webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 70

Lumitaw ang batang si Li Xiaolong sa likod ng nasabing babaeng halimaw na Wild Wolf.

BANGGGGG!!!!!

Isang malakas na pagsabog ng likurang bahagi ng babaeng halimaw na Wild Wolf.

Nakakalunos ang sinapit ng mga ito kung saan ay masasabing hindi maaaring baliwalain ang batang lalaking si Li Xiaolong na siyang maling hakbang ng nasabing mag-asawang halimaw na Wild Wolves.

Tila nahimasmasan at naka-recover naman kaagad sa nasabing pag-atake ng batang si Li Xiaolong ang mag-asawang halimaw na Wild Wolves.

Tila unti-unting lumalapit ang ang dalawang naglalakihang mga mababangis na lobo sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong na tila ba'y isang malaking piraso ng karne ang batang mula sa lahi ng tao na ito. Tila ba hindi sila naniniwala na isa itong napakalakas na nilalang at nagpapanggap lamang ito na malakas upang linlangin sila.

Hindi lingid sa kaalaman ng batang si Li Xiaolong na ang paboritong paslangin at kainin ng mga halimaw na mula sa lahi ng mga lobo ay ang mga sanggol o mga batang nass murang edad lamang. Mas nagustuhan kasi kainin ng mga ito ang mga bagong karneng kakasilang pa lamang at puno ng kainosentehan patungkol sa mundong ito. Wala kasing takot ang mga halimaw na lobo sa mga ito at tanging ang mga malalakas na nilalang ang kinakatakutan nila o yung nasa wastong edad na ito. Kaya normal lamang ang reaksyon ng mga ito na walang karuwagan na makikita sa kanila.

Grrrrr... Grrrr... Grrrr!!! Tila habang papalapit sa magkabilaang direksyon ang dalawang natitirang mag-asawang Wild Wolves na ito ay masasabing wala pa ring senyales na hihinto ang mga ito sa pagpaslang sa musmos na batang si Li Xiaolong.

Kahit na napinsala kasi ang mag-asawang halimaw na Wild Wolves ay of wala pa rin itong sign ng pagtakas o pagkatakot sa kanilang sariling kalaban o mas mabuting masarap na pagkaing nakahain sa kanilang harapan.

Makikitang naglalaway pa ang mga ito habang pinagmamasdan o inoobserbahan ang nasabing batang si Li Xiaolong. Walang balak na tumigil sa paglalakad papunta sa direksyon batang si Li Xiaolong ang mag-asawang halimaw na ito na kapwa natatakam sa batang si Li Xiaolong.

Naningkit naman ang mata ng batang si Li Xiaolong dahil sa ginagawang hakbang ng dalawang mag-asawang halimaw na Wild Wolves na ito. Ramdam niya ang kakaibang negatibong emosyon at enerhiyang nakabalot at inilalabas ng katawan nang nasabing mag-asawang halimaw na Wild Wolves. Tila ba habang papatagal ng papatagal ay kumakapal ang enerhiyang ito.

"Hindi ko aakalaing nasisiraan na ng bait ang dalawang halimaw na Wild Wolves na ito. Subukan ba namang labanan ako. As if naman na may laban sila sa akin. Talagang ang labis na pagkagutom sa laman at pagkamatay ng mga anak nito ay nagdesisyon na silang mag-all out war sa akin labin sa kanila. Hmmmp!" Sambit ng batant si Li Xiaolong habang inaalala ang mga kilos ng mga ito lalo na sa ngayon. Masyado namang may tiwala sa sariling kakayahan ang nasabing mag-asawang halimaw na ito na siyang ikinangisi na lamang ng batang si Li Xiaolong.

Hindi nga naglaom ay mabilis ngang sumugod ang lalaking halimaw na Wild Wolves sa pamamagitan ng paglundag ng mataas saka nito inilahad ang nagtatalimang kanang kuko nito na handang sunggaban ang balat ng nasabing batang taong si Li Xiaolong. Tila ba hindi nito maaaring pakawalan ang ganitong oportunidad na maaaring makatulong sa kaniya upang paslangin ang nasabing bata.

Ngunit naningkit naman ang mata batang si Li Xiaolong nang mapansin nito ang naging kilos ng babaeng halimaw na Wild Wolves. Tila ba gustong-gusto nito ang nakikitang nahihirapan ang batang si Li Xiaolong. Parang gusto atang gamitin ng babaeng halimaw ma Wild Wolf ang pagkakataong ito upang wala itong pagpipilian kung sakaling mabigo ang kaniyang sariling asawa sa pagpinsala o pagpapatama ng atake nito.

"How Bold! Tingnan lang natin kung makakaya niyo akong utakan hehe... There's no way that you can matched up with me but with there level of experience in fighting and use for hunting, they are the excellent in!", Sambitt ng batang si Li Xiaolong habang makikita sa mukha nito ang pagguhit ng kakaibang ngisi sa muka nito ngunit agad din niys itong iwinala.

Hindi nga nagkakamali ang batang si Li Xiaolong at mabilis ngang lumitaw sa harapang bahagi niya ang nasabing lalaking halimaw na Wild Wolf at nakaamba na sa kaniyang kinaroroonan ang nasabing pamatay na atake nito sa pamamagitan ng nagtutulisan at mapaminsala nitong mga kamao.

Ngunit kasabay rin nito ang paglitaw ng babaeng halimaw na Wild Wolf sa gilid niya habang nakaamba rin ang mga nagtatalimang mga kuko nito. Tila ba pinagsamang atake ito ng isang direct attack na siyang direktang atakeng ipapalasap sa nasabing kalaban nitong batang si Li Xiaolong at isang sneak attack na siyang hindi direktang atake mula sa kalaban upang pinsalain siya ng mga ito ng hindi niya nalalaman.

Nakatayo lamang na parang bored ang batang si Li Xiaolong habang aatakehin siya ng dalawang halimaw na ito. Kung ang iba ay natatakot sa nasabing sitwasyon ngunit hindi ang batang si Li Xiaolong ay hindi. Kung iba sigurong bata o nilalang ito ay siguradong mahihintatakutan ngunit sa mata ng batang si Li Xiaolong ay isa lamang itong...

Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh!

Malapit ng tamaan ang batang si Li Xiaolong nang nasabing atake ng dalawang mag-asawang halimaw na Wild Wolves na ito ngunit isang pambihirang pangyayari ang naganap.

PHEW! PHEW! PHEW!

Tila nagulat naman ang mag-asawang halimaw na Wild Wolves sa kanilang nasaksihang pangyayari. Ang pinlano nilang atake sa nasabing pipitsuging batang si Li Xiaolong ay wala itong natamaan man lang kundi purong hangin lamang. Kapwa napatalon ng mataas ang mga ito upang iwasan ang isat-isa sa magkabilaang direksyon na naman.

Ngunit ang kanilang ginawang kilos na ito ay maghahatid pala sa kanila ng ibayong kapabayaan sa nakaambang panganib sa buhay ng mga ito.

Lumitaw naman ng biglaan ang batang si Li Xiaolong sa kinaroroonan ng nasabing lalaking halimaw na Wild Wolf.

Naramdaman na lamang ng lalaking halimaw na Wild Wolf ang tila paghawak ng isang malambot na bagay sa kaniyang binti ngunit nagkakamali pa la ito ng inaakala dahil mahigpit na hinahawakan pala ito ng batang si Li Xiaolong.

BANG! BANG! BANG! BANG!

Naramdaman lamang ng nasabing lalaking halimaw na Wild Wolf ang ibayong sakit dulot ng di inaasahang pangyayaring ito kung saan ay nakikita lamang nito ang kaniyang sariling humahalik sa musmong lupa at tila lumubog ang buong pagkatao niya rito.

Hindi maipagkakailang malakas ang pagkakahampas ng batang si Li Xiaolong sa nasabing lalaking halimaw na Wild Wolf. Tila ba lahat ng inis niya rito ay dinaan niya ito sa pamamagitan ng atakeng ito.

Sa huli ay mabilis na tumalon ng mataas ang batang si Li Xiaolong at isang malakas na pwersa ang pinakawalan niya papunta sa kaliwang kamay niya kung saan ay mabilis niyang ibinato pailalim ang katawan ng nasabing lalaking halimaw na Wild Wolves.

BANNNNNNGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay kitang-kita kung paano lumikha ng malakas na pagsabog sa lugar na ito.

Hindi naman kakikitaan ng pangamba ang ekspresyon sa mukha ng batang si Li Xiaolong. Kontrolado niya pa rin ang pwersang gagamitin o ginagamit niya.

Masasabing malayo ito sa mismong teritoryo ng Li Clan ay imposibleng maramdaman ng mga ito ang labanang nangyayari sa pagitan niya at ng Wild Wolves. Aakalain lamang ng mga ito na isang simpleng labanan lamang ito sa pagitan nila ngunit wala siyang balak patagalin ito.