1 Simula

"Even if we choose right, it doesn't mean we're safe from mistakes. "

Prologue

[  Aries Tolentino

You're friends on facebook  ]

Hindi ko na lang pinansin ang nagpop-up sa messenger ko at saka muling ipinagpatuloy ang pagscro-scroll down sa newsfeed ko.

[ Aries Tolentino

Hi (^-^) ]

Pang-ilan na ba siya sa mga lalaking nagchat sa akin matapos kong ma-accept ang friend request?

[ Aries Tolentino:

Sungit mo naman.

Gaea Ruiz:

Hello (^_^) ]

Hindi naman ako masungit sadyang marami lang talagang nagcha-chat sa akin ngayon lalong-lalo na sa group chat namin. Last quarter na namin kaya kailangan pagbutihin ang pag-aaral. Mraming projects, reports at research ang ginawa namin ngayong week na ito. Sabog na sabog na talaga kami.

[ Aries Tolentino:

Kinilig naman ako.

Gaea Ruiz:

May nakakakilig ba sa sinabi ko?

Aries Tolentino:

Wala naman. Nakakakilig lang kasi nagreply ka agad-agad.

Gaea Ruiz:

Agad-agad? ]

Nakakagaan lang sa loob makipag-chat sa Aries na ito. Hindi siya nauubusan ng mapag-uusapan kahit pa nahahalata na nitong wala akong gana at nabo-bored na.

[ Aries Tolentino:

Wala na pa lang pasok. Anong balak mo?

Gaea Ruiz:

Pupunta ako sa bahay nila tita Rechell tutulong na lang ako doon sa pagtitinda ng mga karne sa palengke.

Aries Tolentino:

Ang sipag mo naman.

Aries Tolentino:

Kaya mas lalo akong nahuhulog sayo. ]

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa screen ng nakapatay na TV. Pilit pinipigilang mapangiti sa nabasa. Bakit ba madali akong mabola?

[ Aries is typing… ]

Ano ba dapat ang sabihin ko?

"Anong bang sinasabi mo?"

"Huh?"

"Nahulog ka? Saan?" Nagpapadyak akong nagtungo sa kwarto ko. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Bakit biglaan kasi? Kinakabahan ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nararamdaman  ko ito. Kinapa ko ang dibdib, napakalakas ng tibok ng puso ko,  pakiramdam ko ano mang oras ay lalabas na ito sa kwebang kinatataguan dahil sa pagkakagambala nito.

Akala ko ba isip ang gumagana pero bakit kahit anong pilit kong itinatatak sa utak ko ang desisyon. Bakit tila sumasalungat ang puso ko at may balak pa itong maging lider sa pagiging marupok ko.

"Ano bang dapat kong gawin?"

"Waaahhhhhhhh!!!" Muli kong sigaw at saka ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Maya-maya lang ay narinig ko na ang katok ni Mama sa labas tinatanong kung ayos lang ba ako. Syempre sinabi kong ayos lang ako kapag sinabi kong hindi ako maayos mangungulit iyon.

[ Aries Tolentino:

Good morning. Napanaginipan kita (^.^) ]

Maaga akong natulog kaya naman maaga rin akong nagising. Mabuti pa siya may pa-Good morning. Manliligaw ko wala man lang kahit Good morning.

[ Gaea Ruiz:

Good morning din (^_^)

Aries Tolentino:

Bakit hindi ka na nagreply kagabi?

Gaea Ruiz:

Sorry nakatulugan ko. ]

Ang totoo hindi talaga ako nakatulog doon. Halos nagpuyat ako sa kakaisip kung ano ba dapat ang sasabihin ko o ire-reply ko sa chi-nat niya. Bakit kasi binibigla niya ako.

[ Aries Tolentino:

Free ka ba this Sunday?

Gaea Ruiz:

Bakit mo natanong? Hmn?

Aries Tolentino:

Aayain sana kitang magsimba. Ipakikilala lang kita kay Lord. ]

Ayan nanaman siya sa mga banat niya. Bakit napakagaling bumanat ng mga lalaki? Bakit sila lang ang may kakayahang manligaw? Samantalang kami naghihintay lang ng taong magkakagusto sa amin.

[ Gaea Ruiz:

Kilala na ako ni Lord. Bakit mo pa ako ipakikilala?

Aries Tolentino:

Gusto ko lang malaman niya ang dahilan ko para magbago. ]

Sa sobrang gulat ko, napatili na lang ako sa kamang inuupuan. Hindi ko na rin napigilang humilata at magwala.

Bakit ba ganito siya? Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

"Gaea,  pumunta ka nga sa Centro bumili ka ng ulam natin pati na rin ng project ng kapatid mo." Tumango lang ako sa sinabi ni Mama.

"Siya nga pala, kagabi ka pa sigaw nang sigaw. May problema ba?" Mabilis akong umiling-iling sa itinanong ni Mama. Kahit pala sila Mama na-iingayan na sa akin.

"Ayos lang po ako, Mama. Huwag kayong mag-alala nanonood lang po ako ng K-Drama, kaya gano'n." Nakangiti kong ani.

"O siya, mauna na ako. Iniwan ko 'young niluluto ko doon sa baba,  baka masunog 'yon. H'wag mong kalimutan 'yong bibilhin mo."

"Opo,  Mama."

[ Ares Tolentino:

Hindi ka na naman nagreply. Napapadalas na yan.

Gaea Ruiz:

May sinabi lang si Mama sa akin

Ares Tolentino:

Si Mama? Anong sinabi niya?

Gaea Ruiz:

Mama ko, hindi mo Mama. ]

Napangiti na lang ako habang nagbibihis. Saan niya kaya natutunan ang mga ganitong banat? Habang tumatagal mas lalong nahuhulog ako eh,  mas lalong lumalala, at higit sa lahat mas lalong masasaktan.

Napakarupok talaga.

[ Ares Tolentino:

Mama mo nga. Kapag naging tayo,  mama ko na rin (^_^)

Gaea Ruiz:

Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? ]

Matapos kong i-send 'yon ay pinatay ko na ang data ng cellphone ko at saka ibinulsa ito.

Habang patungo sa Centro, hindi ko nanaman napigilang buksan ang account ko.

Hindi mapakali kung hindi siya maka-chat. Gusto minu-minuto,  oras-oras at araw-araw.

[ Aries Tolentino:

Nagsasabi lang ng posibleng mangyari.

Aries Tolentino:

Ang ganda pala ni Mama.

Aries Tolentino:

Sa kanya mo siguro namana kaputian mo?

Aries Tolentino:

Off-line? Hindi man lang nagpaalam.

Aries Tolentino:

Gano'n siguro kapag hindi mahalaga ang isang tao. ]

Hindi nga? Nagtampo talaga siya?

"Ate,  ano pong bibilhin niyo?" tanong ng magandang babae sa akin pagkapasok ko Pa lang sa loob ng SamSara Shop. Nakangiti ko naman itong tinignan at saka ibinigay sa kaniya ang papel kung saan nakalagay lahat ng mga kakailanganin ni Lhyke sa projects niya.

Inilibot ko ang buong paningin ko sa Shop. Hindi naman ito gaanong malaki pero masasabi Kong malaki na ang ipinagbago nito. Hindi na rin kasi ako pumupunta dito,  habang tumatagal mas lalong nagiging successful itong Shop.

"One hundred fifty five po lahat,  Ate." Agad naman akong nagbayad. Napaisip tuloy ako, napakabata pa niya para magtrabaho pero nandito siya nakangiting kinakausap ang mga costumer na pumapasok sa Shop.

[ Aries Tolentino:

Let's meet up,  Gaea. This coming Sunday, I'll wait. May sasabihin ako. ]

Pagka-uwi ko sa bahay dali-dali akong nagtungo sa sariling kwarto. Matapos kong mabasa ang chats niya bigla na lang nag-shutdown ang cellphone ko. Lowbatt na, nakalimutan ko atang pinatay 'young data.

[ Gaea Ruiz:

Sige. ]

Hinintay kong mag-reply siya pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin ito nag-re-reply.

Online naman siya. Nagtatampo pa rin ba ito?

[ Gaea Ruiz:

Busy, huh. ]

Hinintay kong i-seen niya 'yung chats ko pero wala pa rin.

[ Gaea Ruiz:

May problema ka ba?

Gaea Ruiz:

Pwede mo namang sabihin sa akin. Iintindihin kita. ]

Kahit pa naka-apat na send na ako sa kaniya ng messages hindi pa rin niya sini-seen.

Inboxzoned.

[ Gaea Ruiz:

Kung tungkol ito sa hindi ko pagpaalam bago maglog-out. Sorry. ]

Papatayin ko na sana ang data ko nang biglang magpop-up ang pangalan niya sa messenger ko.

Hindi ko rin inaasahan ang mga salitang nabasa ko,  biglang tumahimik ang buong kapaligiran. Heto nanaman ang puso ko, napakabilis ng kabog.

[ Aries Tolentino:

Hindi ko na kayang pigilan pa, Gaea. Habang tumatagal mas lalong lumalala,  hindi ko alam kung bakit pagdating sayo nato-torpe ako. Hindi naman ako ganito. ]

Aries Tolentino:

Gaea, liligawan kita.

Gaea Ruiz:

Liligawan?

Aries Tolentino:

Alam kong napaka-aga pa natin para sa ganitong relasyon pero naniniwala ako na wala 'yon sa tagal ng panahon na magkasama o magka-chat para mahalin mo ang isang tao. ]

Ganito ba ang pakiramdam nang ligawan ka ng lalaking gusto mo? It feels like you're flying from happiness. A feeling of something,  that only you, can understand what is feels like.

I never been in a relationship before kaya naman iniingatan ko ang sarili ko, mahirap magmahal ng labis tapos maling tao pala.

Gaya ng mga kaibigan ko, nagmahal sila tapos iniwan din sila sa huli kasi nakahanap ng maganda at mas malapit. Nang dahil sa mga kaibigan ko, I learned that we only depend on what our feelings is saying and not on what our mind is suggesting when it comes to love. Kaya sa huli, hindi natin maiwasang magsisi. Kasi mali 'yong pinili natin.

[ Gaea Ruiz:

Let's try. ]

I taught I've choose the right decision. Inisip ko na siya na talaga,  without any valid reason. Gano'n naman talaga, when you loved someone you don't have to reason out why'd you love him or her.

Makalipas lang ang dalawang linggo,  wala na. He's gone. Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari. Napakabilis ng mga pangyayari,  mula sa ka-chat, kalandian at maging totohanan na.

Bakit sa tuwing hindi ako nagpapaalam na aalis ako galit siya pero kapag siya ang gumagawa hindi ako nagagalit kundi nag-aalala. Bakit ang unfair naman.

[ Gaea Ruiz:

Hey, busy?

Gaea Ruiz:

Ayos ka lang ba? You always ignore me.

Gaea Ruiz:

Seriously, kahit chat, text,  o tawag man lang hindi mo magawa.

Gaea Ruiz:

I called,  bakit mo pinatay?

Gaea Ruiz:

Ano bang nangyayari? Tell me.

Gaea Ruiz:

Fine. Stop courting me. Huwag mo na akong ligawan.

Gaea Ruiz:

I called five times bakit ayaw mong sagutin?

Gaea Ruiz:

I know I may sound like an immature girl. But it's beyond the limit na kasi,  Aries.

Gaea Ruiz:

Seryoso ka na ba talaga diyan? Hindi mo na ako papansinin?

Gaea Ruiz:

Months na, Aries. How long are you going to ignore me?

Gaea Ruiz:

Titigil na ako.

Gaea Ruiz :

Alam mong ayoko sa lahat 'yong hindi ako magawang isama sa priority list niya.

Gaea Ruiz:

Priority nga kita samantalang ako hindi o priority. Huh HAHA.

Gaea Ruiz:

Palibhasa diyan naman kayo magaling diba? Paasahin kaming mga babae. Hobby niyo ba yan o talent na?

Gaea Ruiz:

Damn you,  idiot man! 

You can't reply on this conversation. ]

Pinuntahan ko ang kaibigan ko, kaysa naman mahuli ako ni Mama na umiiyak sa loob ng kwarto ko. Ngayong araw lang ako pupunta sa bahay nila Nara na malungkot,  I always come here with a light face. But now it was only darkness.

Love can make darkness. Love can be an opposite of lightness indeed.

"Bakit? Anong nangyari?" Bungad sa Akin ng kaibigan ko. Halata mong nagpapahinga ito dahil sa katatapos lang maglaba. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap ito.

"Umasa ako."

"Saan?" Tinignan ako nito sa mga mata umiling Pa ito nang makitang may luhang tumakas mula sa mga mata ko.

"Sino." Pagtatama ko.

Ano bang mayroon sa kaniya that makes me fall even harder?  How did he created this kind of emotions towards me?

"Hindi ko maintindihan,  Nara. I always end up with the wrong decision when at first I think it was right." Hindi sumagot sumagot si Nara sa sinabi ko. Niyakap lang ako nito at saka hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Alam mo ba,  natutuwa ako sa tuwing nakikita ko na pinipili niyo 'yong tama kahit pa na alam niyong masasaktan kayo. Kahit nasasaktan na, nagagawa niyo paring tumayo at lumaban." Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata. Totoo 'yong sakit kapag iniwan ka ng walang paalam. Totoo 'yong sakit kapag binaliwala ka. Totoo lahat ng kinatatakutan ko.

"Sabi niya,  hindi siya aalis. Sabi niya, magpapaalam siya. Sabi niya, mahalaga ako. Hanggang sabi lang siya pero hindi niya magawa. Hindi niya nagawa, Nara!"

"Kung mahal mo naman diba, masasaktan ka? Kung mahal mo, iiyakan mo diba? Kung mahal mo, gagawa ka ng paraan para mag-stay siya. Diba, Nara?"

"Nakakainis! Bakit kayo? Napakadali lang para sa inyo na mahulog at magmove on. Paano niyo nagagawa 'yon?" Malakas na batok ang nakuha ko mula kay Nara. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Alam mo na ang sagot sa tinatanong mo tapos nagtanong ka pa."

"H'wag ka ng umiyak. Hayy... Ganito siguro talaga ang mga babaeng unang beses na nahulog, sinalo pero mabilis na binitawan." Natatawang aniya kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

Niyakap ako nito at saka hinaplos-haplos ang buhok ko, "Always remember, eya. Tao ka din, nasasaktan. But don't force yourself too much, 'wag kang magpakababa. Learn how to value yourself. Love yourself first."

"Libre na lang kita ng barbecue diyan sa kanto, nang sa gano'n hindi tayo magmukmok dito sa bahay." Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Hindi naman siguro magbibiro si Nara. Manlilibre talaga siya.

"Nara,  sure ka ba? Baka naman nasapian ka ng mabait na espirito?"

"Ayaw mo?" Masungit nitong tanong. Mabilis akong umiling sa kaniya at ikinulong ang kamay ko sa braso niya.

"Hindi naman. Halika na. Ayaw ko na pa lang umiyak. Libre mo na lang ako." Tumatawa kong ani at saka siya hinila pababa sa hagdan.

avataravatar
Next chapter