webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 97

Ang Dark Puppetry naman ay maituturing na taboo o pinagbabawal na propesyon kung saan ay lumalakad ang mga ito sa daan ng pagpatay o pag-eksperimento ng mga nilalang na buhay. Maituturing na karumal-dumal ang mga gawain nila na kinamumuhian at magkagayon man ay kinakatakutan din ng mga nabibilang sa mga Righteous Sects o ng iba pang mga mabubuting organization, tribo, angkan at iba pa. Karamihan sa mga ito ay pinapatay pa ng maaaga o hina-hunting bago pa makapaminsala. Ang mga Dark Puppetry na mga eksperto ay masasabing ligtas sa mga Demonic Path na mga Sect kung saan ay eksperto ang mga ito sa mga masasamang mga gawain. Isa ang mga dark puppetry sa pinahahalagahang lubos ng mga Demonic Sects Kung saan ay ninu-nurture ang mga ito at tinuturuan ng mas karumal-dumal na gawain ng masasamng gawain sa dark puppetry Kung saan ay patuloy din ang pag-unlad ng kaalaman ng mga ito at pagpapalakas.

Tila nagulat talaga ang magandang babaeng walang pangalan sa sinabing ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa sinabi nito patungko sa puppetry. Kahit siya ay nakaramdam ng kakaiba sa tono ng pananalita ng batang lalaking si Li Xiaolong lalo na kung paano ito namutla sa sinabi niyang purong katotohanan lamang. Maging siya ay nangingilabot sa kakayahan ng mga eksperto sa Puppetry. They can turn tides sa mga labanan o sa kalaban nito, they are powerful expert. A powerful ally expert in puppetry will make you insane and feel despair. Yung feeling na ang kalaban mo ay hindi lang isa kundi napakarami. Depende sa dami ng mga puppets ang nagagawa nito, masasabing ...

1 vs 2

1 vs 5

1 vs 10

1 vs 100

1 vs 1000

Oo, expected na hindi lang isa ang makakalaban mo kundi marami. Ano'ng aasahan mo hindi ba. Imbentor sila ng mga bagay na maaari mong ikamatay kung sakalaing makalaban mo sila at maaari ka ring mabuhay kung sakaling kakampi mo sila. They can exhaust your enemy or they can exhaust you as their enemies or nemesis.

...

Kanina pa tahimik ang batang lalaking si Li Xiaolong. Kapwa malalim ang iniisip ng dalawang nilalang na ilang dipa lamang ang layo ng mga ito sa isat-isa ngunit ang pag-iisip nila o kaisipan nila ay tila sobrang napakalayo sa isat-isa.

Halos napapaisip ng malalim ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling iniisip lalo na patungkol sa insidenteng hindi niya makalimutan. Ang first encounter niya sa isang puppet na Early Xiantian Realm Expert. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan rito o hindi ngunit talagang masasabi niyang dapat na talaga siyang matakot sa maaaring gawin ng isang Puppet Expert na eksperto sa paggawa ng mga sariling puppets nito. Nakakakilabot man isipin ngunit tandang-tanda pa ng batang iyon dahil iyon ang kauna-unahang makapatay siya ng di niya sinasadya..

"Sasabihin ko ba o hindi... Pero baka husgahan lamang niya ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin kung sakaling sermunan naman ako ng magandang babaeng nasa aking harapan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Undecided pa rin talaga siya. Masyadong mahirap magtiwala.

Pero sa huli ay naisip niyang wala ring mawawala sa kaniya dahil isang espiritu lamang ng pambihirang lugar na ito ang magandang babaeng ni hindi alam ang pangalan nito.

"Uhm, ang totoo niyan Binibini ay kung naalala mo kanina ay sinabi kong nakapatay ako ng Early Xiantian Realm Expert hindi ba? Sa katotohanan ay isang buhay na puppet iyon na hindi ko alam kung saan ito nagmula." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang pinagtatapat ang bagay na ito. Napayuko lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa labis na hiya sa sarili nito.

Tila parang bomba namang sumabog sa pares ng tenga ng magandang babaeng walang pangalan ang sinabi o itong confession na sinabi ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Ano?! Seriously batang Xiaolong?! Talagang nilabanan mo ang buhay na puppet na iyon?! Isang Early Xiantian Realm Expert? Nagpapatawa ka ba?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong na nanlalaki ang pares ng mga mata nito. Tila hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig na sinasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na nasa harapan niya mismo hindi kalayuan mula sa kaniyang kinatatayuan.

Tila nangunot naman ang noo ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng magandang babaeng nanlalaki ang mata nito.

"Bakit hindi, isa lang naman iyong Early Xiantian Realm Expert. Isa akong Middle Xiantian Realm Expert kaya mas malakas ako ng di hamak sa puppet na iyon na namumula ang mga mata nitong parang walang buhay habang naglalabas ng kakaibang enerhiya at awra ang katawan nito." Simpleng sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang napakamot pa ito ng kaniyang batok sa labis na hiya. Baka kasi sabihin nitong he bullies the weak living puppet. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak siya sa pangyayaring iyon noong nakaraang tatlong buwan.

Tila mas lumaki at mas may ilalaki pa pala ang mata ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong kung pwede lang mahulog o malaglag ang mga mata nito ay baka nalaglag na.

Tila may biglang gumuhit na hintatakutan o pagkatakot sa mukha ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Hindi ko alam na may pagkabaliw kang bata ka. Napakaignorante mo talaga. Hindi mo ba alam na mapanlinlang ang anyo ng isang puppet. Normal puppet can increase it's Cultivation Level up to two level higher than it's orginal Cultivation Level. Hindi mo man lang ba napansin na ang kalaban mo ay hindi isang Early Xiantian Realm Expert kundi isang Late Stage Xiantian Realm Expert kahit pa ituring na puppet ito!" Nahintatakutang sambit ng magandang babaeng walang pangalan na nanlalaki pa rin ang sariling pares ng mga mata nito.

Hindi niya alam kung ano'ng klaseng bagay ang nakain ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong noong panahong iyon lalo na kahit sinasalaysay niya ito kani-kanina lamang ay parang simpleng bagay o pangyayari lamang ito. Pero siya na nabuhay noong dalawang bilyong taon ng nakakalipas ay mayroon siyang knowledge accumulation patungkol sa puppetry. Looks can be deceiving yan ang masasabi niya sa mga Puppets o sa mismong konsepto ng Puppetry. Hindi siguro alam ng karamihan ngunit ang dapat mong tandaan sa Puppetry o sa mga masasagupa mong puppets na gawa ng mga Puppet Expert/s ay napakadelikado na siyang dahilan kung bakit maraming namamatay sa kamay ng mga puppet masters at isa na sana ang malamig na bangkay ngayon ang batang nagngangalang Li Xiaolong kung namatay ito sa kamay ng isang Early Xiantian Realm Expert na sa totoo pala ay isang Late Stage Xiantian Realm Expert ito.