webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 656

Naalala ni Wong Ming na malakas nga pala ang kalaban niya at tila mataas din ang lebel ng Cultivation nito. Sa tantiya niya ay isang Late Purple Blood Realm Expert ito samantalang ang restrictions niya ay nasa Middle Purple Blood Realm pa rin siya. Hindi aakalain ni Wong Ming na mas lalong hindi magiging madali ang pagpapatumba niya sa isang ito.

Ngayon ay may namuo nang teorya kay Wong Ming na isang cloning ability ang meron ang kalaban niya o morphing ability na kayang gawin ang sarili nito sa iba't-ibang klaseng anyo.

Hindi natatapos ang ganong klase ng atake ng kalaban nito dahil bigla na lamang itong sunugod kay Wong Ming.

Gamit ang mahabang espada nitong may bahid pa ng dugo ng napaslang na North Courtyard Disciple ay hindi ito natinag sa presensya ni Wong Ming.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakalapit na ito sa kinaroroonan ni Wong Ming na siyang ikinagulat ni Wong Ming.

TAH!

Napangiti ang kalaban ni Wong Ming nang mapansin na tumarak na sa binata ang mahabang espada nito.

"Tapos ka na ngayon pakialamero!" Nakangising demonyong ani ng kalaban nitong huwad.

Ngunit nakita nito kung paanong nawala bigla ang nasabing kaanyuan ni Wong Ming na siyang ikinagulat nito ng malala dahil namimilog ang mga mata nito.

Malakas na sinipa ni Wong Ming ang kalaban nito dahilan upang tumalsik ito sa malayo.

BANG!

Rinig naman ni Wong Ming ang malakas na pagsabog na pinagtalsikan ng kalaban nito.

Ngunit bigla niyang nakitang papasugod ito sa kinaroroonan nito dahilan upang sumeryoso ang mukha ni Wong Ming.

Mabilis na inilabas nito ang sampong Sword Needles na siyang napakatalas. Halatang medyo nagbago ito dahil sa nangyaring pag-unlad ng insights niya sa mga Demon Ice Symbols.

Hindi makapaniwala si Wong Ming dahil ang kaniyang sariling pangunahing sandata ay susubukan niya ang lakas nito sa agresibong kalaban nito.

Kitang-kita kung paanong ang mga sword needles ay parang sumasayaw sa kamay at braso ni Wong Ming hanggang sa ibinato niya ito patungo sa direksyon ng kinakalaban niyang huwad na nilalang.

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita niyang malalakas at mabibilis na pinagsasangga ng kalaban niya ang sampong Sword Needles na malalakas na umaatake't timatalsik ngunit hindi naman pinalagpas ni Wong Ming ang pag-corener niya sa kalaban niya sa kasalukuyan.

Nakakita si Wong Ming ng weak ng kalaban niya at doon ay mariin niyang iniba ang taktika niya.

SLASH! SLASH! SLASH!

Rinig na rinig ni Wong Ming kung paanong madaplisan ng dalawang sword needles niya ang bandang gilid ng kalaban niya habang ang isang sword needles naman ay dumaplis sa kanang bahagi ng braso nito na siyang ikinasiya ni Wong Ming.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Hindi nagpakita ng awa si Wong Ming sa kaniyang kalaban dahil maaaring ito pa ang maging hadlang sa gagawin niya.

Hindi niya man gustong magkaroon ng kalaban ngayon ngunit mapanlinlang at tuso ang nilalang na siyang kinakalaban niya. Mas mabuti ng mawala ang isang malaking threat sa pagkapanalo nilang nabibilang sa South Courtyard.

Mahalaga sa kaniya ang mga nakahandang papremyo sa Courtyard Friendly Match na ito na personal na dinaluhan ng Guild Master at lahat ng nasasakupan nito. Isa na siyang Golden Vein Realm Expert kaya kinakailangan niya ang mga ganoong mga cultivation resources.

"Malakas ka ngunit hindi mo pa rin ako matatalo. Isang boundaries man ang agwat natin ay sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang huling halakhak!" Puno ng kumpiyansa turan ng kalaban ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi nito iniinda ang natamo nitong mga sugat na dinulot ng mismong sword needles ni Wong Ming.

"Ngunit base sa kilos mo ay alam kong hindi ka naman isang mahusay na swordsman. Talagang mapanlinlang lamang ang kaanyuan mo." Kalmadong wika ni Wong Ming dahil ayaw niyang patulan ang pinagsasabi nito.

Mataas nga ang cultivation level nito ngunit ang uri ng paglaban nito ay masasabing ordinaryo lamang.

"Talagang iniinsulto mo pa ko isang hamak na West Courtyard Disciple. Wag kang mag-alala dahil magiging makabuluhan ang pagsali mo rito!" Mapanghamak na saad ng kalaban ni Wong Ming na kakikitaan ng kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

Tila nagulat naman si Wong Ming nang biglang naramdaman nito ang kakaibang awrang biglang umalpas sa hawak na espada ng kaniyang kalaban.

Alam na alam ito ni Wong Ming. Isang core skill ang nais isagawa ng kalaban nito gamit ang sandatang espada nito.

Core Skill: Dance of the Raven Sword!

Kitang-kita ni Wong Ming ang kakaibang enerhiyang nagmumula sa mismong talim ng espadang hawak ng kalaban niya. Tila naglalaman ito ng napakapurong enerhiya.

Biglang humangin ng malakas sa kinaroroonan nito na siyang ikinaalerto ni Wong Ming.

Sa halip na matakot si Wong Ming para sa kaligtasan niya ay hindi siya padadaig rito. Sa nagdaang mga tatlong buwan ay marami siyang natutunan kung kaya't natitiyak niyang handa na siyang gamitin ang mga itinago niyang mga Core Skill na gumagamit ng elemento ng yelo.

Core Skill: Ice Sword Pillars!

Nagliwanag ang tinatapakan ni Wong Ming habang nagpaikot-ikot sa kaniya ang sword needles hanggang sa lumubog ito sa kalupaan.

Rumble! Rumble! Rumble!

Nagkaroon ng pag-vibrate ng lupa hanggang sa lumikha na ito ng pagyanig na siyang palakas ng palakas. Mula sa ilalim na lupa ay lumitaw ang naglalakihang mga Sword Pillars na gawa sa yelo habang makikitang unti-unting lumutang ito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

TCH! TCH! TCH!

Talagang nagkaroon ng malalakas na pagbanggaan sa Sword Ice Pillars na pumoprotekta kay Wong Ming habang ang kalaban nito ay napakarahas ng sword intents na nakapalibot rito na tila sumasayaw ito sa hangin.

WOO! WOO! WOO!

Talagang malalakas ang hampas ng hangin at nagkaroon talaga ng malaking disturbances sa lugar na ito.

Wala na nga siyang nakikitang mga magical beast mula sa kinaroroonan nila sa pangyayaring ito.

Hinakbang si Wong Ming ang kaliwang paa niya dahilan upang mabilis na nakaramdam ng kakaiba ang kalaban nitong patuloy pa rin sa pag-atake upang sirain ang depensa ni Wong Ming ngunit hindi nito magawa.

Humakbang pa ulit si Wong Ming dahilan upang maramdam na ng kalaban nito ang kakaibang hatak ng enerhiya sa kaniya mula sa binatang kalaban nito.

Humakbang si Wong Ming ng dalawa pang beses dahilan upang mapatigil ang nasabing skill ng kalaban nito.

TAH!

kitang-kita ng mga ni Wong Ming kung paanong napatukod sa lupa ang isang tuhod ng kalaban nito habang nakatarak sa lupa ang nasabing hawak-hawak nitong espada.

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na ang ginagawa nito ay nararapat lamang. He want to supress his enemy.

Hindi niya kayang daanin sa mahinahong usapan ang nilalang na siyang hindi nagpapakilala. Hindi ito patas lumaban na siyang ikinababahala niyang makatagpo kung patatakasin pa niya ito.

Humakbang si Wong Ming ng limang beses at kitang-kita kung paanong kumislap ang sampong Ice Sword Pillars na nakapalibot sa kaniya.