713 Chapter 713 -End of Volume 13

Isang linggo ang nakalilipas at ito siya ngayon, tuluyan na niyang lilisanin ang Flaming Sun Faction.

Hindi sukat akalain ni Wong Ming na sa pagtatapos ng Trial Rankings para sa mga bagong tanghal na mga Inner Disciples ay makakapasok siya bilang Top 9 ng nasabing paligsahan.

Sino ba naman siya hindi ba? Ang nasabing kompetisyon ay gusto niyang makapasok sa Top 20.

Mabuti na rin iyon dahil nagbunga lahat ng pagsisikap niya. Ngayon ang alis ng halos lahat ng mga Inner Disciples at obligadong umalis ang nakapasok sa Top 100 na mga bagong hirang na mga Inner Disciples.

Kahit na sa labas sila ng nasabing faction ay hindi magdadalawang-isip na maraming benepisyo ang makukuha niya habang nabubuahy siya. 

It will always be his second home. Iyon ang tumatak sa isipan niya noong panahon ng selebrasyon noong nakaraang linggo.

Sa lahat ng mga bagay na pinagdaanan niya maging ang pagpasok niya sa loob ng faction na ito ay hindi niya pinagsisisihan bagkus ay mas pinahalagahan niya pa ang mga bagay na meron siya ngayon.

Naniniwala siyang hindi siya pinabayaan ng Flaming Sun Faction at ito pa ang naging sandigan niya mnoong panahong bumalik siya sa kalapit na siyudad ng Dou City.

Masasabi niyang mami-miss niya ang lugar na ito. Halos lahat ng dapat niyang matutunan ay natutunan niya na.

Dito na rin magsisimula ang bagong yugto ng buhay niya na kasama ang misyon niyang alamin at puksain ang ugat ng kaguluhan sa loob ng Dou City.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kaniyang tinutuluyang manor ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang pigura ng limang nilalang.

Parang tumambol naman ang dibdib ni Wong Ming lalo pa't hindi ordinaryong nilalang ang patungo sa kinaroroonan niya.

...

"Hindi ko aakalaing nagmula ka sa loob ng Dou City." Ito ang paunang bungad ni Faction Master Zhiqiang habang matiim na nakatingin sa kaharap nitong si Wong Ming.

Nasa loob sila ng manor ni Wong Ming at ng Faction Master. 

Nasa labas lamang ang tatlong Faction Vice Masters at si Punong Maestro Duyi. 

Ewan ba ni Wong Ming ngunit mukhang may alam na ang Faction Master patungkol sa katauhan niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin Faction Master??" Ang tanging naisambit na lamang ni Wong Ming lalo pa't hindi niya gustong itanggi o kumpirmahin ang sinabing ito ng Faction Master.

Alam niyang hindi niya kayang magsinungaling sa harap ng isang magiting na nilalang kagaya ng Faction Master Zhiqiang nila. 

Ramdam niyang may kung ano'ng klaseng layunin ang nasabing Faction Master nila kung bakit ito pumunta rito. 

"Ikaw ang Little Devil na tinutukoy na binalita noon hindi ba? Kung tama ako ay ikaw ang nangungunang estudyante ng Cosmic Dragon Institute hindi ba?! Hindi lamang iyon, alam ko rin na may kaugnayan ka sa Feathers Guild." Seryosong turan ni Faction Master Zhiqiang na animo'y siguradong-sigurado.

Tila nanuyo naman ang lalamunan ni Wong Ming sa sinabing ito ng kanilang Faction Master. Hindi niya aakalaing bibigyan siya nito ng atensyon.

Nag-iisip si Wong Ming. Hindi niya kailangan na magsinungaling sa sinabing ito ng Faction Master Zhiqiang. Naniniwala siyang wala itong kaugnayan sa nasabing Red Skull Alliance. 

"Hindi ko kailangang itanggi pa ang sinabi mo Faction Master Zhiqiang. Ngunit hindi naman siguro iyan ang ipinunta mo rito hindi ba?!" Seryosong saad ni Wong Ming upang kumpirmahin ang lahat ng sinabing ito ng faction master nila at ipahayag ang katanungan patungkol sa gustong ipunto ng nasabing may mataas na katungkulan na ito. 

Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Faction Master Zhiqiang at muling nagwika.

"Magaling, magaling binata. Hindi ko aakalaing makikita ko sa kasalukuyan ang nilalang na nagbalak na labanan ang Red Skull Alliance. Akala ko ay nasawi ka ngunit ngayon ay buhay na buhay ka -----!" Masayang wika ni Faction Master Zhiqiang ngunit mukhang nainis na si Wong Ming sa pinagsasabi ng Faction Master.

"Ano ang gusto mong tumbukin Faction Master? Hindi mo ba nakikita na lilisanin ko na ang lugar na ito?!" Ito na lamang ang nasambit ni Wong Ming. Kasabay kasi ng mga pinagsasabi ng Faction Master Zhiqiang ay nararamdaman niya na hindi simpleng pagpunta lamang ang gusto niya rito upang komprontahin siya sa nagawa niya noong bata pa lamang siya. 

Nakaramdam pa rin ng kaba si Wong Ming lalo pa't hindi basta-bastang nilalang si Faction Master Zhiqiang. Halos lahat ng mga nagawa nito noon ay siguradong may alam na ito.

Kahit nga ang tila pagkasawi niya noon ay nalaman rin nito. Upang maprotektahan ang bagong pagkakakilanlan nito ay kailangan niyang mag-ingat.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa Little Devil. Gusto kong bigyan ka ng misyon na siguradong makakatulong sa'yo sa hinaharap. Gusto kitang tulungan sa layunin mong puksain ang Red Skull Alliance. Payag ka ba?!" Wika ni Faction Master Zhiqiang.

Hindi alam ni Wong Ming kung nagbibiro ba si Faction Master Zhiqiang o hindi ngunit nang direkta niyang tingnan ang pares ng mga mata nito ay may kung ano siyang nakita mula roon.

Galit? Poot? 

Ngunit hindi sigurado si Wong Ming sa nakikita niya. Hula lamang ang maaari niyang gawin.

"Bakit mo ko gustong tulungan sa problemang kinakaharap ko Faction Master Zhiqiang? Naaawa ka ba sa kalagayan ko?!" Ito na lamang ang naisambit ni Wong Ming. Pakiramdam niya kasi ay masyadong misteryoso ang pagkakakilanlan ni Faction Master Zhiqiang.

Ngayon niya lamang ito personal na nakausap ng sila lamang dalawa. Kailangan niya ng matinong sagot dahil hindi siya naniniwalang tutulungan siya ng isang malakas na nilalang dahil naaawa siya sa kalagayan niya. 

Walang libre sa mundong ito. Kahit sino ay kaya kang traydurin kung lalampa-lampa ka o napakahina mo.

Lakas ang batayan rito. Hindi mo makukuha ang hustisyang gusto makamit ng sinuman kung wala kang lakas at kakayahan na talunin ang kalaban mo.

Sa lakas ni Faction Master Zhiqiang ay naniniwala siyang kayang-kaya niyang puksain ang Red Skull Alliance. Ngunit bakit kailangan pa siya nitong gamitin? Para ba ito sa pansariling interes nito?!

Hindi na siya ang dating Li Xiaolong. Kung noon ay masyado siyang padalos-dalos pero ngayon ay ibayong pag-iingat ang kailangan niyang gawin. 

Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon ng buhay niya ay muli na naman siyang mabigo.

"Isa na akong ganap na Inner Disciple, Faction Master Zhiqiang. Kung pansariling interes mo lamang ang iyong iniisip, mawalang-galang na po ngunit hindi ko matatanggap ang misyong gusto niyong ipahiwatig." 

Mapaklang napangiti na lamang si Faction Master Zhiqiang nang dumako muli ang tingin niya kay Little Devil.

"Hindi ko layuning pilitin ka binata ngunit nangangamba akong wala kang pagpipilian. Sa mga oras na ito ay ako lamang ang magiging malakas mong kakampi. Sa katunayan ay mayroon akong napakahalagang impormasyon na nakalap na siyang na siguradong ikagigimbal mo." Nakangising saad ni Faction Master Zhiqiang habang nakatingin kay Wong Ming.

"Ano'ng klaseng impormasyon yan, Faction Master Zhiqiang?!" Tila interesadong tanong ni Wong Ming na kakikitaan ng kuryusidad at pagtataka sa sinabing ito ng kanilang Faction Master.

"May kinalaman lang naman ito sa Dou City at sa nalalapit nitong pagkalusaw sa kasaysayan." Walang halong birong sambit ni Faction Master Zhiqiang.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming. Wala siyang maramdaman o makitang biro sa mga mata ni Faction Master Zhiqiang.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Faction Master. Malakas ang pundasyon ng Dou City. Idagdag pang nananatiling malakas ang dalawang natitirang kaharian doon." Ani ni Wong Ming na halatang hindi naniniwala sa sinabing ito ng kanilang Faction Master.

"Ang pag-atake noon ng Red Skull Alliance ay nagsisimula pa lamang. Sa sobrang kasamaan ng asosasyong iyon ay magpapadala sila ng kakaibang mga nilalang na mababagsik at kahit ang mabubuting mga nilalang ay siguradong hindi makakatakas sa mapait nilang kapalaran." Makahulugang saad ni Faction Master Zhiqiang na kakikitaan ng kaseryosohan sa sinasabi nito.

"Bakit mo sinasabi ito sa akin, Faction Master Zhiqiang?! Isa pa ay maraming mga disipulo ang nais mong utusan sa sinasabi mong misyon mo. Hindi ako malakas o galing sa pamilya ng mga eksperto. Hindi ka ba magagalit kung sakaling mabigo ako?!" Sunod-sunod na mga katanungan ang sinabi ni Wong Ming.

Ayaw niyang mangako sa mga bagay na alam niyang baka mauwi din sa pagkabigo. Sino ba siya? Kumpara sa iba ay masyado pa siyang mahina. 

May alam na siya sa nilalang na sinasabi ng Faction Master. Iyon ay ang uri ng demonyong kumokontrol ng isip ng isang nilalang. 

Napakasama ng nilalang na iyon at nasaksihan niya mismo kung paanong muntik na niyang ikasawi iyon.

Sigurado siyang may kaugnayan ang Red Skull Alliance sa Demon World. Minsan na niyang nakasalamuha ang ilan sa mga ito. Kagaya ng mundo nila ay ganoon din sa mundong iyon.

May mabubuti ngunit mayroon ding sobrang sama at nagtataglay ng labis na kasamaan.

"Naniniwala akong ikaw lamang ang makakagawa niyon binata. Isa pa ay malaki ang tiwala kong para sa'yo talaga ang misyong ito. Itinataya ko ang pangalan ko at ang buong faction na ito sa misyon mong ito." Makahulugang saad ni Faction Master Zhiqiang habang makikita ang labis na determinasyon sa sinasabi nito.

Hindi alam ni Wong Ming ngunit napapayag na lamang siya sa huli. Sa pahayag na ito ni Faction Master Zhiqiang ay nakuha nito ang tiwala niya.

Naniniwala siyang lahat ng mga nagaganap sa buhay niya ay may dahilan. Hindi na rin siguro masama kung magkaroon siya ng isang malakas na nilalang na maaaring maging kakampi niya sa hinaharap.

END OF VOLUME 13

avataravatar
Next chapter