webnovel

Take me back to 1900's

Camorenotan · History
Not enough ratings
8 Chs

Kabanata 6: Elle is getting married to who?

Nakita niya na napapikit ito na para bang iniisip ng mabuti ang sasabihin.

"Hindi kana ulit lalabas ng bahay kung ano-ano na ang nangyayari sa iyo simula ng ilabas kita. Dito ka nalang at ng makita kung maayos ang iyong lagay." Maatwuridad na saad nito.

"Po? Pero-" pinutol siya nito.

"Makalalabas ka lamang pagmayroong piging o celebrasyonna kasama ako at ang Tiya Carolina mo." Madiing saad nito at tumalikod na.

Napahiga na lamang siya sa inis kailangan niyang balikan ang susi sapagkat connectado iyon sa lahat ng nangyayari sa kaniya.

Doon niya lang nalaman na ang kwartong inaamoy niya sa kasalukuyan ay doon nga ang totoong kwarto niya sa nakaraan.

"Bakit kaya biglang nawala ang kwartong ito?" Sa isip niya.

Tiningnan niya ang paligid maganda at malinis ang mga gamit mayroon ding piano sa loob ng kaniyang kwarto.

Nakasabit sa kanang bahagi ng pader ang isang napakalaking portrait ni Margareth Davis.

Lahat ng kulay,porma at tindig nito ay kapareho niya kamukhang-kamukha nga niya ito.

Kahit anong tingin niya sa salamin magkahawig talaga ang mukha nila.

"Mapagkakamalan talaga tayo ng kambal sa pagkakahawig natin." Saad niya sa litrato.

Saktong alas-nuebe ay umalis na ang kaniyang ama sapagkat mayroon itong pupuntahan.

Itinakip niya sa kaniyang mukha ang balabal na kaniyang nakita at naglakad patungo sa kaniyang balkonahe.

Oras na para siya ay tumakas tiningnan niya ang baba ng balkonahe at tinantsa ito ng maigi.

"Bahala na ulit si Batman." Saad niya sabay talon.

Sakto naman ang kaniyang paglanding sa lupa at hindi rin siya nasaktan sa kaniyang kagagahan.

Tumakbo na siya at inakyat ang naturang pader.

"Anong?" Napatigil siya ng may marinig na boses ng isang babae.

Agad siyang bumaba at sumenyas ng tahimik sa babae.

"Nako pasensya na miss kailangan ko talagang tumakas sa amin kasi may naiwan ako sa bayan kanina importante sa akin ang bagay na iyon." Saad niya dito at panay hingi ng tawad.

Nang tumingala siya dito ay nanlaki ang kaniyang mata ng makilala ito.

"Elle/Marga?!" Sabay na sigaw nilang dalawa.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa nakasuot ito ng puting damit pangkasal at may dala-dalang boquet.

"Nakakakita kana??" Saad nito sa kaniya.

"Sa lugar na ito lang pero sa kasalukuyan hindi. Bakit ka andito? Paano ka napadpad sa lugar na ito?" Gulat na saad niya.

Bigla itong umupo sa lupa at sinubsob ang mukha sa sariling tuhod.

"Nagising na lamang ako na ikakasal na ako sa isang napakahangin na lalaking nakilala ko. Kahit anong gawin ko nabwebwesit ako sa pagmumukha niya. Kaya ayon tinakbuhan ko sa araw ng kasal namin." Walang ganang saad nito.

"Ano???! Nababaliw kana ba bakit mo tinakbuhan nako babae ka mapapahamak ka niyan sa kagagahan mo!" Nag-aalalang saad niya dito.

"At bakit naman aber yung iba nga kakakasal lang nagdidivorce isa pa nabasa ko sa ibang story ni Camila yung Runaway bride alam mo yun. Kaya ginaya ko rin total nasa parallel universe naman ako." Kampanteng sagot nito.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa sinabi nito. Wala itong kaalam-alam sa kapalit ng desisyong ginawa nito.

"Nasa taong 1900's tayo gaga konting mali mo maari kang mahatulan ng kamatayan!" Saad niya dito.

Nabitiwan nito ang dala-dalang boquet matapos marinig ang sinabi niya.

"Ano?! Paano na ako ngayon? Anong gagawin ko-" Napatigil ito ng makita niya ang reaksyon ni Marga.

"There you are I've been looking for you everywhere. Mabuti nalang at nakita ka ni Margareth kanina kapa hinahanap ng iyong ama at ina." Saad ni Francis.

Napansin niya ang seryusong mukha ni Francis na tila hindi natutuwa sa ginawa ng kaibigan.

"Bakit nasa labas ka magaling kana ba?" Nakakunot-noong tanong nito sa kaniya.

"Patay." Sa isip niya.

Tiningnan niya si Elle na mukhang gulat pa dahil magkakilala sila ni Francis.

Ito pala ang lalaking mahangin na kinukwento nito kanina.

Tiningnan niya si Elle ng sana-mapatawad-mo-pa-ako-Elle.

"Ano.. kasi... ano may nakalimutan ako nasa mabuting lagay kana pala Elle. Ikaw na lamang ang bahala sa kaibigan ko Francis kailangan ko ng umalis paalam sa inyo." Nagmamadaling saad niya.

Pikit matang tumalikod siya at tumakbo.

"Pasensya kana Elle ngunit kailangan ko talagang hanapin ang susing iyon." Saad niya.

Huli na ng mapagtanto niya kung saan dadaan hindi niya pala kabisado ang daang tinatahak kanina.

"Lagot na nawawala pa ata ako." Saad niya sa sarili na pagod na pagod na sa kakalakad.

Buti nalang at marami-rami ang mga tao sa paligid. Nakalabas din siya sa wakas sa kagubatan.

Napansin niya ang nagkakantahang mga kabataan sa gilid. Ang iba naman ay naglalakad patungo sa simbahan.

"Nasa simbahan pa pala ako ng Ocaña napakalayo ko pa sa bayan." Hinihingal na saad niya.

Buti nalang talaga at ipinanganak siya sa Carcar City kaya alam niya ang buong lugar kahit papaano ay nakakatulong ito kahit mahirap tanstahin kung ito nga ang lugar katulad ng nasa kasalukuyan.

Marami ang may bitbit na kandila at bulaklak. May mga kababaihan at kalalakihan ding dumating sakay sa mga kalesa.

Despite of the social status everything becomes fair when it comes to faith.

Masayang nagkakaisa ang mga tao kahit napakalayo ng agwat ng mga ito.

Hindi kagaya ng kasalukuyan na puno ng kaartehan at pumupunta na lamang sa simbahan para mag-myday o di kaya mag cellphone.

Napangiti si Marga sa kaniyang nakita ito nga ang cultura ng mga pilipino.

Magalang,mapagmalasakit,nagkakaisa at nagtutulungan.

Biglay may kumablit sa kaniya na kumuha sa kaniyang attensyon.

"Ate may nagpapabigay po." Saad ng bata sabay alis matapos ibigay ang rosas.

"Sandali kanino galing ito." Sigaw niya ngunit nawala na ito sa kaniyang paningin.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang napansin.

At paano naman siya makikilala nito sapagkat suot niya ang balabal upang itakip sa kaniyang mukha.

"Baka nagandahan lang ay ang ganda ko talaga." Natatawang saad niya.

"What are you laughing at?" Biglang tanong ni William.

"Ay kabayo ni Marites! Ano ba bakit ka nangugu- William?" Gulat na saad niya ng makita ang mukha nito.

Nakasuot ito ng Victorian tuxedo na tila galing sa isang event.

"Paano ka nakarating dito?" Nagdududang saad nito.

"Ah eh kasi ay magsisimba ako." Palusot niya dito.

"Masalangit nawa ang aking kaluluwa." Sa isip niya.

Mukhang hindi ito kombinsido sa sagot niya ngunit agad siyang nagsalita.

"Ikaw bakit ka andito?" Pagpapalit niya ng usapan.

"May hinahanap lamang na tutubi." Nakangiting saad nito.

"Huh?" Nalilitong saad niya.

"Mahuhuli na tayo halikana." Saad nito sa kaniya.

Wala na siyang magawa kundi sumunod na lamang pagkat wala na siyang rasong maisip.

"Sa lahat ng naisip mo Marga sa simbahan pa!" Saway niya sa sarili.

Mahihirapan na siyang mag-isip ng ipapalusot dito kung sana lang ay hinila niya nalang si Elle.

Nagtataka rin siya kung paano nakarating si Elle sa mistulang panahon kung saan siya.

Dahil ba ay connectado sila nito o di kaya'y may susi din ito?

Sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip hindi niya napansin na kanina pa pala siya tinatawag ni William.

"Binibini masyado atang malalim ang iyong iniisip maaari ko bang malaman kung ano iyan?" Tanong nito sa kaniya.

"W-wala may naalala lang akong napakalungkot na palabas." Sagot niya dito at nakapagbuntong-hininga na lamang.

"Nanonood ka pala sa Theatro? Baka gusto mong sumama sa paparating na Sabado. Mayroong palabas na bago at tiyak na ikagigiliwan mo iyon." Saad nito sa kaniya.

Napansin niya ang sinseredad sa pag-aaya nito hindi gaya noong una nilang pagkikita.

Pero hindi siya maaaring madali kay William sapagkat sa panahong ito masiyadong masunurin ang mga kalalakihan.

"Kung may choice ka lang sigurado akong wala ka sa tabi ko ngayon William." Gusto niyang sabihin iyon ngunit sinarili niya na lamang.

Wala rin siyang panahon na pumasok ulit sa pag-ibig ang kailangan niya sa ngayon ay kasagutan.

At lalong-lalo na ang relasyon nilang magkapatid dahil masyadong malaki ang galit ni Diego sa kaniya.

Napansin nito ang paglungkot ng kaniyang mukha kaya agad itong nataranta.

"May sinabi ba akong hindi kaaya-aya na iyong hindi nagustuhan?" Tanong nito.

"Pasensiya ka na William medyo pagod lang siguro ako ngunit salamat sa iyong imbetasyon pag-iisipan ko iyon." Tipid na ngiting sagot niya.

Tumango ito at nakinig muli sa pagpupulong ng pari.

Nang ilibot niya ang paningin ay nagulat siya ng makilala ang nasa unahan nila.

Nakatingin sa kaniya ang Tiya Carolina niya na mukhang gulat na gulat na siya ay nakita. Kasama nito ang kaniyang ama at ibang kasamahan nito pati narin ang ama at ina ni William.

Wala sa sariling nahawakan niya sa braso si William at pinababa ito sa ilalim ng bangko.

"Anong?" Gulat na saad nito.

"Magtago ka tumakas lamang ako sa amin at nandito sila Ama. Kailangan na nating umalis dito William." Natatarantang bulong niya.

Bigla itong natawa ng mahina habang nakatingin sa kaniya.

Lumabas ang dimple nito at mas lalo itong gumwapo sa kaniyang paningin.

"Maghunos dili ka Marga mas matanda pa iyan sayo. Bakit kasi ang guwapo ng Adonis na ito!" Saad niya sa sarili.

"Dumaan nalang tayo sa kabila saktong bukas ang daanan doon." Saad nito sa kaniya.

Sumunod na lamang siya dito at ng makadaan sila sa gilid ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag.

"Buti nalang at kabisado mo ang mga daanan dito nasaan ba tayo?" Tanong niya.