708 Chapter 708

Gold Rush Versus Little Devil!

Isang babae ang kasalukuyang makakalaban ni Wong Ming habang kitang-kita na halos lahat ay humihiyaw sa labanang ito.

Malamang ay hindi siya ang sinusuportahan ng mga ito kundi ang magandang dalagang makakalaban niya.

Bukod sa napakaganda nito ay malakas din ang kapangyarihang taglay nito.

Gold Rush, hango sa taglay nitong abilidad ang nasabing pangalan nito. 

She can used anything para gawing sandata sa pamamagitan ng pag-convert ng bagay na iyon sa pagiging gold.

Mayroon pa itong tinatagong lakas at masasabi niyang hindi din ito magpapatalo.

Gamay na rin nito ang kapangyarihan nito kung kaya't kailangan niyang magdoble ingat dahil kahit ang kalaban nito ay kaya niyang gawing ginto ang parte ng katawan para matalo.

Kita niyang nakangising demonyo ang nasabing babaeng kalaban niya sa kaniya na parang nangmamaliit.

Hindi alam ni Wong Ming ngunit nakaramdam siya ng kagalakan. Gold Rush is definitely a real martial arts expert.

Walang ano-ano pa ay kitang-kita kung paanong naglakad patungo sa kaniya si Gold Rush.

Kitang-kita kung paanong mabilis nitong hinubad ang suot nitong boots at naglakad patungo sa kaniyang direksyon.

Walang emosyon siyang tiningnan ni Wong Ming na siyang ikinainis niya.

Bigla na lamang tumakbo ito patungo kay Wong Ming at kitang-kita kung paanong unti-unting naging ginto ang parte ng field na dinadaanan ni Gold Rush.

BANG!

Isang malakas na sipa ang binigay ni Gold Rush sa ere patungo sa direksyon ni Little Devil.

Kitang-kita ng lahat kung paanong bigla na lamang naging ginto ang telang nakapulupot sa parte ng robang suot ni Little Devil.

Napaatras si Wong Ming. Hindi niya aakalaing mataas ang gold ability ng nasabing kalaban niya.

Ramdam ng lahat na walang pag-asa ang isang Little Devil sa isang Gold Rush. 

Kitang-kita ang mga panghahamak sa mata ng mga manonood dahil tingin nila ay napakalakas ng isang Gold Rush. 

Nawala bigla si Gold Rush at kitang-kita kung paanong ginagamit nito ang abilidad nitong lumipad at magtago sa hangin.

Hindi aakalain ni Wong Ming na isang first class na kalahok ang makakalaban niya.

Isang suntok ang pinakawalan ni Gold Rush patungo kay Little Devil at harap-harapan itong sinangga ni Wong Ming.

Nakangising demonyong nakatingin sa kaniya ang babaeng nagngangalang Gold Rush. 

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming na animo'y nagulat sa nagawa niya.

Unti-unting naging kulay ginto ang buong kamao ni Wong Ming na siyang kumalat patungo sa buong braso niya.

Hindi pa nakontento si Gold Rush dahil gamit ang isang kamay nito ay pumunta ito sa likod ni Wong Ming at naging ginto rin ang parteng hinawakan nito maging ang paa't-binti ni Wong Ming ay naging ginto rin.

BOOO!!!!

Iyan halos ang maririnig ni Wong Ming mula sa mga manonood. Inaasahan na rin ng lahat ang patungkol dito. 

Ngunit tila halos nainis ang lahat nang makitang hindi sumusuko si Little Devil. Wala itong sinabi na sumusuko ito.

"Talo ka na binata, sumuko ka na!" Malditang saad ni Gold Rush. Kitang-kita kung gaano tuminis ang nasabing boses nito. 

Tila sumakit naman kunwari ang tenga ni Wong Ming na siyang ikinainis lalo ng nasabing babae.

Nagulat na lamang si Gold Rush nang mapansing may papuntang isang kakaibang espada patungo sa kaniya mula sa ere na kinaroroonan niya.

Mabilis na naging ginto ang buong katawan nito.

Nang tumama ang nasabing espada ay tumalsik ito sa malayo

Kitang-kita ang inis sa pagmumukha nito at nagulat na lamang ito dahil nawala bigla ang binatang nakatayo lamang sa direksyong tinitingnan nito kanina.

Skill: Sword Needle Cage!

Kitang-kita kung paanong mabilis na napalibutan si Gold Rush ng mga espada sa ere.

Walang binatbat ang nasabing espada na tumatama sa katawan ni Gold Rush. 

Natawa na lamang ang nasabing kalaban ni Little Devil sa pinanggagawa nito.

Nagliwanag ang mga mata ni Gold Rush at naging kulay ginto ito.

Skill: Gold Sand!

Sa isang iglap ay naging buhangin ito at bumagsak sa kalupaan.

Namangha ang lahat. Alam nilang impenetrable ang nasabing skill ni Gold Rush na ito. No one could ever hurt her in her skill form.

Paano matatablan ng espadang ito ang maliliit na particles ni Gold Rush? Halos matawa na lamang ang mga manonood sa pinanggagawa ng Little Devil na ito. 

Maya-maya pa ay sumugod na ang kulay gold na buhangin patungo kay Little Devil. Isang finishing move ito ni Gold Rush at ito ay kapitan ang host nito.

Naging matagumpay si Gold Rush dahil sa isang iglap lamang ay naging ginto ang buong katawan ng nasabing binata na si Little Devil.

Hindi tuluyang mawala ang senses ni Wong Ming dahil naririnig niya pa rin ang mga boses na nangmamaliit sa kaniya ng mga manonood na animo'y parang napakahina niya sa paningin ng mga ito.

Nakangiti pa si Wong Ming bago naging ginto ang buong katawan nito.

Akala ng lahat ay tapos na at babalik sa dati si Gold Rush ngunit iba ang nakikita nila.

Naalarma ang lahat at rinig na rinig nila ang boses ni Gold Rush mula sa ginintuang buhanging naging kaanyuan nito ngayon.

"Bakit hindi ako makabalik sa anyo ko? Ano'ng ginawa mo sakin Little Devil?!"

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang kakaibang init na unti-unting umaalpas sa buong katawan niya. 

Parang natutulog lamang siya sa lagay niya ngayon. Ikakamatay ng Gold Rush na ito ang nasabing skill na ginamit nito hangga't hindi nito pinapawalang-bisa ang skill nito.

Ramdam na ramdam ni Gold Rush ang biglang pag-init ng katawan ng binatang kalaban niya. Kahit ang sand form niya ay hindi nakaligtas sa bagsik ng temperaturang nararamdaman niya na nagmumula sa katawan ng binatang kinapitan niya at ginawang ginto.

Ramdam niyang di pa sumusuko ang binatang kalaban niya at mukhang may alam ito sa skill niya. 

Pwes, hindi siya susuko hangga't hindi ito sumusuko.

Ngunit bigla na lamang niyang naramdaman ang napakatinding init na nagmumula sa buong katawan ng binata. Kakaibang init, sobrang init na animo'y nakadikit ang buong katawan niya sa init ng araw.

"May phoenix bloodline ba ang binatang ito?! Bakit napakainit ng katawan nito? AHHHHH!!!!!"

Kusang bumalik sa human form ang nasabing kalaban ni Little Devil na si Gold Rush.

Tumalsik pa ito sa malayo at tila nawalan ito ng malay-tao.

Bigla na lamang bumalik sa dati ang kaanyuan ni Wong Ming at tumayo ito na parang walang nangyari. 

Napahikab pa ito at nag-unat ng katawan.

Bigla siyang napatingin sa lahat ng mga manonood at kitang-kita na nakanganga ang mga ito na parang di nakapaniwala.

Li-Little D-devil Wins!

Mautal-utal na sambit ng MC matapos ang nasabing resulta ng laban.

Mayroong mga manonood ang humiyaw at nagpalakpak bilang pagsuporta ngunit marami pa rin ang nakatanga at hindi makapaniwala sa nasabing kinalabasan ng laban.

avataravatar
Next chapter