1 Meria ang aking pangalan

"Ako ang sumusulat, tadhana ang umaakda"

: "Waaaaaa! Mali mali mali! Ang pangiiit! Walang dating. Ulitaaaan!"

"Tadhana ang may gawa, ako ang lumimbag"

:"Waaaaaaa!!!!! Ang pangiiit! Hindi Rhyme! Bakit kasi poem pa ang pa-project ni Sir e wala akong talent ditoooo!"

:"Ria! Ayos ka lang ba?" Sigaw ni mama sa pinto ng kwarto ko habang kumakatok.

:"ohoooo" pagtanggi ko naman kay mama kahit ang totoo ay hirap na hirap akong manggawa ng tula.

:"Maligo ka na pati, hapon na! Baka mawalan na ng tubig" OMG! mag-aalas sais na pala! Apat na oras na pala akong nanggagawa... este hindi makausad dahil ni panimula'y wala pa akong nagagawa.

:"Ria! Ano ba? Maligo ka muna!" sigaw ulit ni Mama

:" Ito na, Ma" Makaligo na nga muna.

Habang naggagayak ako, magpapakilala muna ako hihihi. I am Meria Alcantara, Ria for short. Like what you've witnessed, hindi ako marunong manggawa ng poem, actually lahat ng literary works, wala rin akong talent sa pagkanta at pagsayaw, kahit panggagawa ng art works hindi rin ako marunong e, ni pangit nga akong magsulat, to sum it up, WALA AKONG TALENT, hidden parin hanggang ngayon pero hindi ko naman dinaramdam. Nakakasurvive naman sa school works kahit alang talent, 'yon nga lang, nahihirapan ako during the process, kagaya ngayooon huhuhu.

Ay nakooooo, kung kailan naman nakahubad na 'ko dito sa banyo saka ko naman naalalang naubos na nga pala itong habon ko!

:"Ma, paabot pala ng habon ko, nasa paper bag pa 'yon, Ma"

:"Ito bang pink"? sabay abot ni Mama habang nakasilip ako sa pinto ng banyo

:"Oo, Ma. Ty" hihihi malilimutin talaga ako, ewan ko din kung bakit, minsan nga kailangan ko pang bumalik sa lugar na kung saan ako galing para maalala yung nakalimutan ko na naisip ko nung nasa lugar na 'yon ako, gets mo? Sorry na agad, isa ko pang problema ay hindi ako magaling mag-explain. Hindi rin ako magaling pagdating sa communication. Minsan nga naiisip ko ang malas malas ko, ang daming bagay na wala sa akin, peroo at least swerte ako sa pamilya at mga kaibigan.

:"Ate, kanina ka pa d'yan. Ako naman" sigaw sakin ni JL, nakababata kong kapatid, na parang nangongonsensya.

:"Oo! nagbibihis na!" Kasuuura ay. Buti na lang tapos na 'ko, sobrang ayaw ko pa naman na pinagmamadali ako sa banyo.

I forgot, 20 na ako and a second year Business Add. student.

:" 'yon. natapos din" pang-aasar na wika ni JL paglabas ko ng banyo.

Ang lamiiig, ang sarap magkape. Pero, magsusuklay mu na ako at tatapusin ko muna yung poem....

-------

After 3 hours....

-----

Hala 10pm na pala, buti tapos ko na ito tula. -Bahala na, Lord ikaw na po ang bahalaaaa, ginawa ko po ang lahat pero ito lang ho ang kaya ko. Makapag kape na tapos itutuloy ko na ang panonood ng Fairy Tail yiiiz!

Hmmmh.... Yes, mahilig akong magkape at, nanunuod ako ng anime series and movies, pero recently lang ako nag-start, actually matagal ko ng gustong manuod ng anime series kaso wala ako source, buti na lang naunang nawili si Faith, kaibigan ko since high school at sanggang dikit ngayong college, pinapahiram n'ya sa akin ang kaniyang flashdrive na puro anime series hahahahaha.

Makapagkape na muna.....

avataravatar