Sigaw niya at agad binuksan iyon.

"Will tulungan mo ako kukunin niya ako." Umiiyak na saad ng dalaga.

Agad niyang kinarga ito palabas sa naturang lugar.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay pinaupo niya ito doon niya nakita ng maigi ang katawan nito.

Marami itong pasa sa bandang bibig at mayroon din sa paa pati braso. Nanginginig din ito animo'y takot na takot habang tinatakpan ang sarili.

Uminit ang dugo niya ng mapansin ang pulang marka sa dalawang palapulsuhan nito sa kamay.

"Paano ka nakarating dito? Sino ang maygawa sayo niyan." Saad niya dito.

"Hindi ko alam wala akong alam nasa kwarto lamang ako natutulog. Pagpikit k-ko-" halos hindi na nito matapos ang sasabihin sa sobrang takot at lalo itong umiyak.

Wala siyang maitakip dito dahil basang-basa din siya ng ulan.

"Ayokonang bumalik doon Will papatayin ako ni Casim papatayin niya si Margareth." Nanginginig na saad nito.

Napag-isipan niyang iuwi na muna si Marga sa kanila. Masyadong magulo ang kaniyang isipan at mas lalo lang nagulo dahil sa isang killer.

Hindi niya alam kung bakit ngunit parang narinig na niya ang pangalang iyon.

Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kaniyang walk-in closet.

"Nawawala na kaya ako sa pag-iisip kaya ako naghahalucinate?" Saad niya sa sarili.

Marahil ay kulang lamang siya sa tulog kaya't kung ano-anu na lamang ang kaniyang nakikita.

Besides, its one of his illness being wide awake all night. Dahil sa mysteryusang babaeng nagpapakita sa kaniyang panaginip.

Naalala niya ang portrait ni Margareth Davis.

Habang tinititigan niya iyon ay doon niya napagtanto na kahawig ito ni Marga.

"This is really impossible." Saad niya habang ginugulo ang basang buhok.

Binuksan niya ang sliding door ng biglang isang lalaki ang sumalubong sa kaniya.

"There you are I've been looking for you everywhere." Saad ng isang matandang lalaki.

"You must-"

"Casim darling andito ka lang pala iho kanina kapa hinahanap ni Allyanna." Saad ng supistikadang babae.

Bigla siyang nanigas sa pangalang binanggit nito.

"Anong sabi mo? Casim? Ako?" Nalilitong saad niya.

"Kahit kailan wala ka talagang respeto sa iyong ina Cashmael." Matigas na saad ng pamilyar na tinig sa kaniya.

Agad niya itong nilingon at halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Ito ang kaniyang Lolo sa kasalukuyan ang tanging tao na kumupkop sa kaniya.

"Grandpa what is the meaning of this?" Bulalas niya dito.

Napansin niya ang pagkalito sa mukha ng mga kasamahan niya.

"Iho okay ka lang ba bakit parang wala ka yata sa iyong sarili." Nag-aalalang saad ng Ina niya raw.

Doon niya napagtanto ang mga kakaibang nangyayari. Agad niyang tiningnan ang sarili napansin niyang wala na ang tuwalyang nakabalot sa kaniyang beywang.

Napalitan na ito ng itim na pantalon at pinaresan ng itim na sapatos.

Tiningnan niya ang mga damit ng nasa kaniyang harapan at napansin ang mga suot nitong pangluma.

"Crap what an illusion." Bulalas niya.

"Casim sumama ka sakin." Saad ng kaniyang lolo.

Nagtataka man ay sumunod siya dito at nagtungo sila sa isang pribadong kwarto.

"Grandpa bakit ako nandidito at ako ito ang apo niyo na si Cash Willace hindi ako si Casim." Saad niya.

Tiningnan siya nito ng maigi na para bang nagsasalita siya na wala sa tamang pag-iisip.

"Crap. Where am I? Who am I?" Dagdag niya.

Bigla itong tumawa na ikinagulat niya he never saw his grandfather laugh so hard.

He is supposedly stiff and strict napaka-oldies din nito kung magsalita.

But the person in front of him looks young and a jolly type of a person.

"Nawawala kana ata sa katinuan Casim ano na namang pakulo ang iyong naiisip? Sa lahat ng irarason mo para tumakas ay mag-astang baliw talaga?" Natatawang saad nito.

"Ano?" Naguguluhang saad niya dito.

" Remerciez-moi déjà de vous avoir fait une faveur. ("Just thank me already for giving you a favor.") You can ran away now and look for the girl with the golden dress." Nakangising saad nito.

Buti na lamang at naiintindihan niya ang pag pra-pranses nito.

Agad siyang tinulak nito sa kabilang kwarto at may ibinigay sa kaniyang maliit na supot na kulay kayumanggi.

"Sge na puntahan mo na yung estrangherong babaeng nakita mo sa bayan." Saad nito sa kaniya.

Naglakad si Willace na wala sa katinoan totoo nga ang pinagsasabi ni Marga sa kaniya.

At ang masaklap siya pa ang tinutukoy nito na si Casim daw ang papatay kay Margareth Davis.

His grandfather Ferrer was also in this year but how come?

Kasama niya ito sa kasulukuyan at binata ito sa nakaraan in the year 1900's sobrang tagal na dapat tiging na ito.

Hindi lang si Marga at ang kaibigan nito ang nabalik pati siya ay nadamay na rin.

"Ano bang gagawin ko?" Saad niya at nagpalinga-linga.

Biglang dumaan ang kalesa sa harap niya na kaniyang ikinagulat.

Bumaba ang isang matanda at tumingin sa kaniya ng mabuti. Habang tinititigan niya ito ay napansin niya ang pagkakahawig nito kay Mang Kanor.

"Wag mong hayaan na tuluyang magbago ang kasalukuyan ibahin mo ito." Saad nito at naglakad palayo.

Mas lalo lang nalito si Willace sa sinabi nito ng akmang tatawagin niya ito ay naputol siya sa isang tinig.

"Casim bakit ka nakatunganga diyan kanina pa kita inaantay." Saad ng isang lalaki.

"Kilala mo ako?" Turo niya sa sarili.

Lumapit ito sa kaniya at bigla siyang sinipat sa ulo. Sobrang lapit ng mukha nito na kaniyang ikinaatras.

"Wala ka namang lagnat paanong hindi mo ako nakikilala." Nakakunot-noong saad nito sa kaniya.

Napakaliit nito at ang katawan din ay mapagkakamalan mong babae.

"Seryuso hindi kita kilala at anong lugar ba ito." Saad niya dito.

Napansin ata nito ang kakaibang pananalita niya ngunit hindi pa rin ito kombinsido.

"Nasa baryo Perrelus ka ngayon at ikaw si Cashmael Willace Montemayor. Ikaw ang pinakasikat na pintor kung kababata na galing sa France. Ako naman si Rehl Villaruel ang nag-iisa mong kaibigan na ubod ng kagwapohan." Nakangising saad nito.

"A what?" Sa isip niya.

Natigil siya sa pag-iisip ng makita si Marga sa kabilang kalye.

"Margareth." Bulalas niya at agad itong tinakbo.

Rinig niya ang boses ni Rhel ngunit hindi na niya ito inalintala.

"Margareth!" Sigaw niya.

Huli na para maabotan niya ito dahil nakasakay na ito ng kalesa sa kabila.

"Damn it!" Mura niya.

"Ang bilis mo naman tumakbo muntikan na kitang hindi maabutan. Sino ba iyang tinatawag mo na talagang tinakbuhan mo pa." Hindi makapaniwalang saad ni Rhel.

"Margareth Davis." Saad niya habang nakatingin sa papalayong kalesa.

"Margareth- ano??? Diba anak iyon ni Heneral Davis?!" Bulalas ni Rhel.

Agad siyang napalingon dito at inusal ito.

"Kilala mo siya?" Tanong niya dito.

"Kaibigan kalat na kalat na ang balitang ikakasal ang bunsong anak ni Heneral kay William Alcazar." Seryusong saad nito.

Napahinto siya sa sinabi nito at biglang nagsink sa utak niya ang sinabi noong matandang lalaki.

"Wag mong hayaan na tuluyang magbago ang kasalukuyan ibahin mo ito." Paalala ng matanda sa kaniya

"Ça ne peut pas être ! Je ne laisserai jamais ça arriver. (It can't be! I will never let that happen.)" Saad niya gamit ang lengwaheng pranses.

Mukhang nagulat ito sa inasal niya ngunit agad naman itong nagsalita.

"You never speak French unless... You're mad." Saad nito at seryusong napatingin sa kaniya.