webnovel

Ang mga Ari-arian ni Luo Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos simutin ang mga kayamanan sa buong underground iron city ay agad na lumipad si Luo Feng sa pintuan ng city.

"Teka Luo Feng," sigaw ni Babata.

"Bakit Babata?" nacurious si Luo Feng. "May nakalampasan pa ba tayong mga kayamanan sa iron city na iyon?"

"Ignorante! Ang buong iron city na ito ay isang napakahalagang lugar, hindi dahil sa black iron essence o maging sa black iron spirits! Pero…halos lahat ng gusali sa buong city na ito ay gawa sa black iron!" hindi maiwasang sabihin ni Babata.

Nagulat ng husto si Luo Feng.

"Hindi mo pa ba napapagtanto na isa ka pa ring napakahirap na nilalang Luo Feng?" malademonyong ngumiti si Babata.

"Napakahirap?"

"Mayroon ka bang kahit anong pera? Ang perang sinasabi ko ay ang perang magagamit mo sa kalawakan at hindi ang perang ginagamit mo sa Earth. Mayroon ka ba nito?" tanong ni Babata.

Nagdikit ang mga kilay ni Luo Feng.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com