webnovel

Ang Dambuhalang Dami ng Yaman

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng reception room.

"Anong problema, Babata? Bakit ako nakakaramdam ng pagiging hindi mapakali?" Kinamot ni Luo Feng ang kanyang baba habang tinatanong si Babata gamit ang kanyang isipan.

"May problema ba?" Nagpakita ang maliit na demonyo ng pagkaignorante sa mga pangyayari.

"Ang itsura at mukha ng empleyada kanina ay parang isang miyembro ng isang religious group na nakakita ng kanilang diyos, o isang anghel o isang nilalang na kagaya ng mga ito. Hindi naman sila nagkakaganito kahit noong makita nila ang mga Universe Mercenaries na iyon kanina, hindi naman sila nagreact ng ganito," tanong ni Luo Feng. "Sabihin mo nga sa akin Babata, ano ba talaga ang nangyayari? Huwag mo na akong lokohin!"

"Sasabihin ko na nga," nanlolokong sinabi ni Babata. "Ang account na sinabi mo kanina ay isang five star account talaga."

"Isang five star account?" Nagdikit ang mga kilay ni Luo Feng.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com