webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 650

Hindi namalayan ni Wong Ming na magiging maayos ang magiging buhay niya dito sa loob ng Flaming Sun Guild.

Bukod sa masaganang cultivation resources ay tila wala na siyang poproblemahin pa lalo na't halos lahat ng pangangailangan ng isang cultivator ay naririto na sa Flaming Sun Guild.

Magta-tatlong buwan na ang nakalilipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat ng mga bagay na ito sa buhay niya. Maraming mga bagay ang tila nadiskubre niya at mas pinalawak pa ito dahil sa mga librong nababasa niya maging ang mga itinuturo ng mga maestrong nasa loob ng Flaming Sun Guild.

Nalaman niyang ang Punong Maestro Duyi pala ay mayroong mga inaasahang apat na mahuhusay na mga maestrong nangunguna sa dalawampong mga maestrong nagtuturo din sa mga disipulo ng Flaming Sun Guild dahilan upang ang lahat ng mga disipulo ay matutukan lalo na ang mga baguhang disipulo.

Labis ang pasasalamat ni Wong Ming dahil tila nagbago ang pananaw niya at mas lumawak pa ito sa hindi niya malamang dahilan.

Iba pala talaga kapag nasa malakas na guild ka. Ang lahat ng mga bagay maging sa ayos at kilos ay kakikitaan ng mataas na kaalaman.

Mula sa basic hanggang sa komplikadong pamamaraan ay natutunan nila ito noong mga naunang linggo niya noon hanggang sa nasanay na si Wong Ming maging ang mga baguhang miyembro ng Flaming Sun Guild sa pamamaraang ito.

Nagkahiwa-hiwalay ng mga manor ang mga baguhang disipulo ayon na rin sa desisyon at tradisyon ng Flaming Sun Guild. Ang bawat mga manor ng outer disciple ay nahahati sa apat na courtyard na ayon sa direksyon. Ito ay ang South Courtyard, North Courtyard, East Courtyard at West Courtyard.

Isa si Wong Ming sa mga disipulo na inilagay sa South Courtyard na mayroong malalawak na parte ng mga taniman. Ang nasabing Courtyard na ito ay maituturing na may mga malalawak na taniman at agrikultura na siya namang nagustuhan ni Wong Ming.

Hindi ordinaryong mga tanim ang tinatanim rito o mortal na pagkain ng mga ordinaryong tao dahil mga cultivation herbs ang inaalagaan ng guild dahil ano pa ang silbi ng kanilang Flaming Sun Guild kung ordinaryong mga herbs ang itinatanim ng mga ito maging ng iba pa nilang mga pambihirang pananim.

Ang North Courtyard naman ay pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop ang kanilang ginagagawa sa araw-araw ngunit salitan ang kanilang paggawa ganoon din sa ibang mga courtyard. Kakaiba din ang mga inaalagaan ng mga ito dahil mga magical beasts ang mga ito ngunit ang mga less aggressive o pwedeng paamuhin katulad ng mga Milky Cows, Two Headed Goats at Giant Red Hens na kung produksyon lamang ng mga pagkain ay siguradong luluwa ang mga mata mo kapag makikita mo ang customized farm na dinesenyo mismo para suplayan ang buong Flaming Sun Guild.

Sa West Courtyard naman ay palaisdaan ang pangunahing ginagawa ng mga ito kaya hindi maipagkakailang sa kanila nagmumula ang isang pangunahing pagkain ng mga anumang uri ng isda rito ngunit nangunguna pa rin ang South Courtyard sa paghahanda ng mga ulam lalo pa't karamihan sa mga naririto ay gulay ang kinakain.

Hindi lang iba't-ibang mga pambihirang mga isda ang pinaparami rito kundi maging ng iba pang mga pambihirang lamang dagat o mga naninirahan sa matabang na tubig. Pagdating sa produksyon ay tila lugi ang North Courtyard. Kahit kasi hayaan mo lamang ang mga uri ng mga aquatic creatures sa mga katubigan ay siguradong dadami ang mga ito at masasabing hindi pa normal ang mga ito ay talagang dito pa lamang ay kayang suplayan ang lahat ng naririto.

Ang pinakahuling courtyard ay ang East Courtyard na isa sa pinakaespesyal na lugar sa buong Flaming Sun Guild. Isa ito sa gusto sanang puntahan at mapabilang ni Wong Ming ngunit ramdom ang paghahanay sa kanila sa bawat courtyard.

Ang tanging gagawin kasi rito ay mangolekta ng mga natural essences at energy dews dahil mga uri ng mga pambihirang mga Flowering Plants ang naririto. Halos karamihan rito ay mga kababaihan habang konti lamang ang mga kalalakihan na naririto.

Ngunit isa din ang East Courtyard sa pangunahing nagsusuplay ng mga cultivation essences sa buong Flaming Sun Guild na siyang may pinakamahalagang ginagawa rito.

Ang mga sobrang mga ani o mga resources ng alinman sa apat na courtyard na ito ay tinatransport ng mga mapagkakatiwalaang mga disipulo ng Flaming Sun Guild upang ipagpalit ng mga iba't-ibang kagamitan, kasangkapan, kayamanan maging ng iba pang bagay kagaya ng salapi't mahahalagang pangangailangan ng Flaming Sun Guild.

Ang bawat courtyard ay mayroong libo-libong disipulo at pawang mga Outer Disciples ang mga ito habang ilang daan lamang ang mga Inner Disciples at wala pang alam si Wong Ming kung ilan ang bilang ng mga Core Disciples o Direct Disciple ng Flaming Sun Guild na siyang unti-unti niyang tutuklasin.

Biglang naisip ni Wong Ming ang kasalukuyan niyang kinaroroonan na walang iba kundi ang South Courtyard.

Hindi na bago sa kaniya ang ganitong klaseng kapaligiran. Naalala niya pa noong si Li Xiaolong pa siya na ang kanilang Li Clan ay namuhay noon sa Green Valley kung saan siya namulat sa kahirapan ng buhay dulot ng mapang-abusong pagtrato sa kanila ng Sky Flame Kingdom.

Wala naman siyang naging galit pa rito liban na lamang sa dating Crowned Prince na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng daan ang nasabing Red Skull Alliance upang masalakay ang kaharian lalo na ang Sky Ice Kingdom na pinakamahina sa lahat.

Pagak na napangiti na lamang si Wong Ming sa nangyari. Masasabi niyang stable ang emosyon niya at masasabing nakaramdam siya ng satisfaction sa kasalukuyan niyang buhay.

Wala na ang kanilang Li Clan maging ang iba pang maliliit na angkan. Tanging ang Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom na lamang ang nag-eexist maging Dou City sa lugar na pinagmulan niya.

Lumala rin ang kalagayan nito nitong nagdaang tatlong taon. Malaki talaga ang internal conflicts sa loob ng Dou City.

Ang balitang ito ay nagmula mismo sa Feathers Guild. Mabuti na lamang at kada katapusan ng buwan ay malaya silang pinapalabas ng kanilang Flaming Sun Guild na aprobado ng mismong Guild Master. Ang ganitong klaseng patakaran ay mga baguhang disipulo lamang ang nakakabenepisyo habang ang mga dati ng mga disipulo ay naka-schedule na rin sa ibang mga petsa.

Hindi naman gugustuhin ng mismong pamamahala ng Flaming Sun Guild na lahat ay makakalabas dahil walang maiiwan.

Uso pa naman ang mga banta o panganib mula sa labas ng mga Guilds ngunit naagapan naman ito ng Flaming Sun Guild dahil hindi na bago ang ganitong klaseng kaganapan.

Kahit saan naman ay nangyayari ang ganitong klaseng suliranin at maituturing na normal na lamang para sa lahat. Kahit nga sa Li Clan noon naging sa apat na kaharian lalo na sa Dou City ay ganoon na ganoon din kung kaya't wala talagang lugar na perpekto, ang tanging magagawa mo lamang ay sumunod sa agos ng buhay at manatiling mapagmatyag sa mga posibleng mangyari bukas o sa hinaharap.