webnovel

Isang Malaking Problema

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ito, ito…" Sina Buluo Nuolan Shan, ang lalaking mukhang gorilla, ang babaeng may berdeng kutis at ang apat nilang kasama ay natigilan sa kanilang nakita. Ang kaninang mahina at kaunting mangmang na kanilang nasa isipan ay nagawang maglabas ng napakaraming naglalakasang fighters sa loob ng isang iglap!

"Mga star level 7 spirit readers?"

"Level 7?"

"Mayroon tatlong star level 7 spirit readers!!!"

Napuno ng takot ang itsura ni Buluo at ng kanyang kasama habang nakatingin sa suot nilang computer na nagpapakita ng ilang numero sa kanila. Grabe! Ang pinakamalakas sa kanilang lahat ay ang kanilang captain na nasa star level 6 lang at ang nag-iisang fighter sa level na iyon! Sapat na ang isang star level 7 spirit reader para tapusin ang kanilang team, paano pa kaya ang tatlo nito!

"Master." Gumagalang na yumuko ang malalabong imahe ng tao kay Luo Feng na nasa balkonahe.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com