webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 662

RRRRR! RRRR! RRRRR!

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang unti-unting pagyanig ng mga lupa.

Bagong labas pa lamang ng Vermilion Fruit ngunit mukhang magiging madugo ang labanang mangyayaring ito.

Kitang-kita na ni Wong Ming na biglang nawala na lamang na parang bula ang dalawa niyang mga kasamahan.

Mukhang sasali na ang mga ito sa nasabing labanan.

Ang masasabi ni Wong Ming ay hindi pa ito ang oras upang komprontahin ng harap-harapan ang mga kalaban niya.

Kitang-kita niya ngayon ang overall disciples na natitira na lamang sa ginagawang Courtyard Friendly Match.

3 West Courtyard Disciples, 2 North Courtyard Disciples, 3 South Courtyard Disciples habang 4 ang East Courtyard Disciples. Sa pangkalahatan ay nasa labindalawa na lamang ang natirang mga disipulo.

Hindi maipagkakailang ang East Courtyard Disciples ang may pinakamaraming miyembro sa kasalukuyan.

Mukhang may hindi magandang kutob si Wong Ming sa pangyayaring ito. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat ng ito.

At mukhang mas gugulo pa dahil tanaw na tanaw niya ang maraming mga magical beasts. Di aakalain ni Wong Ming na sobrang dami ng mga ito.

Napatigil pa ang mga dispulong naglalaban ngunit hindi nagpatinag ang mga ito. Laban kung laban, atake man kung atake.

Kitang-kita rin ni Wong Ming ang mga naglalakihang mga mababangis na ibong lumilipad at iba pang mga flying type beasts ngunit hindi sila makalapit sa lugar na ito.

Sigurado si Wong Ming na mayroong mga pambihirang harang sa ere. Talaga nga namang hindi maipagkakailang hindi magawa ng mga itong makisali dahil tila may kung ano'ng klaseng balik sa mga halimaw sa tuwing susubukan ng mga itong lumapit sa pambihirang harang.

Ngunit ang mga halimaw na papalapit ay hindi nagpaawat.

BANG! BANG! BANG!

Walang nagawa ang mga dispulong kalahok kung hindi ang mahati ang atensyon ng mga ito dahil sa nakapaligid na mga kalaban nila.

Mukhang nagkatinginan pa ang tatlong magka-courtyard at gustong patumbahin ang mga East Courtyard Disciples.

Skill: Wind Blades!

Skill: Fiery Balls!

Skill: Earth Plates!

Kitang-kita ni Wong Ming na pinagtutulungan ng tatlong courtyards ang East Courtyard Disciples.

Masasabi ni Wong Ming na isang epektibong bagay ang nagawa ng mga ito ngunit hindi naging madali ang mga ito.

Lumipad sa ere ang tatlong East Courtyard Disciples at gumawa ng Formation Skill ang mga ito habang ang isang miyembro ng mga ito ay taga depensa.

Formation Skill: East Dragon!

Lumitaw ang kakaibang anino ng isang dambuhalang dragon.

Hindi mapigilang mamangha ni Wong Ming dahil sa pangyayaring ito.

Isang Core Skill ito na nangangailangan ng tatlo o higit pa ang paggawa nito. Dahil tatlo lamang ang gumawa nito ay masyadong mahina ito idagdag pang mga Purple Realm Experts lamang ang mga ito.

Ang East Dragon ay maituturing na isang Golden Dragon kaya alam niyang kahit tatlong Golden Realm Experts lamang ang magsagawa nito ay siguradong lilitaw ang totong kaanyuan at mae-execute ng mga ito ang kabuuang lakas ng isang East Dragon Skill!

Magkagayon pa man ay nagawang umopensa ng East Courtyard Disciples laban sa tatlong nagkakampihang mga courtyard.

Napag-alaman niyang sina River Cave, Dreamy Lad, Ocean Boy at ang pinakalider nilang babae na may palayaw na Cosmos Wave ang bumubuo sa East Courtyard Disciples na natitira habang ang isa sa mga ito ay na-eliminate sa hindi malamang dahilan.

Alam ni Wong Ming na may kinalaman siya rito ngunit isang kompetisyon ito. Hindi niya kailangan magbait-baitan para sa kapakanan ng iba na wala ring pakialam sa kaniyang existence.

Hindi naman nagpahuli ang Tatlong magka-courtyard at gumawa rin ng three combination formation na pinangunahan ng South Courtyard na si Assassin Helm na sa tingin ni Wong Ming ay siyang tumatayong lider ng grupong ito.

Naging malala ang buong sitwasyon ngunit natalo ng tatlong nagkampihang mga iba't-ibang Courtyards ang pagpapatumba sa lahat ng miyembro ng East Courtyard Disciples.

Rinig na rinig pa niya ang nanggagalaiting wika ng mga East Courtyard Disciples bago pa sila nai-teleport palabas ng lugar na ito.

Dumako naman ang atensyon ng mga ito sa nakalutang na malaking Vermilion Fruit sa itaas na bahagi ng Flaming Sun Guild Tower.

Akmang kukunin na ni Assassin Helm kasunod ni Blazing Fan ang Vermilion Fruit nang biglang nakaramdam ang mga ito na tila may tumarak sa dibdib nila mula sa kanilang likuran.

Agad na napalingon sina Assassin Helm at Blazing Fan sa mga natitirang disipulo ng North Courtyard Disciples at West Courtyard Disciples.

"An-ano'ng ginagawa niyo?! Hindi ba't napagdesisyunan na nating hatiin ang Vermilion Fruit na ito sa tatlong parte?!" Naguguluhang wika ni Assassin Helm habang palipat-lipat ang mga tingin nito at kakikitaan ng galit sa mga mata nito.

"Nalinlang tayo Assassin Helm. Mukhang tuso ang mga ito at nakuha pa nila tsyog traydurin!" Nanggagalaiting sambit rin ni Blazing Fan habang napadura pa ito na siyang nalaglag sa mismong mukha ng isang nakangising demonyong kalahok na isang West Courtyard Disciple.

"Hindi namin kasalanan iyon kung nagtitiwala kayo ng lubusan sa amin. Alalahanin niyong makakalaban tayo rito hahahaha!" Malademonyong sambit ng isang disipulo na may palayaw na Rage. Sa palayaw pa lamang nito ay halatang tataas ang dugo mo rito. Kung may nakakakilala rito ay siguradong masama talaga ang ugali ng naturang nilalang na ito. Pinahid nito ang durang pinakawalan ng kalaban nilang patalikod nilang inatake.

"Yan ang nakukuha ng mga feeling leader at pakialamero. Tama nga at nagpasikat ka ng mapinsala ka namin sa napakaperpektong pamamaraan.

Magsasalita pa sana si Assassin Helm maging si Blazing Fan ay bigla na lamang naglaho ang mga katawan ng mga ito palabas ng lugar na ito habang kitang-kita na nagngingitngit ang mga ito sa sobrang galit.

Bago pa man ang mawala ang dalawang Kasamahan ni Wong Ming ay tumingin pa ang mga ito rito. Sa mga tinging iyon ay nagpapahiwatig na iganti sila dahil sa pagtatraydor ng mga ganid na kapwa nila disipulo sa kanila.

Mabuti na lamang at hindi ito napansin ng mga natitirang disipulo ng North Courtyard at West Courtyard.

Ngunit ang tuwang naramdaman ng mga North Courtyard Disciple ay napalitan ng pagkasindak nang makitang tiningnan sila ng mga outer disciples ng West Courtyard.

Kitang-kita na parang natuod ang mga ito sa kanilang kinatatayuan at sinubukan pang lisanin ang lugar na ito.

Bago pa man kasi tumakas ang tatlong mga North Courtyard Disciples ay lumitaw ang dalawang West Courtyard Disciples sa harapan ng mga ito at pinagtataga ng mga naghahabaang espadang hawak-hawak ng mga ito.

Walang kalaban-laban ang North Courtyard Disciple sa mga ito lalo pa't mga Early at Middle Purple Blood Realm Experts lamang ang mga ito habang ang kanilang kalabang dalawang ekspertong miyembro ng West Courtyard Disciples ay nasa Late Purple Blood Realm Experts ang mga ito.

Sa lagay nito ay halatang walang laban ang mga ito rito.

SHA! SHA!

Kitang-kita ni Wong Ming at rinig na rinig niya ang pagsirit ng dugo matapos bunutin ng dalawang manlalahok na miyembro ng West Courtyard ang kanya-kanyang espada sa kaawa-awang katawan ng pinaslang ng mga ito.

Tap! Tap!

Akmang lilipad pa ang mga ito nang mayroong tumapik sa likuran nila.