webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 666

Marami siyang nakitang mga disipulo na sa tingin niya ay mga inner disciples ang mga ito. Nakakalat ang mga ito sa kahit saang parte ng mga nakalutang na isla at tila busy sa mga ginagawa ng mga ito.

Parang normal na lamang sa kanila ang ginagawa ng mga ito ngunit kapansin-pansin na may tumingin sa direksyon nila.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang mapatingin rin sa mga ito. Wala siyang pagtataguan dahil hindi naman ganoon kalaki at kataas ang sinasakyan nila upang di sila makita.

Hindi naman niya kilala ng mga ito at mas lalong nakalimutan na siya ng mga ito dahil walang pakialam ito sa kaniya.

Hindi makakalimutan ni Wong Ming ang pasaring ng mga ito na nanalo lamang siya dahil sa mga simpleng tricks nito gamit ang pipitsuging talisman nitong naglalaman ng mabigat na bagay kapag nasunog ito na nakadikit sa katawan ng isang nilalang o eksperto.

Isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming habang igingiya ang mga paningin niya.

Malawak, makulay at malinis ang lugar na naririto halatang pati hangin dito ay may masaganang enerhiya ng heaven and earth.

Talagang isang cultivation place talaga na maituturing ang lugar na ito at hindi maikukumpara ang lugar na ito sa kanilang sariling courtyard.

Naintindihan na ngayon ni Wong Ming kung bakit marami ang nais na maging Inner Disciple dahil na rin sa mga bagay-bagay na maaari mong makuha't masasabing malaking benepisyo rin.

Angkop kasi ang lugar na ito para sa mga talentadong martial artists na katulad niya. Ang gravity dito ay iba rin kumpara sa lupa.

Magmimistulang training din ito kung sakaling ang lugar ay may malakas na presyur sa hangin.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na mangarap din na maging inner disciple balang araw. Magiging posible lamang iyon kung paghihirapan niya iyon at makapasok sa Inner Disciple Trial Rankings sa susunod na dalawang buwan.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na makaramdam ng pressure dahil kailangan niyang mag-ingat at pahinain ang Cultivation restrictions niya sa katawan na hindi nalalaman ng sinuman.

Iyon ang kailangan niya ring pagtuunan ng pansin. Alam niyang magiging mainit sa mata ng mga nilalang lalo na ng mga disipulo ang biglaang paglakas ng mga kapwa nila disipulo.

Paano na lamang kung bigla niyang isiwalat na isa na siyang Golden Vein Realm Expert? Siguradong marami siyang makakalabang mga nilalang. Mainit pa sa mga mata ng mga ito ang may matataas na Cultivation levels.

Baka magaya siya sa mga East Courtyard Disciples na pinagtutulungan ng tatlong Courtyards na patumbahin. Mukhang iyon din ang magiging kapalaran niya kung sakaling masiwalat ang lihim niya sa lahat ng mga disipulo bago pa siya maging inner disciple.

Mukhang malabo na iyon mangyayari kapag nabuko siya. Baka zero chances iyon sa kaniya at magiging laman siya ng balita hindi lamang rito kundi sa buong Flaming Sun Guild.

Maaari lamang niyang isiwalat iyon kapag naging inner disciple siya ngunit mas mabuting hindi na para sa sarili niyang kaligtasan.

Puno ng inggit at mga kalaban ang Flaming Sun Guild at siguradong ikagagalit ito ng Guild Master Zhiqiang at ng mga Vice Guild Masters lalo na ng mga nagtuturo sa kanila.

Pag-iimbestigahan siya at malalamang siya ang Little Devil na nagmula sa Dou City at nanguna noong isinagawa ang Trials.

Hindi lamang iyon dahil magiging madali sa Red Skull Alliance na paslangin siya ngayon pang alam na ng pesting dating crowned prince na buhay siya. Mas lalong magiging komplikado ang lahat.

Kahit ang Feathers Guild ay siguradong mahihirapan siyang kumbinsihim ito na tulungan siya. Lahat ng mga plano niya ay masisira at babalik sa kaniya.

Alam niya na ngayon kung gaano kalakas ang Flaming Sun Guild at ayaw na ayaw niyang banggain ito. Ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang sarili niya.

Literal na iniisip niya na ang mga bagay na ito na posibleng mangyari. Ang huling tulong na maaari niyang ibigay sa Dou City lalo na sa Hollow Earth Kingdom ay baka malabong mangyari ito kapag nabunyag ang sikreto niya.

Isang pagpapanggap ang ginagawa niyang pagpasok sa Flaming Sun Guild. Hindi niya layuning tumagal rito at idamay sa mas malaking personal na problema niya.

Ngunit kung inaakala ni Wong Ming na dito sila pupunta at titigil ay nagkakamali siya dahil tuloy-tuloy lamang ang paglipad ng mga Flying Red Horses habang hila-hila ang ordinaryong karwaheng sakay-sakay sila rito.

Tumungo sila sa isa pang malaking lumulutang na isla. Kung apat lamang ang bantay sa naunang mga lumulutang na mga isla, dito naman ay sampong mga Aerial Guards ang nakabantay.

Apat sa labas habang mayroong isang malaking gusaling may anim na naglalakihang mga pintuan.

Dito ay tumigil na sa paglipad ang anim na mga Flying Red Horses na humihila sa karwahe.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming sa nakita niya. Wala man lang nakaukit na pangalan sa mga pintuang ito.

Parang tangang nagpatianod si Wong Ming palabas ng sinakyan nila kanina. Halatang parang wala pa rin siyang kaalam-alam sa nangyayari.

Piningot pa ni Wong Ming ang mga tenga upang malaman kung nananaginip siya ng gising.

Napahiyaw naman si Wong Ming ng mahina na siyang ikinatawa naman ni Punong Maestro Duyi.

"Nandirito tayo ngayon sa Cultivation Rooms ng mga Inner Disciple. Maraming mga tanim na mga iba't-ibang cultivation resources dito maging ng mga iba't-ibang mga uri ng magical beasts. Hahayaan kitang manguha rito ng mga cultivation resources ngunit tatlo lamang ang maaaring kunin mo. Kung manganib man ang buhay mo ay durugin mo lamang ang maliit na batong ito upang makalabas ka kaagad ng lugar na pupuntahan mo." Seryosong wika ni Punong Maestro Duyi sabay abot ng itim na batong hawak nito sa kulubot nitong kanang kamay.

Agad namang kinuha ito ni Wong Ming sabay sabing " talaga po Punong Maestro Duyi? Hindi ba bawal ito?!" Tila nag-aalangang saad ni Wong Ming habang napakamot pa ito sa ulo.

"Hindi bawal ito. Mayroon itong pahintulot ng Guild Master Zhiqiang at ng mga Vice-Guild Masters ng ating Flaming Sun Guild dahil sa ginawa mong performance na nagpaantig sa kanilang damdamin." Masayang wika ni Punong Maestro Duyi na kitang-kita ang kasiyahan nito sa mukha.

Napangiti naman si Wong Ming dahil dito.

"Maraming salamat po Punong Maestro, hindi ko po makakalimutan ito." Nakangiting turan rin ni Wong Ming habang nakatingin kay Punong Maestro Duyi.

"Aba'y dapat lamang na galingan mo pa lalo. Wag mong sayangin ang oportunidad na ito. Dapat lamang na makakuha ka ng kahit isa man lang na cultivation resources sinasabi ko sayo." Seryosong pagpapaalala pa ni Punong Maestro Duyi habang nakangiti ito kay Wong Ming.

"Oo naman po Punong Maestro. Di ko sasayangin ang pagkakataong ito. Maraming salamat po!" Masayang sambit ni Wong Ming habang nagbigay-galang pa ito sa pamamagitan ng pagyuko.

"O siya, tama na yan. Basta isipin mo ang kaligtasan mo ha at mag-ingat ka sa lugar na patutunguhan mo sa silid na iyon. Hanggang dito na lamang ang maitutulong ko sa'yo." Seryosong wika ni Punong Maestro Duyi habang nakangiti pa itong pinaaalalahanan si Wong Ming.

Napatango na lamang si Wong Ming at napatalikod na kay Punong Maestro Duyi. Kumakaway pa ito habang tinutungo nito ang isang pintuang itinuro ni Punong Maestro Duyi.