webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 694

Kitang-kita kung paanong sinuntok ni Wong Ming ng malakas ang dating Crowned Prince dahilan upang tumalsik ito sa malayo.

Agad namang tumayo ang nasabing kalaban at gamit ang sariling kamay nito ay gumawa ito ng kakaibang uri ng martial arts skill.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong naging purong itim ang isang mata ng Crowned Prince sa bahagi ng tila nasunog nitong mukha.

Bigla na lamang dumilim ang kapaligiran at kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagkaroon ng kakaibang pagbabago sa kinaroroonan nila.

Dark Domain!

Iyon ang nasa isip ni Wong Ming. 

"Kung gayon ay may alam ang Red Skull Alliance patungkol sa Demon World. Isa lamang ang kahulugan nito, marunong gumamit ng demonic skills ang mga miyembro nito!" Ang tanging naiusal na lamang ni Wong Ming nang mapansin ang mga kakaibang bagay na nangyayari na ito.

Ramdam ni Wong Ming ang biglang paglamig ng simoy ng hangin at tila nabulag siya sa tindi ng kadilimang bumabalot sa buong lugar na ito.

Nakita ni Wong Ming ang isang nilalang na nasa himpapawid. Maging ang himpapawid ay nabalutan ng kadiliman.

Kitang-kita niya doon ang dating Crowned Prince na nakalutang sa ere.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang biglang nagbago ang kaanyuan nito at naging isang nakakatakot na nilalang.

Dark Demon!

Hindi makapaniwala si Wong Ming. Sigurado siyang seryoso ang nasabing dating prinsipe na ito na paslangin siya ng tuluyan.

"HAHAHAHA! Nagulat ka ba sa kaanyuan ko binata? Ngayon ay sigurado akong mapapaslang na kita!" Malademonyong sambit ng dating Crowned Prince sa nakakatakot nitong malalim na boses.

Imbes na matakot si Wong Ming ay nakaramdam siya nang kakaibang kasiyahan. 

"Hindi ko aakalaing may ibubuga ka din pala dating prinsipe. Ngunit sisiguraduhin ko sa'yong hindi ka magtatagumpay!" 

Biglang lumutang si Wong Ming sa ere at kitang-kita kung paanong biglang nagbago ang kaanyuan nito. 

Ice Demon Transformation Skill!

Mula sa ilalim nang kalupaan ay biglang nabalot ng yelo at nagtatalasang mga Ice Spikes sa iba't-ibang parte ng about ng domain na ito.

"Pa-papaanong naging isa kang Ice Demon?!" Hindi maaari ito! Wala ng maski isang Ice Demon!" Tila nababaliw na saad ng nasabing dating Crowned Prince.

Hindi lingid sa kaalaman niya na ang Ice Demon ay tuluyan ng naubos. Kailanman ay ibinaon na sa limot ang existence ng mga ito.

Alam niya ang kakayahan ng isang Ice Demon basi sa libro. Sila ang pinakamalakas na existence sa mundo ng Demon World. Isa sa mga lahi ng mga namumunong Elemental Demon Race. 

Bigla na lamang gumawa nang mabilis na demon skill ang nasabing dating Crowned Prince.

Dalawang higanteng kulay itim na mga kamay ang lumitaw sa magkabilaang direksyon ni Wong Ming. 

Ice Luminous Shield!

Kitang-kita kung paanong binalot ng naglalakihang mga kamay si Wong Ming at tila gusto siyang durugin nito.

BANG! BANG! BANG!

Sa huli ay kitang-kita kung paanong nalusaw ang dalawang higanteng mga kamay.

AHHHHH!!!!

Napahiyaw ng malakas ang kalaban ni Wong Ming at napasuka ito ng masaganang dugo sa bibig nito.

"Paanong na-nangyari ito?! Hi-hindi ka dapat nakaligtas sa napakalakas na atake kong iyon!" Puno ng galit na wika ng dating Crowned Prince habang masakit nitong tiningnan ang kinaroroonan ng bubwit na nasa kaanyuan ng isang malakas na Ice Demon.

"Hahahaha... Naalala mo ba ang ganitong senaryo dating Crowned Prince?! Hindi nga dapat inaalala ang buong pangalan mo dahil napakasama mo! Nilagay mo kami lahat sa bingit ng kapahamakan. Ngayon ay tila bumaliktad ang kalagayan natin, ikaw naman itong sobrang napakahina hahahaha!" Malademonyong sambit ni Wong Ming sa nakakatakot nitong boses. Ni katiting na awa ay wala siyang nararamdaman sa kademonyohang ginagawa ng nasabing nilalang na ito. 

Mas tumalim ang mga tingin ng dating Crowned Prince at kitang-kita kung paanong mayroon itong sinukang muli ngunit dito na nakaramdam ng pagkakilabot si Wong Ming. 

Blood Essences ito na siyang alam ni Wong Ming na naglalaman ng life energy ng pesteng dating Crowned Prince. Napakadesperado na nito sa mga oras na ito.

"Nyahahaha... Sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala sa lugar na ito kahit buhay ko pa ang kapalit, mapaslang lang kita hehehe!" Malademonyong sambit ng dating Crowned Prince at kitang-kita kung paanong mabilis na nag-cast ito ng napakapanganib na forbidden demon skill.

Forbidden Demon Skill: Domain Cage!

Mula sa kalupaan ay lumitaw ang hindi mabilang na mga naglalakihang mga kadenang tila buhay na patungo sa direksyon mismo ni Wong Ming.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong naging buto't-balat na lamang ang dating Crowned Prince at humihina na ang fires of life nito.

Bago pa man maabot si Wong Ming nang mga delikadong mga kadenang ito ay biglang lumitaw ang isang napakalaking Sword Needle na pangunahing sandata niya. 

Sword Needle Demon Form!

Nabalot ng kakaibang ang Sword Needle at nagbago ang kaanyuan nito na parang isang napakalakas na espada.May demonic letters na nakaukit dito.

Demon Skill: Burning Ice!

Isang napakalakas na skill ang isinagawa ni Wong Ming. Hindi niya alam kung gagana ito ngunit pinag-aralan niya itong mabuti. Ito ang pinakabagong skill na pinagtuunan niyang pag-aralan gamitin.

Kitang-kita kung paanong uminit ang napakalaking espadang hawak-hawak ni Wong Ming at dulo nito ay lumabas ang maliit na bolang kulay asul na enerhiya.

Nakaramdam ng pagkapaso si Wong Ming dahil napakatindi ng lakas ng skill na ito dahil maging siya ay aaminin niyang hindi niya pa gamay ang nasabing skill na ito.

Nang maramdaman ni Wong Ming na naabot na ang limitasyon niya ay walang pag-aalinlangan nitong ibinato ang maliit na enerhiyang nasa dulo ng espadang hawak-hawak niya patungo sa kalupaan.

BANG!

Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa buong lugar na ito. 

Kitang-kita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang parang hinigop paitaas.

HAHHHH!!!!!

Hawak-hawak ni Wong Ming ang sariling leeg niya dahil sa tila ngayon lamang siya nakahinga. Hindi niya alam ang buong pangyayari ngunit sigurado siyang totoo ang nangyayari kanina.

Ilang metro mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya ang isang buto't-balat na nilalang na tila kalansay na lamang. Wala na itong buhay at natumba ito sa pagkakatayo nito.

Bigla na lamang lumitaw ang Sword Needle na pagmamay-ari ni Wong Ming. 

Kusa itong tumungo sa walang buhay na katawan ng nasabing dating Crowned Prince.

Kasabay nito ay nanlaki ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing lumitaw ang pira-pirasong mga parte ng kulay pulang mga sword fragments kung hindi siya nagkakamali.

Unti-unti itong natunaw at tila gutom na gutom na inaabsorb ng Sword Needle niya ang mga sword fragments.

Ngunit kasabay nito ay tila nablangko ang paningin ni Wong Ming at ang mata nito ay bigla na lamang naging purong itim. Parang may kung ano'ng klaseng bagay ang bigla na lamang sumanib sa katauhan ni Wong Ming. 

Katapusan niya na ba ito?! Tila naging mabilis ang pangyayaring ito na hindi inaasahan ni Wong Ming.