707 Chapter 707

Natira na lamang sa loob ng Meeting Hall ay ang Faction Master at ang tatlong Faction Vice Masters. 

Mahabang katahimikan ang namuo sa loob ng bulwagang ito.

Maya-maya pa ay binasag ni Faction Vice Master na suot ang Jade Mask na may nakaukit na disenyo ng ibon ang katahimikang ito.

"Naniniwala ba kayo sa sinasabi ng Little Devil na iyon?!" Sambit ng nasabing Faction Vice Master na una pa lamang ay nagtataka na at di kumbinsido sa sinabing ito ng Little Devil na iyon.

"Naniniwala ako sa sinasabi niya. Naniniwala akong coincidence lamang ang nangyari na iyon. Sa palagay ko ay gusto nitong patunayan na inosente ito sa paratang natin sa kaniya. " Depensa naman ng nasabing Faction Vice Master na maysuot ng Jade Mask na disenyo ay isang pagong.

"Naniniwala din ako sa sinasabi nito. Tugma ang pinakita nitong bahagi ng skill sa sinabi nito. Naniniwala akong para sa kaniya ang skill na iyon. He wouldn't dare to use it kung alam niyang isa iyong Secret Core Skill. Ano siya tanga?!" Giit naman ng isa pang Faction Vice Master na mayroong disenyo ng White Tiger ang suot nitong Jade Mask.

"Tama ang sinasabi ni Vice Master Zihao at ni Vice Master Zian, Vice Master Zhu. Masyado mo lamang minaliit ang sitwasyon. Although the secret core skill is too strong, hindi naman iyon kompleto at kapiraso lamang iyon." Seryosong turan naman ni Faction Master Zhiqiang na halatang kumbinsido sa sinasabi ng dalawang Faction Vice Masters. 

Gusto mang umangal ni Vice Master Zhu ay hindi na niya ginawa pa. Baka maging dahilan pa ito ng mga alitan nila. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumbinsido ngunit marami pa siyang dapat na asikasuhin.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin kahapon Vice Master Zhu?!" Sambit ni Faction Master Zhiqiang na muntik ng makalimutan ang nasabing kaganapan kahapon na ibinalita sa kaniya ni Vice Master Zhu ngunit dahil sa may ginawa siya ay di niya ito naasikaso pa.

"Ilang buwan na tayong ginugulo ng isang malakas na organisasyon. Akala ko ay tatahimik na silang muli ngunit mukhang hindi pa sila tapos na manggulo." Makahulugang saad ni Vice Master Zhu habang kitang-kita ang labis na kaseryosohan sa mukha nito.

"Ano'ng organisasyon ba iyan? Hindi ba nila alam na bawal ang ginagawa nilang yan?!" Sambit ni Vice Master Zihao na halatang naiinis sa narinig niya. Kaya pala walang tigil ang mga anomalyang nangyayari sa loob ng Flaming Sun Guild noonng nagdaang mga buwan.

"Anong organisasyon ba iyan at ng mapagsabihan natin ang mga iyan na wag manggulo. Masyado silang agresibo't matatapang upang manggulo sa sariling teritoryo natin!" Nanggagalaiting ani naman ni Vice Master Zian.

Naghihintay namang tumingin ang tatlo kay Vice Master Zhu. Bakas ang kuryusidad sa mukha ng mga ito.

"Baka magulantang kayo sa aking sasabihin. Ang Red Skull Alliance lang naman ang nanggugulo sa ating teritoryo." Sambit ni Vice Master Zhu habang kitang-kita ang nasabing pagkabahala sa mukha nito.

Nakaramdam naman ng pagtaas ng lahat ng balahibo nila sina Vice Master Zihao at Vice Master Zian sa kanilang narinig.

"Tama nga ang hinala kong sila ang mga iyon. Pamilyar sakin ang nasabing enerhiya ng mga nilalang na iyon. Ngunit mayroon ka na bang ideya kung ano o sino ang pakay nila sa ating Faction? Hindi ako naniniwala na wala silang matibay na rason upang manggulo sa teritoryo natin." Seryosong wika na lamang ni Faction Master Zhiqiang. Ramdam niyang may gustong makuha ang nasabing masamang organisasyong ito sa teritoryo nila.

"Naimbestigahan na namin ang lahat ng kaganapan mula sa una at huling pagpapakita ng mga miyembro ng Red Skull Alliance at nagtuturo ito sa isang miyembro ng ating Faction, si Little Devil!" Malakas na turan ni Vice Master Zhu at hindi na ito nag-aksaya pang ilihim ang nalalaman niya.

"ANO?!!!!!" Sabay na saad ni Vice Master Zihao at Vice Master Zian na halos hindi makapaniwala.

Sa lahat ng taong alam nila na maaaring kailangan ng Red Skull Alliance ay hindi nila aakalaing ang outer disciple na nagngangalang Little Devil pa ang kailangan ng mga ito.

What's so special about him? Wala silang alam liban na lamang sa marunong ito ng kapirasong bahagi ng secret core skill ay wala na silang alam sa naging interes ng nasabing Red Skull Alliance.

"Ano'ng kailangan nila sa binatang iyon? Maraming malalakas na miyembro ng ating Flaming Sun Faction ngunit bakit interesado ang grupong iyon sa binatang wala namang lakas!" May inis na saad ni Faction Master Zhiqiang. Halata kasing wala siyang maisip na dahilan kung bakit lahat na lamang ng anomalya sa Faction na ito ay nagtuturo sa binatang iyon.

Naniniwala siya ngayon na mayroong lihim ang binatang iyon. At iyon ang aalamin niya ng personal. How could that person create ruckus unintentionally.

Masyado ng magulo ang Flaming Sun Guild noon ngunit bagong tatag pa lamang sila na Faction ngayon ay mukhang mahaharap naman sila sa malaking banta mula sa Red Skull Alliance na iyon.

"Ano ang dapat nating gawin ngayon Faction Master Zhiqiang?! Mukhang naghahanda na rin sa kasalukuyan ang Red Skull Alliance upang manira na naman ng papalapit na pagtatapos ng Trial Rankings!" Tanong ni Vice Master Zhu habang kitang-kita na kahit ito ay nangangamba rin. Hindi lang basta-basta na kaaway ang Red Skull Alliance dahil nanggugulo talaga ito. 

Walang pinipili ang masamang organisasyong ito mapa-Guild man o Faction dahil kayang-kaya ng mga ito na gumawa ng malaking kaguluhan at pinsala sa anumang teritoryo.

"Maging mapagmatiyag kayo at wag niyong ipahalata sa publiko ang nangyayaring kaguluhan ngayon. Kayo na ang bahalang magpatuloy sa mga gawain dito sa Flaming Sun Faction dahil may pupuntahan ako. Mga ilang araw din akong mawawala ngunit babalik ako ss lalong madaling panahon." Seryosong paalala ni Faction Master Zhiqiang na halatang problemado din. 

Mayroong bagay na hindi niya kontrolado. Isang entry-level lamang sila na Faction sa kasalukuyan at ang harap-harapan na labanan ang Red Skull Alliance ay isang malaking pagkakamali. Gagawin niya ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga miyembro ng Flaming Sun Faction.

Kinabukasan ng Flaming Sun Faction ang nakataya rito kung kaya't lahat ng bagay ay kaya niyang gawin.

Ang isa sa mga bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan ay kung sino ba talaga ang Little Devil na iyan? Ano ang ginagawa nito sa Flaming Sun Faction?! May tinatago ba itong lihim tungkol sa nakaraan nito kung kaya't ang Red Skull Alliance ay patuloy pa rin siya nitong hinahabol at ginugulo?!

Nakita na lamang ng tatlong Vice Master ang paglisan ni Faction Master Zhiqiang sa Meeting Hall na ito. Wala silang kaide-ideya kung saan ito pupunta.

avataravatar
Next chapter