webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 652

Mabilis na pinag-aralan ni Wong Ming ng maigi ang mga martial arts skill na binili niya mula sa bayan ng maglibot-libot siya roon. Buti na lamang at mayroon siyang mga martial arts skill na galing mismo sa Golden Crane City kung kaya't natitiyak niyang hindi niya kailangang mamroblema kung sakaling gusto niyang pag-ensayuhan ang mga martial arts skill na gusto niyang matutunan.

Mahaba-habang gabi na hanggang sa hindi namalayan ni Wong Ming na dalawang araw muli ang nakalilipas. Pag-eensayo at pagcucultivate ang ginagawa niya maging ang pag-aaral sa mga talismans ang naging gawain niya upang paghandaan pa lalo ang nalalapit na Friendly Match daw ngunit malabo namang mangyari iyon dahil kapag lalampa-lampa ka o tatanga-tanga ka ay baka matalo sila at hindi lamang iyon, magtatamo pa siya ng malaking pinsala na iniiwasan niyang mangyari.

Seryoso at buo ang loob ni Wong Ming na manalo gamit ang sariling kakayahan niya kahit na may restrictions ang lebel ng Cultivation niya. Malaki-laki din kasi ang maaaring makuha nilang papremyo na pambihirang Golden Enhancing Elixir na katumbas ng bawat isa ay isang daang Purple Enhancing Elixir.

Para sa mga Purple Heart Realm Experts ay siguradong malaking papremyo na ito maging kay Wong Ming rin. Kahit sa kanila ay bibihira lamang ang ganitong klaseng Golden Enhancing Elixir dahil na rin sa bibihira lamang ang mga alchemists na kayang gumawa nito idagdag pang ayaw rin ng mga elders ng kanilang pamilya sa kaniya na isang sampid lamang.

Naalala rin ni Wong Ming na mayroon din daw ibibigay na Core Skills ang sinumang mag-stand out sa nasabing friendly match.

Hindi naman alam ni Wong Ming ngunit alam niyang hindi siya masyadong close sa mga kapwa niya ka-courtyard. Ibang-iba din kasi kapag matalik na kaibigan o kakilala mo talaga ang mga ito ngunit susubukan niyang suportahan ang mga ito hangga't maaari. Kahit naman group battle ang mangyayari ay alam niyang may lamangan na mangyayari.

Gaganapin kasi ang friendly match sa malawak na circular platform ang nasabing laban kung kaya't natitiyak niyang manonood ang lahat maging ang mga matataas na mga pinuno ng Flaming Sun Guild.

Gagawin rin ni Wong Ming ang plano niya na kailangan niyang maging inner disciple sa lalong madaling panahon. Alam niyang kapag magbreakthrough na siya sa Middle Golden Vein Realm ay siguradong mahihirapan siyang suplayan o tugunan ang pangangailangan niya sa mga cultivation resources.

Limitado lamang ang mga Golden Realm Resources dito sa mga courtyard at mahihirapan na siyang paunlarin ang sariling kakayahan kung kaya't mas natitiyak niyang kailangan niyang tumanggap ng mga mahihirap na mga misyon sa labas ng Flaming Sun Guild. Isa pa ay hindi naman niya balak na maging alagain lamang ng sinalihan niyang guild at susundin niya ang pangunahing layunin niya rito.

Tanging ang mga inner disciples lamang ang maaaring lumabas o pumasok ng malaya sa Flaming Sun Guild maging ang tumanggap ng anumang klaseng misyon.

Yun lamang ay maaari din itong hudyat upang may malaking risk na mapinsala o mapaslang sila sa labas ng Flaming Sun Guild na siyang hindi maiiwasan lalo pa't ganoon naman talaga ang nangyayari sa bawat guild.

Ninanais ni Wong Ming na maging inner disciple at mangyayari lamang iyon sa susunod na buwan kapag nanalo siya.

Kaya ang atensyon niya ngayon ay manalo sa mangyayaring friendly match kung kaya't hindi namamalayan ni Wong Ming ang takbo ng oras hanggang sa tumayo na lamang ito sa kinauupuan nito upang magsimula ng maglakad pabalik sa manor na tinutuluyan nito sa South Courtyard na ito.

...

Dumating na ang araw ng sinasabing Friendly Match ng apat na magkakaibang courtyard. Puno ng buhay ang bawat lugar na ito ng Flaming Sun Guild.

Talaga nga namang masaya ang lahat lalo na ang mga matagal ng disipulo ng Flaming Sun Guild dahil parang naging tradisyon na ito.

Kada tatlong buwan ay nangyayari ito habang kada ikaapat na buwan naman ang Courtyard Group Battle.

Maiingay ang bawat parte ng gitnang bahagi ng Flaming Sun Guild. Talaga nga namang excited ang lahat hindi lamang ang mga matagal ng mga disipulo dahil unti-unti na ring dumating ang mga maestro at ang mga inner disciples at maging ang mga core disciples ay dumarating na rin.

Kakaiba ang suot na mga roba ang mga inner disciples. Kulay royal blue ang mga roba ng mga ito na may puting nagbabagang araw habang ang mga inner disciples naman ay kulay puting mga roba na may disenyo ng nagbabagang araw na kulay dilaw.

Talagang napaka-uniform ng kilos ng mga ito at halatang mayroong maayos na composure ang mga ito habang nakaupo sa mga nakatokang mga lugar na para lamang sa mga ito.

Tunay ngang nakakamangha ang mga ito. Ang mga maestro naman ay nakaupo malapit sa bawat mga courtyards na may kaunting espasyo lamang na nakahiwalay sa bawat courtyards.

Masasabi nitong tila ilang mga minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang Courtyard Friendly Match.

Tumunog ang isang malakas na trumpeta nang makita ng lahat ang paglipad papalapit sa lugar na ito ang lalaking nakasuot ng kulay ginintuang roba habang mayroon ding suot ng ginintuang roba ang mga nasa likod nitong tatlong nilalang.

Galing ang mga ito sa pinakamataas na floating island kung hindi nagkakamali si Wong Ming na nakatayo roon ang pinakamalaking manor ng Guild Master ng kanilang Flaming Sun Guild at ng tatlong mga Vice Guild Masters.

Tunay ngang mayroong mga kahulugan ang bawat robang suot nila. Ordinaryong disipulo man o hindi ay masasabing wala namang pambabastos na makikita sa mga mata ng lahat. Normal naman ito sapagkat hindi maaaring lahat ay inner disciples at hindi maaaring lahat sila ay maging Guild Masters. Walang ganon sa mundong ito upang maisaayos na rin ang pamamalakad ng pinuno sa mga nasasakupan nito.

Tahimik ang lahat sa pagdating ng Guild Master habang tumayo at nagbigay galang naman ang lahat ng sabay-sabay sa pagdating ng pinakapinuno ng Flaming Sun Guild nila.

Ito ang kauna-unahang nakita ni Wong Ming ng harap-harapan ang Guild Master nilang si Guild Master Zhiqiang.

Maging ang mga Vice Guild Masters naman ay ipinakilala rin isa-isa. Tatlo ang mga ito na ang dalawa ay mga lalaki habang ang isa ay isang babae. Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na may tinatagong mga lakas ang mga ito lalo na ang Guild Master Zhiqiang nila.

Mayroon pang binanggit ang MC ng nasabing gaganaping okasyon ngayon hanggang sa dumako na lamang ito sa pinakahinihintay ng lahat.

Unti-unting naglakad ang mga baguhang disipulo sa loob ng malawak na circular platform kasama na rito si Wong Ming habang ang pinakamalapit na manonood rito ay ang Guild Master at ang tatlong Vice Guild Masters ng kanilang Flaming Sun Guild.

Talagang makikita rin ang excitement sa mga ito kahit na seryosong nakatingin lamang sa kanila ang mga ito.

Maging ang maestro't mga iba't-ibang disipulo ay nasa kanila rin ang atensyon ng mga ito lalo na ang punong guro nilang si Maestro Duyi.