webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 660

Hindi pa nakakalayo si Wong Ming ay kitang-kita ni Wong Ming na may nakasunod sa kaniyang dalawang nilalang.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay mga disipulo ito ng West Courtyard.

"Talaga nga namang minamalas ako o!" Tanging nasabi na lamang ni Wong Ming nang mapansing may sumusunod sa kaniya.

Halatang nagmamadali ang mga itong sundan siya. Hindi niya aakalaing matagpuan ng mga ito siya.

Sigurado siyang nakita na siya nito kanina pa. Wala siyang ibang magagawa kung hindi ang iwasan ang mga ito. Dalawang late Purple Blood Realm Experts ang mga ito.

Kita sa dalawang nilalang na ito na nakangising demonyo ang mga ito.

Gamit ang shadow steps ni Wong Ming ay mas binilisan pa ni Wong Ming ang kaniyang mga kilos. Takbo at talon ang ginagawa ni Wong Ming. Masyadong malayo ang agwat ng mga puno sa lugar na ito.

Kitang-kita niyang sinusundan pa siya nito habang unti-unting pumwesto ang mga ito na akmang aatake.

Kitang-kita ni Wong Ming ang mga panang inilabas nga ito at itinutok sa direksyon niya.

Nakaramdam naman ng panganib si Wong Ming.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanomg sumabog ang mga panang iyon patungo sa tinatamaan nito. Hindi nakaligtas ang mga sanga't maging ang naglalakihang mga batong tinatapakan ni Wong Ming at muntik pa siyang masugatan dahil rito.

Ngunit sa pagkakataong ito ay naging maingat siya. Alam niyang hindi magiging madali ito sa kaniya ngunit alam niyang wala siyang dapat pagpipilian kundi ang gawin ito.

Walang pakialam si Wong Ming sa mga ito at tanging ang pagtakas ang naisip niyang mangyari.

Kitang-kita ni Wong Ming ang isang South Courtyard Disciple na nasa isang malaking sanga. Alam niyang nagtatago ito at kahit na gustong humingi ng tulong ni Wong Ming rito ay mukhang hindi siya nito tutulungan.

Alam ni Wong Ming na nakita siya nito dahil ilang metro lamang ang layo niya rito ngunit parang wala lamang itong nakita.

Hindi alam ni Wong Ming na ganito ang mangyayari. Isang courtyard sila at mukhang sa pagkakataong ito ay pagiging makasarili ang pinaiiral ng mga ito.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang tumakbo ng tumakbo habang ginagamit nito ang kaniyang sariling shadow steps.

Ayaw man nitong aminin ngunit hindi manhid si Wong Ming upang hindi malaman ang bagay na ito.

Gustong manalo ng mga ito at tila naging banta ang tingin ng dalawang West Courtyard Disciples dahil sa nakita nitong ginawa niya.

Hanggang sa nakita na lamang ni Wong Ming abg sarili niyang nasa dead end. Kitang-kita ng sarili niya ang malawak ngunit napadilim na kailaliman ng bangin na siyang napahinto siya sa kaniyang kinaroroonan upang balansehin ang sarili niya.

Maraming enerhiya ang nasayang niya at alam niyang di niya kakayanin ang mga ito kung sakali.

"Sumuko ka na at ibigay mo samin ang labi ng isang Fifth Grade na Magical Plant na iyon maging ang pambihirang itlog ng Aquatic Flying Snake!" Malademonyong sambit ng isang West Courtyard Disciple na kitang-kita ang sarili nitong wala man lang paggalang.

Hindi naman nagpatinag si Wong Ming sa sinabing ito ng isang outer disciple na siyang kalaban niya.

"Hindi ko maaaring gawin iyon. Ako ang naghirap sa pagpaslang sa halimaw na iyon!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang nakakunot noo itong nagpalipat-lipat ng tingin sa mga kalaban niya.

"Ngunit wala kang pagpipilian totoy! Kakayanin mo ba kami ha?! Isa ka lamang hamak na Middle Purple Blood Realm Expert at wala kang laban sa amin!" Nakangising demonyong saad naman ng isa pang outer disciple na nabibilang sa West Courtyard.

Nagpapatunog pa ng mga buto nito sa daliri ang nasabing mga kalaban ni Wong Ming. Hindi niya aakalaing gagawin ng mga ito ang pamamaraan upang lamangan siya. Hindi naging maganda ang pakiramdam ni Wong Ming rito.

Napaka-unfair nito at halos wala na siyang lakas upang kalabanin ang mga West Courtyard Disciple na siyang kalaban niya.

Kahit na ibunyag niya ang sariling kakayahan ay wala ring mangyayari at mapapaslang rin siya ng mga ito ngunit mabubuko siya ng lahat na isa siyang Golden Vein Realm Expert at hindi isang hamak na Middle Purple Blood Realm Expert.

Nakakapanlumo kay Wong Ming ang ganitong senaryo. Hindi maaaring masira ang mga plano niyang ito.

"Hinding-hindi ko ibibigay ang mga nakuha kong mga bagay para sa pansariling interes niyo lamang. Pinaghirapan ko to!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na unti-unti na itong naiinis.

"Isang kompetisyon ito totoy at hindi kami papayag na kayo lamang ang magwagi. Ginawa na namin ang lahat ngunit mukhang minalas ka't kami ang nakaharap mo!" Nakangising sambit naman ng isang kasamahang kalaban nito.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na hindi mainis sa mga ito.

Mukhang kasalanan niya rin naman kung bakit naging ganito. Pinaghandaan talaga ng kalaban niya ang pagkakataong ito at mukhang may chasing skills ang mga ito.

Tiningnan naman ni Wong Ming ang mga suot sa paa ng mga ito at kitang-kita niya ang pambihirang mga magical boots na suot ng mga ito.

Dito ay napatunayan niyang malalakas at may koneksyon ang mga ito sa kanilang mga seniors.

Mukhang ang kanilang South Courtyard lamang ang maituturing na sobrang hina sa apat na Courtyard.

"Hindi ako naniniwalang mananalo kayo dahil lamang sa akin. Marami pang mas malalakas na mga disipulo ang maaari niyong biktimahin tama?!" Nakangiting pekeng saad ni Wong Ming habang ginagamitan niya ng mind tricks ang mga ito.

Kailangan niyang mag-isip ng mga dapat gawin. Alam niyang mauuwi't mauuwi sa hindi maganda ang takbong ito lalo na sa kaniya. Halos said na ang mga enerhiya sa loob ng dantian niya at wala na siyang naiisp na paraan kundi ang isang bagay na iyon.

"Hahaha... Wag mo kaming utuin totoy dahil hindi ako natutuwa sa pinagsasabi mo. Pagkatapos ka naming ligpitin ay sila naman ang isusunod namin!" Nasasayahang sambit ng West Courtyard Disciple at humakbang na ito palapit sa direksyon nito.

"Tama ka diyan. Ano'ng akala nito ay malilinlang mo kami ha?! Sinasabi namin sayo na isuko mo ang mga bagay na iyon. Tutal ay mabait naman kami ay hindi na namin kikitlin ang buhay mo hehehe!" Nakangising demonyong turan ng isang West Courtyard Disciple na nagkatinginan pa ito sa isang Kasamahan nito.

Ngunit bigla na lamang napangisi si Wong Ming sa tinuran ng dalawang West Courtyard Disciples at mabilis na nagwika." Mukha ba kong Tanga upang ibigay ko ang mga kayamanang nakuha ko mismo?! Mukhang maganda ang sinasabi mo ngunit salamat na Lang!" Malakas na wika ni Wong Ming habang pinaningkitan njya ng kaniyang mata ang mga ito.

Mabilis na nagpatihulog ang katawan ni Wong Ming sa bangin.

"Wag!" Sabay na wika ng mga kalaban ni Wong Ming dahil sa ginawa nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na walabg nagbalak na sundan siyang magpahulog sa napakalalim na banging ito.