webnovel

Ang Pagbabalik sa Milky Way

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang lahat ng alipin ay nasa loob ng malaking hall sa ikalawang level sa ilalim ng floor na ito. Sumunod po kayo sa akin Mr. Luo Feng." Nanguna sa paglalakad ang lalaking may berdeng buhok.

Mas malaki pa ang spaceship na ito kaysa sa black dragon ship ni Luo Feng.

Pero siyempre ay mas mahina ang mga materyales na ginamit sa paggawa nito, isa itong B grade ship. Ang ikalawang level ng spaceship na ito ay isang napakalaking hall na may sukat na umaabot sa 100m. Makikitang nakatayo sa loob nito ang naglalakihan at matitibay, o matindi at seryoso, maging naggagandahan at kaakit-akit na alipin. Kung hindi sasabihin ng may-ari ay walang sinuman ang makapagsasabi na alipin ang mga ito mula sa kanilang itsura.

Sa bagay, ang pinakamahina sa kanilang lahat ay isang star traveller level 9 spirit reader, mas malakas pa ito maging kay Luo Feng! Kaya paanong magiging mahina ang mga aura na nanggagaling sa mga ito?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com