webnovel

Matinding Pagkasabik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makikitang lumulutang sa ibabaw ng Bermuda ocean ang isang napakalaking silver white pyramid, mayroon itong taas na umaabot sa 1200m, walang kahit anong gasgas ang makikita sa katawan ng pyramid kahit ilang libong taon na itong palutang-lutang dito.

"Isa itong…automaton universe spaceship!!!"

Nasabik ng husto si Pula.

Ang lahi ng Automaton!

Kahit na kilala ang lahi ng tao bilang isa sa mga nangungunang lahi sa buong kalawakan ay mayroon pa rin namang ibang lahing may kakayahang tumapat ng harapan sa lahi ng mga tao! Isa na rito ang lahi ng Automaton! Sa totoo lang…ang lahi ng Automaton ay binubuo ng mga living AI kaya ang teknolohiya ng kanilang lahi ay nag-advance sa hindi kapanipaniwalang level!

At…

Ang bawat isang nilalang sa lahi ng Automaton ay mga naglalakasang fighter sa kalawakan!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com