webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 701

Kitang-kita na ang mga East Courtyard Disciples ay handa ng lumaban.

Biglang umabante ang nangungunang sampong mga disipulo ng East Courtyard ng Flaming Sun Guild na may malaking papel sa nasabing courtyard.

Sila ay sina Golden Thumb, Red Umbrella, Sky Wisp, Dragon Reap, Sowing Eagle, Violet Rock, Creeping Hex, Sky Fire, Golden Bow at Silver Light. 

"Hindi ba kayo titigil sa kahibangan niyo? Itinuturing na kayong walang karapatan dito sa Flaming Sun Guild!" Seryosong sambit ni Maestro Mengyao.

Alam nito na sa oras na ito ay wala ng takas ang mga East Courtyard Disciples.

"Yun ang inaakala niyo mga guro! Sisiguraduhin naming maging kayo ay madadamay!"nakangising sambit ni Golden Thumb.

"Madadamay sa alin? Wala na kayong takas ngayon lalo pa't wala kayong mga galang at nagsimula kayo ng isang rebelyon!" Sambit ni Maestro Fu. Ang kaninang tahimik na guro ay hindi na makapagtimpi.

Yan nag inaakala mo. Oras na upang ipakita namin ang husay ng aming lakas!" Saad ni Red Umbrella. Kitang-kita na bigla nitong inihagis ang hawak nitong payong at bigla na lamang lumaki ito ng lumaki na halos sakupin na ang buong field sa ere.

Biglang nagpaulan ng napakaraming mga metallic arrows ang nasabing dambuhalang payong.

Walang nagawa ang mga guro kundi ang depensahan ang kanilang mga sarili.

Kasabay nito ay nagtakbuhan ang mga mata disipulo palayo sa lugar na ito upang hindi madamay.

Mabuti na lamang at mayroong protective array ang nasabing field kung kaya't walang nadamay sa naging labanan.

Halatang pinaghandaan ng Flaming Sun Guild ang ganitong klaseng kaganapan.

Maya-maya pa ay biglang nag-cast ng martial art skill si Maestro Fu.

Isang dambuhalang trumpo ang biglang lumutang sa ere at kitang-kita kung paanong mabilis na binutas ang dambuhalang payong dahilan upang tumalsik sa malayo ang disipulong si Red Umbrella.

Ngunit hindi nagtagal ay biglang tumalsik ang trumpo nang lumitaw ang isang dambuhalang agila at nagpaulan ito ng nagtatalasang mga feather spikes dahilan upang tumigil sa pag-ikot ang trumpo.

Napaatras si Maestro Fu. Ang katabi nitong guro na si Maestro Shirong ay bigla na lamang nagcast ng skill.

Skill: Colossal Hand!

Isang higanteng kamay ang bigla na lamang lumitaw sa ere at kitang-kita kung paanong patungo ito sa sampong East Courtyard Disciples.

Nagkatinginan naman ang sampong disipulo at nagkaroon sila ng pormasyon.

Sigurado si Wong Ming na gagawa ang mga ito ng formation skill.

Ang sampong East Courtyard Disciples naman ay biglang nagsama-sama ng lakas at tila pareho ang paggalaw ng mga kamay ng mga ito.

Kitang-kita kung paano'ng lumitaw ang isang napakalaking ginintuang palaso na palabas sa isang portal. 

Hindi aakalain ni Wong Ming kung paanong nangyari ito ngunit napakalakas ng dalawang pwersa.

BANG! BANG! BANG!

Maya-maya pa ay nagsalpukan ang dambuhalang kamay at ng ginintuang palaso.

CRAAACKK! CRAAACKK! CRAAACKK!

Kitang-kita kung paano'ng tila nahihirapan si Maestro Shirong na depensahan ang kaniyang ginawang skill.

Masyadong mataas ang cultivation level niya ngunit hindi nangangahulugan na hindi siya napantayan ng sampong magagaling na mga East Courtyard Disciples.

Ramdam ni Wong Ming ang tensyon. Sa pamamagitan ng paglalabang ito ay naramdaman ni Wong Ming na lahat ng bagay ay posible kahit ang pagkakaroon ng rebelyon.

Patuloy lamang na nag-obserba si Wong Ming. Alam niyang sa huli ay hindi pa rin matatakasan ng sampong disipulo ang kaparusahang naghihintay sa kanila.

Mula sa ere ay bigla na lamang nagbago ang dambuhalang kamay kasabay nito ay nagpamalas ito ng kakaibang kaganapan na siyang ikinagulat ni Wong Ming at ng iba pang nanonood.

Ang tila mga cracks na nasa palad ng nasabing dambuhalang kamay ay bigla na lamang nawala kasabay nito ay ang tila paghigpit ng hawak nito sa palaso at sumabog ang nasabing patulis na bagay.

BANG!

Kasabay ng pagsabog nito ay pagtalsik ng mga miyembro ng East Courtyard Disciples na lumalaban.

Nasa Golden Bone Realm na ang nasabing mga pangunahing mga guro na sina Maestro Shirong kung kaya't mabilis niyang nawasak ang nasabing malakas na atake ng dampong mga disipulo ng East Courtyard.

Kasabay nito ay ang pagkawala ng mga malay ng mga ito.

Malamang ay dahil sa labis na pagod at said ng enerhiya. Hindi maipagkakailang nasa Early Purple Blood Realm hanggang Early Golden Blood Realm lamang ang mga ito.

Dalawang boundary ang agwat ni Maestro Shirong at halatang sanay na ito sa ganitong klaseng pangyayari.

Mabilis na inasikaso ang sampong East Courtyard Disciples at dinala sa pagamutan.

Walang anumang klaseng anunsyo na ginawa ang mga guro ng Flaming Sun Guild ngunit mukhang mauuwi sa komplekadong pangyayari pa ito.

Bakas ang lungkot sa mukha ng mga guro ngunit tila mayroong mangyayaring pagbabago dito sa Flaming Sun Guild.

...

Apat na buwan ang nakalipas...

Bakas sa mukha ni Wong Ming ang galak at kasiyahan. Hindi niya aakalaing sa loob ng apat na buwang ito ay mukhang marami ang nabago sa buong Flaming Sun Guild.

Ang mga nagrebeldeng mga disipulo ay pinalaya at pinagbawal na ang pagpapasok sa mga ito kahit kailan pa man. 

Hindi pa rin alam ng lahat kung bakit pinalaya pa ang mga ito at tikom rin ang bibig ng sinuman na ipagtanong pa ito. Unti-unti na ring nawala ang nasabing sigalot na ito dahil sa malaking pagbabago ng Flaming Sun Guild.

Talagang nawala nga ang East Courtyard Disciples at tuluyan na ring binago ang pangalan ng Flaming Sun Guild bilang Flaming Sun Faction.

Pinagtibay na ang nasabing pagbabago sa kanilang lugar na kinaroroonan. 

Nahati na lamang sa tatlo ang nasabing faction. Outer Faction, Inner Faction at Core Faction. 

Ang outer faction ay pinagbuklod ang lahat ng lahat ng mga outer disciples at nakatoka ang gawain nila sa iba't-ibang parte ng kanilang lugar na gagawin sa pang-araw-araw. Walang lamangan at halos lahat ay obligado pa ring gumawa ngunit talagang by point system ang nasabing ginagawa dito kaya lahat ay masasabing competitive.

Bawat buwan kasi ay mayroong nagagantimpalaan at halos lahat ng mga disipulo ay nakakatanggap ng mas higit sa kanilang rasyon ng cultivation resources at isa na rito si Wong Ming.

Ngayon araw din kasi ay gaganapin ang Inner Disciple Trial Rankings.

Dahil na rin sa pagbabago ng nasabing Guild na ngayon ay isa ng ganap na Faction ay tuluyan na ring iniba ang sistema ng pagsagawa ng trial.

Sa Inner Disciple Trial Rankings ay magkakaroon na lamang ng battle competition. 

Mangyayari dito ay magkakasunod na aktibidad ang gagawin at una na rito ay ang Disciple One-on-one Battle upang maihanay ang sinuman na magiging karapat-dapat bilang ganap na Inner Disciples.