716 Chapter 716

Bagong araw na naman at gumising ng maaga si Wong Ming lalo pa't importarteng araw ngayon lalo pa't inaasahan ng lahat ang mamayang pagbubukas ng portal patungo sa kakaibang lugar para sa nasabing pagkuha ng totem inheritance.

Ilang minuto lamang ay natanaw ni Wong Ming ang lokasyon ng pagtitipon ng lahat ng mga disipulong sasabak sa labanang ito.

Hindi kalayuan mula sa kaniya ay kitang-kita ni Wong Ming ang siyam na miyembro ng Flaming Sun Faction na nakatayo sa gilid ng malawak na parang.

Hindi aakalain ni Wong Ming na makikita niya ang walong miyembro na ito ng personal. Halo-halo ang mga ito at pinakasikat na mga indibidwal sa kanilang faction dahil na rin sa taglay na mga pambihirang abilidad at kakayahan sa pakikipaglaban.

Eight Flaming Aces

Kapansin-pansin na sila lamang ang naiibang grupo rito at lahat ng mga nakahanay sa ibang parte ng lugar na ito ay mga miyembro ng Dark Oath Guild.

Pansin niyang halos lahat ng mga ito ay may cultivation level na hindi bababa sa Purple Heart Realm habang ang iba ay hindi niya matukoy kung ano ang lebel ng cultivation ng mga ito dahil na rin sa kakaibang bagay na humahadlang sa sinuman na gustong malaman ito.

Para makaiwas sa anumang gulo si Wong Ming ay naglakad ito sa hanay ng Eight Flaming Aces at tumayo kagaya ng mga ibang mga disipulo.

Halatang seryoso ang lahat. Mabuti na lamang at ang iilan ay naglalakad pa lamang kasunod ni Wong Ming.

Maya-maya lamang ay nagpaalam ang isang gurong nakatoka sa mahalagang okasyong ito.

Kaya bigla na lamang napalunok si Wong Ming ng kaniyang laway nang humarap ang walong miyembro ng Eight Flaming Aces.

Sila ang pinakamalakas na disipulo ng Flaming Sun Faction sa kasalukuyan na nagsisilbi sa Faction Master Zhiqiang nila.

Halatang seryoso pa rin ang limang miyembro ng mga ito habang ang tatlo ay nag-uusap ng walang tigil at walang pakialam ang mga ito kung naririnig niya sila.

"Siya yung Little Devil diba?!"

"Oo, kitang-kita ko kung paano ito makipaglaban, hindi naman magaling!"

"Tama ka, masyado lang siya na nagmamagaling. Kagaya ng iba, wala naman talagang binatbat."

"Hmmp, masyado lang siyang pa-papel kay Faction Master Zhiqiang at kay Punong Maestro Duyi!"

Ito lamang ang narinig ni Wong Ming lalo pa't bakas sa mukha ng mga ito na hindi sila kumbinsido sa pagkakaroon niya ng slot na makasali sa espesyal na okasyon na ito ngayon.

Hindi alam ni Wong Ming kung paano'ng nakasali siya ngunit batid niyang malaki ang papel ni Faction Master Zhiqiang sa pagkakaroon niya ng pagkakataon na makasali sa kaganapang ito.

Kung tutuusin ay napakaraming katanungan ang bumabagabag sa isipan niya. Si Faction Master Zhiqiang ay hindi isang simpleng martial arts expert.

Kagaya ng ibang mga guild masters o mga faction masters ay naglakbay din ito sa ibang mga lugar. Hindi siya naniniwalang hindi ito nagdududa sa ipinamalas niya.

Ngunit isang bagay ang pinagpapasalamat niya at iyon ay wala pa itong kaalam-alam sa tinatago niyang lihim na galing siya sa isang napakaunlad na siyudad na mayaman sa iba't-ibang pambihirang martial art skills.

Isa ang Totem Mark na masasabing isang natural na biyaya dahil maaari siyang makakuha ng malakas ma marka na maaaring makatulong sa kaniya sa panganib na makakasagupa niya sa hinaharap.

Totem Marks is not only a symbol, maaari niyang paunlarin ito. Kung suswertehin siya ay maaaring madiskubre niya ang patungkol sa kasaysayan ng islang ito.

Isa pa sa dahilan ay ang patungkol sa Devil's Clock.

Naalala niya ang markang meron ang dating nilalang na gumamit ng pambihirang uri ng orasang iyon na maituturing na isang ancient artifact. Malaki ang maitutulong ng mga naganap noon upang matunton ito.

Imbes na patulan ni Wong Ming ang pinagsasabi ng ilan sa mga miyembro ng Eight Flaming Aces ay nagbingi-bingihan lamang siya.

Isa pa ay mahihirapan siyang labanan ang mga ito dahil malalakas ang mga ito. Masasayang lamang ang ipinunta niya rito kung aaksayahin niya lamang ang oras at lakas niya sa mga nilalang na wala ring pakialam sa kaniya.

Maya-maya pa ay nakita ng lahat ang pagkaroon ng liwanag sa loob ng pabilog ma portal at bigla na lamang nagkaroon ng tila spiral na liwanag sa loob na tila gumagalaw.

Isa-isang pumasok ang mga disipulo na lumahok hanggang sa sila na ang pumasok.

Kitang-kita at ramdam na ramdam ni Wong Ming ang tingin ng mga Eight Flaming Aces sa kaniya.

Iniisip niya lamang na masyado ang mga itong kampante sa nangyayari.

Kapag nakita niya man ang mga ito ay magda-dalawang isip din siya kung tutulungan niya ang mga ito.

...

Nang makapasok na si Wong Ming sa loob ng malaking portal ay nakita niya ang sariling nasa gitna ng karagatan na kulay itim.

Parang deja vu ang nangyayari sa kaniya dahil pamilyar na pamilyar sa kaniya ang karagatang ito.

Ito ang Evil Sea.

Yun lamang ay tanghaling tapat siya na naririto.

Pero nakakatakot ang tubig dahil napakaitim nito at ramdam ni Wong Ming na parang may nagmamasid sa kaniya mula sa kailaliman nito.

Himala rin na nakakaapak siya sa ibabaw ng tubig.

Ngunit ganon na lamang ang paglaki ng mga mata nito nang bigla siyang bumulusok pailalim.

BANG!

Isang nakakapanindig-balahibo ang pakiramdam ni Wong Ming lalo pa't parang may kakaibang pwersang humihila sa kaniya pailalim.

Hindi lamang ito simpleng bagay dahil pakiramdam niya ay sobrang lalim ng parte ng misteryosong karagatan ito.

Magkagayon man ay tinibayan ni Wong Ming ang loob niya.

Kakaiba ang panimulang test na ito pero kakayanin ni Wong Ming ang lahat upang masiguro ang kaligtasan niya sa panimulang test na ito.

Ramdam niyang hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya lalo pa't mapanganib ang nasabing pagsali rito dahil maaari kang mamatay habang isinagawa ang test upang subukin kung nararapat ka ba sa nasabing totem inheritance.

Pakiramdam ni Wong Ming ay walang katapusan ang nasabing lalim ng karagatang ito.

Batid niyang malapit na siyang mawalan ng hininga. Ngunit naalala niyang mayroon na siyang paunang inheritance sa pagiging Ice Demon niya.

Sinubukan ni Wong Ming na gamitin ito ngunit sa kaniyang pagkadismaya ay naalala niyang nirestrict ang kapangyarihan niya lalo na ng mga nakuha mong inheritances.

Ngunit maya-maya pa ay parang narating na ni Wong Ming ang sukdulan niya.

Hindi niya napaghandaan ang panimulang test na nagaganap sa kaniya.

Nagsisimula na siyang igalaw ang buong katawan niya ngunit bumubulusok pa rin siya pailalim.

Halos manlaki ang mga mata ni Wong Ming dahil nauubusan na siya ng hininga.

Blup! Blup! Blup!

Maraming mga bula ang lumalabas sa mismong bibig ni Wong Ming hanggang sa nawalan na talaga ito ng hininga.

Kahit ganon pa man ay tuloy-tuloy ang pagbulusok niya pailalim habang dilat ang mga mata.

avataravatar