webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 681

Hindi nagtagal si Wong Ming sa loob ng manor at agad na pumunta sa malawak na field gitna ng mismong guild. Talagang napakaraming sumali at hindi na bago ito kay Wong Ming.

Isinama na rin niya si Prince Xing habang nasa human form ito. Hindi naman maaaring hindi niya ito isama sapagkat magtataka naman ang lahat kung bakit ito naroroon sa loob ng kaniyang manor.

Isang buwan siyang mawawala at ang risk ng pagpunta niya sa loob ng Old Amity Farm ay siguradong mataas.

Halos siyamnapo't limang porsyento (95%) ng mga outer disciples ang naririto at palagay niya ay ang iilan ay desididong magpaiwan.

Halatang ang halos lahat ay interesado na pumunta sa Old Amity Farm lalo na't nakakatukso nga naman ang mga pambihirang kayamanan o mga bagay na maaaring makuha sa nasabing farm na pagmamay-ari ng Flaming Sun Guild.

Humalo naman si Wong Ming sa mga disipulong nasa loob ng field. Talaga nga namang kahit siya ay nakaramdam ng excitement sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

Nakita ni Wong Ming ang limang maestrong nakalutang sa ere. Isa na roon si Punong Maestro Duyi at ang apat na mga maestrong kasa-kasama nito.

Nandoon din ang isang Vice Guild Master at nasa hindi kalayuan naman ang dalawang Vice Guild Master. Talaga nga namang pinamalas ng mga ito ang kanilang malawak na karunungan sa pagbukas ng napakalaking portal.

Mayroong pabilog na bagay ang naka-set up sa gitna mismo ng circular platform. Sigurado si Wong Ming na hindi basta-basta ang pagbukas ng nasabing portal na ito at mas lalong hindi lang basta-basta na ginagamit ang portal na ito ng kung sinumang nilalang.

Mabuti na lamang at maalam si Wong Ming sa Annual Harvest Month na ito kahit na di niya pa ito nararanasan.

Para mas lumawak pa ang nasabing mga kaalaman niya ay kailangan niyang maranasan ito ng aktuwal upang patunayan ang mga teoryang nasa isipan niya.

Hindi lubos maisip ni Wong Ming na kakaiba ang pagbukas ng nasabing portal na ito.

Gamit ang pinagsama-samang enerhiya ng limang tagapagturo nila maging ng isa mismong Vice Guild Master ay tila pinupunan nila ng enerhiya ang nasabing malaking portal.

Umilaw ang kakaibang mga simbolo na nakaukit sa gilid ng bilugang bahagi ng malaking portal.

Hindi pa naituturo sa kanila ang mga bagay na ito. Sigurado siyang kapag naging inner disciple na siya ay matututunan niya rin ito.

Maya-maya lamang ay lumitaw ang kakaibang enerhiya sa loob ng bilugang bahagi at tila whirlpool ito ngunit alam ng lahat na gawa ito sa enerhiya.

Isa rin itong indikasyon na bukas na ang nasabing malaking portal patungo sa Old Amity Farm.

Ganon na lamang ang pagtataka ni Wong Ming nang mapansin niyang tila hindi pa pumapasok ang mga disipulong naisclumahok sa Annual Harvest Month.

Isang napakalakas na tunog ang narinig ng lahat lalo na ng tumunog ang pambihirang bell na sabi-sabi ng lahat ng mga disipulo ay ang mismong bell na nakasabit iyon sa malaking mansyong tinutuluyan ni Guild Master Zhiqiang.

Napakunot-noo naman si Wong Ming. Halatang ignorante ang lahat lalo pa't hindi maaaring mangyari iyon lalo pa't maraming mga barriers sa bawat floating islands.

Hindi maaaring isang simpleng bell lamang iyon kung ganon. Ito ang nasa isip ni Wong Ming.

Mabilis namang umayos ang limang nangungunang tagapagturo maging ang tatlong vice guild masters sa gilid ng portal habang nakalutang sa ere habang lumilipad naman pababa ang nasabing pinuno nilang si Guild Master Zhiqiang.

Halatang seryoso ito habang makikitang hindi naman kakikitaan ng kasiyahan sa mukha nito. Alam rin kasi nito ang nasabing patutunguhan ng portal at hindi pwedeng balewalain ang kahalagahan ng buhay o kaligtasan ng lahat ng lalahok.

Masasabi ni Wong Ming na ipinanganak sigurong may ginintuang kutsara sa bibig ang nasabing pinuno nilang si Guild Master Zhiqiang.

Paano ba naman ay nakaka-intimidate kasi ang postura nito at bawat galaw nito ay talagang nasa ayos. Parang ipinanganak na mamuno sa kanila.

Sinubukang muli ni Wong Ming na inspeksyunin ang nasabing Guild Master nila nang inilibot nito ang paningin nito.

Agad naman niyang itinigil ang pag-iinspeksyon niya dahil hindi magiging mabuti ang resulta kapag nalaman ng Guild Master Zhiqiang ito.

Isang malaking kasalanan ito lalo pa't hindi rin malalaman ang nasabing lakas nito sa pamamagitan ng pag-imbestiga sa katawan nito dahil malabong mangyari iyon.

Gusto niyang gamitin sana ang Demon Eyes niya ngunit baka ito pa ang ikapahamak niya. Napahinga na lamang si Wong Ming ng malalim at ibinalik ang tuon sa kanilang Guild Master Zhiqiang.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Mabuti naman at marami pa rin ang gustong sumali sa ating Annual Harvest Month. Isa itong biyaya ngunit isa din itong pagsubok kung maituturing dahil ang lahat ng bagay sa loob ng lugar na ito ay totoo habang ang buhay niyo ay maaaring manganib. Ang unang kailangan niyong pahalagahan ay ang sariling buhay niyo. Kung takot ka sa harap ng kamatayan ay maaari ka pang umatras ngayon o kung wala ka pang tiwala sa lakas na meron ka ay meron pa naman sa susunod na taon. Kaya nasa inyo ang desisyong ito." Mahabang wika ni Guild Master Zhiqiang habang hindi nito nilangyan ng kung anumang klaseng bahid ng kasinungalingan ang sinasabi nito.

Hindi niya maaaring balewalain ang malaking risk na mapahamak ang mga ito.

Hindi layunin ng Annual Harvest Month na ito na bawasan o kitlin ang buhay ng mga mahihina bagkus ay subukin ang lakas at kakayahan ng nakararami alang-alang sa pambihirang kayamanan o oportunidad na maaaring makamit ng sinuman uoang baguhin ang tadhana nila.

Hindi lingid kay Wong Ming na mayroong haka-haka na napakalawak ng Old Amity Farm at mayroon ng mga kapwa nila Outer Disciples ang pinalad at naging Inner Disciples o mas mataas pa ang posisyon dito sa Flaming Sun Guild.

Unang-una na pinag-uusapan ng lahat ay si Blue Creian, ang Inner Disciple na nangunguna sa Inner Disciple Trial Rankings nitong nakaraang mga buwan.

Ito kasi ang may pinakamisteryosong kalikasan lalo pa't kilala itong napakahina at lalampa-lampa ngunit nang pumasok daw ito sa isa sa mga Farm na pagmamay-ari ng Flaming Sun Guild ay kitang-kita ang visible changes nito lalo na sa lebel ng Cultivation nito.

Nakatapak na rin daw ito sa Golden Realm boundary dahil sa kakaibang baagy na maaaring nakuha nito sa pambihirang Cultivation Farm.

Kitang-kita ni Wong Ming na marami pa rin ang umatras sa pagsali sa Annual Harvest Month dahil hindi naging madali ang lahat. Halatang may agam-agam ang mga ito sa kanilang sariling buhay.

Halos siyamnapong porsyento (90%) na lamang ang natira. Limang porsyento lamang ang naduwag na sumubok na sumali. Siguro ay naisip nila ang malaking risk factors na sinasabi ni Guild Master Zhiqiang.